[Transcriber's note: Two diacritical marks on g were used by the original publisher of this book. We have marked breve g as [)g] and tilde g is marked as ~g.] [Paalala ng nagsalin: Dalawang klaseng tuldík ang ginamit sa g ng orihinal na naglimbag ng librong ito. Minarka namin ang breve g na [)g] at ang tilde naman ay minarka ng ~g.] PATNUBAY NANG CABATAAN Ó TALINHAGANG BUHAY NI ELISEO AT NI HORTENSIO NA QUINATHA NI JOAQUIN TUASON nang may cunang uliran ang sinomang babasa. Inihandog sa calinislinisan at lubhang MAPAGCALIÑGANG PUSO NI MARÍA Sa dulo,i, linag-yan nang isang pagpupuri CAY S. LUIS GONZAGA TAÑGING PINTACASI NANG CABATAAN May lubos na capahintulutan MANILA Establecimiento Tipográfico de Modesto Reyes y C.^{a} Salcedo núm. 190 (Sta Cruz) 1901 ¿Quod mimus Reiplublicae majus, meliusve affere possumus, quam si docemus, atque erudimus juventutem? Cic. II, de Div. SA CALINIS-LINISAN AT LUBHANG MAPAGCALIÑGANG PUSO NI MARÍA O _Pusong_ hindi man nalahirang libag nang sala ni Adang minana nang lahat, magsaganang bucal na di na-aampat pagdaloy nang aua sa balang dumulog na napalilin~gap. Cutang sadyang tibay na nacababacod sa canino pa man palaring pacupcop, mariquit na jarding hindi mapapasoc nang lalong pan~gahas, sucab na caauay at may budhing hayop. Oh daong ni Noé, na pinagpitagan nang gahasang tubig sa mundo,i, gumunao, tantong maliligtas sa capahamacan ang lumulang tauo, cahima,t, busabos na macasalanan. Gayon ma,i, ang lalong iyong quinucupcop ang napa-aauang malinis na loob, ipinan~gan~ganib ang lubhang marupoc na catauang lupa na sa ati,i, laguing naquiquihamoc. Caya ang samo co, _Pusong_ lubhang uagas; aco,t, ang babasa,i, tapunan nang lin~gap, na houag itulot cami,i mapahamac habang nabubuhay sa balat nang lupang lipos nang bagabag. Mapagpalang Ina,i, iyong calin~gain aco nang _Puso mong_ lubhang mahabaguin; houag pabayaang quita ay purihin sa mundo, at saca doon sa cabilang buhay caaua-yin. Cundi ang luhog co,i, yaring pagdiriuang n~gayon sa dan~gal mo, buti,t, cariquitan, lubos na lumagui habang aco,i, buhay at hangang sapitin yaong bayang puspos nang caligayahan. JOAQUIN TUASON. Sa mañga dalagang babasa nito. Cung capanahunan nang pamumucadcad nang balabalaqui na man~ga bulaclac, sa mata at puso,i, nagsisipag-gauad nang caligayahang lubhang aliualas. Di sucat masabi ang pagcacalin~ga nang baua,t, may-ari na nag-aalaga,t, baca cun malanta ang pananariua tambing na malagas, lumagpac sa lupa. Sapagca n[)g]a,t, cayo ang nacacatulad nang aquing binanguit na man~ga bulaclac, at capanahunan nang pamumucadcad nang sigla nang iyong catauang marilag. Sa arao at gabi pauang caaliuan sa iyo ay halos ang pumapatnubay, ang dusang mapait bahag-ya na lamang ihandog ang caniyang lilong caban~gisan. Ang masayang tinig nang man~ga música ay iguinagauad sa inyo touina; sa bayan ó nayon, cayo ang ligaya anopa,t, cauan~gis nang man~ga sampaga. Alin mang ligaya anaqui ay culang cundi macasama ang cadalagahan, malungcot ang bahay, ualang cahusayan ito,i, hindi sucat ipag-alinglan~gan. Cayo n~ga ang laguing hinahanap-hanap nang ibig cumita nang maguiguing palad; baga ma,t, cung minsa,i, napapauacauac ang mapanibulos sa inyo,i, lumiyag. At cayo rin naman ang guinagauaran nang labis na puri at lampas na galang, sa inyo ay madla ang nag-uunahan sumunod nang baua ninyong maibigan. Bagama,t, marahil ang inadhica,i, ang bun~ga nang inyong pagcapan~ganyaya, cahima,t, di ninyo sinasapantaha,t, malayong malayo uari sa gunita. At sa inyo naman aquing inihandog yaring duc-hang gugol nang isip na capos, marapatin nauang tangapin nang loob ang inadhica co na icalulugod. Sa oras na tila ibig mamanglao ang dibdib na gaui sa caligayahan: at nang sa pagbasa ay houag manamnam ang saclap na gauad nang capighatian. Bumabasang irog, houag ipagtaca ang lagda nang aquing mabagal na pluma sa gusot na hanay acalain mo nang sa salat ay ¿anong hahanapin baga? Inaasahang cong mayroon din naman na puputihin cang bun~ga,t, paquinabang, at houag man[)g]amba sa catitisuran na macarurun~gis sa pusong dalisay. Sa may tauang uica na parang aglahi ang magandang aral parang itinahi at sa di nangyaring buhay ay nagbinhi nang isang maayos na pag uugali. Cung baga,t, mabuti ang iyong matunghan Dios ang purihin at pasalamatan; n~guni,t, cung masama nama,i, cahabagan ang laqui nang aquing hindi carunun~gan. PASIMULA Sa tabi nang isang malauac na dagat na pinanununghan nang bundoc at gubat, may isang lalaquing doo,i, lumalacad ulol ang cauan~gis, ualang tinatahac. Sa lagay nang anyo,t, mapanglao na muc-ha mapagquiquilalang may dinaralita, ang buntong hinin~gang hindi quinucusa nag-aabot-abot na uala nang tila. Ang pananamit pa,i, ualang munting ayos at basa nang pauis sa harap at licod, hindi anumana munti man sa loob ang init nang arao na catacot-tacot. Mariquit na buhoc gulong gulong lubha anopa,t, mistulang guinusot na cusa, at namamalisbis na manacanaca sa mata ang lalong mapait na luha. Anaqui ay ualang matutuhan gauin lalacad nang munti, at saca titiguil, uupo sa cahoy, papagdadaupin ang dalauang camay, labi,i, cacagatin. Itong tauong lipos nang dalita,t, dusa,i, marilag ang tindig na caaya-aya, ang tabas nang muc-ha,i, caliga-ligaya at buháy na buháy ang daluang mata. Noo,i, maliuanag, malago ang buhoc, mapula ang pisn~gi, ilong ay matan~gos, ang guitling nang liig ay calugod-lugod, daliri,i, maliit at sadyang bibilog. Ang dibdib ay buo, paa ay cabagay nang ugaling laqui nang pan~gan~gatauan, malicsi ang quilos; n~guni,t, namamasdan na nahahalo rin ang cabanayaran. Sa caniyang lagay ay mapaghuhulo na may catiisan siyang catutubo baga ma,t, cung minsan ay tila susuco sa dahas nang dusang nanaca sa puso. At sa muc-ha niya,i, mapag-uunaua nang macaquiquitang siya,i, batang bata cahit nalilipos nang hindi cauasa at lubhang maban~gis na pagdaralita. Sa guitna nang saquit niya,t, pag-iisa humahanap mandin nang macacasama, ang boong acala ay cung maihin~ga maiisban-isban ang tindi nang dusa. Di caguinsaguinsa siya,i, nacarinig nang yabag nang paa sa dacong malapit, agad natilihan, at ang sumaisip, ito,i, capara cong may sucal sa dibdib. Mapamaya maya lamang ay naquita ang quinaugitlahang hinabol nang mata, pagdating sa harap niya ay nagbadya «¿Eliseo,i, baquit, at narito ca?» «Salamat, Hortensio, catoto cong liyag at natagpuan mo acong lipos hirap, sa lagay na yari ay humahaguilap nang isang gaya mong may loob na tapat. «At aquing bubucsan laman niyaring dibdib na pauang dalita,t, suson-susong hapis, diua ay uala nang lunas na macapit sa binilogbilog nitong sang daigdig. «Caya naparito,i, aquing linilibang ang dusang habilin nang mama cong hirang, tila tumatangui sampong calan~gitan umalio sa aquing pusong nalulumbay.» «Houag magca-gayon, anang bagong dating, laganap ang aua nang Dios sa atin: pacaasahan mong hindi magmamalio ang dating calin~ga sa nahihilahil. «Caya sabihin mo ang puno at ugat niyang dalita mong sa muc-ha,i, nalimbag: isinusumpa cong caramay mo, liyag, ang bagong catoto, bagama,t, di dapat. «At cung sacali ma,t, sa sang lingo lamang pagquiquilala ta, Eliseong hirang, sumapanatag ca,t, iyong namamasdan ang uri nang aquing pag-ibig na tunay. «Tahas na uica cong malayong di palac sa abang Hortensio ang gauang magsucab, lalo,t, sa para mong sa aqui,i, nagligtas doon sa nagnasang buhay co,i, mautas. «Yaring boong buhay alan~gan pa mandin ibayad sa iyong paglin~gap sa aquin, dahil sa tulong mo,i, siyang nacapiguil sa camatayan cong biglang sasapitin.» «Cung gayo,i, halica,t, tayo,i, mag-agapay sa lilim nang cahoy na lubhang malabay: di lamang ang dusa cundi boong buhay ang sasalitin co,i, mangyaring paquingan. «At ligaya co nang iyong matalastas ang buhay na yaring silo-silong hirap, nang ang paglin~gap mo,i, siyang maguing lunas na lubhang mabisa sa pusong may sugat. CAPÍTULO I.--_Ang magandang asal na dapat pasimulan mula sa cabataan_. «Sa Limang[1] capital nang Perúng calac-han masaganang ciudad nang maraming yaman; siyang naguing palad na quinamulatan niring man~ga matang sa pagluha,i, laan. Nanariua n~gayon dini sa gunita ang camusmusan cong quinandong nang toua; man~ga magulang co,i, ang laquing adhica masunod ang aquing balang ninanasa. Caya,t, ang uica co,i, sa buhay nang tauo, oh catotong ibig, guilio na Hortensio, ay maicacapit ang n~galang paraiso sa buhay nang batang bago pa sa mundo. Sapagca at ualang munting ala-ala sa gutom at puyat, sa dusa,t, pan~gamba; loob ay payapa, laguing nagsasaya sa inang candun~gan na nagcacalara. Ang lahat nang bagay sa sang daigdigan pauang naghahandog nang caligayahan, di nagugunita yaong camatayan quiquitil nang buhay sa sang catauhan. Balang macaquita ay nan~galulugod at catuoa-toua ang lahat nang quilos, pagca palibhasa,i, malinis ang loob at ang cumacasi,i, ang gracia nang Dios. Ganito ang aquing dinaanang buhay nang cabataan co cay inang namatay: ¡oh cung mangyayari sanang pagbalican ang cauili-uili,t, mapalad na arao! Di co na nalasap ang layao cay ama, yayamang hindi co siya naquiquilala, icalauang taon nang edad cong dala siyang pagcamatay aco,i, nan[)g]ulila! Nang aquing sapitin icapat na taon pan~gun~gulila co,i, lalo pang nag-ulol, ang masintang inang lubhang mapag-ampon binauiang buhay nang Dios na Poon. Sa pagpipighati di lubhang nalugmoc, palibhasa aco,i, cabataang puspos, natuyo ang luhang sa mata,i, naagos, ang ama co,t, ina,i, lubos na nalimot. Naguing parang ama na nagcacalin~ga capatid na bunso nang ina cong mutya, ang pagpapalayao ay cahan~ga-han~ga sa palad cong yari na napaca-aba. Ang mama cong ito,i, isang bagong tauo, ang edad na dala ay dalauang puo,t, pito, may loob matanda at di nagugulo sa man~ga dalagang paroo,t, parito. Pan~gala,i, Prudencio, banayad ang asal at sampo nang quilos ay hindi magaslao, mahusay man~gusap naman at magalang sa cahima,t, sino na macapanayam. Ualang pan~galauang magturo,t, humatol sa nasasalatan, para co n~ga n~gayon, dunong na umalio sa nalilingatong, sa ulila nama,i, lubhang mapag-ampon. Sa boong maghapo,i, hindi nauaualan nang quinacalin~ga na caabalahan, at namamahala sa naiuang yaman nang man~ga nuno cong caniyang magulang. Pagdating nang gabi aco,i, tinatauag, at tinuturuan nang gagauing dapat, caya sa puso co,i, dili nacacatcat ang aral nang aquing mamang liniliyag. Nang aco,i, arala,i, bata pang maliit nang dapat asalin nang tauong may bait: pinan~gun~gunahan aco sa pagsambit sa n~galan nang Dios, lumic-ha nang lan~git. Sa touing umaga, ay bago co lisan ang lubhang malambot na aquing hihigan, unang babatii,t, pasasalamatan ang lan~git sa dilang biyayang quinamtan. Pinag-iin~gatan ang bata cong dibdib na houag sayaran nang sa salang dun~gis, at lagui na acong pinapananalig sa aua ni Mariang Inang matangquilic. Tacot ay di gayon nang mama cong irog aco ay mahilig sa may lasong lugod, na ipinapain sa bata cong loob nang marayang mundong madaling matapos. At sa aquing puso ay ipinupunla pagsinta sa Hari nang lan~git at lupa, gayon sa sarili, at