[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.] [Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.] CAHANGA-HANGANG BUHAY ni Santa Margarita de Cortona NA TAGA TOSCANA SA NAYONG DIOCESIS =Cahangahangang Buhay= Ni Santa Margarita de Cortona na taga Toscana sa nayon ng Diocesis at limang Virgenes, at apat na puong Soldados na pauang mga mártires at ibang nadamay. _Hinango sa Año Cristiano at sa Librong_ _HISTORIA SAGRADA_ Na tinula n~g isang mauilihin na si =Cleto R. Ignacio= _Concepcion, Malabon, Rizal._ SIPI SA TUNAY NA LIBRO 1916 LIMBAGAN AT MGA AKLATAN ni _P. Sayo Balo ni Soriano_ Rosario 225, Plaza del Conde 1008, Binundok at Azcárraga 552, Tundo Maynila. K. P. =SAMO SA BABASA= Icaw na may nasang mag-aliw sa buhay cung pinipilantic niyong calungcutan, munting abala mo,i, guguling igamlay sa handog cong cayang hamac na aliuan. Sa iyong pagbasa,i, cundi macalasap nang minimithi mong lasang sadyang sarap, pasubalian mong isundo ang hanap upang ding palaring pita mo,i, matuclas. Bagaman at mura cung sa biglang tin~gin hilaw at mapacla cung pag-uauariin, n~guni,t, cung totoong pacananamnamin ang tamis nang lasa,i, malalan~gap mo rin. Dito sa mapalad na cay Margarita na naguing hantun~gan samâ niyong una, n~guni,t, n~g lumaon siya nama,i, isa na naguing uliran sa gauang maganda. At ang limang Vírgen na man~ga Mártires at apat na puong soldadong nagtiis, n~g madlang pahirap at m~ga pasakit hangang sa ang tan~gang hinin~ga,i, napatid. Pagca,t, ang binyagan na cay Cristong lingcod ikinatutuang buhay ay matapos, huag ang maturang maualay sa Dios tayo doo,i, dapat na umalinsunod. Huag mo rin sana namang pagsauaan ang alay cong dahop na pinaglamayan, may bahagya ca ring mapapakinabang di lamang ibayong tubo sa puhunan. Cung may tulang di mo mahulo n~g lining guipit ó masucal cung sa lalacarin, ang iyang pagbasa,i, pagcasiyasatin ang tunay na landas ay matutuclas din. * * * * * =Puno nang Salita= _Capitulo 1.°_ Taóng isang libo at dalauang daan saca limang pu pa yaong calabisan, si Margarita n~ga ay siyang pag-silang sa bayang Labiano, niyong catauhan. Sa Nayong Diocesis sa Chiusi ang tauag sa Toscana yaong unang pagcatanyag, ang Amá at Iná,i, mabuting tumupad nang pagca-cristianong canilang tinangap. At may puring tauo na magpapaupa yaong guinagauang hanap-buhay nila, silang nagtuturo sa cay Margarita niyong bagay bagay na gauang maganda. Na ayon sa man~ga cabanalang paua at natututo pa lamang nang bahagya, yaong Anác nila nang pag-sasalita iminumulat na ay cagalin~gan n~ga. Tanang malumanay na pananalan~gin niyong may calin~gang Ináng nag-aángkin, sa cay Margaritang puso ay natanim caylan may di na mangyaring limutin. At dinadasal niya nang cataiman caacbay ang puspos na cadakilaan, hagang huling taón niyang paglalabay sa cahapishapis at hamac nabayan. N~guni at sa gayong casamaang palad ang may pitong taón bilang nang maganap, si Margarita ay naulilang cagyat sa mapag-palayaw na Ináng masicap. Ang magandang gaua na naguing ca-acbay sa caniyang puso ay bigláng naualay, at ang pagcauili niyong pag-sasanay sa dating ugaling man~ga cabanalan. Sa mauari niyong abang culang palad yaong pagmamahal nang Ináng lumipas, at ang casamaang hindi malalan~gap palagay nang aling di carapat-dapat. Na naguing asauang cauli nang Amá lihis na pasunod nang di na mabata, laguing pinupucaw yaong ala-ala niyong pagmamahal nang naualang Iná. Caya n~ga sa ibang bahay ay hinanap yaong pagmamahal na ibig malasap, cusang napadala sa maling hicayat nang catuaan, tubo ay dusang masaclap. At hinarap niya yaong pamumuhay n~g isang lagalag at masamang asal, pagca palibhasa,i, nahihiyasan ang caniyang isip n~g catalinuhan. Tan~gi sa caniyang cagandahang anyo ipinabihag ang caniyang puso, sa pagmamarikit n~g gumandang lalo at n~g cauilihan n~g magsisisuyo. Nang m~ga lalaki na macamamalas ¡ay sa abang abá! n~g saliuang-palad, na uari ay hindi napagtatalastas, ang bun~ga n~g labis na m~ga pag-gayac. At ang ualang taglay bagang cahinhinan na nacasisira niyong calinisan, ang cay Tertulianong acala,i, sino man di mangyaring maguing malinis na turan. Gaya n~g dalagang pinipilit manding siya,i, cauilihan n~g matang titin~gin hindi calulugdan ni Cristong malasin ang nasang calugdang dito,t, panoorin. At sa Pan~ginoong nagcacadalaua ay di mangyayaring maglingcod sa isa, at si Cristo,i, ayaw nang hahatiin pa yaong paglilingcod natin sa caniya. Sa bagay na ito,i, sinasabi naman ni San Cipriano ang ganitong saysay, ¿nakikilala mo cayang cararatnan n~g iyong dakila na capan~gahasan? Diyan sa pag-gayac na napacalabis at iyang gaua mo na pagmamarikit, nagcacasala ca sa Dios sa Lan~git na sa iyo,i, siyang lumalang na tikis. Hindi mauauala ang caparusahan sa iyo pagdating nang tadhanang araw, huag mong sabihin sa akin ang icaw ay mahinhi,t, di mo han~gad ang calugdan. Sucat na ang icaw ay ang macalimot sa man~ga gagauin na ucol sa Dios, at ang pagcauili sa iyong pag-handog sa bagay na ualang casaysayang lugod. Dapat catacutan yaong cahatulan sa man~ga babayeng tantong nag-cuculang, nang sa pananamit nila,i, cahinhinan at ualang matuid na mag-sasangalang. Cahi,t, uicain mo na ang calulua,i, di sa damit lamang napagkikilala, yaong calinisan, at si Margarita ito rin marahil ang sinabi niya. Ang capan~gahasang yaon ang nagbulid sa capahamacang di sucat maisip hindi macasapat sa pagmamarikit yaong ari nilang caunting nalabis. Di naman payagan n~g Amáng ubusin sa pagmamapuri,t, ualang uastong aliw, na masunod yaong camaliang hiling ay sa cahalaya,i, napadalang tambing. Cahit sinisisi n~g caniyang Ama,t, binibigyan niyong hatol na maganda. nang caniyang ali,t, gahasa man bagá manacanaca ring inaralan siya. Anopa,t, yaong caniyang cabataan ay naguing isa nang masamang hantun~gan, nang lahat nang canyang man~ga cababayan naguing parang isang sucal nang lansan~gan. Ito na ang mula nang pagcaligalig niyong pag-nanasa sa napacalabis, na sa catauan niya,i, pag-mamarikit ang turo nang Ina,i, nalimot na tikis. Si Eva ang tunay na cahalimbaua na sa paglilibang na ualang bahala, sa umang na silo,i, natuntong na cusa nang lilong Demonio,t, lubos na nadaya. Ang man~ga dalaga,i, siyang caraniuan sa pag-mamarikit na nasang calugdan, nang capua tauo,i, ang cahihihatnan dinadala tuloy sa capahamacan. Siyang pag-cahuli sa parayang pain nang cay Margaritang cabata-ang angkin, lugsong cabaita,i, hindi macapiguil bagcus nag-hihigpit nang calaguim-laguim. Binidbid ang gayong caparan~galanan nang lalaking tacsil na caugalian, nahulog sa ban~gin niyong cahalayan ang pag-mamarikit itong pakinabang. Sa isang binata bagang Caballero malapit sa Ciudad nang Montepulciano, nabihag nang gandang paraya nang Mundo sa pitang mahalay ay cusang nabuyó. Itinalaga na yaong calooban sa marumi,t, tacsil nilang pamumuhay, hindi na naisip ang sila,i, pacasal cundi ang lumaguing nagsama na lamang. ¡Oh saliuang-palad, na dalagang labis na napabibihag sa pag-mamarikit, icaw n~ga ang salot na ibinubulid yaong calulua sa icalalait! Sa lahat nang bayan at man~ga Ciudad icaw n~ga ang lasong masidhing camandag, sa lubhang malabis na man~ga pag-gayac ay hindi mabilang ang nan~gapahamac. Cusang uinaualang bahala na cahit talastas mang sala ang pag-mamarikit, ang capalaloa,i, pan~gahas at hilig sa pag-mamasagua niyong pananamit. Sa cay Margarita,i, siyang nag-lupaypay ang labis na lubhang caparan~galanan, sa nasang tanghaling siya at calugdan ang puring napala,i, caalipustaan. Yaong cagandahang ibig na tauaguing Venus at Floripes Diana,t, Abigael, ang muc-hang masaya,t, tindig na butihin mamumutla,t, lungcot ang pagmamalasin. Ang mapanghalina na matáng mapun~gay at linindi-linding aliw nang lansan~gan, di mag-abot kisap ay mahuhumaymay, ang dating maningning lalabo sa tanan. Mauaualang lahat ang lugod sa iyo nang tanang casuyo,t, nang cababayan mo, ang di magcamayaw na puri nang tauo lilipad na para lamang alipato. Saca ang ulo mong pinamumutihan nang perlas, topasio,t, diamanteng makinang, na inaayos mong pinagpapagura,i, bun~gong butas-butas ang cahahanganan. Capatid co,i, ano,t, natitiuasay ca parang di mo tanto ang bububóng dusa, ang uica mo yata,i, bucas macalaua madaling magsisi cung naroroon na. Nagcacamali ca at di natin lining ang icatatapos nang hinin~gang angkin, mabuti cung hinay-hinay ang pagdating nang camatayan mo, at hindi biglain. Ang cay Margaritang naguing pamumuhay hapo na sa gapos niyong cahalayan, at di napupuna sa caniyang paanán ang ban~ging malalim na cabubuliran. Linalagyan din n~ga cung minsan n~g Dios nang pait, ang man~ga mahalay na lugod, pinaparam yaong pacumbabang handog na capayapaang paconuaring dulot. Manaca-naca ring pinag-cacaramdam ang nan~galalayong man~ga pamumuhay, sa Dios, at sila,i, tinutugtog bilang ang puso,t, ang maling gaua nila,i, lisan. Ipinauauari ang pagca-pahamac nang nabubulagang na saliuang-palad, n~guni,t, sa udyoc nang caibigang linsad nag-uaualang kibo,t, uari di talastas. Ang sa puso niya ay itinutugtog nang di naglilicat na aua n~g Dios, parang nan~gun~gusap na madalas halos cung minsa,i, ualin ding bahala sa loob. _Capitulo 2.