[Paalala ng Nagsalin: Sa orihinal na pagkalimbag, tinangal ng maykatha ang lahat ng "n" at ginamit lamang ang ~g. Dahil ninais ng maykatha na gamiting ang libro ng mga estudyante para sa kanilang pagaaral ay binalik namin ang "n" sa web version para madaling basahin ng mga kabataan ngayon. Ang plain text na edisyon naman ay hinayaan naming manatili ang porma ng orihinal na pagkalimbag ng libro.] [Transcriber's note: The author removed all the "n" and used tilde g or ~g in the original publication. Since the author intended the book as reference for students, we placed the "n" back in the web version to make it easier to read. The plain text version however retains the original form as it was published.] =SA LA~GIT N~G BAYA~G PILIPINAS.= M~GA DAKILA~G PILIPINO o A~G KAIBIGAN N~G M~GA NAGAARAL SININOP NI _Jose N. Sevilla at Tolentino_ UPA~G MAGAMIT NA AKLAT NA BABASAHÍN UNA~G PAGKALIMBAG MAYNILA, 1922 Limbagan nina Sevilla at mga kapatid at Kn. MAYNILA, K.P. HANDÓG Sa kabataan n~g lahi~g Tagalog upa~g pakinaba~gan at mágamit na isá~g mabuti~g basahin sa panahón n~g pagaáral. Ang Kumatha. A~g karapatán sa aklát na itó ay ipinamamana ko sa aki~g m~ga pama~gki~g Emillo, Jesús, Aurelio at Predesvindo Alvero y Sevilla upá~g kanilá~g pakinaba~gan ku~g sumapit silá sa sapát na gula~g. José N. Sevilla. [Larawan: JOSE N. SEVILLA AT TOLENTINO] Nagi~g Kapitán n~g Artilleria n~g Republica Filipina Kasa~gguni n~g «Suliranan n~g Wika» Nagi~g Gurò n~g Panitika~g Tagalog sa Colegio «La Juventud» Namatnugot n~g m~ga Pahayaga~g «Buhay Pilipinas», «Malalaya~g Ma~gagawà» at «Katuwiran» Nagtamò n~g Ganti~g Pala~g Medalla de Plata at Diploma Sa Ta~ghala~g Panama Pacifico, 1915, Sa lilim n~g ta~ghal n~g Biblioteca de Filipinas Kasa~gguni n~g Lupo~g sa Pátakarán at Palatuntunan N~g Una~g Kapulu~ga~g Balagtás, 1922. Kasapi sa «Ilaw at Panitik» =PAUNA~G SALITA= Isa~g sulirani~g kasalukuyan na humihi~gi n~g isá~g ágara~g paglutas ay a~g náuukol sa pagsisikap na tayo'y magkaroón n~g isá~g wika~g pambansâ na makabibigkís n~g boó~g higpít sa atin sa isa~g pagkakáwatasa~g ganáp sa tuló~g n~g isá~g sarili~g wikà, upá~g mapapánatili~g lagi~g mainit, nagáalab at nakadádará~g yaó~g dî mati~gkalá~g mithî na pinagbubuan n~g lalo~g mahalagá~g dugô at itinulò n~g masasakláp na luhà n~g m~ga naulila doón sa m~ga bayani~g naiwan sa ságupaan sa kadilimán n~g gabi. A~g sanhi~g itó rin a~g pinagbuhatan n~g isá~g katagâ n~g kapulo~g na Lope K. Santos na~g kasalukuyá~g pinagtátalunan sa Kapulungang Balagtas niyaó~g ikalawa~g araw n~g Abril n~g taó~g isá~g libo siyam na raán at dalawampuo't dalawa, a~g suliranin n~g pagtuturò n~g wika~g Tagalog sa m~ga páaralan na anyá'y «anó~g aklát a~g pagáaralan n~g ati~g m~ga batà sa wikà~g Tagalog?» Ipinagtátapát ko~g sa kasalukuyan, ku~g may m~ga aklát ma~g Tagalog na náuukol sa m~ga Balarilà n~g wikà ay tahás na dî tumútugón sa m~ga pagkakáunlád n~g wika~g Tagalog dito sa dáanang taó~g ika dalawam puo yayamá~g a~g m~ga yaón ay halos tinagalog lama~g sa m~ga aklát na gayón din a~g urì na m~ga ibá~g wika~g Kastilá ó Ingles, n~guni't di nagtátagláy n~g sarili~g diwà at m~ga paraán n~g wika~g Tagalog sa kanya~g sini~g na sarili~g sarili. Dahilán a~g sanhí~g itó na~g ipinagpanayám