sa tauong capoua, saca ang maganda,t, loob na payapa. Halay ay di gayon, nitong mama co, nang batang lagui nang naquipagtalo, palalong man~gusap, anaqu,i, demonio, ualang munting aua sa capoua tauo. Dila,i, tampalasa,t, ualang pacundan~gan sa matandang tauo,i, hindi gumagalang, ang masamang bibig binubuca lamang ay ang sinasabi,i, di na-aalaman. Ang pagbubulaa,t, pag-uupasala, paninirang puri, paglibac, pagcuta at iba pang sin~gao nang masamang dila inuulit-ulit na ibinabala. Di mamacailang sabihin sa aquin na ang catamara,i, aquing susupilin, at hangang bata pa,i, dapat hiratihin sa pagod at puyat ang catauan co rin. Ang tauong touina,i, ualang guinagaua sa boong maghapon cundi magsalita, sa nacaquiquita ay cahiyahiya, at nacamumuhi sa loob nang madla. Cataua,i, masagal, di paquinaban~gan tungcol sa gagauin na may casaysayan, paroo,t, parito siyang catungculan at ang inuuncat buhay nang may buhay. Ang ganitong asal ay tantong malapit sa madlang dalita, hirap at pan~ganib, pagca palibhasa,i, hindi iniisip ang huling sandaling sasapiting pilit. Inaalintana,t, di nahihinayang sa arao, at oras na nacararaan, sa toui-touina,i, tila namamanglao at ualang magaua na anoman lamang. Tayong nauiuili sa pagsasalita nang bago at bago na man~ga balita: ¿ano caya bagang ating mapapala sa buhay na itong dapat icacutya? ¿Dili natin tanto,t, darating na pilit ang arao at oras, na tacda nang lan~git, na hihin~gan tayo nang cuentang mahigpit sa tanang guinauang buctot at matouid? Tayo na n~ga lamang ay napararaya sa hiling nang ating catauang masama; ang mama mong imbi unang una na n~ga: ¡iyong patauarin Dios na daquila! Di pa sucat ito ay idinuructong parang pahimacas sa lahat nang hatol, icao ay bata pa,i, dapat na magtipon nang magandang asal habang may panahon. At nang cung tumandai,i, houag cang magsisi sa di carunun~gan nang bait mong imbi, at pag nagcataon masasabisabi dica tinuruan nang gauang mabuti. Anopa,t, sa aral nang mama cong ibig nabubucsan naman yaring pag-iisip, saca unti-unti nanasoc sa dibdib ang sintang dalisay sa Hari nang lan~git.» Capagdating dito,i, nag-uica pagcouan itong si Hortensiong parang napamaang: «pasalamatan mo yaong calan~gitan, ang naguing mama mo,i, dunong na umaral.» Sa cay Eliseo namang isinagot, «di co linilimot ang aua nang Dios, palalaguiin co hangang sa malagot ang tan~gang hinin~ga,t, buhay co,i, matapos.» CAPÍTULO II.--_Ang pinagcautañgan nang buhay._ «Isa namang gabi,i, aco,i, quinauayan nang guilio cong mamang labis na magmahal, aniya,i, dinguin mo ang ipagsasaysay cun sa natutulog ay parang pamucao. Pacatandaan mo ito at iguhit sa caibuturan nang puso at dibdib, at isa sa samong utos niyong lan~git sa lahat nang tauo nitong sangdaigdig. Icao ay bata pa niyong camatayan nang masintang ama,t, inang mapalayao: houag mo rin, bunso, namang calimutan, iyong idalan~gin sila nang mataman. Liban na sa Dios bilang pan~galaua dapat na suyuin ang ama at ina, igalang at sundin utos na bala na at houag bibig-yan anomang balisa, Ang uica ni Platon,[2] filosofong paham, ay Dios sa lupa ang man~ga magulang, pagca,t, pan~galauang pinagcautan~gan, nang tauo sa mundo nang in~gat na buhay. Ang sila,i, igalang tantong nararapat, suyo at pagdama,i, laguing igagauad, tuloy abuluyan sa madlang bagabag, pighati,t, dalita, ó anomang hirap. At ang man~ga anac na nagsisigalang sa canicanila na man~ga magulang, tantong naghahanda nang caguinhauahan dito,t, saca doon sa cabilang buhay. Dapoua,t, ang lilo na may asal ganid sa man~ga magulang culang nang pag-ibig, dito pa sa lupa,i, lalasap na pilit nang pait nang dusa,t, saclap nang hinagpis. Para nang nasapit niyong si Absalon nasabit ang buhoc sa puno nang cahoy at doon namatay: ¡Oh parusang ucol niyong calan~gitan sa may pusong gayon! Ang nasapit naman niyong ualang galang na anac ni Noè na pan~galan ay Cam, siya,i, naruhagui sampong boong angcan, sa canilang muc-ha sumpa,i, napaquintal. Caya, Eliseo, cung tanto mong ibig na ang iyong buhay sa mundo,i, lumauig, man~ga magulang mo,i, mamatay man cahit sa lupa ay houag catcatin sa dibdib. Yamang hindi na mangyayari naman ang paglingcuran mo sila at igalang, iyong idalan~gin sa Poong may capal caloloua nilang sa mundo,i, pumanao. CAPÍTULO III.--_Ang hiyas nang isip._ Icapitong taon nang aco,i, sumapit, na capanahunang pagsilang nang bait, tantong minarapat nang mama cong ibig sa isang maestro aco,i, ipahatid. Ang n~gala,i, Pancracio, pan~galauang Mentor[3] cung sa cabaita,t, gayondin sa dunong, siyang minabuting sa aqui,i, mag-ampon, magturo,t, umaral nang gagauing ucol. Sa anyo at muc-ha parang naquiquintal ang caguilio-guilio na magandang asal; at sa bahay niya,i, aco,i, pinatahan yamang nalalapit ang caniyang bayan. Minulan na niyang tiquis isinabog ang lunas na aral sa bata cong loob, at sa aquing bait ay ipinapasoc yaong carunun~gang camahala,i, puspos. N~guni,t, pahintulot niya ang maglibang sa capoua co batang nagsisipag-aral, at isa n~ga rito,i, naguing caibigan mahiguit sa isang capatid na tunay. Pan~galan ay Fidel, matalinong bait pandac na lalaqui,t, mariquit ang voces, quinauiuilihan nang balang dumin~gig ang lubhang maayos niyang pagsusulit. Mapusoc ang loob, lubhang salangapan ang aquing napiling unang caibigan; datapoua,t, dahil sa mabuting aral ay cabaitan din ang namamag-itan. Puso,i, bahag-ya na dalauin nang sindac, anaqui ay laguing nasa sa panatag, inaalintana anomang bagabag, caya n~ga,t, malapit sa pagcapahamac. Pagca,t, ualang hantong sa balang maisip at dili gunita anomang pan~ganib, houag lamang hindi masunod ang nais; n~guni,t, sa hatol co,i, siya,i, naquiquinig. Ang ugaling ito ay binagong cusa nang naturang Fidel, aquing cababata mulang mapag-uari niya,t, maunaua na sa cotouira,i, tantong nalilisiya. Aquing quinasama habang nag-aaral ang tapat na loob na catotong hirang; dito nalathala yaong catalasan nang isip ni Fidel na quinahan~gaan. Aming iniraos ang pagsusumaquit nang maliuanagan ang malabong bait: lacad nang bituin aming iniisip, saca ang sa arao na laguing pagliguid. Ang lahat nang bagay nating natitingnan sa balat nang lupa na may caramdaman: ang tauo,t, ang hayop, at ang uala naman na para nan bato at man~ga halaman. Gayon din n~ga naman yaong man~ga diua na ualang cataua,t, espiritung paua: ang Hari sa Lan~git na di matingcala, caloloua nati,t, Angeles na madla. At itinuturo nang maestro namin ang ugaling dapat sa mundo,i, asalin: na _ang catouirang aalinsunurin; ang masamang gaui nama,i, susupilin_. Ang tatlong daquila nating catungculan: una ay sa Dios na dapat igalang, at sintahin lalo sa lahat nang bagay, itanim sa puso habang nabubuhay. ¿At paano cayang hindi iibiguin yaong cagalin~gang ualang macahambing? malauac na dagat na hindi malining nang lalong mataas paham na Querubin. Ang caniyang sinta,i, laguing nag-aalab sa linic-hang tauo na aliping hamac, na pinapanaog ang bugtong na Anac sa caalipinan nang tayo,i, maligtas. Tungcol sa sarili pan~galaua bilang nang aquing sinabing man~ga catungculan, pag-in~gatan baga,t, mahalin ang buhay; n~guni,t, lalo pa n~ga yaong ualan hangan. Saca ang icatlo,i, pag-ibig sa capoua, tulun~gan sa dusa, pighati,t, dalita: di co na sayuri,t, lalauig na lubha ang itinuturong cagalin~gang paua. Sa oras nang aming pagpapahin~galay sari-saring laro,i, pinag-aaliuan, na may tumutula,t, may nag-aauitan: tignan mo ang aquing sa Virgen ay alay: «_Pag-asa sa Ina nang aua._» «Icau na tacbuhan niyaring abang puso »sa anomang dusa na sumisiphayo, »sa lilim nang iyong ampo,i, nagtatago »itong alipin mo, taglay ang pagsuyo. »Icao ang ligaya cung aco,i, malumbay, »matibay na moog niring cahinaan, »saclolo cong tan~gi sa capan~ganiban »at sa aquing isip ay caliuanagan. »Icao ang tinudlá nang aquing pag-irog, »bilang pan~galaua nang anac mong Jesus, »pagsambit sa iyong n~gala,i, naghahandog, »sa puso nang lalong dalisay na lugod. »Icao ang maestra nang di carunun~gan, »mabisa cang lunas nang saquit na tanan, »masaganang batis na binubucalan »nang tubig nang graciang mapagbigay buhay »Dahilan sa iyo,i, ang bayan nang hirap »ay inaari co na Edeng[4] mapalad, »mahina cong loob ay mapapanatag »sa huling sandali na casindac-sindac. »Dahil sa tulong mo ay madadalisay, »lilinis ang pusong sa dilag mo,i, alay; »ang bininhing sinta,i, iyong alalayan »nang houag malanta magpacailan man. »Dahilan sa iyo,i, mapapauing pilit »ang ulap nang ibang sintang maligalig, »lulucso ang diuá, tatahip ang dibdib »sa caligayahan na gauad nang lan~git. »Hangan dito, Ina,t, ticang pagtamanan »pagpuri sa iyong man~ga cagalin~gan; »di linilimot naman ang pag-galang »sa iyong Esposong calinis-linisan.» Ano,i, nang matapos ang pagbasa nito; tila mabuti na, uica ni Hortensio, na tayo,i, umoui, at sa cuarto mo ay ualang dirin~gig cundi lamang aco. CAPÍTULO IV.--_Cung ano ang buhay siyang camatayan_. Sa bahay nang isang laqui,i, ugali, pinto,i, bahag-ya na nabuc-san nang munti, at sa loob nito ay may natatali isang asong galgo na nacalupagui. Sa lual nang bahay may isang halaman na di co masabi cung ano ang n~galan, daho,i, malalapad, san~ga,i, malalabay at ang isang silid ay nalililiman. Sa lupa,i, nagcalat na lumilipana yaong tinatauag nating macahiya, ito,i, tumutungo,t, nan~gan~gayupapa sa capoua damo, anang man~ga bata. Nang isang tanghali mana ay pumasoc dalauang binatang tumatacbo halos, sa pauis nang muc-ha,t, hin~gang nan~gan~gapos mapagquiquilalang malaqui ang pagod. Ang dalauang ito,i, di co na sabihin at quilala mo na, bumabasang guilio, ating pabayaan cung anong gagauin, salitaan nila,i, pilit tatapusin. Di naghantonghantong camunti man lamang nagtuloy pumanhic sa naturang bahay, at ang isang silid agad na binucsan at capagcapasoc ay muling sinarhan. Nag-upuan sila,t, tica,i, mag-uusap sa dalauang silla na nagcacatapat, isa sa canila,i, pagdaca,i, nan~gusap: ganito ang dinguin, bumabasang liyag. Ani Eliseo sa catotong ibig, labing ualong taon ano,i, nang sumapit, dumating ang isang sulat na pahatid niyong aquing mama, ganito ang sulit: »Guilio cong pamanquin, yaring carain~gan »ay talastasin mo at panain~gahan, »na cung mangyayari,i, muling pagbalican »ang bahay na itong iyong quinaguisnan. »Tanto mo na, bunso,t, aco,i, nag-iisa »ualang magcalin~ga baquit matanda na, »icao ang pangdugtong nang tan~gang hininga »at caligayahan nang dalauang mata. »Icao ang tuncod cong pan~gun[)g]unyapitan »nang mahinang lacas niring catandaan »at cung ang buhay co,i, malapit nang manao »sa man[)g]a camay mo nasa cong mamatay». Nahambal ang aquing puso sa pagbasa nang liham na lagda nang boong pagsinta, caya n~ga,t, niyon din aquing pinasiya na ganaping agad ang caniyang pita. Linisan co na n~ga iyong pag-aaral at aquing tinun~go, ang iniuang bayan, nang aco,i, dumating sa mama cong bahay toua,i, dili gayon nang aco,i, mamasdan. At saca nag-uica, guilio cong pamanquin, paquimat-yagan mo yaring sasabihin, pagca,t, panahon nang dapat mong lasapin ang pait nang dusang pamana sa atin. Nang nunong