°_ Gayon n~gang nangyari minsang isang araw tinan~gisan niya yaong caugalian, na isang babayeng Anác ang cabágay na mapag-acsaya niyong cayamanan. Tinicang magban~gon sa pagca-gupiling at lisan ang nin~gas na calaguim-laguim, nang Infiernong apoy na nasa ilalim nang paá niya,t, siya,i, laang sunuguin, ¿Ano ang nangyari sa cay Margarita napucaw sa himbing nang pagtulog niya, binigyan nang Dios nang cataca-taca na balitang siyang nagpaala-ala? N~guni,t, para manding isang maliuanag na aral, na ualang casaysayang lahat, ang layaw sa Mundong icapapahamac malumanay namang siya,i, nakimatiyag. Ipinauari nang masintahing Amá minsang isang araw sa cay Margarita, nang umalis yaong casintahan niya,t, sa bahay ay siya,i, naiuang mag-isa. Ualang ano-ano,i, ang ásong maliit na babayeng caniyang alila,i, nadin~gig na tumatahol nang tila nananan~gis n~g cahambal-hambal na di mapag-isip. N~guni,t, hindi naman naguguniguni n~g saliuang-palad na may nangyayari, na casacunaan sa caniyang casing bunying Caballerong buhay ay naputi. Pinauaualan n~ga manding cabuluhan ang sigaw n~g áso na calumbaylumbay, hangang nacaraan ang dalauang aráw áso,i, patuloy rin ang pananambitan. Saca ang damit ay kinacagat niya niyong pan~ginoon na si Margarita, tila nag-uiuica uari nang halica,t, ang pan~ginoong cong casi mo,i, patáy na. Dito pinasucan nang paghihinala ang cay Margaritang loob na mahina, nag-ulol ang sindac na hindi cauasa sa taghoy nang ásong hindi nagsasaua. Lumacad nang doon sa áso,i, sumunod sa daang itinuturo,i, naglalagos, bahagya pa lamang dumarating halos sa may calalimang ban~gin ay nataos. Na may ilang tuyo na san~ga n~g cahoy ang áso ay nagpatihulog na doon, at pinasimulang hinucay nang tuloy na calumbaylumbay, yaong paghagulhol. Hinaui n~g nan~gan~ginig na camay ni Margarita ang ilang man~ga sucal na bilang na nacatatakip sa hucay nakita ang bangcay niyong casintahan. Na buloc na,t, hindi sucat na matiis yaong sumisin~gaw na bahong malabis, nang cay Margaritang abutin nang titig sumicdo-sicdo na ang caniyang dibdib. Uinauari niya ang kinahinatnan n~g gayong cakilakilabot na bagay, na sinalubong n~g caniyang caauay tinadtad n~g sugat hangang sa napatay. Nang si Margarita,i, pagsaulang loob sa kinahinatnan n~g palad na capos, na ang buhay niya ay dagling natapos sa pagpapasasa n~g sa Mundong dulot. Anopa,t, yaong mabahong bangcay niya caramihang uod yaong nakikita, ang catauang hilig n~g nabubuhay pa sa layaw sa lupa,i, itong naging hanga. Ni camunting dun~gis di ibig bahiran ang catauan niya niyong nabubuhay, ang caniyang labis na pagcapihican n~gayon nama,i, siyang pinangdidirihan. Yaong sa puso niya,i, siyang bumabaca at pagpipighating naalaala, sa kinabuhusan n~g pag-ibig niya at ang catumbayan niyong calulua. ¡Sa abang-aba co! ¿caya,i, napasaan ang calulua nang sauing capalaran, saan cundi doon sa Infiernong bayan ang sagot n~g voces na umalin~gawn~gaw? Magpahangang sa caibutura,i, taos nang pusò, at tantong ipinan~gilabot, malamig na pauis ay agád sumipot at sinidlan niyong di cauasang tacot. Sa cay Margaritang dinidilidili ang gayong calunos-lunos na nangyari, sa lugod at layaw ay lubhang nauili n~gayo,i, lubos naman ang pagcaruahagui, Ualang hangang hirap doon sa Infierno ang ganti sa munting ligaya sa Mundo, sa sandaling tua,i, nacapalit nito hirap casakitang hindi mamagcano. _Capitulo 3.°_ Cakilakilabot ang cay Margarita na pakikihamoc sa sarili niya, bago nasundua,i, nahirapan muna sa nasang maganda niyang pagtitica. ¡Oh cahambalhambal na casasapitan nang sinomang nan~gag papaliban-liban, niyong pagbabalic loob at ang araw na icatatapos niya,i, hindi alam! Ang dalisay niyang pag-aala-ala,i, capakinaban~gan niyong calulua, kinikilabutan sa sarili niya ang caaua-aua na si Margarita. Nagugunam-gunam na nasa sapiling ang cabubuliran na calaguimlaguim, at may pan~ganib pang doo,i, mahulog din cun ang hinin~ga niya,i, biglang makitil. Caya n~ga,t, ang luha niyang pumupulas ay naguing turing nang parang isang dagat, niyong pagninilay sa pagcapahamac niyong pagcadaya nang Demoniong sucab. Sa lupa ay tambing siyang nanic-luhod nagsisi,t, humin~gi nang aua sa Dios, pinaglampasan nang mahayap na tunod niyong pagsisising sa puso ay taos. Ualang iniisip cundi ang tan~gisan lahat nang caniyang man~ga casalanan, pag-pepenitenciang caunaunahan ang cusang lumayo sa capan~ganiban. Caya n~ga,t, sa loob niya ay tinicang sa Montepolciano,i, umalis pagdaca, siya,i, naparoon at nagpatirapa sa paá nang Amáng tinalicdan niya. Yaong catacsila,i, inahin~ging tauad at nag-pipighating hindi hamac-hamac, capagdaca nama,i, agád nang tinangap niyong Amá, yaong alibughang Anác. Na tumatan~gis na,t, siya,i, nagsisisi n~guni,t, ang matigas na loob na ali, ay hindi pumayag at cusang tumangui at inari niyang casiraang puri. Ang gayong paghibic at man~ga pagtaghoy ni Margarita n~ga na ualang mag-ampon, dakilang ligalig ang nangyaring yaon sa buhay na naguing parang isang tapon. Dalauang puo,t, apat ang caniyang gulang batá pa at ayos na nahihiyasan, nang sinag na taglay niyang cagandahan ang sa muc-ha niya ay napagmamasdan. Yaong pamumuhay niyang namamalas na masama,t, parang daan ang catulad, na nasasabugan nang man~ga bulaclac nang caligayahang labis humicayat. Siyang tumutucsong muling manumbalic sa dating casama,t, cagagauang lihis, iniuurali na sa huling guhit ay càauaan nang Dios sa lan~git. N~guni,t, yao,i, hibong isang camalian pan~gaco nang Dios sa cahit sino man, na nan~gagsisisi,t, nagtiticang tunay, ay iguinagauad ang capatauaran. Sa pagtauag niya,i, ang nag-ualang kibò paanong cacamtan ang ipinan~gaco, pag naglibanliban icaw ay di taho ang camatayan mo,i, cahirapang lalo. Caya n~ga sa gayong pagbubucas bucas ay lubhang marami ang nan~gapahamac, na ang ualang hangang dusa ay linan~gap n~g man~ga pabayang nagpapacatamad. N~guni at ang abá na si Margarita sa udyoc n~g tucso,i, nakikilaban na, camahalmahalang Pastor ay muli pa na tumauag pagca,t, hinihintay siya. Laging nacadipa ang camay sa ati,t, yayacapin tayo cung siya,i, duluguin, ang capayapaa,i, ating tatamuhin at lubos na tayo ay patatauarin. Panibago namang tinauagan siya n~g masintang tunay na pag-aanyaya, inalalayan siya nang pakikibaca sa dahas n~g tucsong mangahis ang tica. Ang pangagalin~ga,i, yaon n~ga marahil niyong pagbabagong buhay na magaling, ani Jesus iyang tacot mo,i, pauiin Margarita,t, kita ay cacalin~gain. Ang magandang tica,i, cusang pinagtibay at tinatan~gisan sa gabi at araw, ang lahat n~g m~ga naguing casalanan at ang halimbauang man~ga casamaan. Hinahan~gad niya na moling mabaui ang lubhang malabis na pagcacamali, n~g cahalayhalay na pamamalagi sa layaw n~g Mundo n~g pagcalugami. Agád nang naglacbay doon sa Simbahan siya sa Labiano, na nasosootan, nang damit Celicio at natatalian ang liig at tandang pagtiticang tunay. Saca ang dalisay na paghin~ging tauad sa caniyang man~ga cababaya,i, hayag, at pinagsisihan sa harap n~g lahat na naguing dahilan n~g pagcapahamac. Hindi rin naglubag sa bagay na yaon ang loob nang ali,t, Amá pa,i, caáyon, pinabayaan na ang lulun~goylun~goy na Anác na ualang sucat na mag-ampon. Nang makita yaong calagayan niya nang caauaaua na si Margarita, na tulad sa tapong uala nang halaga caya n~ga,t, lumipat sa bayang Cortona. Doo,i, mahinahong siya ay tinangap n~g ilang Señorang marunong mahabag, casama ang isa niyang naguing Anác sa naguing casuyong kinapos n~g palad. Ang unang guinaua na pinagpilitan nang taos sa puso at cataimtiman, ang dalisay na "confeción general" sa lahat nang man~ga naguing casalanan. Siyang matibay na pasimula ito niyong pagbabagong buhay na totoo, siya,i, naparoon doon sa Convento nang cagalang-galang na si S. Francisco. Na namamalisbis ang luha sa matá niyong malalim na pag-sisi niya, isinaysay sampu nang pighating dala sa isa n~gang Pareng Relegioso bagá. At ikinumpisal niya nang malacas tanang casalanang gauang hindi dapat, at hinin~gi niyang boong pagsisicap ang "Orden Tercera" siya,i, macatangap. Nang sa penitenteng damit Serafico tandang pagtalicod sa layaw sa Mundo, ang Confesor nama,i, napaayon dito,t, pinanghinapang pang bagcus na totoo. Pinasimulan nang pag-pepenitencia sa nasang macamta,i, binigyang pag-asa, yaong hinihin~ging simula n~g gracia at sa cabanala,i, nagsanay na siya. Linalayuan nang parang camatayan sa loob, ang lahat nang macapupucaw, ang kilos at anyo,i, hilig na mahalay niyong maruruming pita nang catauan. Capahintulutan bilang n~g Señorang pinaglilingcurang caniyang asaua, mangyaring huag pahigpitin niya ang pagpapasakit sa catauang bagá. Gayon man ay dahil sa laking pag-ibig na ang catauan niya,i, bigyan pasakit inaring di dapat ang nasoc sa isip tuntun~gan ang lupang alalay na gamit. Sa idinadaos na pananalan~gin sa lahat nang oras na macayang gauin, at ang pagsasanay sa icagagaling nang caisa-isang caluluang angkin. Pinatauad na n~ga at cusang linimot n~g Amang lumic-hang mahabaguiug Dios, ang cay Margaritang casalanang lubos at bagcus guinanti n~g magandang loob. Madalas din namang siya,i, dinadalaw at tan~gi siyang pinagcacalooban, n~g sa lan~git bagang m~ga caaliuan at ang caniyang loob ay pinatatapang. Na ipatuloy niya ang tun~go n~g lacad na pinasimulan sa tuntuning landas, niyong cabanalan na icatutuclas n~g caligayahang ualang pagcucupas. _Capitulo 4.