Books Should Be Free Loyal Books Free Public Domain Audiobooks & eBook Downloads |
|
Kartilyang Makabayan Mga Tanong at Sagot Ukol Kay Andrés Bonifacio at sa KKK By: Hermenegildo Cruz (1880-) |
---|
![]()
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.] =KARTILYANG MAKABAYAN= M~GA TANÓNG AT SAGOT UKOL KAY ANDRES BONIFACIO AT SA KATAASTAASAN, KAGALANGGALANG KATIPUNAN N~G M~GA ANAK N~G BAYAN na nagturo at nagakay sa Bayang Pilipino sa Paghihimagsik laban sa kapangyarihang dayo SINULAT NI HERMENEGILDO CRUZ ( Ikalawang Tagapamatnugot n~g Kawanihan n~g Paggawa ) MAYNILA, S.P. 1922 Ang unang pagpapalimbag n~ga KARTILYANG MAKABAYANG itó, sa kapahintulutan n~g sumulat, ay ipinagawa n~g "Lupong Tagaganap" n~g ARAW NI BONIFACIO, 1922, upang ang salaping mapagbibilhan ay igugol sa bantayog (monumento) na itatayo sa pook na pinan~ganakan kay Andrés Bonifacio. Ang bilang n~g saling ipinalimbag ay 5,000 at ang salaping kailan~gang likumin ukol sa nasabing pakay ay humigit kumulang sa P1,500.00. Maynila, 16 n~g Nobyembre, 1922. RAMON FERNANDEZ, Pan~gulo . FAUSTINO AGUILAR, Kalihim . GUILLERMO MASANGKAY, Taga In~gatyaman . M~GA KAGAWAD: BIENVENIDO K. DOMINGO, 136 Tayuman, Tondo IGNACIO SOL CRUZ, 409 Calle Telio, Tondo PIO AREVALO, 1099 Antonio Rivera DOMINGO PONCE, 55 El Dorado, Quiapo ANDRES GOMEZ 127 Palomar, Tondo FAUSTO IGNACIO 2446 Oroquieta, Sta. Cruz VICENTE C. YUSON, 432 San Anton, Sampaloc Ang kartilyang ito'y matatagpuan sa m~ga tindahan n~g aklat at sa bahay n~g m~ga kagawad n~g lupong inilathala. Kung pakiyawan ay maaaring tumun~go sa bahay ni G. Guillermo Masangkay, daang Alvarado, blg. 535, Maynila. Maybawas ang halagá kung pakiyawan. Ang m~ga taga lalawigan ay maaaring humin~gi na kasama ang halagá. TUNTUNIN Mukha Alay, 7. Paunawa, 9. I Kung sino si Andrés Bonifacio, 11. II Ang samahang nagturo at nagakay sa bayan sa paghihimagsik, 14. III Ang palatuntunan n~g "Katipunan", 16. IV M~ga aral n~g "Katipunan", 19. V Ang pagpapalaganap n~g "Katipunan", 22. VI M~ga paraang ginagawa sa pagsapi sa "Katipunan", 25. VII Ang mahigpit na pakikibaka n~g "Katipunan" sa kanyang kabuhayan,29. VIII Ang "Katipunan" at ang bayang maralita, 34. IX Ang "Katipunan" at ang paguusig sa m~ga "mason", 37. X Ang Paghihimagsik, 40. XI Tagumpay at Pahimakas, 50. Dekálogo ni Bonifacio, 62. M~ga talang matatagpuan sa aklat na itó, 63. [Sulat Kamay: Inaalay sa m~ga bata't kabinataang nagsisipagaral. H. Cruz Nob, 1922.] PAUNAWA Isang araw, bago sumapit ang ika 30 n~g Nobyembre n~g taong 1921, na ginawang araw na pan~gilin mula noon n~g ating m~ga Kinatawang tagapagbatás, lumapit sa akin ang m~ga anak kong nagsisipagaral sa m~ga paaralang bayan at ibinalita ang ganito: "Bukas anilá wala kaming pasok. Pistá daw, tatay, ni Bonifacio." At saká pamanghang itinanóng sa akin: "¿Sino ba iyang si Bonifacio?" Wari ako'y natubigan.... N~guni't hindi dapat pagtakhan ang pagkamanghang yaón n~g m~ga bata, sapagka't sa ating m~ga paaralang bayan, ang kabuhayan ni Andrés Bonifacio at ang kasaysayan n~g "Katipunan" ay itinuturo n~g pahalaw lamang sa m~ga nagsisipagaral na n~g "septimo grado," na hindi ipinakikilala ang buong kasaysayan n~g "Katipunan" at gayon din ang kanyang makabayang palatuntunan at matataas na aral na ipinunla sa bayan, na siyang nagturo't nagakay sa m~ga pilipino sa pagguhó n~g kalupitan at pangbubusabos at nagtanim sa ating m~ga puso n~g manin~gas na damdamin n~g Kalayaan at Kasarinlan. Sa maiikling pan~gun~gusap, ay aking ipinatanto sa m~ga anak ko ang buong kabuhayan ni Andrés Bonifacio at ang sanhi't katwiran kung bakit siya'y ibinubunyi n~g ating lahi't Pamahalaan. Akin ding ipinakilala sa kanila ang m~ga aral n~g "Katipunan"; at isinaysay ang kapakinaban~gang natamó n~g Bayang Pilipino sa paghihimagsik na pinamatnugutan n~g kapisanang yaong itinatag at pinan~guluhan ni Andrés Bonifacio... Continue reading book >>
|
eBook Downloads | |
---|---|
ePUB eBook • iBooks for iPhone and iPad • Nook • Sony Reader |
Read eBook • Load eBook in browser |
Text File eBook • Computers • Windows • Mac |
Review this book |
---|