Books Should Be Free Loyal Books Free Public Domain Audiobooks & eBook Downloads |
|
Dimasalang Kalendariong Tagalog (1922) By: Honorio López (1875-1958) |
---|
![]()
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.] DIMASALA~G Kalendario~g Tagalog ( DATI'Y LA SONRISA ) NI Don Honorio López SA TAO~G 1922 =Ang Aklat na Ginto= Ang AKLAT NA GINTO hindi isang aklat lamang na kakikitaan n~g m~ga kaalaman sa panggagamot na walang gamot sa katawan n~g tao, hindi isang aklat na kababasahan lamang n~g m~ga paraan n~g panghuhula at iba pa; kundi isang aklat na katutunghayan n~g mahahalagang bagay na nauukol sa kapangyarihan n~g ating diwa, siyang kaluluwang ibinigay sa atin n~g Diyos upang tayo'y maging tao at gumawa nang parang tao na inilarawan n~g Diyos na Maykapal sa kanyang ayos at katayuan. Sa makatwid tayo'y larawan n~g Diyos na katulad niya na hindi n~ga lamang makagawa n~g katulad n~g kanyang m~ga gawain pagka't hindi natin kilala ang kalihiman n~g kapangyarihan n~g diwang isinangkap niya sa atin. Sa AKLAT NA GINTO mababasa ninyo ang kalihiman nito, upang ang diwang iyang ibiniyaya sa atin n~g Diyos ay ating magamit sa maraming bagay upang mapapaginhawa nàtin ang katawang ito natin at ang ating kabuhayan; matan~gi pa sa ibang mababasang paraan n~g panghuhulang gamit n~g m~ga yogi, n~g m~ga hesuita, m~ga monha, ibp, sa panghuhula n~g nawalang kasangkapan ó natatagong kayamanan, ang pangpalubay loob ang mapasunod niya ang ibang tao sa bawa't ibigin n~g kalooban, makapanggamot n~g walang gamot, ang malaman ang m~ga orasyon n~g Papà Leon XIII na naging anting anting ni Carlo Magno n~g panahon n~g Dose Pares at iba pang kalihiman. LIMANG PISO ang halaga sa lahat n~g Libreria at ang taga probinsiyang magpadala n~g lilimahing pisong papel sa pamamagitan n~g sulat na ipadala kay G. Honorio Lopez sa daang Sande 1450, Tundo, Maynila ay tatanggap n~g isang AKLAT NA GINTO sa pamamagitan n~g "correo certificado." =Aklat ng Kabuhayan= Ang AKLAT NG KABUHAYAN ay pihong lalabas na hanggang Marzo n~g 1922. Anim na piso ang halaga. Ang aklat na ito ang dapat na basahin n~g lahat, pagka't ito ang aklat n~g kaligtasan n~g tao sa lahat n~g kapahamakan at kamatayan. Natitipon dito ang m~ga arte ó paraan n~g panggagamot nila Tisot, Sta. Maria, Kusiko, Tavera, Delgado (hesuita), nila Dr. Villefond, Carvajal at iba pa. Hindi lumabas n~g nakaraang taon pagka't pinakaaayos ang yari. =DIMASALANG= =KALENDARYONG TAGALOG= NG Kgg. Honorio Lopez nag konsehal, sa siyudad ng maynila Licenciado sa Leyes. Bachiller sa Artes. Agrónomo. Agrimensor na may titulo n~g Gubierno. Publicista. Tent. Coronel sa Hukbong Pilipino n~g nagdaang Himagsikan. Kasapi sa Los Veteranos de la Revulucion, Naging Asesor Tecnico sa Union Agraria de Filipinas, Kasaping Pandan~gal sa Kapisanang Conciencia Libre sa Madrid, España =SA TAONG= =1922= NAGSIMULA NG TAONG 1898 IKA 24 TAONG PAGKAKAHAYAG Dapat Tandaan: Gulang ng taon, 27. Epakta, 22. Katitikan Linggo, A. at Kabilan~gang Gintô, 4. =Alin ang gulang ng babae na dapat sabihing matanda na?= Kung may magsasabi na ang gulang na kahilihili sa isáng babae, ay ang gulang na tatlong pu't limang taon, n~guni't hindî rin nawawalan n~g ibang nagsasabi na kapag ang babae'y sumapit sa tatlong pung taong gulang, ay matandâ na. Marahil nagkakaagawan ang dalawang kuròkurò sa dami n~g magkasangayon; n~guni't dapat unawain na ang dami n~g babaeng hinan~gaan sa gandá sa kasaysayan n~g Sangsinukuban n~g Pagibig at pagmamagarâ, ay sa gulang na tatlong pu't limang taon. Si Ninon de Lenclos nagkaroon n~g maraming man~gin~gibig n~g siya'y may anim na pung taon at sa gulang na siyam na pung taon ay may pumapalike pa. Si Cleopatra sa gulang na tatlong pu't walo niya, n~g aglahiin sa pagibig ang m~ga hari... Continue reading book >>
|
This book is in genre |
---|
Science |
eBook links |
---|
Wikipedia – Honorio López |
Wikipedia – Dimasalang Kalendariong Tagalog (1922) |
eBook Downloads | |
---|---|
ePUB eBook • iBooks for iPhone and iPad • Nook • Sony Reader |
Read eBook • Load eBook in browser |
Text File eBook • Computers • Windows • Mac |
Review this book |
---|