°_ M~ga Franciscano ay niyong masuboc ang cay Margaritang catibayang loob, na penitente n~gang bagong naglilingcod sa mapagcandiling mahabaguing Dios. Sa matining niyang halimbauang bigay doon sa adhicang man~ga cabanalan, na sa boong Mundo ay pinasisilang caya,t, nag-habitong ualang caliuagan. Nang Ordeng Tercera na cay S. Francisco na ualang pan~gamba sa bagay na ito, patuloy ang loob na di nagbabago sa m~ga pahirap niyang tinutun~go. Ang lapastan~ganin ay di inacala nang caniyang asal na buhat sa sama, cung hindi lalo nang nag-ibayo pa n~ga sa bagsic n~g gracia na nagbigay bisa. Inululan yaong pagpapacahirap capacumbabaa,i, lubos na niyacap, uinauari niyang di carapatdapat tingnan ang caniyang calagayang hamac. Capagbinabati siya nang sinoman at may anyong siya,i, tila minamahal, pag-ibig sa Mundo ay hinahalinhan nang ucol sa Dios na pagsintang tunay. Kinasusuclaman ang idinudulot nang tungcol sa lupang nagbibigay lugod, na sa catauhan niya,i, naghahandog, ni munting ginhaua ay di iniimbot. Pinapagninin~gas ang tunay na nais, matupoc sa apoy nang laking pag-ibig, sa pananalan~gin at pagsusumakit sa icararapat na Hari nang lan~git. Nang nananalan~gin siyang isang araw na taglay ang lubos na cataimtiman, sa harap nang isang mahal na larauan ni Cristong sa Cruz ay napabayubay. Doon ay nag-tamó nang tuang malabis at magandang palad dahil sa narin~gig, sa labing camahal-mahala,i, sinambit yaong pan~gun~gusap na lubhang matamis. Sabihin sa akin ¡ó cahabag-habag na babaye,t,! ¿anong sanhi nang pag-iyac, ¿ano ang ibig mo baga aking Anác? si Margarita ay tumugong banayad. Icaw lamang aking Pan~ginoong mahal icaw ang tunay co na caligayahan, cung na sa aking ca ay di magcuculang aco, nang cahima,t, anong man~ga bagay. Ang sa Santang nasang manin~gas na loob na mag-bigay aliw sa Poong cay Jesús, ay siyang pagcaing ikinabubusog na sa araw araw ay macamtang lubos. Saca noon namang maunaua niya na sa paglilingcod sa man~ga Señora, sa bahay na yaon ay di makikita ang catahimican nais na talaga. At gayon ding hindi masunod ang nais na mag-penitenciang adhica nang dibdib, ay siya,i, humanap niyong munting silid na matatahanan nilang matahimic. Casama ang bunso niyang minamahal at ang guinagaua niyang hanap-buhay, ay ang pananahi sa cubong tahanan at pag-panaog na,i, tun~go sa Simbahan. Sa capua tauo,i, pagca-auang gaua ó ang paghanap nang matatahi caya, laguing gumiguising siyang maaga n~ga,t, nagsisimbang uala camunti mang saua. Nakikinig niyong Misa,t, nagninilay na taglay ang lubos na cataimtiman, cung matanghali nang puso,i, masiyahan sa pag-dedevocio,i, ooui nang bahay. Patuloy rin naman ang pag-dedevociong casama sa gauang pananahing yaon, ang caabalahan lamang niyang tungcol ay ang pananahi na pangpauing gutom. Tumabas magtagpi,t, caraniua,i, itong ipinagagaua nang sinomang tauo, ang iniuupa nang cahima,t, sino bilang limos nila lamang cung gaáno. Naguiguing panakip ang naibibigay sa balang caniyang man~ga cailan~gan, ang man~ga duc-ha pa ay natutulun~gan nang caunti niyang paghahanap buhay. Ikinatutua na niya nang malabis ang pagcain niyang tinapay at tubig, at nang ilang pasas at di gumagamit nang nin~gas nang apóy sa cubong maliit. Liban na n~ga lamang na cung naghahanda sa panauhin niyang man~ga salanta, itinuturing na totoong dakila ang bagay na man~ga caaua-ang gaua. Capag-uala siyang pagcaing ibigay ó damit, sa duc-hang nagcacailan~gan, ay cahit anomang man~ga casangcapan sa caniyang cubo ay hinahatian. Maguing pinga,t, cahit yaong vaso caya. ó man~ga cuchara at maguing damit n~ga, at isang panahong calamiga,i, sadya hinubo ang saya sa catauang cusa. At doon sa duc-ha,i, cusang ibinigay nang ang cahubaran lamang ay matacpan, na halos uala na siyang damit naman at maralita ring naghahanap-buhay. Kinikilala n~gang yaong man~ga duc-ha ay tungcol cay Jesús yaong pagpapala, ang pag-ganting ualang macahalimbaua ay tulad sa isang dakilang biyaya. Duc-ha man siya,i, di ibig pagsabihan n~g uica ni Jesús na ganitong saysay, aco,i, nagugutom ay di mo binigyan n~g pagcai,t, hubad aco,i, di dinamtan. Binabayaran n~g Dios n~g sagana ang iniaálay sa camay n~g duc-ha, ang cay Margaritang handog at calin~ga pinatiticman na dito pa sa lupa. Yaong na sa lan~git na caligayahan na tantong malaking capakinaban~gan niyong calulua,t, naguiguing dahilan n~g pagpapaualang halaga sa buhay. Magmula n~g siya ay magbalic loob sa catauan niya,i, malabis ang poot, pagca,t, siyang naguing caáuay na lubos sa casalanan n~gang di sucat masayod. Saca ang masamang man~ga halimbawa caya hindi pa rin ikinatutua, yaong cahirapan na dinadalitang pag-pepenitencia,t, pagaayuro n~ga. Ipinasiya pang yaong cagandaha,i, cusang papan~giti,t, ang muc-ha,i, sugatan, n~g catacot-tacot n~guni,t, hinadlan~gan n~g Confesor niya na umaálalay. _Capitulo 5.°_ Sa pananaghili n~g Demoniong tacsil na di ibig niyang ang tauo,i, gumaling, inuman~gan din n~ga n~g parayang pain tun~gong cabanala,i, upan ding itigil. Ang coronang tan~ging ualang pagcalanta na gaua n~g aba na si Margarita, Santang manahani na itinatalaga sa sarili, yaong cagalin~gan niya. Inupatan na n~ga n~g lilong caáuay niyong catha-catha na cabulaanan, Margarita, anya ay iyong tigilan iyang malabis mong m~ga cabanalan. At ang sa tahana,i, lagui mong pagligpit tunay na di ayon sa taglay mong bait at ang malabis mo na pagpapasakit sa iyong cataua,i, tantong nalilinis. Gayong gaua,i, isang laking calupitan para cang tikis nang nagpapacamatáy, di ucol higpitan at ang cailan~gan bigyan mo nang luag at capanahunan. Upang magcaroon nang camunting lacas nang may ipag-tangol sa araw na dapat, na cailan~ganing mamaya ó bucas ay di mahahapo na caagád-agád. Lubhang masisira ang cabaitan mo cung magpacahirap nang di mamagcano, ang dapat mong gauin sa panahong ito cataua,i, in~gata,t, lumauig sa Mundo. Yamang lubos namang pinatauad ca na nang Dios, sa lahat nang gaua mong sala, ay ano ang iyong alalahanin pang cataua,i, higpitan at mag-penitencia. Sa umang na silo,i, di lubhang naghirap na ipinapain niyong si Satanas, at napagkilala na caagád-agád ang gayong pagdaya at man~ga pag-upat. Napakikita pang conua ay Angel nang caliuanagan, ang siyang cahambing, ay si Margarita,i, naghiganting tambing sa capan~gahasan niyong si Lusifer. Pinapag-ibayo nang higuit sa una yaong dating gauang pag-pepenitencia, capacumbaba,i, pinapag-ulol pa ayon sa hatol nang Evangelio bagá. Isang araw siya,i, lalong sinigasig nang tucsong marahas na sacdal nang lupit, caya n~ga cay Jesús naghihinanakit niyong hinanakit na caibig-ibig. Sa lubhang masintang Amáng mananacop na sa nacadipang larauan sa Cruz, n~guni,t, minarapat aliuin ang loob nang mapagcalin~gang mahabaguing Dios. Na ang uinica sa caniya,i, ganito na magpacatapang icaw ó Anác co, cahima,t, marahas ang cabacang tucso ay di mangyayaring manaig sa iyo. At aco,i, narito na iyon casama sa lubhang mahigpit na pakikisama, at magmasunurin sa payong maganda sa umaácay sa iyong calulua. Huag matacot ca,t, ilagay sa akin ang gracia ay iyong catibayang kimkim, huag sa sarili ay umasang tambing ang nasang tagumpay nang upang tamuhin. Sa cay Margaritang biyayang kinamtan bilis nang pagtacbo niyong cabanalan, sa landas lalo na,t, ang tucsong caauay ay inuusig siya,i, bagcus tumatapang. Cusang lumalalim yaong man~ga ugat nang capacumbabaan n~gang hindi hamac, lalong nahihilig at minamasarap ang pula at caalipustaang lahat. Sa hindi pagkibo niya,i, nagcatacá sa lahat nang namamayan sa Cortona, ibig niya,i, itapo,t, pagbatuhan siya na ang ualang casing-sama ang capara. Na catulad niyong sa Infierno galing dan~gan ang Confesor ang nacapipiguil, siyang humahadlang na di dapat gauin ang nasa niyang yaong ibig na asalin. Cundi pinupuing ang gayong adhica na isang totoong pagpapacababa, sa man~ga lansan~gan siya ay gagalang may tali sa liig, at ilalathala. Ang nan~gacaraan niyang pagcasinsay at ang nan~ga gaua niyang casalanan, upang matalastas nang lahat sa bayan ang malabis niyang man~ga catacsilan. Di cung magcagayo,i, huhulihin siya cuculan~gin siya,t, doon isasama, sa man~ga babayeng masamang talaga na linalapatan nang man~ga parusa. Ang dakilang yaong capacumbabaan ni Margarita, ay kinuhang uliran, ang caniyang laguing pag-gugunamgunam nang cay Jesucristong man~ga cahirapan. Sanhi n~ga sa ating na icagagaling ay inalipusta,t, dinuahaguing tambing, niyong man~ga Judio, n~guni,t, di pinansin binatá at upang tayo ay sacupin. Lalong sa loob niya ay nacabubuhay yaong sa sariling pagninilay-nilay, sa Vírgeng Ináng man~ga casakitan sa nagdusang Anác na mapagpalayaw. Na sinasacdalan nang boong pag-asa sa anomang man~ga cailan~gan bagá, isang araw nama,i, dinilidili niya tanang cahirapang di suca,t, mabatá. At dahil sa atin ay laking pag-ibig ni Jesús, ang madlang dusa ay tiniis, moli pang kinamtan ang tuang malabis sa pagdalaw niyong Amáng na sa lan~git. Noon hinatulang siya ay lumaan sa cacabacahing man~ga cahirapan, at lubhang marahas na caralitaan ang daranasin mo hangang nabubuhay. Tulad sa pagtunaw n~g guintong malinis na dinadalisay ang uring malabis, hangang may camunting dumi inaalis nang upang tumaas ang mithing kilatis. Dadalisayin n~ga n~gayon ang puso mo nang pakikilaban