namin n~g kasalukuyá~g Patnugot n~g Instituto de Mujeres na nagmu~gkahi sa akin, na bila~g pa~guna~g aklát ay lumimbág muna n~g isá~g babásahi~g káwiwilihan n~g m~ga nagáaral sa sarili~g wikà, n~guni't sinikap ko~g sa pagtugón sa kanyá~g mungkahi ay yumari n~g isá~g aklát na ta~gi sa káwiwilihang basahin ay kápupulutan namán n~g m~ga dakilá~g huwaran sa kapitápitaga~g halimbawa~g ipinamana sa atin n~g m~ga bantóg na m~ga kababayan na sa gálawan n~g kanila~g kalágayan, magi~g sa kapamayanán, sa duno~g at sa kabayanihan man ó sa pagtatá~ggol n~g m~ga dakila~g mithî, ay kinábakasán n~g tápata~g pagibig sa mutyâ nati~g Pilipinas. A~g sa langit ng bayang Pilipinas ay nipót n~ga sa init n~g ha~gád na a~g wika~g Tagalog ay magi~g isa~g wika~g pagbansâ, at yáyama~g a~g napili nami~g batayán ó sáligan n~g aklát, ay a~g kagyát máukit sa pusò n~g ati~g m~ga batà a~g sarisari~g aral na inii~gatan n~g m~ga dakila~g pa~gyayari sa sarili~g lupà ay máituturi~g na a~g aklát na handóg namin ~gayón ay hindi básal, bagkús isa~g hapyáw sa m~ga násulat na~g m~ga tudli~g, bakás n~g kasaysaya~g sa m~ga dakila~g aklát na náuukol sa mani~gni~g na dahon n~g ati~g kasaysayan ay nagi~g pahiyas, at sa kapanahunan namán, ay sa m~ga pagyayari~g lumúluta~g ku~g minsan ay sa bugsô n~g kapusukán, kalupitán, ó kabayanihan kayâ na pawang may sarili~g samyô, na ku~g ibúbukód ay tahás na pakikinaba~gan upá~g makayari tayo sa ati~g m~ga batà n~g m~ga diwang malalakí, kalooba~g matitibay, kálolwá~g dî magígipò n~g m~ga panuyò at hinuhod yáyama~g tahás na gumágaláw sa udyók na násasalig sa pinakamara~gál sa lahát n~g udyók na dili ibá't n~g mani~gas na pagasa~g magi~g tapát na anák n~g baya~g tinubuan. Ihináhandóg namin sa kabataan n~g lahi~g Tagalog a~g m~ga hapyáw, sipì, at sinóp na itó sa m~ga panitik n~g m~ga lalo~g litáw na tao~g ami~g hinugutan n~g m~ga ináakala~g karapatdapat basahin, makilala, at pagaralan n~g ati~g m~ga batà sa m~ga unang bugsô n~g pagaaral, bilang paghahandâ sa kanilá na ma~gigí~g matitíbay na muóg n~g ati~g ihináhandá~g baya~g malusóg, malayà at karapátdapat sa isa~g bukás na malayà. At sa pagasa~g a~g ta~gkilik n~g m~ga mambabasa ay igagawad sa amin, ay lumuwal a~g sa langit ng Bayang Pilipinas, na tagláy a~g lahát n~g kakanyahán n~g isa~g bagó~g hugis na babásahin. Bila~g pa~galawa~g aklát na ami~g ilálathalà ay dî iba't "Ang aklat ng tagalog" na málalathalà sa dalawá~g wikà, ó sa malinaw na sabi ay sa Tagalog at Ingles, na kápagáaralan n~g m~ga lihim na iníi~gatan n~g wikà, bu~ga n~g isá~g matamá~g pagsisinop. Dito ay magkatulo~g kami ni Dr. Paul Rodríguez Verzosa, isá~g dalubhasá~g mapagsuysóy n~g m~ga kapakanan n~g wikà at lahi~g Tagalog. At pa~gatló sa taó~g itó ay isusunód namin a~g isá~g. Maikling Balarila na kásisinupán n~g m~ga alituntunin at paraán n~g wikà sa kanyá~g kakayahán, m~ga paglalapilapì sa tulo~g na~g m~ga tipik at pagbabago n~g m~ga diwà n~g salità sa pamamagitan n~g paguulit n~g panti~g ó ugát kayâ sa ~gayon sa kahili~gan n~g siní~g. Umáasa kami na sa pamamagitan n~g ta~gkilik n~g m~ga Páaralan at n~g báya~g mahiligin sa pagaaral ay sásapit tayo sa pagkakaroón n~g isá~g Batás na kákali~gà sa ati~g m~ga kathâ na ha~ggá ~gayón ay lúluta~gluta~g sa