si Adan na pinatamaan nang sumpa nang Hari nang sangcalan~gitan, _na sa iyong pauis_, aniya,t, _capagalan doon mo cucunin ang icabubuhay_. Munti man ay hindi nagdamdam nang hapis yaring aquing puso sa gayong narinig, sapagca n~ga,t, tantong ayon sa matouid ang caniyang aral na ipinagsulit. Bagcus pa n~gang aquing pinasalamatan ang paglin~gap niya sa aba cong buhay, tuloy na tinicang siya,i, paglincoran hangang may hinin~ga na iniin~gatan. Mangyayari caya ang maghinanaquit sa hatol na lagda nang boong pag-ibig, pagca,t, ang mama co,i, may tapat na dibdib at lubhang marunog siyang magmasaquit. Nagsama na caming hustong pitong boan niton~g amain cong labis na magmahal; mana,i, isang hapo,i, nag-uica pagcouan: «di na malalaon yaring aquing buhay.» Tila di mangyaring aco,i, maniuala sa bagay na yaong caniyang uinica; n~guni,i, niyong din cusang inihanda ang naquiquinitang pagpanao sa lupa. Uala acong sucat na pagcaquitaan nang icalalagot nang hinin~gang tan~gan; malacas na lubha naman ang catauan, bagama,t, ang muc-ha,i, uari namamanglao. Hindi co napiguil pagtulo nang luha sa paglin[)g]ap niya touing magunita, dinguin mo ang caniyang matamis na uica udyoc nang malaquing pag-ibig at aua. «Itanim sa iyong puso at panimdim »itong sa mama mong huling tagubilin: »sa arao at gabi,i, houag lilimutin »ang Dios na Haring lumic-há sa atin. »Ang pananagano sa Ina nang aua »ay palaguiin mo sa puso at dila, »siyang pagsacdalan sa hirap, dalita »habang nabubuhay sa balat nang lupa. »At ang balang duc-hang sa iyo,i, dumulog »ay paquitaan mo nang magandang loob, »houag mahinayang masayang iabot »ang macacayanang ipagcacaloob. »Ang sinomang tauong may magandang asal »siyang catotohing itan~gi sa tanan; »puso mo,i, cung baga,i, may capighatian »ay maguiguing lunas at caguinhauahan. »At sa balang sucab magpacailag ca, »pagca,t, ang casaman ay nacahahaua: »iyong hihiran~gin ang macacasama »nang di ang buhay mo ay mapalamara. »Cung magca utang cang loob sa sinoman »ay iyong gantihin nang loob din naman: »ang na sa sacuna,i, agad saclolohan »mayaman ma,t, duc-ha ó cahit caauay. »Icao na bunso co, bahalang maglining, »yamang batid mo na masama,t, magaling, »malibing man aco,i, houag lilimutin »ang madla cong aral, ¡ay pamangquing guilio! »Bucod dito,i, dapat, yamang panahon na »na icao,i, humanap nang macacasama, »ang ibig co sana,i, maraos ca muna »hangang aco,i, buhay matulun~gan quita. »¿Anong gagauin ta,i, ito na ang guhit, »ito na ang hanga na taning nang lan~git? »n~guni,t, ang bilin co,i, magpapaca-bait »at ang pipiliin timban[)g]in sa isip. »Houag cang hihirang nang lubhang butihin, »cundi yaong lalong timtima,t, mahinhin, »pagca,t, aco,i, ayao n~g quequendeng quendeng »lason sa mata co,t, nacaririmarim. »Hindi co rin ibig ang sumasagadsad »laylayan nang saya ay puno nang lusac, »anaqui,i, may buntot na quinacaladcad »hayop na mistula ang nacacatulad. »Ang hahanapin mo,i, may loob sa Dios, »banayad man~gusap at hindi mataros, »ayao naman aco nang iin~gos-in~gos »na sa tingnan lamang ay nacayayamot. »Cung baga sacali,t, icao ay macasal »ang pagtitiis mo ay cararagdagan »sa asaua,t, bayao, hipag at bianan, »gayon din sa iyong boong casambahay. »Hangan dito aco,t, pagpalain ca rin, »amponin touina nang mag-Inang Virgen, »sa capayapaa,i, tantong palaguiin; »at houag mo namang aco,i, lilimutin.» Pagcauica nito,i, nagtindig pagcouan, umacbay sa aqui,t, napasahihigan, saca nagpatauag isang paring banal at ang tanang sala,i, ipinan~gumpisal. Mapamayamaya,i, aquing nahalata siya,i, nalalagnat mainit ang muc-ha; n~guni,t, hindi naman totoong malubha, ¿paano bagang ito,i, mamamatay caya? At ang médico mang sa caniya,i, tumin~gin, malayong mamatay, ang uica sa aquin; n[)g]uni,t, unti-unti naming napaglining na tunay ang sabi na ipinagturing. ¿Sino cayang tauo ang hindi mamaang sa lubhang magandang sa mundo,i, pagpanao? totoo n~ga palang _cung ano ang buhay ay siya ring hanga nama,t, camatayan_. At quinabucasan ay biglang naglubha cataua,i, balisa,t, malatang malata, hindi macaquiling sa cana,t, caliua, at nagagaril na sa pagsasalita. Aco,i, pajesusan ang ipinagturing at sa santo Cristo,i, mata,i, itinin~gin, aniya,i, _sa camay mo,i, inihahabilin yaring caloloua nang iyong alipin_. Nang mauica ito,i, siyang pagcalagot nang tan[)g]ang hinin~ga nang mama cong irog, ang puso co nama,i, parang pinaglabot nang lahat nang dusa nitong sang sinucob. Nagsipagcatipon mapamayamaya ang man[)g]a catotong dinatnang balita, sila,i, para parang mata,i, lumuluha sa panghihinayang na ualang camuc-ha. N~gayo,i, natapos na ang lahat mong hirap, at ang humalili ualang hangang galac: aco,i, iniuan mo na tiguib nang sindac sa guitna nang mundong lipos nang bagabag. Lan~git ang gumanti sa iyong pag-ibig nang ligayang hindi sucat na malirip; aco,i, iniuan mo sa madlang pan~ganib, ¡oh pan~gun~gulila na cahapis-hapis! Di co na narinig cahit alin~gao-n~gao nang iyong pagtauag na lubhang malayao: aco,i, iniuan mo sa capighatian, nacaisa-isa,t, ualang caaliuan. Anopa,t, sa aquin ay naguing camandag ang pagpapalayao niya at paglin[)g]ap; ¡oh buhay na imbi at cahabag-habag! ¿saan ihahanga, lan~git, yaring hirap? Ito,i, siyang dahil nang aquing dalita na dini sa puso,i, laguing umiiua: ¿batid mo na baga, catoto, ang mula niring dalamhati at linuhaluha? Caya,t, cung ibig mo, hirang na Hortensio, ay samahan mo na ang abang catoto, upang matiuasay ang sinicdosicdo niring gulong dibdib na di magcatuto. CAPÍTULO V.--_Si Hortensio at ang pagcabaligtad nang mundo_. Ito,i, bagong tauo, na lalabing siyam ang bilang nang taon na linalacaran, naguing caquilala,t, laguing capanayam niyong Eliseo sa caulilahan. Siya,i, unang bugtong na ipinan~ganac nang inang si Florang di na nagcapalad na hagca,t, calun~gin ang angel sa dilag, caya,t, sa cay Fabiong ama ay nalagac. N[)g]uni,t, inihandog nang masintang ina nang bago malagot ang tan~gang hinin~ga sa mapagcalin[)g]a,t, lubhang macalara, dalisay na Virgeng ualang bahid sala. Naiuan sa ama na caaua-aua, salat sa ligaya,t, sa dusa,i, sagana, naualay sa ina baquit batang bata bagama,t, sa bait ay lubhang matanda. Dan~gang may capatid isang binibini dito sa mag-ama ay siyang nag-iui: pan~gala,i, Emilia, mahinhing babayi, matalinong isip, daig ang lalaqui. Ang caniyang edad apat na puo,t, isa na di nabighani nang pag-aasaua, at sa boong loob tantong pinasiya ihandog cay Jesus puso,t, caloloua. Bagama,t, marami niyong dacong arao nabihag nang ganda niya,t, cariquitan; dapoua,t, ang baua,t, magsabi nang pacay hindi na macuhang muling ipagsaysay. Sapagca,t, pagdaca,i, cusang tinatapat nang uicang mariing, conoua,i, banayad; «Sa bagay na iyan ang hin~gi co,i, tauad «at dini sa puso,i, lason at camandag.» Cung pinaliligoy ang pagsasalita nang adhicang sinta ninomang binata, agad sasagutin nang ganitong uica: «Linauan po ninyo at nang maunaua.» Saca sasabihing masasayang lamang tanang guguguling dusa,t, capagalan, idinudugtong pa nang lalong tumibay: «Ito,i, una,t, huling aquing casagutan.» At cung maramdamang ibig magtiyaga di na paquiquita,t, magtatagong cusa, cundi macaiuas sasabihing bigla: «Sucat na sa iyo ang catagang uica.» Ito ang nag-iui dito cay Hortensio, capatid nang amang pan~galan ay Fabio, at sa isang pinsan ipinaquinuso, ang batang ulila paglabas sa mundo. Icapitong taon ang edad nang bata ay sa isang pare,i, ipinacalin~ga mabait, marunong, at ang labi,t, dila ay batis nang aral na cahan~ga-han~ga. Daquila ang toua mula nang mamalas ang sa cay Hortensiong loob na banayad, at ang cabaitang caguila-guilalas anaqui,i, sinusong casama nang gatas. Lalo nang matantong lubhang mapagtiis sa pagod at puyat, sa pighati,i, hapis; at cahit mayroong maramdaming dibdib ay hindi sumuco sa dahas nang saquit. Baquit parang sadya na itinalaga nang lan~git sa madla,t, sari-saring dusa, quinaguisna,i, lucsa,t, ulila sa ina at ang caruc-haa,i, ualang pan~galaua. Sa lahat nang bagay ay capos na capos sa canin at damit, sampong sa pagtulog; sa tanang casama na sa paring lingcod ay uala isa man na nagdalang lunos. Puso,i, nalipos nang lumbay at hapis, ang luha sa mata,i, laguing nagbabatis, naualay sa ama,t, aling nagtangquilic: anopa at naguing hantun~gan nang saquit. May alagang pari sabihin ang aua, dapoua,t, quinusang di nagpahalata, nang lalong mauagas ang puso at diua, luminis sa apoy nang madlang dalita. ¿Aling cabaitan ang hindi magmalio sa guitna nang gayong hirap at hilahil, n~guni,t, ang bayaning lubhang matiisin dusa ay hindi man lamang naidaing. Capag dinadatnan anomang balisa sa lan~git na lamang siya umaasa, sa sariling loob ay ang uica niya «Maguing bayad naua sa lahat cong sala.» Napagtanto mo na, bumabasang liyag ang cay Eliseo na causap-usap, caya naquilala,i, siya ang nagligtas sa lubhang daquila na pagcapahamac. Sapagca,t, ang isang pamangquin nang pari, Valerio ang n~galan ay may panaghili, doon cay Hortensio,t, ang mula at sanhi dahil sa dalagang sa iba,i, natan~gi. Sari-saring bagay ipinadadala nito cay Hortensio,t, natatanto niya, na ualang mabisang pang-aquit sa sinta gaya nang mabuting loob na paquita. Puso ni Hortensio,i, hindi naligalig sa mapulang pisn~gi,t, malagquit na titig, at maputing noong capilas nang lan~git nang isang babaying n~gala,i, Eduvigis. ¡Oh diamanteng pusong ualang casing tigas at quinucusa na,i, ayao pang pumayag! n~guni,t, ¿ano caya,t, tila nabaligtad ang dating ugali nang sa mundong lacad? Ang bato balani ang siyang lumapit lumapit sa bacal na di co ma-isip, ¿ano caya itong hiuaga nang lan~git, hindi mapaghaca nang pantas na bait? Isang arao n~gani ay parang nagtipan itong si Hortensio,t, ang dalaga naman sa bahay na isa,t, nagcasalitaan nang tungcol sa mundong man[)g]a cahirapan. Sa aming babayi, ani Eduvigis ay loualhati nang pan~galauang lan~git, ang cami tumama lalaquing mabait, marunong dumamay sa hirap at saquit. At cung mayroon pa sa sang maliuanag na isang lalaqui na iyong catulad, ó ibang Hortensiong asal na banayad maiisban-isban ang tindi nang hirap. Pagca,t, ang Hortensiong aquing capanayam, uala manding aua sa boo cong damdam, sa mauica ito mata,i, itinunghay dito sa ulilang nagcacamamanghan. Sa salitang ito,i, biglang namutla ang buroc na pisn~gi nang ating binata, at ang sumaisip nang lipos dalita ang babaying yari,i, labis na manuya. Hindi maniuala ang mababang loob na sa lagay niya,i, mayroong iirog, caya sa dalaga,i, ualang isinagot cundi «sucat na po ang iyong pag-ayop.» Sa oras na ito ay siyang pagdating niyong si Valeriong sa paring pamangquin, ito,i, may pagsinta na laong inangquin sa cay Eduvigis babaying butihin. Isang bagong tauong marin~gal ang ticas magandang lalaqui,t, marahang man~gusap, man~ga panucala,i, lubhang matataas, at ang pananamit ay nacagugulat. Sa yama,i, sagana, malacas, matapang, ualang pan~galaua sa binatang tanan, laguing tinatanghal sa man~ga lansan~gan sapagca,t, bihirang tumira nang bahay. Ang tabas nang muc-ha niya ay mahauas, at saca ang puti ay lubhang