sa dahas nang tucso, catacuta,t, sákit ay laan sa iyo gutom cauhaua,t, pagluhang totoo. Cahubara,t, pag-iisa,t, pagpapasan nang Cruz, ang iyong mapagdaranasan, upang macapasoc sa calualhatian ani Margarita, aco,i, nalalaan. Naririto aco ó Pan~ginoong co titiisi,t, alang-álang po sa iyo, tunay cong pag-ibig ay cahit ang Mundo,i, igauad sa aking hirap mang gaano. ¡Dios co! ay sino ang tatangui caya sa aking babathing man~ga paralita, na di pa anino nang hirap mong madla at dahil sa akin ay inalipusta. Sa ganong pagdidilidiling mataman nang ganitong hirap ay nanghihinapang, at mapayapa niyang pinagtitiisan ang pagcasiphayo,t, caalipustaan. At si Margarita minsan ay pinuspos nang isang babaye nang mura,t, pag-ayop, na nacapagbigay nang masamang ayos na halimbaua sa matáng nanonood. Sa bagay na siya ay dapat lumaban ikinatua nang caalimurahan, at binigyan pa niya nang catuiran ang guinauang yaong catampalasanan. Gayon ma,i, ang ganti niyang iguinauad sa sumirang puri na lubhang pan~gahas, ay pinadalhan pa nang lalong marapat na alay na doon sa cubo nagbuhat. Capag nagdaramdam ang sarili niya niyong sa babayeng guinauang pagmura, na di catuiran ay caracaraca,i, nagpipiguil itong mananahing Santa. Minsan man ay hindi nasoc sa sarili yaong pan~gun~gusap na paghihiganti, at hindi ninasang bumigcas nang sabi na laban sa gayong man~ga pagca-api. Di nagpapakita nang tandang anoman nang tungcol sa man~ga gauang cagalitan, na sa pagbabata,i, maguing caculan~gan at siyang totoong pinaglalabanan. Tunay na sinupil niyang di sa palá yaong sa catauang hilig na masama, na laguing pinag-cacahirapang lubhá yaong capurihang di ibig masira. _Capitulo 6.°_ At cahima,t, gayong caayos ang asal tunay na caniyang di pinararaan, ang man~ga pagdulog sa lahat nang araw na nagcucumpisal at nakikinabang. Tanang camalian lalong maliliit ó ang caculan~gan ay isinusulit, marahil ang tauong hindi nag-iibig nang ganoong gaua,i, magtatacang labis. Dahil sa malimit na man~ga pag-tangap niyong man~ga Santo Sacramentong uagas, gayon cung magsabi yaong man~ga tamad sa gauang magaling, matamlay gumanap. Sa pagcucumpisal na laguing pag-dulog sa confesonario na aua ang handog, sa tauong may man~ga taimtim na loob sa nin~gas nang nasang calugdan n~g Dios. Sa pagkita niyong man~ga caculan~gan agád hinahanap ang caliuanagan, na di napupuna nang ibang ang layaw sa Mundo, ang laguing na sa gunam-gunam. N~guni,t, sa matibay ang sampalataya ang confecio,i, taga pamatnugot nila, siyang bumubuhay niyong calulua nang macasalanan na patáy sa gracia. Capakinaban~gan nila sa madalas na pag-cucumpisal gracia,i, nag-dagdág, at tinatalicdan yaong gauang linsad at ang calooban ay napapanatag. Sanhi sa pagtangap nang capatauaran sa man~ga nagaua niyang casalanan, at sa calulua,i, nag-ninin~gas naman apóy nang pag-ibig na lalong dalisay. Cung sa ating pusò naman ay mag-alab ang buhay na sampalataya at uagas, pananalig saca pag-ibig na tapat ang calulua at gracia,i, matatangap. At doon dudulog sa mahal na dulang nang pagcain niyong mahal na tinapay, nang man~ga Angeles, na di matimban~gan yaong caáliua,t, pag-papahinapang. Sa paglacad nila na pasan ang Cruz sa mahal na piguing niyong mananacop, nagbibigay lacas at sigla nang loob nang sa Mundo,i, bilang nilang pagtalicod. Cusang paghahandog sa Dios na Amá nang pagca-totoong man~ga lingcod sila, at sa canin~gasa,i, lubos ang pag-asa sa dibdib, nang nasà sa tuituina. Na sa balang oras ay laguing tangapin si Jesús, sa Hostiang doo,i, nahabilin, at manaca-nacang iniuurong din ang pag-cocomunio,t, ala-ala dahil. Ang di n~ga carapat-dapat magpatuloy sa caniyang pusò, yaong Pan~ginoon, na ang camahalan ay ualang caucol nang calac-ha,t, ualang capantay na dunong. Sa pakikibacang capacumbabaan at yaong malaki niyang cagutuman, sa pagcain nang camahal-mahalang Maná, ang totoong ikinahahambal. Cung minsa,i, totoong mahigpit na lubha ang loob, at sanhi nang ilinuluha, nang di cacaunti at lubhang sagana n~guni at inaliw nang Poong dakila. Na huag matacot ó Anác cong hirang at huag lumayo sa laang cong dulang, sinomang tutun~go ditó,i, nag-tataglay nang dakila,t, ucol bagáng calinisan. Sa camahal-mahalan n~gang Sacramento n~guni,t, ganap naman ang calinisan mo, ay natatacot ca,t, ang dahila,i, ¿ano sa ualang sakit ay anhin ang médico? Cundi sa talaga na may man~ga damdam doon ang médico,i, kinacailan~gan, sa piguing n~g man~ga Angeles na tunay ang totoong lunas ay masusunduan. Nang magpipighati,t, magtatamong galác ang man~ga mahina ay magsisilacas, at magsisitapang ang man~ga douag maestro at Amá sa han~gad na Anác. Sa man~ga oveja,i, maauaing Pastor masintahing Hari sa lahat nang campon, at sa man~ga duc-ha,i, tan~ging Pan~ginoon at bucal nang cagalin~gan di sang-gayon. Nang upang mangyari na tangapin niya ang sinoman sa di mamagcanong gracia, na ibinubobó ni Jesús na Amá niyong cagalin~gan niyang ualang hanga. At sa calulua na masusunduan yaong cagalin~gang sa caniya,i, laan, ucol sa pag-gayac siya,i, hinatulan niyong pagtangap sa mahal na catauan. Sa dakilang sala,i, di lamang malinis, cundi sa lalo mang salang maliliit, biling cailan~gan lamang ang pagligpit sa isang maáyos na pananahimic. Lumayo sa lahat nang capopootan nang matá nang Amáng macapangyarihan, dapat na taglayin ang pang-hihinapang nang sa lan~git bagáng man~ga cahatulan. Caya n~ga at nagdudumaling dumulóg si Margarita, sa pagtangap cay Jesus, at siya,i, hindi na lumayó pang lubos at nag-gunamgunam nang sa puso,i, taos. Ang di pagcarapat at caralitaan sa caniya, ay siyang nagpasulong bilang doon sa pagtacbó nang batis na tunay nang pagca-dakila at niyong calac-han. Sa paghahanda ay nagsisicap siya nang icagagaling niyong calulua, at isang mahusay na tahanan bagá nang ualang capantay na Hari at Amá. Pinuspos ang lingcod niyong Poong Dios na si Margarita nang hindi masayod, na catamisan, at darakilang lugod nang camahal-mahalan n~gang Mananacop. Caylanma,i, sadyang loob na maganda,t, nagbibigay nang biyayang mahalaga, nakikipanayam sa cay Margarita sa pananalan~gin niya sa tui na. Santang mananahing ito ay cung minsan nag-hihinanakit niyong catamlayan, nang loob, sa gauang capalamaraha,t, masamang pag-ganti n~g macasalanan. Na hinuhulugan ang pusong parati, n~g tanang caniyang m~ga penitente, n~g isang manin~gas na nasang malaki,t, calualhatian n~g Dios na casi. Sa di mabilang na pagcagaling-galing n~g man~ga saliuang capalarang angkin, parang tumatacbong bulag ang cahambing sa capahamaca,t, ualang hangang lagim. Namamagitan n~ga ay si Margarita,t, siyang humahandog na magtiis siya, dahilan sa gauang catacsilan nila ang hirap sa Mundo ay di alintana. Madalas sabihing aniya,i, Anác co niyong Pan~ginoon nating Jesucristo, aniya,i, di bagá napagmamasdan mo ang lagay n~g lupang ito cung paano. Tingnan mo,t, ang gracia ay binabayaran niya, n~g malaking catampalasanan, ang m~ga pag-ibig, niyong catamlayan man~ga pagsiphayo,t, caalipustaan. May man~ga asauang cusang humahandog sa cahalayan n~gang cakilakilabot, ang binata namang nagbibiling lubos niyong calulua, sa camunting lugod. Ang hiyas na taglay niyang calinisan n~g man~ga binata,t, n~g may asaua man, napabibihag sa ualang casaysayang pagmamarikit na laking casiraan. Na caugaliang batis niyong sama niyong libolibong man~ga pagdaraya at saca n~g m~ga casalanang paua na sanhi n~g man~ga pagcapan~ganyaya. Cung may naliligtas ditong man~ga ilan sa bahang mabilis n~g gayong casamán, napaalipin sa caparan~galanan sa hamac na pitang man~ga capurihan. At gayon din sa pag-dedevoción at sa malimit man na pagtangap tuloy niyong Sacramento ni Jesús na Poon ay boong capacumbabaan ang ucol. ¿Paano ang lagay cayang inaasal n~g ibang may hauac niyong catungculan, na hucom, na nagbibili n~g catuiran at inaapi ang ualang casalanan. O dahil sa suhol at pagsamong gaua ó sanhi sa cayamanang di sapala, n~g m~ga campon n~g sakim na adhica na man~ga tauo n~gang hindi nahihiya. Na maghandog niyong inciensong bulaan na puring cunua sa may catungculan, gayon din ang man~ga naghahanap-buhay na di ginagauang hustong catuiran. Saca yaong lahat nama,i, dinadaya n~g upang macamtan ang anomang nasa ang cabulaana,t, pagpapan~ganyaya at man~ga paraang iba,t, ibang gaua. Ang di nahahabag na sinoman siya sa man~ga bao co at man~ga ulila na ualang mag-ampon at saca bagcus pa na cusang ginahis nilang tinalaga. Tanang pag-aaring nan~gadayang lalo sa canilang lalang na pagpapatubo ¿paanong ang lan~git caya,i, ibububo ang gracia, sa man~ga tampalasang pusò? Na di pansin yaong man~ga casalanan loob ay matigas cung sa cabandayan yao,i, isang moog na nacahahadlang n~g sa Dios bagáng man~ga caáuaán. Yaong man~ga yaman ó aring linupig sa apong ulila pamangkin mang cahit, maguing sa ibá ma,i, ibigay mong pilit sa payapang landás nang di ca malihis. At huag mo sanang ilicmo sa nasa na icaw sa hindi iyo,i, magpasasa, cung malinlang mo man ang iyong capua ang Dios ay hindi mo na madadaya. Masasarapang ca hangang guinugugol yaong yamang hindi icáw ang nagtipon subali,t, pagdating n~g tacdang panahon icáw ang sa dalita naman ang tataghoy. Ang iguinagalang na pantas mong isip na ang lalong lico ay pinatutuid, darating ang araw na ipag-susulit