dagat na waláng pampá~g n~g kapabayaan. Ku~g magkakagayón ay matitiyák nami~g a~g wala~g maliw na punyagî n~g Kapulungang Balagtas na ami~g kináaaniban ay dî naaksat maáasaha~g pagáanihan n~g m~ga sagana~g biyayà. Jose N. Sevilla. =ALI MUDIN= Si Ali Mudin ay isá sa m~ga lalo~g nápabantóg na Sultán sa Huló. Siyá ay anák ni Maula na napabila~g sa m~ga lalo~g litáw na Harì sa nába~ggít na Pulô. A~g magamá~g itó kailán ma'y hindî napasuko na~g hukbó~g kastilà anó ma~g sikap n~g ginawâ upá~g lupigin a~g kanila~g kaharian. Na~g humalili si Ali Mudin sa kanyá~g amá ay sinikap n~g m~ga kastilà na magtamó sa kanyá n~g isá~g kásunduan, at sapagka't si Ali Mudin ay maibigín sa kapayapaan ay nagpadalà sa Maynilà n~g limá~g sugò, niyao~g Enero n~g 1737 upá~g makipagtalo sa m~ga mu~gkahi~g kásunduan n~g m~ga kástilà. Sa m~ga sugo~g itó ay kabila~g siná Dadia Deila, Radia Poot Salikaya at si Panduta Mahomed Ismalis. Ang m~ga sugó~g itó n~g Sultan na si Ali Mudin ay siyá~g na~gasiwà sa pakikipagkásundô sa m~ga kastilà na pinagtibay niya sa Huló, at sa pinagkásunduán ay nabibila~g a~g m~ga sumúsunód: I.--Maghahari sa dalawá~g pa~gkát na nagkakásundô a~g kapayapaan. II.--A~g dalawá~g pa~gkát, o a~g m~ga moro at m~ga kristiano ay magtúlulo~g na makipagbaka sa alin ma~g kaaway nila~g dalawá. III.--Magkákaroón silá~g dalawá n~g malaya~g pagkakálakalan. IV.--Sakali~g sino man sa dalawá~g dako ay puminsalà sa ka~gino man sa kanilá o maghasik n~g sigalót sa isá sa kanilá, a~g naminsalà o sanhî n~g kapinsalaan ay magbábayad sa pininsalà n~g isá~g halagá~g híhigín n~g napinsalà. V.--Magpapàlitan n~g bihag. Si Ali Mudin ay nagí~g tunay na Harì, at a~g kanyá~g kapa~gyarihan ay kinilala n~g m~ga kastilà ha~gga~g sa niyáo~g taó~g 1749 ay sumirà sa kásunduan a~g m~ga kastilà at si Ali Mudin ay nábihag at dinalá sa Maynilà niyaó~g Enero n~g taó~g nába~ggit. Sa pagkábagsàk ni Ali Mudin ay humalili si Bantilan, isá~g dakila~g Datò n~g panahó~g yaón. Nanahanan sa Maynilà si Ali Mudin na kasama n~g kanyá~g anák na si Israel na pinahintulutan n~g m~ga kastilà na makapa~garal sa Páaralá~g San José. Sa boó~g panahó~g ipinakipamayan ni Ali Mudin sa pili~g n~g m~ga kristiano ay nahikayat na pabinyág at a~g pa~gala~g iginawad sa kanyá ay Fernando I. Pagkalipas n~g ilá~g panahón, ay sinikap n~g Gobernador Obando na si Ali Mudin ay mábalík sa kanyá~g pagká Harì, at si Ali Mudin kasama n~g ilá~g sasakyá~g punô n~g kawal ay tumulak na patu~go sa Huló binaka nilá a~g m~ga kutà roón ha~ggá~g sa na~g dî na máipagta~ggol n~g m~ga moro ay kanilá~g napasukò at isá~g panibago na namá~g kásunduan a~g linagdaán n~g m~ga moro at n~g m~ga kagawád n~g m~ga kastilà. A~g m~ga sasakyán ay lumayag na patu~go sa Zamboanga at sa pagka't di nakasama si Ali Mudin sa m~ga kastilà sa pagtulak na yaon ay sinapantahà n~g m~ga kastilà na siyá ay nagtaksíl, at siyá, kasama n~g mahigit na dalawá~g daá~g kasamahán ay dinakip at mulí~g ibinalik sa Maynilà at ibinila~ggô sa Fuerza de Santiago. Buhat noón ay pinasimulán na n~g m~ga kastilà a~g walá~g maliw na pagbaka sa m~ga moro; ~guni't pawa~g walá~g tagumpáy na masásabi na kanilá~g tinamo sa Timog n~g Kapuluan. Hinilí~g ni Ali Mudin sa m~ga kastilà na a~g kanyá~g anák na si Fatima ay