matingcad; n~guni,t, maganda ma,i, parang nalilimbag ang capalalua,t, pagcabudhing sucab. Ualang hindi siya pinaghimasucan, na sinalicsic ang sa ibang buhay; ang malicsing bibig hindi nan~gan~galay sa puri nang capoua niyong paghahapay. Hindi bibihira ang nan~gatatacot sa malicsing dilang ualang munting pagod, naguguniguning matalas pa halos sa talim nang tabac talagang panghamoc. Mapusoc na loob hindi mapasucan nang hatol na dapat sa ganoong asal, tanang camag-anac pauang naninimbang dito sa binatang lubhang tampalasan. Masiglang cataua,i, hindi nagsasaua sa ugali niyang magpagalagala; ang man~ga casama,i, lalong nagpalalá sa caniyang asal na dating masama. Pagdating nang gabi,i, hindi linilisan ang taglay touinang matulis na puñal; paglilibot niya,i, pinaglalamayan, saca ang pagtulog naman ay sa arao. Ito,i, nanibugho,t, acala,i, ninibig yaong si Hortensio sa cay Eduvigis, at sa salitaan siya ay lumapit catulad nang isang tauong ualang bait. Nag-uaualauala,t, nang di mahalata ang lihim na galit na taglay nang diua; n~guni,t, sa caniyang quilos at salita ang sucal nang puso,i, mapag-uunaua. Si Hortensio naman at si Eduvigis sa pagdating niya,i, hindi na umimic, na siya pang lalong na ipinagn[)g]alit nang naninibughong haling sa pag-ibig. Dito na nag-isip itong alibugha nang cay Hortensiong icapan~ganyaya, hindi nan~gilabot ang sariling diua magnasang lasunin ang caaua-aua. Lihim na sinabi sa cay Eliseo nang may budhing sucab n~gala,i, si Valerio ang lihis na nasang udioc nang demonio pagca,t, malaon nang sila,i, magcatoto. Nahambal ang puso nang pinagsabihan caya,t, cay Hortensio sinabi ang bagay: icao ay lalasunin niyong tampalasan at sa panibugho yata ang dahilan. Dito na lumayo ang ulilang aba sa lilong Valerio hayop ang camuc-ha, talaga nang lan~git at malaquing aua,i, sa cuco nang ganid di napan~ganyaya. Nagmula na rito ang pag-iibigan nang dalauang laguing magcasalitaan ang canilang puso,i, pinag-isang tunay parang magcapatid ang nacacabagay. Hindi man ugali nitong si Hortensio ang siya,i, magtanim sa sinoman tauo; gayon ma,i, nan~gilag sa nan~gin~gimbulo, at di na minarapat na gauing catoto. At si Eliseo naman ay gayon din sa lilong Valerio,i, tantong narimarim; na hindi mangyari cahima,t, pilitin ang may asal hayop na gayo,i, guiliuin. CAPÍTULO VI.--_Ang uliran nang man~ga dalaga._ Ugali nang tauong maganda ang asal sa may dalang hapis puso,i, nahahambal, caya si Hortensio,i, tambing napaalam sa nagcacalin~ga. Ganito ang saysay, Houag pong magdalang cagalitan n~gayon, at ang pag-alis co,i, hindi malalaon, aquing sasamahan ang nalilingatong na si Eliseong catoto cong bugtong. Pinahintulutan siya sa pagpanao, sa pagca,t, mabuti ang nasa at pacay; n[)g]uni,t, nagdamdam din ang pari nang lumbay dahil sa daquila niyang pagmamahal. Nagcasama nan~gang parang magcapatid itong si Hortensio,t, Eliseong ibig; mana,i, isang hapo,i, canilang na-isip na pa sa vintana,t, mag-alio nang dibdib. Nagcataon naman siyang pagpapasial sa jardin nang isang dalagang timtiman, hindi sumasala yaong paglilibang capag malapit nang lumubog ang arao. Sapagca at hindi nalalayong lubha, cun caya,t, naquita nang man~ga binata, nagcaca-abutang suliap sa vintana, di lamang macuha ang pagsasalita. Ang tinatahanan ay calugod-lugod libid nang halaman sa harap at licod; ang ibig pumitas hindi mapapagod mula sa vintana bun[)g]a,i, na-aabot. Nagbibigay alio sa pusong may sindac ang balabalaqui na man~ga bulaclac, sa dacong umaga,i, cung namumucadcad ang cahalimbaua,i, ang lupang mapalad. Ang babaying ito,i, di lubhang maganda dapoua,t, mayroon sucat icapuna, masaya ang muc-ha,t, ang hinhin nang mata ay cagalang-galang sa macacaquita. Labi ay mapula sa pisn~gi may lunal, ang tubo nang buhoc sa noo,i, mahusay, catauang butihin ay bagay na bagay sa catoua-touang maliit na bayuang. Ang hubog candilang caniyang daliri ay parang sinadya nang pagcayari, n~guni,t, ang lalong nagbigay uri, ang cabanayara,t, buti nang ugali. Bihirang man~gusap at ang catabilan malayong-malayo,t, quinayayamutan; gayon ma,i, cung mayroon siyang capanayam ang saya nang loob ay pinatatanao. Maminsan-minsan lamang namintana, ang catahimica,i, siyang laguing nasa: at cung may pumanhic na man~ga binata ay di maitunghay ang mata sa hiya. Lalabing anim pa hustong cabilan[)g]an nang caniyang taon na linalacaran, na cun sa bulaclac cabubuca lamang bagong calilipat sa cadalagahan. Sucat cauiliha,t, lubhan matatamis lahat nang caniyang man~ga bucang bibig, mabini ang quilos na naca-aaquit sa ibang dalagang palaring tumitig. Hindi mayamuti,t, mababang man~gusap, mapagbigay loob sa quinacaharap, minsan man ay hindi narinig pumintas cahima,t, sa tauong may loob na sucab. Loob ay di hilig sa pagmamariquit, magsoot nang madla,t, mahalagang damit: sa catauan niya,t, ualang masisilip cundi caraniuan lamang at malinis. Sapagca,t, di taglay ang palalong nasa nang ibang dalagang matan~gi sa madla, na cung magcagayo,i, ang boong acala pupulot nang puri,i, hindi pala,t, pula. N~guni,t, ang ugali niyang pananamit ay cauili-uili sa baua,t, tumitig, yaong caayusa,t, palaguing malinis larauan nang caniyang dalisay na dibdib. Taglay na palagui ang magandang loob, cahiman at duc-ha,i, hindi inaayop, ang pag-ibig, niya ay lubos na lubos di sa bibig lamang at sa puso,i, taos. Sa mag-uumagang tila nag-aauay ang ulap nang dilim at caliuanagan, unang tutun~guhin yaong pag-aalay nang cay Jesucristong dugo at catauan. At sa bahay nitong lumic-ha nang lahat tantong nauiuili yaong pusong uagas, ang pagsinta niya,i, lalong nag-aalab na cung mangyayari,i, doon ay lumagac. Muli,t, muli niya na iniluluhog ang icagagaling nitong isang sinucob, na inihahadlang sa galit nang Dios ang sa anac niyang dugong ibinuhos. Saca ihahain ang cataua,t, buhay _Sa napapalihim na anyong tinapay_ at bago aalis nang boong pag-galang, mahinhing uui sa caniyang bahay. Cung na sa bahay na,t, iyong mapanood yaong paglilinis niya,t, pag-aayos, ay mauiuica mo sa sariling loob ito ay babaying sa iba,i, nabucod. At cung maquita mo yaong casipagan niyong pananahi at paghabi naman, baca mo sabihin ito ang matapang babaying pinuri ni Salomong paham. Ito,i, siyang bun~ga nang laguing paglapit sa mahal na dulang na piguing nang Lan~git, cung caya ang diua,i, lagui nang tahimic mahinhin ang asal na caibig-ibig. Cabaitang ito,i, napag-uunaua nang na sa bintanang dalauang binata, at ang isa rito,i, malaon nang lubhang nag-in~gat sa puso nang lihim na nasa. Dili iba,t, ito ay si Eliseo, caya n~ga,t, nag-uica dito cay Hortensio: ¿sa dalagang iyan ano ang uica mo, iibiguin baga ang abang lagay co? Napan~giti muna,t, mata,i, itinunghay nitong tinatanong, at saca nagsaysay: panain~gahan mo yaring casagutan at hatol nang isang matandang datihan. CAPÍTULO VII.--_Ang pagpili nang cacasamahin[5] at ang mabuting paraan nang nangyaring macamtan_.[6] Niyong dacong arao cami,i, nag-uusap para-parang batang casiglahang lahat, may isang matandang tambing naquisabad, aquing sasabihin ang ipinahayag: «Man~ga bata, aniyang aquing guilio, ang magandang palad nasa sa atin din, sapagca,t, cung ano ang punla,t, pananim ay siya ring bun~ga namang aanihin. N~gayo,i, panahon na dapat na magpunla, cayo na n~gang lahat nang mabuting gaua, nang upang maputi ang catoua-toua matamis na bun~ga sa bayang payapa. Mana ay sumagot ang isa sa amin ang ituro ninyo,i, cung anong magaling paraang marapat na alinsunurin tungcol sa pagpili nang cacasamahin. Sagot nang matanda ay maraming bagay diyan sa pagpili na dapat tandaan, nang di lumalauig ay atin nang lisan ang hindi totoong man~ga cailan~gan. Houag maniuala sa balibalita na ang caraniua,i, cabulaanang paua; gayon ma,i, sa lagay nang nagsasalita ang catotohana,i, mapag-uunaua. Cung saca-sacaling cayo,i, may mamasdan na isang dalagang mahinhin ang asal, houag mabighani mana capagcouan hangang di mauri ang catotohanan. Ang balang babaying maraming salita caraniua,i, tamad ualang guinagaua, at ang mapintasin ay lalong masama sa pinipintasan siya caipala. Capag nagsabi dalagang sinoman nang sarili niyang man[)g]a cailan~gan, ay isa nang tanda nang capalaluan, malupit na ina nang casamang tanan. At cung batiin man ay ayao sumagot ay tandaan ninyong ang tono,i, matayog, ang naghihicab nama,i, pala-antoc na ualang adhica cung hindi matulog. Capag ang dalaga,i, madaling pa oo ay tandang maraming lubhang catrato, ang mahinanacti,i, itatan[)g]i ninyo,t, may lihim na sinta at malaquing gusto. At capag sa gabi,i, ang ulo,i, may bigquis houag maniualang tunay na may saquit, ang dahilan nito,i, tantong naiinip at di dumadating ang toua nang dibdib. Saca ang dalaga na taua nang taua,i, ibig nang totoong macapag-asaua, cung aling binata ang pinagmumura ay siya cung minsang bubugbog sa caniya. Dapoua,t, ang ayao na maquipanayam at cung sumagot ma,i, nagmumuc-hang calan, ay hindi malayo na mapagculian, sinintang sandali,t, saca inayauan. Ang gayong babayi ay nacacataua na tila aayao na totoong tumugpa; n~guni,t, cung lumao,t, tumandang dalaga caraniua,i, bao naguiguing asaua. Sapagca,t, ang dapat sila,i, tumahimic capag tumanda na,t, sa bahay lumigpit harapin nang lubos ang santong pag-ibig at ang paglilingcod sa Hari nang lan~git. Ipalagay nating maganda ang ticas, mabait, mahinhi,t, ualang ipipintas; n~guni,i, ang dapat namang matalastas cung sa inyong hiling caya ay papayag. Caya cailan~gang inyong maunaua ang man[)g]a paraang mabubuting paua, at uala munti man na cahalong daya ganito ay dinguin nang man~ga binata. Iyong dadagdagan ang paquitang loob, susunod na tambing sa balang iutos; paca-iin[)g]atan ang iyong icapopoot at ang pagpipilita,i, ang icalulugod. Laguing huhulihin ang caugalian, cun baga,t, may galit houag lalapitan n~guni,t, ang babayi,i, may caugalian cahit umiibig conoua,i, aayao.» Hindi na napiguil biglang napataua ang hinahatula,t, nag-uica pagdaca: «¡datihang matanda,t, lubhang dulubasa dapoua,t, ang iba,i, dagdag mo na tila.» Sagot ni Hortensio,i, catoto cong liyag, ¿baquit baga icao ay nanguiguilalas? tauo,i, tumatanda,i, dapat matalastas ang caliua,t, canan nang sa mundong lacad. Datapoua,t, n~gayon atin nang tapusin ang lahat nang bagay na dapat mong gauin, cung baga sacali,t, iyo nang malining na may daan ca nang sucat pasuquin. Taunin mo siyang mabuti ang loob saca mo lapitan nang galang na puspos, bago mo sabihin ang iyong pag-irog ay macaitlo ca munang maghimutoc. N~guni,t, nauucol iyong pag-in~gatan ang masamang anyo,t, quilos na mahalay gaya nang ugali nang hindi nag-aral at ualang inimpoc na magandang asal. Pag-ayusin naman ang pagsasalita sa dalagang iyan,nang di ca malisiya, sapagca,t, ang tauo,i, sa gaua at uica mapagquiquilala ang may turo,t, uala. Cahit natatanto na may capintasan sinomang binatang nagnanasa naman, ay houag sabihin nang hindi mahapay ang puri nang capouang dapat pag-in~gatan. Hindi natin tanto na cung tayo pa n~ga sa mata nang Dios ang lalong masama; caya cailan~gang piguilin ang dila nang