sa Hucom na di ca macapaglilic-lic. Diyata,t, sa gayo,i, natitiuasay ca,t, ang huling darating ay di ala-ala, ipinapalit mo sa munting ligaya ang Lan~git na ualang catapusang saya. Cung gayon ang iyong acala icaw sa iyong sarili ay madarayaan, ang camatayan mo,i, mabuti na lamang cung di magtumuli,t, hacbang ay dumalang. Sa cay Margarita,i, itong hinihiling na iniluluhog nang boong dalan~gin, nang macalilibo na liuanagan din ang malabong isip, ito,i, siyang daing. ¡Yaong man~ga aba na saliuang-palad ikinahahambal niyang dili hamac, yaong casalanang napag-tatalastas na di pinapansin niyong man~ga sucab. Ang hindi sa palang man~ga catacsilan ay iguinaganting pinagbabayaran, sa catauan niya,t, pinahihirapan parang siyang tunay na may casalanan. Sa guitna nang gayon napagpapasakit sa sarili niya nang calupit-lupit, na pagpaparusang cusang tinitiis sa catauan niya nang calait-lait. Tanang capaitan sa caniyang loob at lalong masaclap na dusta,t, pag-ayop, ay dinadakilang sa pusò ay taos sa cay Jesucristo ay pag-sintang lubos. Nagsasacdal siya sa icaaáliw niyong Isang Reyna na ualang cahambing, ualang bahid dun~gis at saca sa Angel nating taga tanod ay idinadaing. Ipinamamanhic sa magpacalin~ga na Vírgen María na Iná nang aua, sa tanang Angeles sa lan~git na madla ay isinasamo nang boong pagluha. Madaling pagdin~gig ay napagkilala sa lahat nang man~ga carain~gan niya, loob niya cung minsan ay binuhay pa sa pag-papanayam at pagdalaw bagá. Bucod dito,i, siya,i, pinagca-looban nang Dios, nang graciang camahal-mahalan, bagong Magdalena ang siyang cabagay nang cay Margaritang biyayang kinamtan. Sa pag-gaua niya nang man~ga himala sa matining niyang pagpapacababá, ayon sa caniyang matibay na nasa na pagpapaualang halaga sa lupa. Cailan~gang gauin sa harap n~g lahat na maguing paraang macahihicayat, camay sa may sakit ay naguiguing lunas na capagnahipo,i, gumagaling agád. Gayon ma,i, di siya pinaghihirapan n~g nan~gagnanasa capagnadain~gan, tungcol sa alin mang gauang caauaa,t, di han~gad gantihin n~g anomang bagay. Bagcus dumadalo na caracaraca sa may cailan~gan na sinoman siya, sa capua tauo,t, cagalin~gan niya at capayapaa,i, linilisan muna. _Capitulo 7.°_ Dalauampu,t, tatlong taón ding guinanap ang pagsasanay sa pagpapacahirap, at pananalan~gi,t, pag-ibig na uagas ni Margarita, sa tumubos sa lahat. At iba,t, iba pang man~ga cabanalan, na icararapat sa Poong lumalang, sarisaring gauang cagandahang asal na siyang totoong tunay na uliran. Upang ipahayag yaong nalalapit n~g araw na dito sa Mundo,i, pag-alis, at n~g salubun~gin n~g nan~gapipiit sa purgario,t, mahan~go sa sakit. Dahil sa hirap at pag-pepenitencia at pananalan~gin sa tuituina at man~ga pagluhog sa Dios na Amá bilang bayad doon sa canilang dusa: Sa pagmamasakit na hindi cauasa sa iguiguinhauang tunay niyong madla niyong m~ga caluluang pinagpala sa icacacauas ay handog na paua. Nang natitira pang casalanang bahid ay binabayaran niya n~g pasakit n~g minsa,i, tatlong buhay na napatid na idinadalan~gin sa Dios sa Lan~git. Yao,i, di nag-iuan n~g mabuting tanda na sila ay napacagaling na cusa, ay naguing dapat ding siya,i, pakingan n~ga ni Jesús, at tuloy ipinaunaua. Na ang calulua n~g tatlong namatay uala sa Infierno,t, nagtitiis lamang, n~g ban~gis n~g madlang man~ga cahirapan ayon sa mabuting man~ga cahatulan. At dahil sa Hucom na lubhang matuid saca sa pagdalaw n~g man~ga Angeles, halos ualang sucat icaásang labis sa icagagaling na canilang nais. N~guni, sa pan~gahas na man~ga acala, niyong man~ga tauo na nan~gabibigla ay na sa Infierno ang canilang haca na hinahatulan agad yaong capua. Sa bagay talos nang man~ga cahirapan n~g nan~gapipiit sa calumbaylumbay, na sinasapit nang na sa bilanguan na dusa, sa gaua nilang casalanan. Maipahayag na sa caniyang matapos n~g lubhang dakilang mahabaguing Dios ay totoo niya na ikinalugod ang gayong balitang caniyang natalos. At saca muli pang idinaing nito ang man~ga capalamarahan nang tauo, dahil sa casamán nilang di gaano ang hampas sa bayan ay ibinubunto. Para bagá bilang na napipilitan yaong pagbulusoc n~g casacunaan, at ayaw umulat nang nan~gamamayan ang matá, sa samang dapat na ilagan. Niyong masabi na sa cay Margarita ang tantong mapalad na pagpanaw niya, sa Mundo, ay tunay na nanghihina na sa higpit nang man~ga pag-pepenitencia. Yaong natutupoc mandin ang cauan~gis sa alab n~g apoy n~g laking pag-ibig may maliuanag man siyang nalilirip niyong cagalin~gan niyang ninanais. Hindi dahil dito ay pinabayaan ang man~ga pag-gaua niyong cabanalan, yaong paghahanda at naaalaman ang catacot-tacot na huling pagpanaw. Tinangap na hindi sucat na masayod nang cataimtiman sa caniyang loob, ang biático n~gang casantusang lubos nitong bunying Santang catoto n~g Dios. At sa loob niyong labing-pitong araw ay ualang kinain na cahit anoman, at ang ikinabubusog niya lamang ay ang sa Lan~git na man~ga caaliuan. Na umaápaw sa caniyang calulua sa pagca-talastas na nalalapit na, yaong cauacasan niyong buhay niya,t, tutun~go cay Jesús niyang sinisinta. At magpasaualang hanga,i, matatamo sa labi ay ualang bigcas cundi ito, man~ga pakiusap na di mamagcano sa camahal-mahalan niyang Esposo. Yaong maicli n~gang man~ga panalan~gin na madagabdab na apóy ang cahambing, sa caniyang pusò ay di nagmamaliw ni camunting oras ay di nagtitiguil. Araw na ica dalauang pu,t, dalaua nang Febrero,t, taóng isang libo,t, saca dalauang daa,t, siyam na pu,t, pito pa ay sa Santo Cristo,i, nacayacap siya. Na nacadaiti ang labi sa mahal na sugat n~ga bagang na sa taguiliran, inihahabilin sa ualang capantay na Dios, ang calulua niyang papanaw. Noo,i, apat na pu,t, ualong taón siya dalauang pu,t, apat na nag-penitencia, may nag-sasabi na ang Anác niya ay naguing banal din na Religioso pa. Doon din sa Orden na cay S. Francisco na huli sa Iná na namatáy ito, n~guni,t, nang oras na pumanaw sa Mundo ang buhay nang Santa,i, nakitang totoo. Nang isang dakila na lingcod nang Dios na ang calulua,i, umakyat na lubos, sa bayang lualhating ualang pagcatapos madlang calulua ang nacalilibot. Sa pag-tatagumpay ay nan~gagsasaya at sa purgatorio,i, nacalabas sila, n~guni,t, yaong bangcáy nang mahal na Santa ay gumandang lalo cay sa n~g buhay pa. Humahalimuyac ang labis na ban~go na naca-aáliw sa nacasasamyo, caloob nang Dios ang dan~gal na ito sa bangcay nang nagpacahirap sa Mundo. Na sinagaua nang man~ga penitencia nang pula,t, paglait dusta at pagmura, cusang sinagasa,t, di inalintana ang lahat na yao,t, niualang halaga. Bahagya na lamang pumasoc sa Ciudad ang balita niyong camatayang uagas, n~g malualhati na Santang mapalad gayong di mabilang ang nan~gacamalas. Sarisaring tauo ang nan~gagsidalaw pagbibigay galang sa mahal na bangcay, niyong maralitang mananahi,t, bilang pagpapahalaga na dakilang tunay. Niyong cabanala,t, sa di gagaano na pagcacatipon n~g maraming tauo, binabantayan n~ga ang cabaong nito sa pagsisicsican n~g nagsisidalo. Upang mahadlan~gan yaong pan~gan~gahas nang nagnanacaw nang mithing Relikias, at saca canilang sinootang agad ang bangcay nang damit na pula ang bicas. Ipinag-procesión sa man~ga lansan~gan sa Ciudad, sa lalong hayag n~gang daan, at ilinagac sa loob nang Simbahan ni S. Basilio sa bagong libin~gan. Ang man~ga casamang nan~gag-libing dito,t, lahat nang Clerigo,t, man~ga Religioso, gayon din ang lahat nang man~ga guinoo doon sa Cortona, at dakilang tauo. Macaraan naman ang may ilang taón ay itinago sa Simbahan din yaón, sa isang maran~gal na capilla ucol sa mahal na Santa,t, saca n~g manoynoy. Niyong Santo Papang si León Décimo ang man~ga himalang dakilang totoo, na pamamag-itan sa maraming tauo sa Dios, nang Santang lubhang masaclolo. Lalo pa n~ga niyong caniyang mamasdan na di nabubuloc ang mahal na bangcay magpahanga n~gayon cahit nacaraan ang bilang nang taóng higuit pitong daan. Umayon sa galang na handog sa caniya,t, tinulutan naman ang taga Cortona, na ipinagdiuang ang caniyang fiesta doon sa Ciudad nang puspos na saya. Cay Papa Urbano Octavong utos din na ilaganap cay S. Franciscong Orden, sinulat nang taong isang libo,t, anim na raa,t, dalauang pu,t, apat ang turing. Na catunayan n~gang na sa casulatan sa man~ga beato,i, ipinakibilang, saca sa man~ga malualhating banal itong mananahi na Santang maran~gal. Ang Santo Papa Benidicto Tercero ipinag-utos na ipagdiuang dito, n~g Santa Iglesia nitong boong Mundo sa kinabucasan nang pagpanaw nito. Iniin~gatan n~ga n~g puspos na galang ang di nabubuloc na caniyang catauan sa kinalalagyang mahal na Simbahan, niyong man~ga Pareng Franciscanong tanan. Tauag nang Simbahan ay binago nila na cay S. Basilio ang n~galan nang una, n~gayo,i, inihayag ang Simbahan bagáng sa babayeng bunying Santa Margarita. Ito n~ga ang siyang dinaanang buhay nang babayeng hayag na macasalanan, na iniuan yaong man~ga casamaan at hinarap yaong man~ga cabanalan. Gaya nang palaguing caniyang uicain na inuugali tuing dumaraing, sa cay Jesucristong Pan~ginoon natin nang pagpapakitang loob na magaling. Pan~ginoon aniya,t, Ama cong mahal bakit ipinayag mo po caya naman, sa isang gaya co na macasalanan ang cahan~gahan~ga na cababalaghan. At iba pang bagay na calooban mo naririn~gig naman ang sagot na ito, niyong