Books Should Be Free
Loyal Books
Free Public Domain Audiobooks & eBook Downloads
Search by: Title, Author or Keyword

Alamat ng Ilang-Ilang   By: (1880-1946)

Book cover

First Page:

[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.] [Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.]

=ALAMAT=

N~G

=ILANG ILANG=

KATHA NI

José N. Sevilla MANUNULAT SA "BUHAY PILIPINAS"

Unang pagkalimbag MAYNILA, S.P. 1908

LIMBAGAN NI E.C. ESTRELLA, BUSTILLOS BLG 9, (SAMPALOK) TELEFONO 1199

Ilang Ilang

Niaó'y buwán n~g Diciembre at ang malamíg na simoy ay umáanyaya sa tanáng na sumangap n~g maligayang sandalíng iniáalay n~g kaparan~gan, at bagá man dito sa ati'y di kaugalian ang magaksayá n~g panahón sa paglilibáng, ay ilan kong m~ga kaibigan ang nakipagyari sa akin na kami'y maglakbáy sa kagubatan n~g Mindoro, upang doo'y magparaan n~g maligayang panahón sa pan~ga~ngaso.

Hindi naglipat araw at guínanáp namin ang pinagkásunduán at karakaraka'y ang aming m~ga áso'y naka amóy n~g lungá marahil n~g usa kaya't unahán kamíng sumunód sa tun~go n~g kaniláng m~ga tahulan. Sa pagtugaygáy na iyaó'y nátiwalág akó sa aking m~ga kasama at sumandalíng humimpíl sa lilim n~g isáng mayabong na kahoy na di ko alumana kung anó ang kanyang pan~galán, bagá mang labis akóng nápapataká na sa gayong ilang ay masamyo ko ang di maisaysáy na ban~go na lubháng laganap sa kagubatan na pinaiibayuhan ang ban~go n~g sa tanáng sampaga.

Nakaraán ang isáng malakíng bahagui n~g araw at ang pagkainíp ay sumagui sa akin, sa di pagkárin~gíg n~g anománg hudyát na amíng pinagkasunduan, at di ko naman malaman kung saán sila napatun~go, Kung sukatin ko naman n~g malas ang napakalawak na gubat na namámagitan sa akin at sa kabayanan, ay lubha akóng nalululá sa di matapós tapos na m~ga dawag, na sumasatitig. Ang panglulumó ay naghari sa aking damdaming di sanáy sa gayóng m~ga ilang at nawalán ako n~g kayang lumayo pá't tuntunin ang landas, sa pan~gan~ganib na sa pagsasápalaran kó'y makásalubong n~g mababan~gis na Tamaraw.[1]

Ano pa't ang pan~gan~gambá'y lumaganap sa aking kalagayan at sa kadahilanang itó'y inihanda ko ang tagláy na baril, upang ipagsangalang kung itó'y kákailan~ganin, subli't lalong lumalâ ang aking pan~gin~gilabot, nang mausisá kong walâ ang m~ga punglong taglay at nahulog sa aming pagtatakbuhan, n~g di ko man lama~g náalumana. Gumiyaguis na n~ga sa akin ang lubháng malaking pan~gan~gambá at n~g tumamà ang aking m~ga titig sa nan~gun~gulimlím na panan~glaw sa Sandaidig, ay napagsiya kong nan~gun~gubli nang nagmamadali sa likod n~g isáng matarik na bundok sa kalunuran.

Ang pag aalinlan~gan ay namalagui pang sumandali sa pagayóng anyo na nakapan~gin~gilabot na bantá n~g pagkalun~gi at lubháng binabagabag ang di ko hirating kalooban sa gayong kasindak sindak na kalagayan, nang sa di kawasà'y nakamalas ako n~g isáng matandá, na nagbubuhat sa kalaliman n~g isáng masukal na yun~gib na makubli't mámatâan ko sa kasukalan n~g gubat.

Sa pag áantay na itó sa inaasahang tagapagtangol marahil sa kapan~ganibang kong kinalalagyang, ay sumaguí naman sa aking ala ala ang m~ga singaw lupang lagui kong narin~gig sa matatandang alamat na ibinadhâ tuwi na, n~g nan~gamatay ko nang m~ga nuno. Baga mang ang pagkatakot ay labis na nagpapasakit, ay pinapaghari korin sa sárili ang mayamang aral n~g CATOLICISMO, na pinagsikapan n~g aking m~ga magulang na siya kong palaguing panangnan sa anó mang kapan~ganyayang haharap at ang pakatiwalà kong itó'y siyang bumubuhay n~g aking loob.

Sa aking mahabang pánanalan~gin ay dumating din ang inaantabayanan nang hindi man lamang ako nainip at pagkalapit niya sa aking kinalalagyan, ay naulinig ko pa ang ganitong pag aawit:

Oh hiwagang lagui sa m~ga pan~garap aliwan n~g laguim na nagpapahirap Ikaw n~ga ang siyang wagas kong pag asa, na magkakandili sa luoy kong puso na pinakaapi at tuwi tuwi na'y inayop n~g dusa; at siyang hantungan n~g m~ga paghamak ang nilun~goy lun~goy n~g aba kong palad... Continue reading book >>




eBook Downloads
ePUB eBook
• iBooks for iPhone and iPad
• Nook
• Sony Reader
Read eBook
• Load eBook in browser
Text File eBook
• Computers
• Windows
• Mac

Review this book



Popular Genres
More Genres
Languages
Paid Books