houag man[)g]ahas sa iba,i, pumula. Di dapat saysayin ang yamang sarili, sapagca n[)g]a,t, ito ay pagmamapuri bagcus na ilihim na cung mangyayari ay ipagcaila cung baga,t, masabi. Dapoua,t, houag acalain naman na ang iyong nasa,i, agad aayunan, at macalilibong naca-iibig man di caraca-raca ay magpapamalay. Sapagca,t, totoong malaqui ang hiya cung caya aayao na magpahalata, at baca uicain nang masamang dila sila sa lalaqui,i, nagcacandarapa. Sa madlang paraan na sinabi co na cung baca sacali,t, di mo rin macuha, aco ay mayroon na ituturo pa, cagalin~gan nito,i, mahiguit sa una. Cundi mabighani ipalagay natin sa muli,t, muli mong himutoc at daing, ang maraming pagod houag nang sayan~gin sapagca,t, ang ayao di dapat pilitin. Cundi gumanito, ay matutulad ca doon sa nagtanim nang isang sampaga, ang lahat nang daho,i, naquita nang lanta cung anong dahil at dinidilig pa. Ani Eliseo,i, tila cailan~gan na ang ating gauin muna ay sulatan, Sagot ni Hortensio,i, mangyayari naman sa lahat nang bagay quita,i, tutulun~gan. Sa oras ding yao,i, tambing isinulat ang cay Eliseo na sa pusong in~gat saca nang mayari,i, cusang iguinauad sa caniyang catoto,t, baca may pintas. Marahang binasa nitong caibigan, baua,t, isang letra ay pinagninilay, sa sobre nang sulat ay nababalatay ang ganitong uica: _Sa tinatan~gisan_. «Magpahangan oras na tan~gan sa camay «ang plumang lumagda nitong carain~gan, «iniisip co pa cung aquin nang taglay «yaong catutubong limang caramdaman. «Sa pagca,t, touinang pilitin ang dila «na ipasalual ang lihim na nasa, «parang tumatapon sa aquin ang diua «at di co macuha ang pagsasalita. «Dan~gang nan~gan~ganib baca magtumulin «tacbo niring buhay patun~go sa libing, «mag-ulol ang unos nang madlang hilahil «at sa dalamhati hinin~ga,i, maquitil. «Caya mabalinong daluyan nang aua «itong lumuluhog na napacaaba, «gutom sa ligaya,t, busog sa dalita, «mata ay uala nang ipatac na luha. «At cung mangyayaring sa iyo,i, igauad «ang lahat nang toua sa sang maliuanag, «disi,i, inihandog sa mahal mong yapac «calaquip ang aquing tunay na pagliyag. «Dapoua,t, yayamang ualang maihain «cundi yaring pusong tiguib nang hilahil, «isinasamo cong iyong marapatin «sapagca,t, di baual nang lan~git ang daing. «Iyong paglubaguin matigas na loob «para nang pagsaguip cung sa nalulunod, «icao ay may puso,i, ¿baquit di malunos «sa capoua puso na naghihimutoc? «Di co calauigan ang hinibic-hibic «yamang dili bato ang mahal mong dibdib; «gayon ma,i, cung lalong hirap ang icapit «mangyaring sabihi,t, nang aquing mabatid.» =Ang iyong alipin na suma sa yapac=. Iya,i, ma-aari, cay Hortensiong uica; n~guni,t, caraniua,i, lampas ang salita, gayon ma,i, sa sobre ipasoc mo na n~ga saca ipadala sa isang alila. CAPÍTULO VIII.--_Ang pusong garing na di malamuyot._ Nagcataon namang doroon sa jardin ang bunying dalaga na may pusong garing, ang sariling diua parang inaalio, sa tanang bulaclac at simoy nang han~gin. Siyang pag-aabot nang naturang liham sa parang linalic at maputing camay, quinuha at saca tumanong pagcouan: ¿sino caya baga ang pinangalin~gan? Basahin po ninyo upang matalastas, uica nang alila, cung sinong may sulat, ang pagcatin~gin co,i, sa puso,i, may sugat at ang ninanasa marahil ay lunas. Agad napan~giti at di napiguilan niyong catutubong bait, cahinhinan, sa malaquing hiya,i, tumun~go na lamang; pinunit ang sobre,t, binasa pagcouan. Sa calaguitnaan nang pagbasa niya sandaling tumiguil nagmasid pagdaca, at baca sacaling may nacacaquiquita, cauicaan niya,i, cahiyahiya pa. Mana,i, nang matapos pagbasa nang sulat sa puno nang cahoy humilig na agad, na larauang bato ang nacacatulad: ganito ay dinguin man~ga pan~gun~gusap. «Mundong sinon~galing, sumandaling layao, «touang sa sangquisap, asóng mapaparam, «lumayo ca hayo,t, ualang cararatnan «sa aquin ang iyong camandag na alay. «Caran~gala,t, yaman agad cumucupas, «tulad sa sampagang biglang nalalagas, «isinusumpa cong di ca matatangap «niring aquing pusong dili pabibihag. «Malicmatang ganda,t, balo-balong diquit, «magdarayang touang may paing pan~ganib, «magbago cang hanay at di mahihilig «aco sa ligayang puno nang ligalig. «Mahabaguin lan~git, iyong tinutunghan «acong na sa guitna nang casacunaan, «mahina cong lacas iyong saclolohan «nang upang matamo ang pagtatagumpay. «At icao, o Virgeng matibay na cuta, «sa baua,t, dumulog na napa-aaua, «sa mahal mong puso,i, nagtatagong cusa «itong alipin mong napacacalin~ga. «Sa harap co,t, licod sa caliua,t, canan «nagcalat ang silo nang lilong caauay, «cundi mo amponi,t, anong cararatnan «niring catutubong aquing cahinaan. «¿Mangyayari caya namang paghatiin «yaring aquing puso,t, papagdalauahin, «ang isa,i, ibigay sa Nacop sa aquin, «at ang icalaua,i, sa may sintang hain? «Cayong sari-saring naritong bulaclac, «ang sinasacsi co nitong pan~gun~gusap, «na sucdang maguho ang sang maliuanag «di co dudun~gisan yaring pagca-uagas. «Sucdan sa madurog magcauaray-uaray «ang laman at buto nang aquing catauan, »cay Jesus cong poon aquing iaalay «ang libo mang puso,t, ang libo mang buhay. «Cung pag-uariin co,t, timban~gin sa isip «ang lahat nang yaman nitong sandaigdig, «sa dalagang buhay at in~gat na linis «alan~gang di palac na ipaquiparis. «Icao, camatayang aquing iniirog, «baga man sa iba,i, caquilaquilabot, «gamitin mo hayo tabac na pang-lagot «pagca,t, ang nasa co,i, hinin~ga,i, matapos. «Cung gunitain ca,i, iquinalulumbay «nang pusong alipin nang samundong layao, «n~guni,t, cung sa aqui,i, quita,i, minamahal «at inaanantay ca sa gabi at arao. «Camatayan lamang ang nacapipinid «sa aqui,t, sa Poong ligaya nang dibdib, «icao,i, siyang uacas nang dalita,t, saquit, «at mula nang toua na hindi malirip.» Sa mauica ito,i, tambing na linisan ang masayang jardin na dating aliuan, binalot nang paño ang binasang liham at saca nagtuloy pumanhic sa bahay. Pagca,t, binaui na sa sang maliuanag nang arao ang huli,t, malamig na sinag; saca unti-unti namang nacacadcad ang tabing sa gabing maitim na ulap. Nang macapanhic na ang bunying dalaga umupo sa sillang malapit sa mesa, tintero,i, binuhat, guinamit ang pluma, sinagot ang sulat ganito ang badya. «_Sa may sintang handog_.» «Houag mong hanapin, sa imbi cong sulat «ang maranghang tula nang man~ga poetas «ualang talinghaga aco cung man~gusap, «dati cong ugali,i, magsabi nang tapat. «Averno,t,[7] Olimpio[8] hindi maquiquita «sa titic nang aquing maralitang pluma, «gayon si Apolo,t,[9] masayang musa «sucat ang matanto ang ipagbabadya. «Ligaya sa mundo ang iyong pan~gaco «igauad sa aquing tumatan~ging puso, «dalisay na sinta,t, tunay na pagsuyo «n~guni,t, ualang daan ang iyong pagsamo. «Tahas na nica cong bilang pahimacas «na di magmamalio, buhay ma,i, mautas «at cung uulitin ang hin~gi co,i, tauad «ito,i, mabuti ring iyong matalastas. «Madla na sa aquin ang nagsipagsaysay «nang tungcol sa sinta na gaya mo naman; «n~guni,t, tiniyac cong anomang caratnan «dili matatangap niring calooban. «Pagca,t, malaon nang tinica nang diua «na aquing lisanin ang sa mundong daya, «at sa isang silid na lubhang payapa,i, «maglingcod sa Hari nang lan~git at lupa. «Hanganan co rito,t, dapat nang mabatid «na ang iyong nasa,i, camandag sa dibdib: «Pag-utusan naman itong nagnanais «mabilang sa tanang lingcod mo at cabig». Ang taguisuyo mo. Ano,i, sa mayari,i, biglang isinara nang bunying dalagang n~gala,i, Eufrasia, saca sinutsutan ang alilang isa, cusang ibinulong ang pagpapadala. ¿Anong loob caya itong nag-aantay na pilit lalasap nang malaquing lumbay? mana,i, sa mabasa ang may lasong liham limang buan halos na umotay-otay. Sa nagpipighati,i, marahang nag-uica yaong si Hortensio,t, malaqui ang aua aco sa lagay mo,i, nagtatacang lubha ang dating ugali,i, tila sinisira. Bayani mong loob cusang napatalo sa dahas nang sintang iquinagugulo, iyong linilimot sampong pagca tauo, anaqui,i, uala nang babayi sa mundo. Pag-uari catoto,i, dili yata dapat na ang buong puso,i, lubos na pabihag, at siyang isipin sa lahat nang oras ang di nabighani sa iyong pagliyag. Gayon ma,i, mabuti ang iyong parunan, baca hari na n~gang siya,i, malunusan: isang gabi n~gani pinagsadya naman pagsunod sa hatol nitong caibigan. Tinangap din siya nang magandang loob bagaman sa nasa,i, ayao pahinuhod, anyong sasabihin ang haing pag-irog mahal na dalaga,i, tambing na sumagot. Banta co,i, sucat na ang catagang uica sa isang gaya mong marunong maghaca; doon pa sa sulat dapat na maunaua ang aquing pag-ayao, yamang di ca bata. Sa pagcacagayo,i, hindi nacaquibo itong sumisinta,t, parang ipinaco, mata,i, itinun~go, at ang quinucuro ang cahalay-halay na pagcasiphayo. Dalaga ay parang naacay nang habag sa cay Eliseo,i, tambing na nan~gusap: puso,i, itahimic houag mabagabag: ¿anóng magagaua ay hindi mo palad? Ang nangyaring yao,i, parang di pinansin at sa ibang bagay cusang inahinguil yaong salitaan, at nang di mailing, malubos ang hiya at pagcahilahil. At ang uica niya,i, ang tauong mahiya dapat cahabagan at caaua-aua, baga ma,t, di ibig ayunang ang nasa nang houag malubos ang pagdaralita. Mapamayamaya,i, parang natauhan ang naabang sintang tumangap nang ayao, sa caniyang puso,i, nanariua naman ang hatol nang pili niyang caibigan. Yaong si Hortensio, ang uica sa aquin, ang talagang ayao ay houag pilitin at baca matulad aco sa nagtanim nang halamang lanta ay dinidilig din. Inari lamang tunay na capatid ang di nabighani sa suyo,t, pag-ibig, sa sarili lamang nihang pag-iisip: ¿Anong gagauin co,i, di loob nang lan~git? Yayamang hindi mo aco capalaran, uica nang dalaga, quita,i, tuturuan «magmula na rito ay icao,i, bumilang at sa icaualong bahay ca humangan.» CAPÍTULO IX.