Pan~ginoong nating Jesucristo cahalimbaua icaw nang lambat co. Na ipanghuhuli nang macasalanan na nan~gahihilig sa man~ga casamán, na lumilipana sa Mundong ibabaw at nan~gag-uaualang bahala sa buhay. Huag cang manimdim at lubhang marami ang macasalanan na nan~gag-sisisi, nag-pepenitencia cung madilidili ito,i, calooban cong biyayang malaki. Di dapat na ipag-caloob sa iyo cundan~gan siya cong sinusunod dito, yaong mataimtim na pag-sisisi mo lahat namang ito ay naguing totoo. Na ibinibigcas sa bibig na mahal ni Jesús na Poong sumacop sa tanan, na nagcacaloob nang lahat nang bagay, sa ating ovejang canyang kinapal. At ito n~gang lubhang marikit na lambat na siyang sa atin ay humuling cagyat, sa dalampasiga,i, hangang sa masadsad nang isang magandang pag-sisising uagas. Sa dakilang pag-babalic loob natin nang tayo,i, caniyang papaguing dapatin, magtamong graciang ualang pagmamaliw gaya nang caloob sa Santang butihin. Niyong Amáng Dios na ualang capantay na lubos ang aua sa tanang kinapal, at si Margarita ang ating tularan tan~gisang ang ating sala,t, pag-sisihan. Ipagmaca-aua natin at iluhog nang buong capacumbabaan cay Jesús, sa pamamag-itan tayo ay sumunod sa cay Margarita na magbalic loob. ¡Oh malualhating Santa Margarita na sa penitenteng naguing huarang ca, sa macasalana,i, ulirang talaga,t, caáliuang lagui sa tuitui na. Liniuanagan n~g tunay niyang ilaw ipinagpighati mo pa,t, tinan~gisan, ang lahat n~g iyong man~ga casalanan na naguing dapat cang pinagpakitaan. Ni Jesús na Amá at ipinahayag di mamacailan na ipinatauad ang man~ga sala mong lubhang mabibigat n~g boong, capacumbabaang di hamac. At sa madalas mong pag-pepenitencia,i, laguing dinadalaw na inaaliw ca, n~g Esposong lubhang maauaing Amá sa iyo,i, ipinagcatiualang sadya. Yaong matataas na lihim n~g Lan~git at minarapat cang lambat na guinamit humulili n~g calulua at naghatid niyong pagsisisi at panunumbalic. Nangloob, na hilig sa pagcacasala caya n~ga bunying malualhating Santa, na tan~ging cay Jesús na iniibig ca,t, calacasang lubos n~g man~ga sa sala. Tanang penitente icaw ang uliran caya lumuluhod sa iyong paanan, nagmamacaaua na ipamagitan sa Dios, at upang gracia,i, aming camtan. Nang makilala co,t, tan~gisang palagui ang casalanang co,t, nan~gagauang saui, at macatindig din sa pagcalugami sa daya n~g Mundo at pagcacamali. Madin~gig co yaong iyong napakingan n~g lubos na igauad ang capatauaran, sa lahat n~g aking gauang catacsila,t, aco,i, magcaroon n~g capayapaan. Ang nagpipighati na calulua co ipagmacaamo n~gayong iluhog mo, sa iyong caibig-ibig na Esposo,t, sugatang gaya n~g pagsugat sa iyo. Paglampasan niyong totoong palaso at boong pag-ibig niyaring aking puso, at huag manaig ang anomang anyo cundi ang sa iyo,i, lubos na pagsuyo. At yayamang n~gayon ay napapahamac yaring cahinaa,i, upang magcapalad na mag-penitencia,t, sa iyo,i, tumulad magsisi,t, ang Lan~git n~g aming matuclas. Di cung magcagayon ay macaaasa caming maliligtas sa bilis n~g dusa, cung cami,i, matuto na man~gagsigaya sa guinaua niyong Santa Margarita. =BUHAY NANG MARTIRES= Ang lalong mabuti sanang uliranin n~g m~ga dalaga ay ang limang Martir, na minatamis pang buhay ay nakitil main~gatan lamang yaong pagca Vírgen. Sasalaysaying co n~gayong isa isa ang pinagdaanang man~ga buhay nila, n~guni at ang aking sasaysaying una,i, ang pag-mamartir ni Santa Dorotea. Bantog sa Ciudad yaong cagandahan niyong Cesarea, at sa cabaitan, cagandahang yaon ang naguing dahilan n~g calunos-lunos niyang camatayan. Manang isang araw ay tinauag ito nang Hucom na nagn~ganlang si Apricio, at hinicayat siyang di mamagcano na siya,i, sumamba sa man~ga Idolo. Pagca,t, ang uica niya,i, isang caululan ang gauang pag-samba n~g man~ga binyagan, doon n~ga sa isang tauong hamac lamang na nag-caroon nang laking casalanan. Caya n~ga at ipinaco siya sa Cruz na pinarusahan nang man~ga Judios, cay Santa Dorotea n~gang isinagot ay si Jesucristo ang totoong Dios. Sa Lupa at Lan~git siya,i, Haring tambing na dapat igalang natin at sambahin, cung caya ang dusa ay dahil sa atin nang tayo,i, matubos sa pagca-alipin. Ang sa cay Apriciong guinaua pagdaca tinauag si Crista,t, saca si Calista, man~ga babayeng tumalicod sila sa totoong Dios nang sampalataya. Na cay Doroteang capua capatid at inihabiling himuking mapilit, ang naturang Virgen at upang maákit na siya,i, sumamba sa man~ga Dioses. Datapua,t, tunay na nasayang lamang yaong capagalan nang dalauang hunghang, sa pagca at sila,i, siya pang naácay sa pag-sisisi at pagbabagong buhay. Caya,t, ang guinaua nang lubhang malupit na Hucom ay pinahubaran nang damit, si Santa Dorotea sa laking galit at ipinag-utos nang labis at higpit. Na dictan ang caniyang boong catauan niyong linapad na man~ga tanso,t, bacal, na man~ga binaga,t, upang mahirapan at cung matapos na ay saca pugutan. Yaong Martir namang si S. Teopilo dating caáuay nang man~ga cristiano, doon sa Hucoman ay palagui ito sa dahilang siya,i, isang Abogado. Pagca,t, lubos niyang kinatutuaan cung may isusumbong na pagbibintan~gan, na cahima,t, sinong man~ga bininyagan at inaari niya na isang aliuan. Caya,t, ang sinabi na narin~gig niya sa Hucom, niyong si Santa Dorotea, na di nauaualan cailan man bagá nang man~ga sariuang bulac-lac at bunga. Sa halamanan nang caniyang Esposo sa lualhating bayang Paraizo, ang nasoc sa isip n~ga ni Teopilo ay sa paglacad ay salubun~gin nito. Ang Vírgeng mapalad na si Dorotea caya n~ga noong ilinalacad na, sa pag-pupuguta,i, ihahatid siya sinalubong naman na caracaraca. Inaglahi na niyang lubos na tinuyá at pinag-bilinan pa niya conoua, na padalhan siya nang ibinalita na bun~ga,i, bulac-lac na man~ga sariua. Ang sabing birong uala sa loob niya at pagpalibhasa lamang na talaga, ang pagmamartir ni Santa Dorotea na tinangap naman ay nang matapos na. Niyong oras din n~gang sinasaysay naman ni Teopilo, sa ilang caibigan, ang biling bulac-lac at bun~gang halaman na ipinan~gacong siya,i, padadalhan. Ay nagtatauanan silang para-para ualang ano ano,i, nacakita sila, niyong isang batang lalaking maganda sa cay Teopilo,i, lumapit pagdaca. Siya ay binigyan nang tatlong manzanas na sa isang san~ga nabibiting lahat, saca tatlo naman nang sariuang rosas na cahan~ga-han~ga sa matáng mamalas. Tuloy na sinabi naman sa caniya yaon n~ga ang bilin niyang ipadala, sa minartir na si Santa Dorotea at biglang nauala naman capagdaca. Nagtacá si Teopilong hindi hamac yayamang caniyang napagtalastas na sa man~ga araw na yao,i, di dapat na mamun~ga yaong halamang manzanas. At ang man~ga rosa,i, di capanahunang magsipamulac-lac ayon sa dahilan, na noo,i, panahong laking calamigan caya lubos siyang nagulumihanan. Pinagcalooban din siya nang Dios nang bisa nang gracia na icatatalos, na Dios n~gang tunay si Cristong sumacop sa salang minana nitong Sansinucob. Ipinagsigauan na n~ga ni Teopilo na siya,i, totoong tunay na cristiano, humarap sa Hucom at sinabi dito hangang sa minartir siyang naguing Santo. Caya at siya rin nama,i, nacasama nang Martir na si Santa Dorotea, at kinamtan ang lualhating gloria na bayan nang madlang tua at guinhaua. =STA. CATALINA MARTIR= Si Santa Catalina Martir ay Anác nang mahal na tauo sa nasabing Ciudad, sa Alejandría ay siya,i, namulat sa man~ga Idolo nang pagsambang ganap. N~guni at pinaturuan naman siya na magaling nang caniyang Amá,t, Iná, madaling natuto niyong iba,t, ibang man~ga carunun~ga,t, lubhang na bihasa. Linoob nang Dios siyang liuanagan nang gracia niyang camahal-mahalan nakilala niya ang catotohanan na si Jesucristo ay Dios na tunay. At ualang aral na matuid na puspos cundi ang lahat nang man~ga sinusunod, nang man~ga cristiano caya,t, tumalicod sa Idolo,t, siya,i, nagbinyagang lubos. Nang macaraan nang man~ga ilang araw sa pagtulog niya,i, napakita naman, yaong Pan~ginoong Jesucristong mahal at Vírgen Maríang cabanal-banalan. Casama ang madlang maraming Angeles na sinootan siya ang napanaguinip, nang isang singsing at n~ginalanang tikis na Esposa niyong Pan~ginoong ibig. At nakita niya nang siya,i, maguising sa isang daliri ang nasabing singsing, magmula na noo,i, nag-alab na tambing sa caniyang pusong pag-ibig na angkin. Sa Dios, at di na sa bibig naualay ang Jesús na n~galang catamistamisan, at uala n~ga cundi si Jesús na lamang sa hinin~ga niyang pinagbubuntuhan. Caniyang pinag-nanasa ang malabis na makita niya ang Dios sa lan~git, at yaon ang siyang ikinasasabic na muntima,i, hindi maualay sa isip. Mana,i, nagpatauag nang panahong ito ang Emperador na si Maximiano, na balang binyagang cahiman at sino talicdan ang Dios nang man~ga cristiano. Sa dagling panaho,t, ang balang sumuay ay magsihanda na,t, sila,i, mamamatáy, sumunod sa utos niyong napakingan si Catalina n~gang babayeng maran~gal. Caya,t, ang guinaua ay cusang humarap sa Emperador at ang ipinahayag, ay binyagan siya na cusang tatangap niyong camatayan sa Ley ay atas. Ang Emperador ay cusang natiguilan pagca,t, tila manding naálang-alang, ang malabis niyang man~ga calupitan doon sa dalagang puspos carunun~gan. Bakit kilala nang ang babayeng ito ay tunay na Anác nang mahal na tauo, ang taglay na gulang ay lalabing-ualong taón nang humarap cay Maximiano. Sa Emperador na inacala naman na madaling