Books Should Be Free is now
Loyal Books
Free Public Domain Audiobooks & eBook Downloads
Search by: Title, Author or Keyword

Dating Pilipinas   By: (1878-1954?)

Book cover

First Page:

[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.]

[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.]

[Patalastas: Imprenta Libreria at Papeleria ni J. Martinez]

DATING PILIPINAS

SINULAT NI

SOFRONIO G. CALDERÓN

MAYNILA:

Imprenta, Librería at Papeleria

ni J. Martinez

Daan Jolo bilg. 310. Binundok.

=1907.=

Ipinagbibili ang aklat na ito sa lahat n~g aklatan dito sa Maynilà, at sa bahay nang sumulat, daang Lamayan, Bilg. 56, Sta. Ana. Maynilà.

=Kung pakyawan ay mura.=

Ang aklat na ito ay itinatalaga ko sa aking anák na si Sofronio G. Calderón.

=PAUNAWÁ.=

Ang aklat na ito ay pinagtiyagaan kong sinulat upáng magíng tulong ko kahi't kaunti sa m~ga di pa nakababatid n~g dating kasaysayan niring Lupang Tinubuan na n~gayo'y halos nalilibing sa limot. Marahil ay di na isinasaloob n~g iba na lin~gunin pa ang nakaraan; n~guni't kung ating didilidilihin ay lubhang mahalaga, sapagka't ang nakaraan ang siya nating pinagbabakasan n~g n~gayon sampu n~g hinaharap, siyang bumubuhay n~g m~ga bagay na nangyayari, siyang kumakandili n~g ating alaala sa ating m~ga kanunuan na ating pinagkautan~gan n~g buhay at bala na, at sa madaling sabi ay siyang pinakasalamin n~g madlá sa pamumuhay, na dahil dito ay pinagsikapan n~g halos lahat n~g lupain ang pagsiyasat at pag aaral n~g kanikanilang kasaysayan.

Sa kasaysayang ito ay di ko muna inilakip ang sa m~ga taong gubat at ang sa kamorohan, sapagka't ang una ay di pa lubhang kilala ang wika sampú nang boong paraa't ayos n~g pamumuhay, saka kapua may kahabaang salaysayin lalong lalo na ang sa kamorohan na may kilala't sariling kasaysayang nain~gatan; at dahil sa m~ga dahilan ito ay minagaling kong unahin itong pinakamahalaga sa atin upáng huag lubhang humabà at tuloy makaya n~g lahat ang halaga, sapagka't kung papagsasabaysabayin ay mamabigatin n~g karamihan ang halaga sa kamahalan n~gayon n~g pagpapalimbag.

Tuloy ipinauunawa ko na ang kasaysayang ito ay hinan~go ko sa m~ga aklat nina P. Chirino, P. Delgado, P. Colin, P. Placencia, Morga, Dr. P. de Tavera. Sa salaysay ni Pigafetta, sa m~ga paaninao ni Dr. Rizal at kaonti sa m~ga aklat nina Blair at Robertson at gayon din sa m~ga kasaysayan ni Dr. Barrows at Comisionado Dean C. Worcester. Marahil din naman ay may kaonting kulang pa ito, dahil sa di ko pagkasumpong n~g lahat ng kasaysayang kailan~gan, n~gunit inaasahan kong ito ang m~ga pinakamahalaga.

Ipinauunawa ko rin na ang aking pagkasulat nito ay utang na loob ko sa aking amaing si G. Felipe G. Calderón, kay Mr. J.H. Lamb, at kay Dr. James B. Rodgers na nan~gagkatiwala sa akin n~g kanilang m~ga aklat na nabangit ko sa unahan nito na n~gayo'y mahirap man~gasumpun~gan.

Sofronio G. Calderón

=Unang Pangkat.=

=M~ga Unang Tao Rito.=

Isa sa m~ga lahing hangang n~gayo'y nan~gananahan dito sa m~ga kapuluang Pilipinas ay ang m~ga "Itim" ó "Ita", at sapagka't ayon sa kapaniwalaan ay siyang unang nan~gamayan dito ay di n~ga maliligtaan sa kasaysayan n~g Pilipinas.

Ang dami, di umano, n~g m~ga ito ay may tatlong yuta at pawang nan~gananahan sa m~ga gubat at bundukin n~g Bataan at Sambales at sa Silan~ganang bundukin n~g dakong hilaga n~g Luzon na mula sa Cabo Engaño hangang Baler. May man~gilan~gilan ding nan~gananahan sa m~ga bundukin n~g m~ga lalawigang Rizal, Bulakan, Kapangpan~gan Tarlak, Pangasinan, Ilokos Norte, Nueva Ecija at Abra. Gayon din sa m~ga pangpan~gin n~g Rio Grande sa Kagayan at sa ilog Ablug sa lalawigan n~g Kagayan at sa m~ga dating comandancia n~g Infanta at Príncipe na n~gayo'y sakop n~g lalawigan n~g Tayabas. Bukod dito'y mayroon din sa m~ga pulo n~g Mindoro, Panay, Negros, Mindanaw at iba pa.

Palibhasa,t, nakapangkat pankat ang lahing ito ay nagkaroon n~g iba't ibang pan~galan, na yaong m~ga nasa Sambales lalong lalo na yaong m~ga haluang dugo ay pinan~ganlang Abunlon ; yaong nan~ga sa Morriones sa Tarlak ay Aburlin ; ang ibang nan~ga sa Kagayan, Isabela, Kapangpan~gan Bulakan at Bataan ay Ita ; ang ibang nan~ga sa Isabela ay Agtas ; ang ibang nan~ga sa Nueva Ecija, Kapangpan~gan, Sambales, Ilocos Sur, at Tarlac lalong lalo na yaong m~ga haluang dugo ay Balugas ; ang ibang nan~ga sa Sambales ay Bukiles ang nan~ga sa baybayin n~g dagat Pacífico sa Hilaga n~g Luzón ay Dumagat ; at ang nan~ga sa Baggaw sa Kagayan ay Parames ... Continue reading book >>




eBook Downloads
ePUB eBook
• iBooks for iPhone and iPad
• Nook
• Sony Reader
Read eBook
• Load eBook in browser
Text File eBook
• Computers
• Windows
• Mac

Review this book



Popular Genres
More Genres
Languages
Paid Books