--_May dalahirang banayad at may mahinhing talipandas._ «Sa bahay na yaon ay may magcapatid dalauang dalaga unahan nang diquit, aquing sasabihin nang iyong mabatid ang cani-canilang ugali at hilig. Ang bilang pan~ganay n~gala,i, Esperanza, malouag ang loob na ualang balisa, cataua,i, magaan at lubhang masigla ang ano mang hirap inaalintana. Sa caniya,i, uala munti mang bagabag parang namamayan sa lupang mapalad, sa capoua tauo,i, lubos ang pagliyag inaari niyang capatid na lahat. Ang mumunting sira ay pinaraan, hindi alumana cahit masahol man, dunong na mag-in~gat sa capahamacan nang paraang sucat na macahahadlang. May magandang nasa, at ang panaghili ay di man sumun~gao sa pinto nang budhi, mababa ang loob na di caugali ang nacacatulad isang batang munti. Cung maquita niya sino mang may hapis ang luha sa mata,i, dadaloy na pilit, at di pa magcasiya sa habag ang dibdib ang tulong at lin~gap agad icacapit. N[)g]uni,t, cung sacali nama,t, ang mamasdan ay ang nagtatamong toua,t, capalaran, puso,i, lumulucso sa caligayahan, iquinalulugod ang sa ibang dan~gal. Sa cay Esperanza,i, ualang masisilip na hindi mabuti at ugaling pan~git liban sa salita nang masamang bibig na ang cahinhina,i, nagculang nang muntic. Sapagca,t, sa loob na lubhang masaya at magaang bibig sa balang maquita, ang naguiguing dahil ipula nang iba dito sa uliran nang man~ga dalaga. Capatid na bunso n~gala,i, Eduvigis, timtimang babayi, anaqui,i, tahimic, at sa silid niya,i, laguing lumiligpit anopa at parang buhay, taga lan~git. Yaong cagaslaua,i, malayong malayo, at ang cahihina,i, parang catutubo, ang lahat nang quilos mabini at uasto; n~guni,t, hindi gayon ang lagay nang puso. Ang man[)g]a salita,i, hindi nasisinsay sa iguinuguhit nang magandang asal, dili maibiguin lumabas nang bahay at cung sacali ma,i, tun~go,i, sa simbahan. Caya,t, sa caniyang isip, uica,t, gaua ualang ipipintas, mabuting paua, sampo pa nang tanang man~ga binabanta n~guni,t, nalilihim ang nacasasama. Sapagca,t, ang boo niyang pagca-isip ay caniya na lamang ang tan~ging matouid: ang sa ibang uica cung baga,t, marinig cahit di masama ay minamapait. Ang quilos nang iba cahit hindi mahalay ay minamasama,t, quinamumuhían, ang caniyang haca ay siya na lamang babaying nabucod sa sang sinucuban. Ualang puno,t, mula biglang napopoot ang babaying itong cabanala,i, bantog, lahat nang marinig iquinababagot, at hindi macuhang magtipid nang loob. Baquit lubhang hilig sa pagtataniman ang dalagang bunyi cung sa cabaitan, ang muc-hang payapa,t, quilos na timtiman di taglay sa puso,t, paimbabao lamang. Sucat masuclam ang macamamalas capag-nagagalit mata,i, nagninin~gas, at uala mang quibo,t, hindi nan~gun~gusap ay daig ang tanang halimao sa gubat. N~guni,t, ang lalong camandag sa budhi ang siya,i, magcusa na unang bumati, ito,i, catutubong caniyang ugali na inaari pang caran~galang tan~gi. Capag nangyayari ang nasa at ibig muc-ha,i, maligayang parang taga lan~git; n~guni,t, pag hindi na,i, agad magn~gin~gitn~git at ualang demonio acong maiparis. Magandang ugali,i, agad mabibiling sisin~gao na pilit ang casamang lihim, ang capalaloua,t, pagca-masumbatin at saca ang nasa na siya,i, purihin. At cung sacali pa,t, mayroon umayo lalong mag-uulol ang malaquing labo, at ang paimbabao na hinhing palalo ay di na maquita,t, cung saan nagtago. Lubos sa uari co,i, ang nacacabagay ay tubig sa laua cundi guinagalao, anaqui ay bubog na lubhang malinao, n[)g]uni,t, ang ilalim ay carumal-dumal. Itong magcapatid alit ang ugali, caya sa dalaua icao ay mamili, nang houag sisihin aco cung sacaling mapalisiya ca sa iyong pagpili. Ang cay Eliseo na ipinagturing aco,i, uala riang itulac cabiguin; ang isa,i, masaya,t, ang isa,i, mahinhin; n~guni,t, ang pan[)g]anay yata ang magaling. Cung gayon ang uica nitong capanayam, icao ang bahala nang upang macamtan; ang isa cong bili,i, pacatatandaan sa paquiquiusap ay magpacarahan. CAPÍTULO X.--_Ang catampalasanan ni Neron at ang matandang mangagauay_. Mana,i, sa matapos yaong salitaan ay si Eliseo,i, umoui nang bahay; agad sinalubong mula sa hagdanan nang parang capatid niyang caibigan. Di agad tinanong muna ang nasapit nitong si Hortensiong may in~gat na bait, niyayang cumain nang macapagbihis ang parang nagdaan sa landas na guipit. Nang cumacain na,i, napagsalitaan yaong sa cay Nerong catampalasanan; ang bagay na ito,i, tiquis na binucsan nang ang nagugulong loob ay malibang. «Ang lilong si Neron, uica ni Hortensio, cung sa calupita,i, pang-ulo sa mundo, sampo nang asaua[10] ay pinatay nito si Burro,t, Séneca[11] at si Británíco.[12] At inibig niyang ang sang catauohan ualang maguing ulo cundi isa lamang, nang sa minsang taga,i, mapucsang paminsan ang lahat nang tauo sa sang sinucuban. Tila nacucutya ang man~ga dila co tumauag sa gayon nang pan~galang tauo, cundi isang Furiang galing sa infierno, sun[)g]ay ang corona na putong sa ulo. Ito,i, Emperador sa Romang calac-han, cuhila,t, mabagsic, daig ang halimao, may alilang tigreng pinacamamahal, na catulad niya cung sa caban~gisan. Febea sa tigre ang ipinamagat nang capoua tigreng may coronang hauac, laguing guinagamit nitong lilo,t, sucab sa man~ga cristiano nang pagpapahirap. Sapagca,t, si Nero,i, malupit na ganid na uala munti mang aua at pag-ibig, cung caya ang puso ay doon nahilig sa capoua niyang hayop na maban~gis. N~guni,t, ano caya, sagot nang causap, ang napala niya,t, anong naguing uacas niyong gayong asal, puso,i, nagagalac pumatay nang tauo,t, laguing magpahirap. Sa palaciong bantog nang lilong si Pluton[13] caloloua niya ay doon humantong, ang hirap, dalita, pighati,t, lingatong laguing linalasap nitong tauong pusong. Di maca aalis magpacailan man ang Can-Cerbero,i,[14] bantay sa pintuan ang balang pumasoc pinababayaan, n~guni,t, ang paglabas ay ibinabaual. Ang Can-Cerbero ay may tatlong ulo, at pauang serpiente yaong balahibo, ualang casing ban~gis na ang cagat nito ay nacatataos sa utac nang buto. Sa tabing Estigia,i,[15] doon nagtatanod, tanicalang ajas siyang nacagapos, ito ang tinalo niyong semi-dios anac ni Jupiter, Hércules[16] na bantog. Ang sinomang tauo,i, dapat quilabutan sa dalitang hindi masayod na turan, ang lalong-lalo na tanang tampalasan, catulad ni Neron niyong nabubuhay. Ani Eliseo,i, may isang matanda, Bárbara ang n[)g]alan lubhang solipica, na cay Eufrasiang tunay na alila, ang muc-hai,i, masun~git, baquit sadyang tina. Maputi ang buhoc, madilim ang noo, matulis ang cucong parang aliman~go, n~gipi,i, sincol-sincol, at cung may catalo mata,i, nanlilisic, daig ang demonio. Ang caniyang ulo naman ay mahaba, tain~ga,i, piing-piing na parang sinadya, muc-hang mangagauay, pagca,t, ualang baba quinatatacutan nang lahat nang bata. Main~gay ang bibig na tila pacacac, anaqui ang dila,i, puno nang camandag loob ay sucaban, ualang pagtatapat, saca cung maupo ang tuhod ay yacap. Sa gayong catanda ay lubhang masiba, laguing nagbubuncal siya sa cusina, nagdadahandaha,t, baca mahalata nang man~ga casama na capoua alila. Ualang quinausap na di nacaauay, ang balang maquita ay pinipintasan, damit sa cataua,i, mistulang basahan at n~gun~guyan~guyang parang camatayan. Hindi co malaman cung saan nunuha nang ipagtitiis ang man~ga casama, lalong lalo na n~ga ang bunying dalaga na di nababagot sa matandang bruja. At canina lamang aco ay doroon ay nan~gun~guaco at un~gol nang un~gol, saca nang utusang pacunin nang apoy malaonlaon din na nagmuc-hang tuntong. Aquing napagmasdan anyong malalapit na ang paa pala,i, tila sa sulyasid, tatlo ang daliri na nagcacadiquit, aco,i, napalin~gon at di co matiis. Dahil sa ugali ay aquing nasabi ito,i, siyang Neron nang man~ga babayi, na uala isa mang guinauang mabuti, matulis ang dila na parang putacti. Houag nang litisin ang matandang iyan pinalalaqui mo ang mumunting bagay, uica ni Hortensio,t, ang sabihin naman cung anong nasapit nang iyong pinacay. Ani Eliseo,i, hindi ninanasa ang pag-aasaua,t, cusang isinumpa sa harap nang lalong Mahal at Daquila ang tica nang puso halos pagcabata. Gayon man ay aco,i, pinamili niya sa cay Eduvigis at cay Esperanza, sila,i, magcapatid hiuaga nang ganda, at man~ga ulila sa ama at ina. Itong si Hortensio,i, nan~giti nang muntic at naala-ala niya ang nasapit, niyong dacong arao na si Eduvigis nag-asal lalaqui tungcol sa pag-ibig. Datapoua,t, hindi ibig ipamalay gayong sa catoto,t, sa tauong sinoman, cusang inilihim nang di madun~gisan puri nang dalagang nabucod sa tanan. Bagcus ang sinabi iyo nang tun~guhin cung sinong lalo mo na minamagaling n~guni,t, ang hatol co,i, iyong paglinin~gin ang sa habang buhay ay cacasamahin. Datapoua,t, tayo ay magpahin~galay, bucas na tapusin itong salitaan; dalauang binata,i, agad nagtindigan sa cani-canilang quinaluluclucan. CAPÍTULO XI.--_Ang pagtatagumpay nang cababaan at pagcaduhagui nang capalaluan_. Bahag-ya na lamang ipinamamalas nang arao ang muc-ha niyang maliuanag; ay nan[)g]aguising na itong magcausap, tila may gagauing hindi nalulutas. Malicsing nagbihis, nanaog sa bahay, parang inaalio ang pusong may lumbay, nag-uica ang isa, catoto,i, pagdaha,t, ibig cong matanto ang tun~go nang pacay. Sagot nang tinanong ang aquing pasiya ay ang piliing co ay si Esperanza, at si Eduvigis cung iyong macuha magbibilas tayo na ualang pagsala. Cung sa ganang aquin, cay Hortensiong uica, ang bagay na iya,i, di co ninanasa, tanto mo nang lubos aco,i, maralita sa isang mataas ma-aalipusta. Hindi nila tantong may nacaririnig na dalauang tauong lacad ay mabilis, nang malalapit na,i, pagdaca,i, nagsulit binabanta ninyo,i, lisiya sa matouid. Nahahaling yata, ani Eliseo, ang ating casabay na dalauang tauo, ¿anong mauauala sa alin ma,t, sino sa mabuti,i, dili ang ninanasa co? Nang muling magsulit agad naquilalang isa sa canila,i, si Valerio pala; uica,i, houag ninyong iraos ang tica sa cay Eduvigis at cay Esperanza. Di pa natatapos ang sinabing ito,i, pagdaca,i, sumagot bunying si Hortensio; (na parang paglibac sa sucab at lilo) cami,i, sumusunod sa baua,t, utos mo. Agad nahalatang siya,i, tinutuya caya biglang biglang namula ang muc-ha, puñal ay binunot patain ang nasa itong si Hortensiong dating inaaba. Ang casama niya,i, dili macaimic, pagca,t, natatantong uala sa matouid, sucab na Valerio ulol ang caparis, at munti ma,i, hindi nabahirang bait. Dinaluhong na n~ga,t, parang inudyocan nang sang infierno itong tampalasan, ang dalauang mata ay binubucalan nang gahasang apuy niyong cagalitan. Abang si Hortensio,i, iniuaang agad, ¡salamat sa lan~git siya,i, nacaiuas!; dalauang casama nama,i, nagmamalas sa maguiguing hanga niyong paglalamas. Sa muling pag-iua,i, pagdaca,i, naagao sa camay nang lilo ang puñal na tan~gan, tuloy inihaguis na pina-ilandang pang di nagnanasang matay sa sinoman. Nang capoua uala nang sandata,t, naghamoc dalauang bayaning lumilipad halos; ang suntoc at sicad caquila-quilabot, na daig pa mandin ang taga at ulos. Ang init nang arao di pa dinaramdam nang pamulan nila itong paglalaban hangang sa mataas di pa nagtatahan at nang mag-uauagui dili maalaman. Ang lacas nang suntoc lintic ang catulad cahiman at sino,i, pilit magugulat; at cung ang dugo ma,i, hindi nagdaranac ay ang pauis naman ang tumatagactac. Pagtataca,i, labis nang piling catoto sa naquitang dahas nitong si Hortensio, na di nagpalalo sa sino mang tauo ay cung maquihamoc parang ipo-ipo. Ang caniyang asal, quilos at salita, sampong pag-iisip niya,t, ninanasa, ualang cataasan at budhing cuhila, palibhasa,i, galing sa pusong payapa. Nasa ni Valerio,i, cumitil nang buhay, si Hortensio,i, hindi,t, nagtatangol lamang, di caguinsa-guinsa,i, biglang napipilan yaong may masama,t, budhing tampalasan. Saca ang guinaua ay ibinaligtad, tinampal sa muc-ha,t, binayo nang sicad, ang boong cataua,i, binugbog nang hampas; nang di mamihasa sa gauang magsucab. Itong nagtagumpay na bagong bayani quinulong nang isang Homerong[17] magpuri na bucod sa lacas, catapan[)g]a,t, licsi,i, may uagas na pusong ayao maghiganti. Cung pag-iisip ang tanang guinaua nitong si Valerio sa ulila,t, duc-ha, di man camag-anac tutulo ang luha at acayin din nang gauing maaua. Ang dalauang ito,i, nang nagcacasama sa bahay nang pari na binanguit co na, gaua ni Valeriong may budhing vivora ang imbing Hortensio,i, laguing minumura. Sa balang mauala,i, pinagbibintan~gan ang abang ulilang ualang casalanan, hindi nan~gin~gimi