yaon ay mauupatan, at dahilan doon sa caniyang taglay na cabataan pa,i, marupoc ang lagay. Ipinasundó n~ga ni Maximiano lalong marurunong niyang filósofo, niyong tanang man~ga Idolatrang tauo siyang laang magsisihicayat ito. Sa cay Catalina na babayeng Virgen na sa Idolo ay ibig pasambahin, limang pu pagdaca doon ang dumating pinacamarunong nan~gusap na tambing. Guinamit ang lahat nang man~ga paraan sa cay Catalina upang mahiboan, sa Demonio pa silang tinulun~gan n~guni,t, sila,i, ualang nagauang anoman. At kinasihan nang Espíritu Santo ang abang babaye cung caya natuto, nang man~ga panagot caya n~ga,t, nagtamo siya, sa calaban niyong pananalo. Nagpilitang nan~gagsikilala tuloy yaong filósofong limangpung marunong sa cay Jesucristo na Dios na Poon at nan~gagsisamba silang mahinahon. Minagaling nilang man~ga catuiran at ang mariríkit na man~ga pan~garal, n~g caharap nilang dalagang timtiman na hindi nan~gambang naghain n~g buhay. Sa malaking galit niyong Emperador ay pinasungaban yaong marurunong, na filósofos at iniutos tuloy na silang lahat ay sunuguin sa apoy. Caya't silang lahat nama'y para-parang sinac-lolonan nang mahal na gracia, sa gayong pasakit ay namatay sila alang-alang sa cay Jesucristo bagá. Si Catalina,i, ipinahampas naman at di pinacaing labing isang araw, at di pinainom n~ga sa bilanguan hinihimutoc niya sa madlang paraan. Hindi naman pinahalagahang lubos ang tanang pan~gaco na idinudulot, sa caniyang lahat na pakitang loob cahit camunti man ay di nalamuyot. Emperatriz tuloy ay pinapugutan na asaua niyong mabunying General, na si Porfirio dahil sa pagdalaw sa cay Catalinang na sa bilanguan. At silang lahat ay nanampalataya sa Dios, at tuloy nan~gagbinyagan pa, saca iniutos niyong palamarang gulun~gan n~g bató ang dakilang Santa. Na may nacapacong maraming patalim sa boong paliguid caya't nanalan~gin, sa Dios, si Santa Catalinang Virgen sa hirap na yaon na dadalitain. Caya n~ga nasira,t, sumabog pagdaca ang gulong, at madlang sumampalataya, sa cay Jesucristo n~guni at lalo pang tumigas ang loob sa pagpaparusa. Nang tacsil na Emperador Maximiano agád iniutos na putlan n~g ulo, itong Vírgeng Mártir at nanaw sa Mundo yaong calulua,t, Lan~git ay tinamo. Catauan n~g Santa,i, sa Dios inibig na buhatin naman n~g man~ga Angeles, sa taluctoc niyong bundoc inihatid n~g Sinay, at doon nalibing na tikis. =SANTA POTAMIANA= Ang Vírgen at Martir at hirang na Santa na alilang tan~gi na si Potamiana, puspos cahinhina,t, dalagang maganda na nacalulugod sa titig n~g matá. Na di nahicayat camunti man lamang niyong pan~ginoon sa pitang mahalay, ang di pagcagahis sa n~gayong paglaban ang sa pagca Martir ay naguing dahilan. Pagca,t, ang ginaua niyong pan~ginoóng malibog, sa bagay na hindi pag-ayon, ay dumulog n~ga siya sa Gobernador sa Alejandría ay ipinagsumbong. Ang di miminsang caniyang pagcahiya doon sa mahalay niyang ninanasa, at sinabi yaong caniyang alila at caibigan niya pagcapalibhasa. Yaong Gobernador at ang cahilin~gan si Potamiana,i, dapat pahirapan, na patayi,t, siya,i, sumunod sa aral ni Jesucristo,t, tunay na biniyagan. At ayaw sumamba sa man~ga Idolos na siyang dito,i, ating dinidios, n~guni,t, ibinulong n~g may asal hayop sa Gobernador na tampalasang loob. Na si Potamiana ay huag aanhin cun hindi madali lamang paouiin, sa caniyang bahay at papan~gacuin na ang calooban niya,i, siyang sundin. Sa Gobernador n~gang pinan~gatauanan ang pagsunod sa caniyang caibigan, at si Potamiana ay pinagbaualan na tunay na siya ay pasusungaban. At ilalagay sa cumuculong lan~gis hangang ang hinin~gang tangan ay mapatid, cun ang pagsamba niya ay di maáalis sa cay Jesucristo cacamtan ay sakit. Cung sa calooban ay tatangui siya niyong pan~ginoo,i, pilit magdurasa, sa balang mahigpit ay di nabalisa alilang mabait at di man nan~gamba. Pagdaca,i, nan~gusap siya nang ganito labis na aniyang natatalastas co, anoman ang hirap na iparusa mo sa akin ay pilit matatapos ito. Na di malalao,t, ualang sala naman at cung mauala na yaring aking buhay, at manaw na dito sa lupang ibabaw tunay naman acong pag-cacalooban. Sa Lan~git, nang macapangyarihang Dios niyong lualhating ualang pagcatapos, at payapang buhay na ligaya,i, lubos ualang gutom uhaw dalita at pagod. Cung matacot aco,t, sumunod sa iyo nanamnaming co n~ga sa buhay na ito, ang sandaling layaw niyaring catauang co sa cabulaanang hain nitong Mundo. Mauiuili aco,t, maguiguinhauahan sa buhay na ito ang aking catauan, at malaking hirap naman ang cacamtan doon sa Infierno magpacailan man. Icaw sa sarili n~gayo,i, pag-isipin cun ano ang iyong nararapat gauin, yamang ang puso co ay di magmamaliw na sa isang Dios lamang ihahain. Sa Gobernador na maunauang tunay na ang pagod niya,i, masasayang lamang, at di magagahis ang dalagang hirang anoman ang gauin na man~ga paraan. Caya n~ga, noon din ay ipinatauag ang man~ga verdugo at ipinag-atas, ang balang parusa ay ganapin agád doon sa dalagang loob na matigas. Hindi man nasindac sa parusang yaon si Potamiana,t, pagdaca,i, lumusong, doon sa lan~gis na cumuculong hatol na itinatadhana niyong Gobernador. Ang cahalimbaua ay lumusong lamang sa isang masarap niyang paliguan, dinálitang lubos yaong camatayan tikis na sumugbang di kinilabutan. Huag na masira lamang ang caniya na matibay bagang pagsampalataya, at dalisay na pagca Vírgen sadya huag madun~gisan buhay ma,i, mapaca. Caya,t, ang hinin~gang tan~ga,i, n~g mapatid ay kinamtang lubos ang tua sa Lan~git, cahirapan niya ay ginanting bihis n~g Amang lumalang nitong sandaigdig. =SANTA AGUEDA MARTIR= Ang Virgen at Martir na Santa Agueda doon sa Palermo ipinan~ganac siya. Ciudad n~g cahariang Cecilia yaong pagcatauo,i, doon nakilala. Namamahala n~ga n~g panahong ito,i, casalucuyang Emperador Decio, n~guni,t, si Agueda,i, magandang totoo ay di nabubuyo sa layaw sa Mundo. Ang Amá at Ina,i, capua binyagan at mahal na lahi ang pinangalingan caya ang Anác ay pinaturuan n~g Amá at Inang marunong magmahal. Niyong sarisaring carunun~gang angkin bakit may talagang cabaitang kimkim loob ay banayad at sadyang mahinhin sa tanang dalaga ay isa nang ningning. Pagsapit sa ica dalauang pung taón n~g caniyang búhay bagáng linalayon, yaong cagandaha,t, loob na hinahon maban~gong bulaclac ang siyang caucol. Caya n~ga,t, naacay sa gauang pagsinta ang Gobernador doon sa Cecilia, na si Quinciano ang pan~galan niya at moli,t, moli n~gang sumasamo siya. Na tangapin yaong caniyang pag-ibig n~guni,t, si Agueda,i, tumanguing malabis, pagca,t, inialay ang pusò at dibdib sa Dios na Hari nang lupa at lan~git. Ang pagca Vírgen niyang iniin~gatan ay di dinun~gisan magpacaila man, bakit si Quinciano,i, hindi binyagan at di sumasamba sa Dios na tunay. Sa hindi pag-ayon sa iuing pag-ibig niyong si Aguedang may pusong malinis, si Quinciano n~ga,i, nagtaglay nang galit maálab na lubhang apóy ang caparis. Inacala niyong Gobernador naman butihing dalaga ay pag-higantihan, nang dusang malabis at cadahilanan ay yaong nasapit niyang cahihiyan. At agád-agád n~gang ipinatauag na doon sa hucuman yaong si Agueda, at pinagsabihang huag na sumamba sa cay Jesucristo at sumpain niya. Dagling kilalanin at sambahin nito ang man~ga Dioses na pauang idolo, na sinasamba nang hindi cristiano,t, iguinagalang doon sa Imperio. Nang sa cay Aguedang madin~gig ang utos ay sa Gobernador pagdaca,i, sumagot, ang loob mong iya,i, di co masusunod pagca,t, aco,i, ualang ibang Dinidios. Cundi yaong tunay na si Jesucristo sa akin ay siyang may aring totoo, iyaring boong puso at calulua co alay sa caniya caratnan ma,i, ano. Tunay acong hindi macahihiualay sa caniya, anomang aking caratnan, ay tumutol naman yaong tampalasang Gobernador bagáng sadyang calupitan. At pinagbalaan yaong si Agueda na palalapatan nang labis na dusa, caya n~ga mapilit na sumunod siya sa iniuutos na man~ga pag-samba. Sumagot na di man nagulumihanan at ipinahayag nang Virgeng matapang, na cahima,t, siya,i, alisan nang buhay ang utos na yao,i, di magagampanan. Lubos ang caniyang pagsampalataya sa cay Jesucristo, at pag-ibig niya, matuluyang kitlin ang tan~gang hinin~ga yaon ang Dios niyang kinikilala. Ipinatauag na niyong asal hayop na si Quinciano, ang man~ga verdugos, ni Santa Agueda ay ipinag-utos na pagtatampaling lacas ay iubos. Cung matapos nama,i, canilang cayurin niyong man~ga cucong hayap na patalim ang boong catauan nama,i, sayaran din nang lapád na tansó at bacal na tambing. Na pinapagbaga,t, saca pinaputlan nang dalauang suso niyong tampalan, ang tanang caharap ay kinilabutan sapagca,t, lumabis yaong calupitan. Doon sa Vírgen ni Quinciano bagá caya,t, ang lahat nang doo,i, nacakita, sa gayong pahirap cay Santa Agueda muc-ha,i, di nagbago,t, lalo pang sumaya. Ipinaculong na yaong bunying Martir sa bilanguan n~ga na lalong madilim at di malalao,t, pilit makikitil ang buhay sa gayong hirap na inatim. Anopa at cusang lumiuanag naman ang sadyang madilim bagang bilanguan, at dumating doo,t, napakitang tunay ang malualhating Apostol na hirang. Na si San Pedro,t, namasdan n~g lahat na biglang gumaling ang lahat n~g sugat, n~g cay Santa Aguedang catauang hayag na tila uala ring dinamdam na hirap. Si Quinciano n~ga,i, bagcus pang nagalit sa bagay na yaong caniyang