yaong man~ga camay na ang maralita,i, hampasi,t, sugatan. Sampo nang cacaning ipinacucuha itong tampalasan sa ibang casama, caunting tinapay ang itinitira,t, ang lalong masama ang pinipili pa. At ang guinagaua na parang aliuan paglibac, pagcut-ya, pag-api,t, pag-uyam dito cay Hortensiong inaalalayan nang daquilang aua ninyong calan~gitan. Tatlong taong sincad binata nang diua ang balabalaquing hirap at dalita, ¿baquit natitiis caya nitong lupa at hindi lamunin yaong alibugha. ¿Baquit, man~ga lan~git, at di ibulusoc sa bayan nang apoy, nang doon magduop? at hangang may mundo,t, ang Dios ay Dios yaong pagdurusa,i, hindi matatapos. Iyong inaampon at pinagpapala ang tanang malupit at budhing masama, sa lahat nang bagay pinapagsasaua at ang mabubuti siyang inaaba. ¡Oh hindi mataroc na lihim nang lan~git! ¡oh dagat na ualang pangpang mang ó guilid! ¡oh daquilang Dios iyong nababatid ang lahat nang bagay nitong sandaigdig! Sa buhay na ito,i, itinutulot mo sambahi,t, igalang ang sucaba,t, lilo; saca sa cabila naman ibubunto ang tanang pahirap doon sa infierno. Ang tapat na loob pinapag-titiis sa balat nang lupa nang dalita,t, saquit, saca puputun~gan sa bayang tahimic nang coronang ualang sucat macauan~gis. Datapoua,t, n~gayo,i, ipatuloy co na ang guinaua nitong Marteng pan[)g]alaua, sandaling inisip ang masamang tica nang maghihiganting lilong nacabaca. Cung caya n~ga hindi niya itinulot na macapagban~gon sa pagcasubasob, ang dalauang camay binaliting bagcus, nang upang magbauas pagca-asal hayop. At pinag-uicaan sa pagayong anyo: iyo nang natatap, Valeriong palalo, ang bun~gang masaclap niyang panibugho na lumilingatong na lagui sa puso. ¿Masdan mo ang iyong dan~gal na quinamtan, aco,i, alipin mo lamang cung sa bagay? ¿nahan ang maraming iyong cayamanan sa oras na ito,i, di ca matulun~gan? Cundi ca susuco,i, anomang masapit sa lagay na iya,i, di ca ma-aalis; itong pan~gun~gusap ano,i, sa marinig ay halos magputoc cay Valeriong dibdib. Datapoua,t, di rin munti man lumubag yaong pusong bato yata ang catulad, yayamang ayao rin biglang nagsilacad ang bagong nag-uagui,t, ang catotong liyag. Pinabayaan nang baliti ang camay culang na maghapon sa guitna nang arao, cung caya guinaua ang ganitong bagay nitong si Hortensio,i, nang magbagong asal. Saca ang casama nang lilong Valerio ay pinagsabihan nang dalauang ito, na houag calaga,t, nang upang magbago ang caniyang ugaling higuit sa demonio. Siyang naguing dahil nang pagcacasaquit, pitong bouang halos naratay sa banig: ang nangyaring ito,i, ano,i, nang mabatid nang amaing pari ay naghinanaquit. Doon sa inampon halos pagcabata, caya n~ga,t, ang bagay ay pinag-usisa, at si Hortensio rin ang nagpaunaua nang dahil nang caniyang doo,i, ninanasa. Hindi co po ticang patai,t, masactan ang iyong pamanquing pinacamamahal, at ang guinaua co,i, nang madala lamang magbauas nang munti ang capalaluan. Bucod dito,i, dapat mo pong matalastas ang caniyang pita,i, buhay co,i, mautas, at cung sacali pang n~gayon ay malacas pilit na quiquitlin hinin~ga cong in~gat. Natanto co pong dapat patauarin ang balang caauay at may nasang linsil; n~guni,t, hindi baual nang Dios sa atin na pacain~gatan ang buhay na angquin. Cundi co guinayo,i, inaacala co na aco,i, uala na,t, nasa isang mundo; cayo ang magsabi, yamang alam ninyo ang asal na ganid nitong si Valerio. Pari,i, naniuala at lalong minahal ang hindi pamangquin na may cabaitan sapagca,t, minsan ma,i, hindi nadun~gisan bibig ni Hortensio nang cabulaanan. Toto,t, sa caniyang loob na sarili ay siya ang tan~gi na hamac at imbi; n~guni,t, ang matouid capag sinasabi hindi nan~gin~gimi na parang bayani. Laguing uiniuicang ang catotohana,i, tiquis ilaladlad sa harap ninoman; at ang puso niya,i, sapagca,t, dalisay ay di nagagahis niyong catacutan. Dili maibiguing maquisalamuha sa man[)g]a guinoo, mayama,t, timaua; datapoua,t, hindi iquinahihiya yaong casalatan niya,t, pagcaaba. Mama ni Valerio,i, sumapayapa na, at hindi sinisi tauong ualang sala: dito napanatag yaong magcasama pagca,t, masusunod ang canilang pita. Isang gabi n~ganing parang nabibitin ang buan sa caniyang liuanag na angquin, itong si Hortensio,i, ganito ang turing sa catoto niyang lubhang guiniguilio. Samantalahin mo ang caliuanagan nang tanglao sa gabi,t, sa madaling arao, n~gayon di,i, lumacad, pagca,t, caraniuan malamig ang ulo nang cadalagahan. At si Eliseo pagdaca,i, sumunod sa mabuting hatol niyong nag-uutos minulan na rito yaong paglilingcod sa cay Esperanzang may ugaling ayos: Mataric na bundoc ang nacacatulad, na cung salun~gahin ay lubhang mahirap; tatlong taon halos saca pa naagnas yaong batong pusong ualang casing-tigas. Ang bagay na ito,i, sandaling ihimpil pagbalican natin ang linisang Fidel, sa cay Eliseo mana,i, sa darating, doon sa colegio,i, bagong cagagaling. CAPÍTULO XII.--_Isang cabaitan ang maghunos dili cung may cagalitan._ Dalaua,i, nagyacap capoua lumuluha sa malaquing touang quinamtan nang diua, hindi magcamayao nang pag uusisa sa canicanilang palad ó dalita. «Nabalitaang co, ang uica ni Fidel, «na si Esperanza ang casi mo,t, guilio; «aco cung sa bagay naliligaya rin «at may landas ca nang binucsan sa aquin.» Sa bigcas nang sabi,i, agad nahalata nitong matalino niyang casalita, caya n~ga,t, ang tugon cung gayo,i, humanda at mamayang gabi,i, tayo,i, magsasadya. Sa sariling loob nang bagong ninibig, ay nacatagpo rin siya nang mainit; aco,i, antain mo, ang ipinagsulit, ang ama,t, ina co,i, baca naiinip. Itong sa cay Fidel na man~ga magulang ay lubhang sagana sa lahat nang bagay, dalaua ang bun~ga nang pag-iibigan dalaga ang isa,t, bagong sumisilang. Mana,i, nang sumapit yaong tacdang oras dalauang may pacay pagdaca,i, lumacad bago pang nananhic nahalatang agad na tila mabuti ang maguiguing uacas. Nagcatotoo n~ga,t, di pinaghirapan ang bunsong capatid gaya nang pan~ganay; n~guni,t, si Hortensio,i, cung anong dahila,t, dili naquisama cahiman at minsan. Cung caya ganoo,i, may lihim na nasa na di napapacnit sa puso at diua, loob na timtima,i, ang inaadhica,i, maguing cahalili ni Cristo sa lupa. Caya n~ga,t, touina,i, ninanais-nais na maparaos na ang catotong ibig, sa pagayong buhay parang naiinip, pagca,t, tinutugtog ang puso nang lan~git. Baquit ang caniyang banayad na asal nagpapaquilalang talaga sa altar, at ang laguing nasa,i, yaong capurihan nang lalong Daquila sa sang sinucuban. Ang sala nang tauo,i, iquinahahapis, tandang maliuanag nang pagmamasaquit sa capoua niya,t, tunay na pag-ibig doon sa lumic-ha nitong sang daigdig. Datapoua,t, ating ipatuloy muna yaong nagca-isang puso sa pagsinta, na si Eliseo at ni Esperanza dumating ang arao pagcacasal nila. Lilisaning co na ang laqui nang galac nang dalauang sintang nagca-isang palad, sa piguing na yao,i, inubos ang cayas, at casalamuha tanang camag-anac. Gayon din si Fidel doroon din naman at si Eduvigis siyang capanayam: uica nang lalaqui,i, tayo,i, naunahan houag ca na sanang mag-ayaoayauan. Nahahalata cong iyong iniibig aco,i, ang ligaya nang puso mo,t, dibdib, dan~gan marami ca na patumpic-tumpic tingnan mo ang atin n~gayo,i, nasasapit. Sa aglahing ito,i, ang bunying dalaga alan~gang magalit, alan~gang tumaua, guinanti ang biro: pabayaan mo na at may panahon ding mararaos quita. Hindi n~ga malao,t, tatlong buan lamang ang nan~gahuhuli nama,i, napacasal: nagsasama sila nang lubhang hinusay; n[)g]uni,t, may nangyari na malaquing bagay. Itong magcapatid ay may caquilala na isang dalagang butihi,t, maganda, ang lahat nang quilos nacaliligaya mata ay mapun~gay at mapanghalina. Tila naglalambing cung siya,i, man~gusap, na nacalulugod sa quinacaharap, at cung lumacad pa,i, tila umiindac, sampo nang pag-imbay ay tama sa cumupas. Hindi naman landi,t, cacanyahan niya ang gayong ugali capagcabata na, ang pan~galan nito ay si Efigenia, at lalabing ualo ang edad na dala. Dalauang magbilas sabay tinamaan nang titig na tila tunod ang cabagay, tumaos sa puso,t, hindi maiuasan; n~guni,t, sa sinoma,i, ayao ipamalay. Gaon ma,i, sa pagca,t, di maililihim ang sinta at pilit na mahahayag din, agad nahalata,t, naguiguing butihin dalauang magbilas cung ano ang dahil. Lalong-lalo na n~ga capag dumadalao ang himalang lagda niyong cagandahan, sila,i, nagbibihis na nag-uunahan, at sampo nang buhoc ay pinaghuhusay. Agad nanibugho bunsong Eduvigis asaua,i, di ibig maualay sa titig, lalong-lalo na n[)g]a cung siya,i, malapit doon sa dalagang diua,i, may pang-aquit. Hindi macatulog sa gabi at arao, balisa ang puso niya,t, agam-agam, ang caniyang isip parang naulapan niyong panibugho at malaquing lumbay. Parang binabatac nang dating ugali nanglisic ang mata,t, nagulo ang budhi, ibig nang isabog ang puring calapi nang caniyang puring doo,i, natatali. Dan~gan sa caniya,i, biglang umalalay ang cay Esperanzang loob na tiuasay: «magmuli muli ca bunso, at paquingan «ang pamanang hatol nang ating magulang. «Cung cayo, aniya,i, dalauin nang hapis «ay maghunos dili,t, tumauag sa lan~git, «sa sucal nang loob houag pagagahis «nang di maululan ang pagcaligalig.» «Cung sa bagay aco ay caparis mo rin «sa dinadalita,t, taglay na hilahil; «n~guni,t, nararapat ay ating isipin «ang paraang ucol na lalong magaling. «At ang gauin natin tayo ay dumalao «sa cay Efigenian quinahihiligan, «nang canilang pusong n~gayo,i, nadidimlan: «¡Mahabaguing lan~git sila,i, liuanagan! «Sa gahasa,t, galit di dapat daanin «ang canilang puri,i, puri naman natin, «at cahalay-halay na ito,i, pagdinguin, «caya,t, sa malubay ang lalong magaling.» Mana ay nang gauin ang gayong paraan may puring dalaga,i, agad nacamalay, magmula na noo,i, pinutol pagcouan ang dating ugali na pagdadalauan. Nagdamdam nang hiya naman ang magbilas nadidimlang isip tambing lumiuanag, Man~ga bagong casal ang mata,i, imulat masdan ang mabuti na paraang dapat. Sa lubhang mahinhing tacbo nang panahon Fidel sa asaua,i, nagcamit lingatong, pagca,t, nalasap din ang masidhing lason nang casamang asal na tinagong laon. Tunay at cung biglang abutin nang suliap ay ang cahinhina,i, cabagay nang dilag, n[)g]uni,t, cung litisin ang sa pusong ugat ang lihim na dun~gis ay mapagmamalas. Ang matimping loob nang masintang Fidel sa dahas nang dusa,i, munti nang magmalio: gaua nang asauang pagcamasumbatin naguiguing camandag tila sa panimdim. Ang caniyang puso ay pinamamahayan nang lalong maban~gis na capighatian, lalo nang matantong paimbabao lamang yaong naquiquita na magandang asal. Datapoua,t, hindi nasira ang loob siya ay nanalig sa aua nang Dios, at sa arao arao ay iniluluhog iyong sa asauang asal na pahayop. Bagama,t, ang lagui niyang naririnig ay man~ga salitang pauang masasaquit, na nababagot sa lalong matipid at payapang pusong marunong magtiis. Bagaman aayao gumanti nang pala sa mabuting loob niya at calin~ga, ay minamahal di,t, ang caniyang uica: ito ay palad co loob nang Maygaua. Bagama,t, ang lagui niyang namamasid ay masamang muc-hang may paquitan galit dilí pinapansin at ang suma-isip ito,i, cung punahin mananadyang pilit. Pagca,t, ang babaying ugali masama, capag-pinuna mo,i, lalong lumalala, at cahit pamalong bacal ang ihanda hindi magbabago muc-ha ma,i, mapasa. At saca ang dila nang gayong babayi cung may guinagaua,i, hindi natatali, ibig na maturang masipag, malicsi, anaqui cung sino yata ang pupuri. Inuulit-ulit na uala isa man marunong gumaua sa loob nang bahay, caya ang mabuti,i, patapunan naman nang camunting puri cahit paimbabao. Talastas ni Fidel ang bagay na ito niyong pa mang unang siya,i, bagong-tauo, pagca,t, bihasa rin sa lacad nang mundo, caya,t, sa paraan lubos na natuto. Hindi pinapansin ang asauang ibig capag naquitang siya,i, nagagalit, bagcus pinupuri, upang tumahimic ang di nan~gan~galay na dila at bibig. N[)g]uni,t, cung mamasdang mabuti ang loob agad sinasabi nang boong pag-irog, catulad mo hija,i, ang inahing manoc sa pinutac-putac hindi napapagod. Houag acalaing icao,i, napupuri, ineng, cundi bagcus lalong naiimbi: mag-uariuari ca,t, ang lalong mabuti ay magpacababa ang isang babayi. Ang bibig touinang hindi natiticom ay nacacapara na sa asong tahol, caya catitiis, pagca,t, nauucol sa balat nang lupang bayan nang lingatong. Ang sala nang iba,i, iyong titiisin pagca,t, tayong lahat nagcacamali rin: pagbata na hija,t, baca acalain nang tauong hindi co icao sinusupil. Masasabi-sabing aco,i, natatacot sa iyo,t, cung baquit di ca binubugbog, caya, aquing ineng, icao ay sumunod sa man~ga hatol co,t, banayad na himoc. Tantoin mo, hijang, isang cabaitan ang maghunos dili cung may cagalitan; dito na nagbago sa asauang asal dahilan cay Fidel mabuting umaral. CAPÍTULO XIII.