nabatid, at ipinag-utos n~g lalong mahigpit caladcaring hubad na bigyang pasakit. Doon sa lupa n~gang sadyang sinabugan n~g maraming bága,t, man~ga bubog naman, ang utos na yao,i, agád ginampanan n~g man~ga verdugos na pauang sucaban. N~guni at natacot yaong palamara at lihim na ipinadala ang Santa, doon sa bilangua,t, dahilan bagáng malacas na lindol ang nacabalisa. Sa boong Ciudad at nan~gaglagpacan yaong man~ga bató na ikinamatay, ni Silvino saca ni Palcomio man caibigan niya,t, casama sa bahay. Martir ay bahagya lamang humihin~ga sa catacot-tacot na pagcaparusa, n~g sa bilanguan ay naroroon na nanalan~gin na n~ga ang mahal na Sánta. Pan~ginoong co aniyang Jesucristo yayamang aco po ay iniibig mo, at di itinulot na yaring loob co,i, mauili sa man~ga paraya n~g Mundo. Ay marapatin po na tangapin mo na n~gayon yaring aking abang calulua, at mamatay naua aco sa pagsinta sa iyo Dios co,t, macandiling Amá. Dinin~gig n~g Dios ang gayong dalan~gin caya n~ga,t, ang tan~gang hinin~ga,i, nakitil ni Santa Agueda,t, kinamtan noon din yaong lualhating ualang hangang aliw. Anopa,t, natapos ang lahat n~g hirap nahaliling tua nama,i, ualang capas, yaong Virgeng Martir na lubhang mapalad n~gayo,i, na sa lan~git na puspos ang galac. =SANTA TEODORA MARTIR= Niyong Emperador si Deocleciano nag-utos sumamba sa man~ga Idolo, ang man~ga binyagan na cahima,t, sino ang balang sumuay papanaw sa Mundo. Caya n~ga,t, ang isang butihing dalagang Anác tauong mahal sa Alejandría, siya,i, nagn~gan~galang si Teodora na sa Idolos ay aayaw sumamba. Dahilan sa gayong guinauang pagtangui ay ipinaculong ang abang babaye, doon sa bahay n~g man~ga ualang puri na sa cahalaya,i, pauang nauiuili. N~guni,t, inin~gatan din naman n~g Dios at isang soldado ang doo,i, pumasoc, n~gala,i, si Didimo na binyagang lubos ang siyang sa silid niya ay naglagos. Sa Santa at Martir cung caya tumun~go siyang cailan~ga,t, ang uica,i, ganito, huag cang matacot sa pagparito co at aco,i, cristiano ring caparis mo. Caya sa silid mo kita ay linacbay ang calinisan mo,i, nang di madun~gisan, pagpasoc cong ito,i, ualang ibang pacay cundi sa nais co na mapag-in~gatan. Iyang iyong puri caya tangapin mo at siyang isuot ang damit na ito, na cagayacan co sa pagcasundalo at lumabas ca na,t, magtagong totoo. At aco ang siyang dito,i, matitira na mahahalili,t, upang maligtas ca, sa capahamaca,t, sa payong maganda ay agad pumayag din si Teodora. Dagling isinuot na n~ga yaong damit na pagca-soldadong cay Didimong gamit, ang Santa,i, lumabas sa naturang silid na cahima,t, sino,i, ualang nacamasid. Nang sa Emperador na mapag-alaman yaong pagcauala sa culun~gang bahay, nang man~ga babayeng búhay na mahalay ni Santa Teodorang loob na timtiman. Pagca,t, hinalinhan siya ni Didimo caya nacalabas na hindi naino, siyang hinatulan na putlan nang ulo yaong nagpahiram nang damit soldado. Mapagtalastas naman ni Teodora na si Didimo ang kikitlang hinin~ga, ay siya,i, tumacbong humabol pagdaca hangang sa dumating sa lupang talaga. Na doon ang laang puputlan nang ulo yaong humaliling bayaning sundalo, aniya,i, ang dapat patayin ay aco alang-alang naua sa cay Jesucristo. Yaong si Didimo ay sumagot naman uica,i, di matuid ang hiling mong iyan, sapagca,t, icaw ay aking hinalinhan aco n~ga ang siyang dapat na mamatay. At yayamang iyong ipinagcaloob sa akin, ay dapat buhay co,i, matapos, n~guni,t, tumutol sa gayong palasahot si Santa Teodora at ang isinagot. Ipinayag co n~gang aco,i, halinhan mo nang upang maligtas lamang ang puri co, sa capan~ganibang daya nitong Mundo doon sa bigay mo na damit soldado. Hindi co ipinagcaloob sa bagay na hahaliuhan mong icaw ang mamatay, na magcamit niyong calualhatian niyong pagca-martir na sa aki,i, laan. At hindi co han~gad mabuhay sa Mundo Hucom na malupit n~g madin~gig ito, pinaputlan yaong dalaua nang ulo ang hirang na man~ga alagád ni Cristo. Siyang pagcatapos nang búhay na hiram nang dalauang Martir sa lupang ibabaw, at doon sa gloria,i, guinanti naman nang di matatapos na caligayahan. _Apat na pung sundalong Martir_ Man~ga Mártires n~ga na pinan~gan~ganlang de Sabaste yaong soldadong binyagan, apat na pung husto yaong cabilan~gan na hindi miminsan na pinahirapan. Sa pagca-bilango nang isang malupit na Gobernador n~gang di nagdalang hapis, n~gala,i, Agricoláo nang nagbigay sakit sa banal na man~ga sundalong mabait. Doon sa Sabaste nangyari nang una Ciudad nang cahariang Armenia, ang man~ga soldado,i, nang pahubaran na niyong tampalasa,t, ipinag-utos pa. Na magdamag niya na ipinababad sa paliguan n~gang laang pangpahirap, na punó nang tubig lamig ay di hamac na pinahamuga,t, namumuong cagyat. Dahil sa taglamig noon ang panahon caguinaua,i, halos ualang macaucol, ang di macatagal utos ay umaho,t, sa malahinin~gang tubig pumaroon. Yao,i, siyang tandang tumatalicod na sa Dios na dati nilang sinasamba, ito ang tadhana sa sino mang siya na man~ga soldadong binigyang parusa. Niyong hating gabing sadyang calaliman na yaong hinin~ga,i, papanaw na lamang, nang man~ga bayaning Mártires na tunay at para-para nang nagsisipan~gatal. Sa malaking guinaw, n~guni at namalas na sa paligua,i, biglang lumiuanag, nakita nang isang bantay na caharap na hindi binyagan ang hiuagang ganap. Na ang maligayang doo,i, pagpanaog nang mapag-candili na Poong si Jesús, na galing sa lan~git at humintong lubos sa tapat nang Martir na man~ga soldados. At ipinag-utos sa casamang tanan na man~ga Angeles na pauang putun~gan nang isang corona balang isa naman nang man~ga Mártires na man~ga mamatay. Tan~gi yaong isang loob na mahina na sa parusahan ay umahong cusa at di na mahintay ang coronang handá na sa gayong dusa ay ganting biyaya. Pusò ay nagtaca,t, nagulumihanan at nagbalic loob sa Dios na tunay, yaong di binyagang doo,i, nagbabantay dahil sa himala niyang napagmasdan. Ginaua pagdaca ay siya,i, naghubad at taos sa loob na ipinan~gusap, na cristiano siya sa tanang caharap at sa paliguan ay lumusong agád. Di lubhang nalaon naman ay namatay caya maligayang caniyang kinamtan, ang sa pagca martir na coronang hirang sa sandaling hirap tua,i, ualang han~gan. Ang mahinang loob na di nacabata n~g sandaling hirap alang-alang bagá, sa cay Jesucristo at humanap siya n~g guinhauang tubig na malahinin~ga. Nang macaraan na yaong ilang araw siya nama,i, cusang nakitlan n~g buhay, ay napacasama,t, dusang ualang hangan doon sa Infierno ang kinahinatnan. Capagca-umaga ay ipinag-utos ni Agriculáo n~ga sa man~ga verdugos, na ang man~ga Martir na man~ga soldados na sa paliguan hirap ay malubos. Na pauang balian namang para-para niyong man~ga hita at tipunin sila, sa siga,i, sunuguing lahat capagdaca ito sa verdugos ang babala niya. Ang pinacabata,i, canilang bayaan sa man~ga Mártires na pinarusahan, na si Meliton n~ga ang siyang pan~galan sapagca,t, canilang nakita pang buhay. N~gunit siya nama,i, tantong mahina na at hindi na halos na macagalaw pa, at namamanhid ang boong catauan niya at papanaw na n~ga ang tan~gang hinin~ga. Iná,i, nabalisa niyong si Meliton nang nasang manin~gas sa bagay na yaon, na malubos ang pagca-martir niyong Anác at masamang sunuguin sa apóy. Pagdaca ang bata,i, caniyang pinasan at ang man~ga carro,i, caniyang sinundan, na sa Mártires n~ga na kinalalagyan na dadalhin doon sa pag-susunugan. Ipamamanhic niyang talaga doon sa pinag-atasan niyong Gobernador, na ipakihapis nila si Meliton sa sigâ,t, masamang mamatay sa apóy. At ualang guinaua siya habang daan cundi ang Anác niya ay pinan~garalan, bunso co,i, tiisin yaong cainitan n~g apóy, na parang pagtitiis naman. Nang guináw sa paliguan n~gang malamig naghin~galo nama,t, buhay ay napatid, niyong si Melitong matimtimang bait sa lacad na yaon n~g man~ga Mártires. Mabait na Iná ay tantong nalugod at yaong pag-asa ay puspos na puspos at ang Anác niya ay kinamtan na lubos yaong lualhating caloob n~g Dios. At na sa Lan~git nang caluluang hirang caya agad-agad niyang ilinagay sa talagang carro ang sa batang bangcay n~g man~ga Santos Mártires na banal. Sumunod ding gaya nang dati ang Iná hangang di napugnaw sa sigang nakita, ito n~ga ang dinarasal cung fiesta na man~ga Mártires de Sabaste bagá. Bilang ica sampu niyong Marzong buan guinagaua yaong man~ga capurihan, nang apat na pung Mártires na tunay na man~ga, soldadong pauang man~ga banal. ¡Oh man~ga capatid dinguin yaring luhog na pag-tibayin ang ating man~ga loob, nang sampalataya sa totoong Dios at sa Iglesiang taglay nang sumacop. Huag nang isipin na man~gagbago pa sa Iglesiang dati nang sampalataya, at yamang ang dati atin nang kilala ang hindi mabilang na Santo at Santa. Ang man~ga Mártires ay gayon din naman na nagsipaghain nang canilang buhay, sa catacot-tacot nilang camatayan sa cay Jesucristong Dios alang-alang. Cahimanauari tayo ay matulad sa man~ga Mártires na Santos at Santas, at sa ating puso naua ay malimbag ang aral ni Cristo sa atin at atas. Hanapin ang lalong mabuting paraan na icasusupil sa ating catauan, huag manatili sumagap n~g layaw n~g Mundong sa huli pauang cahirapan. Caya tayo,i, dapat maglingcod tuina sa Dios na Poo,t, sa Virgen María, upang tayo nama,i, macasama nila doon sa payapa,t, ualang hangang saya. =CATAPUSAN= --- Provided by LoyalBooks.com ---