--_Ang buhay taga lañgit at ang pahimacas._ Si Hortensio nama,i, ating pagbalican ang catoto niya,i, ano,i, nang macasal, ay hindi naglao,t, tambing nagpaalam, ticang tutuparin ang laon nang pacay. Daquila ang lumbay niyong si Eliseo sa pagpapaalam nitong si Hortensio, hinadlan~gan sana ang pag-alis nito dan~gan ang dahila,i, malaquing totoo. Sa isang convento,i, pagdaca,i, pumasoc pagsunod sa lihim na tauag nang Dios, ualang iniisip cundi big-yang lugod ang nagpacamatay dahil sa pag-irog. Uala na n~gang dapat tayong pagsicapan cundi mamintuho habang nabubuhay, sa Poong lumic-ha nang sang daigdigan, gaya ni Hortensiong humandog na tunay. Saca iguinauad sa caniya nang lan~git ang capangyarihang ualang cahulilip, na di ibinigay sa tanang Angeles sucat na mamaang ang pantas na isip. Hamac na tinapay ay sa uica lamang naguiguing mistulang cay Cristong catauan, tauong nasa sala ay quinacalasan, ang yaman sa lan~git parang na sa camay. Taga pamag-itan sa dios na galit, guinhaua at alio nang dalita,t, saquit, sa puso nang tauo,i, siyang naghahasic, nang cay Jesucristong aral na matamis. Tungcol sa mabait na si Eufrasia, iniraos naman ang lagui nang pita, linisan ang mundo, at nagreligiosa sa mag-inang Virgen ito ay panata. Ipinamahagui ang lahat nang yaman sa maraming duc-ha at man~ga simbahan matandang Bárbara,i, biniguian din naman bagaman at tila muc-hang mangagauay. Sa pagpasoc niya sa mahal na claustro nang bunying Serafin[18] may catauan tauo, agad nagparali ang sabi,i, ganito «Paalam paalam magdarayang mundo. «Linisan quita,t, di co hinahan~gad «ang toua at layao na handog mo,t, gauad, «idulot sa iba,t, di co matatangap, «at ang aquing ibig ay dalita,t, hirap. «Camataya,t, dusa,i, siyang ninanasa «nang bunying Teresa, inang daraquila, «ang cay Pazis nama,i, sucat ang dalita «at houag mamatay sa laguing pagluha. «Mapalad na saquit, matamis na hirap, «na pinapalitan nang ligayang uagas: «mapait na toua,t, guinhauang camandag, «na hinahalinhan nang saliuang palad.» Dito na lumagui ang bunying dalaga, at pinapagsaua puso sa pagsinta: ang pagod at puyat inaalintana, sampong camataya,i, hindi anumana. At ang uica niya,i, cung ualang dalita uala ring hihinting ligaya at toua, ang hindi nagbata sa balat nang lupa sa cabilang buhay naman ay luluha. Minahal sa guinto, diamante at perlas yaong caruc-haan, cilicio at hirap mahalagang damit lubos na hinamac pinili ang lalong magaspang, magalas. Nacaliligaya sa isipin lamang yaong sa dalagang doo,i, pamumuhay ualang ini-iisip sa gabi at arao cundi ang maglingcod cay Cristo,t, gumalang. Sa caniya,i, hindi nacacagambala tungcol salitaan ualang napapala ang man~ga casama niya palibhasa ay pauang uliran nang tauo pala. Datapoua,t, yamang hindi matularan nang madlang dalaga ang ganitong buhay, ay tupdin na lamang ang macacayanan sa cani-canilang bahay na tahanan. O baca sacali cayang tinutugtog nang lan~git sa gayong buhay na maayos, cung hindi mangyari ang iyong pagpasoc ay cay _Mariang Puso_ cayo ay pacupcop. Hayo na,t, pasuquin yaong Pusong mahal, lubhang maauain at mapagtangcacal, doo,i, ipinatag caloloua,t, buhay at sampo nang liriong inyong calinisan. Hanganan co rito, bumabasang guilio, icao na ang siyang bahalang maglining, ang mabuting asal ay alinsunurin; n~guni,t, sa masama nama,i, marimarim. Natatalastas mong ito ay tadhana nang dapat asalin mulang pagcabata, nang upang calugdan ay aquing tinula, sa icatataua,i, pinaca-sagana. Tantoin mo namang dapat sa sumunod cung mapagquilala ang tugtog nang Dios, at nang cung maganap mahal niyang utos sa Siong[19] mapalad magtamo nang lugod. Madla cong sinabi ay inilalagay sa santa Iglesia na capangyarihan, at isinusumpang hangang sa libin~gan sa caniyang aral ay hindi sisinsay. At isinasamo sa Ina nang aua ang tunay na aral ay lumagui naua, sa sang capuloa,t, ang toua,i, payapa maghari sa puso nang toua sa lupa. Bilang icaapat nang buang masaya: mapalad na Mayong laan sa cay Maria, at pamumulaclac nang man~ga sampaga ang quinathang tula,i, binigyan cong hanga. Ang man~ga bulaclac ay iniaalay sa hindi nagmana sa sala ni Adan, na siyang sampagang sadyang caban~guhan sa masayang jardin niyong calan~gitan. Sari-saring rosas siyang dinadala niyong mabait na anac ni Maria, at taglay sa puso ang toua,t, ligaya niyong paghahandog sa canilang Reina. Oh mayong mapalad, buang pagdiriuang sa mahal na Virgen nang capayapaan, lalaqui,t, babayi, mahirap, mayaman bayang Antipolo ay pinaglalacbay. Hindi anumana ang hirap at pagod sa sinasalun~gang mataric na bundoc, hangang sa sumapit doon sa taluctoc na quinalalag-yan nang Ina nang Dios. Sa nagsisidayo,i, ualang nalulumbay, cundi paraparang nagcacatouaan, pagca palibhasa,i, ang naca-aacay pag-ibig sa ualang dun~gis camunti man. Mula sa Cainta hangang Antipolo ay lumilipana ang dami nang tauo, na ang iniisip nila,i, pasaclolo sa Ina nang gracia nilang tinutun~go, ¿Natatalastas mo na, bumabasang irog ang arao at buan na iquinatapos nang pinangugulan nang puyat at pagod na sa Inang Virgen ay inihahandog? Dito sa daquila,t, mapagpalang Reina dapat na magsacdal ang tauo touina, at gayon din naman sa Esposo niya, san Joséng natan~gi sa lalaquing iba. At sa cay san Roqueng hinirang nang Dios na magcacalara sa nan~gasasalot, ay magmacaauang taimtim sa loob dito sa panahong caquilaquilabot. Aquing ninanasa cung maguiguing dapat at cung bibig-yan pa nang buhay at lacas, tulain ang buhay na lubhang mapalad nang daquilang Santo na nagpacahirap. Nang tularan natin man~ga cabanalan na iniuang bacas sa lupang ibabao, at sa panalan~gin niya ay mahambal ang puso ni Jesus sa sang capuluan. Hanganan co rito,t, tayo namang lahat ay man~ga panuto sa tunay na landas, nang ating sapitin ang bayang mapalad pan~gaco nang Dios sa may pusong tapat. Sa lalong capurihan nang Dios. MGA TALABABA: [1] Lima capital nang república nang Perú, may silla arzobispal; may universidad, at iba pang establecimientos literarios; ang man~ga simbahan ay sagana sa man~ga alhajas at ornamentos. Sa ciudad din namang ito ay lumitao ang cabalitaang Sta. Rosa de Sta. Maria Patrona de las Indias. [2] Platon, balitang filosofong taga Atenas, discipulo ni Pitágoras at maestro ni Aristóteles. Lumitao nang di pa nagcacatauan tauo ang Dios Anac. [3] Mentor, n~galan nang balitang ayo ó tagapagturo cay Telémaco, anac nang Haring Ulises; ang pamagat na ito,i, caraniuang ibinibigay sa man~ga maestrong marunong magturo, humatol at magcalin~ga sa canilang discipulo. [4] Eden, ay ang Paraiso. [5] Itong man~ga tanda sa pagpili na maquiquita dito ay pauang catatauanan lamang, bagama,t, cung minsa,i, nagcacatotoo rin; at di dapat alinsunurin, sapagca,t, maguiguing daang icapipintás at icapupula sa di dapat pintasan. [6] Itong man~ga paraang naririto tungcol sa pan~gan~gasaua ay isang tunay na catatauanan din, at ualang anomang cahalayan. [7] Averno ang infierno. [8] Olimpio, ang lañgit. [9] Apolo, Dios nang poesia música at medicina. Ang mañga salitang ito,i, madalas na guinagamit nang mañga poeta. [10] Ang asaua ni Neron ay ang mabait na si Octavia. [11] Si Burro at Séneca ay siya niyang director ó tagapatnubay. Ang sabi sa historia ay niyong umaalinsunod si Neron sa dalauang ito ay naquiquitaan siya nang cagandahan nang loob; datapoua,t, nang caniyang ipapatay ay naguing tunay na halimao. [12] Si Británico ay caniyang capatid; at ang lahat nang nasabi na,i, para-parang ipinapatay nitong quilabot nang catampalasanan. [13] Pluton, anac ni Saturno at ni Ope, at dios sa infierno, anang mañga poetas. [14] Can-Cerbero, isang malaquing aso na may tatlong ulo, ang pinaca balahibo ay pauang serpiente, ipinañganac nang gigante Tifon at nang monstruo Echidna, siyang nagbabantay sa pinto nang palacio ni Pluton, pinababayaan ang nagsisipasoc at ibinabaual ang paglabas. [15] Estigia; anang mañga poeta, ay isang maitim na dagat sa infierno at sa guilid nito,i, nagdaraan ang mañga caloloua nang nañgamamatay. [16] Hércules, anac ni Júpiter at ni Almena, asaua ni Anfitrion, siyang gumahis sa Can-Cerbero. [17] Homero, ang lalong balitang poeta griego; autor nang dalauang poema épico ang Iliada at Odisea. [18] Serafin, may catauang tauo ay si S. Francisco dahil sa pag-aalab nang caniyang puso nang pagsinta sa Dios. [19] Sion, ang bundoc na canugnog nang Jerusalem doon natatayo nang una ang palacio ni David; caraniuang inihahalimbaua sa lañgit. INDICE Sa calinis-linisan at lubhang mapagcaliñgang puso ni Maria, 3. Sa mañga dalagang babasa nito, 5. Pasimula, 7. Capítulo I. Ang magandang asal na dapat pasimulan mulang cabataan, 10. Capítulo II. Ang pinagcautañgan nang buhay, 15. Capítulo III. Ang hiyas nang isip, 16. Capítulo IV. Cung ano ang buhay siyang camatayan, 21. Capítulo V. Si Hortensio at ang pagcabaligtad nang mundo, 27. Capítulo VI. Ang uliran nang mañga dalaga, 34. Capítulo VII. Ang pagpili nang cacasamahin at ang mabuting paraan nang mangyaring macamtan, 38. Capítulo VIII. Ang pusong garing na di malamuyot, 44. Capítulo IX. May dalahirang banayad at may mahinhing talipandas, 50. Capítulo X. Ang catampalasanan ni Neron, at ang matandang mangagauay, 53. Capítulo XI. Ang pagtatagumpay nang cababaan at pagcaduhagui nang capalaluan, 58. Capítulo XII. Isang cabaitan ang maghunos dili cung may cagalitan, 65. Capítulo XIII. Ang buhay taga lañgit at ang pahimacas, 72. --- Provided by LoyalBooks.com ---