pahintuluta~g makapagbalík sa Huló, niyaó~g Febrero n~g 1753 upá~g magsikap sa ikapagharì n~g kapayapan doón, at a~g gayó~g kahili~gan ay dini~gig at pinahintulutan n~g m~ga kastilà; bila~g bu~ga n~g paglalakbáy na itó ni Fatima ay nagtamó siyá n~g isa~g sulat buhat kay Bantilan na nagsasabi~g si Ali Mudin ay pabalikin sa Huló, upá~g maghari~g mulî róon at lumagdâ sa isa~g bago~g kásunduan a~g dalawá~g dako~g dati~g magkaaway na m~ga moro at kastilà. A~g lahat n~g kahili~gan ni Bantilan ay dingi~g n~g m~ga kastilà, subalit hinilí~g na si Ali Mudin ay palayain ~guni't mamámalagì sa Maynilà sa pili~g n~g Arzobispo Rojo na siyá~g kumuha sa kanyá sa Fuerza Santiago at nagbigáy sa kanyá n~g isá~g táhanan at m~ga lingkód. Niyaó~g 1762 a~g Maynilà ay sinalakay n~g m~ga Inglés at si Ali Mudin sa pili~g n~g limampuô katao ay lumabás at nakibaka~g kasama n~g m~ga kastilà sa bago~g kalaban na dumadagsâ at humuhugos sa kamaynilaan. Ipinamalas ni Ali Mudin a~g isá~g dî karaniwa~g katapa~gan na katutubò n~g m~ga moro at lubha~g marami~g Inglés a~g kanilá~g pinuksâ bagá ma~g a~g Lunsód ay napasok at napasukò. A~g m~ga Inglés ay dî naglaón sa Maynilà at sa kanilá~g paglayas, sa kautusan ni Simon de Anda at Zalazar ay pinapanumbalik si Ali Mudin sa Huló upa~g muli~g lumuklók pa kanyá~g luklukang harì. Gumawâ n~g isá~g lína~gin sa Balamba~g a~g m~ga Inglés na kanilá~g linibid n~g matitibay na kutà at sa dî pagkawilì dahilán sa a~g sigáw ay dî nilá matagalán ay lumipat sa isá~g pulô na malapit sa Huló. A~g ganitó~g pa~gyayari ay dî minabuti n~g Sultan Mahomed at ni Israel na anák ni Ali Mudin, sapagka't dî nilá matiís na a~g kanilá~g lupaín ay ariin n~g m~ga banyagà; at naghanáp silá n~g isá~g kátaó~g ikapagtatabóy sa m~ga ma~ggagagá. At a~g panahó~g itó ay dumatí~g niyaó~g bihagin n~g m~ga kawal na Inglés si Dato Tente~g, isá sa m~ga malalakás at pinaníniwalaa~g Datò, at isá sa m~ga maiinit na araw n~g Marso niyaó~g 1772 na~g makalayà na si Tente~g, ay nakipagalám sa m~ga iba~g Datò na siná Dakula at Zama~ggo-Isaák, kasama n~g ilá~g kawal na sumalakay sa kinalalagyán n~g m~ga kawal na Inglés, at sa ganitó~g ságupaan ay na~gágsitakas a~g m~ga Inglés sa m~ga ba~gká~g lundáy na pinaghábol n~g mabibilís na sasakyá~g moro. Sinikap n~g Gobernador na Inglés na makipagkásundô, ~guni't dî tinalima n~g m~ga moro at silá ay ipinagtabuyan at sa pagtakas ay na~gaiwan nilá a~g kanilá~g m~ga sasakyán, m~ga kanyón, baril at apat na puô at apat na libong piso. Namatáy si Ali Mudin sa Huló, n~g boó~g kasiyaha~g loób, sapagka't náitabóy niyá a~g m~ga manlulupig sa kanyá~g bayan. Si Ali Mudin ay nagí~g tudláan n~g dî kawasa~g pagha~gà n~g kanyá~g m~ga sàkop. [Larawan: Ali Mundin] =RAHÁ SOLIMAN= Bago nagí~g Rahá si Solimán, ay nagí~g katulo~g muna sa pa~ga~gasiwà n~g m~ga súliranin dito sa Maynilà, ni Rahá~g Matandâ. Si Lakán Dulà na nanánahanan sa Tundó ay siyá niyá~g kasama. Itó ay na~g kapanáhunan ni Rahá~g Matandâ na~g taó~g 1570. Noón ay isá~g pulutó~g na~g m~ga sasakyá~g kastilà na pinamumunuan ni Martin de Goití at Juan de Salcedo a~g dumao~g sa luók n~g Maynilà. Niyaó~g una~g datí~g dito niná Goití ay dî sila nakalunsád pagdaka. A~g Maynilà, ay may matitibay na m~ga muóg at sila'y pinaputukán at sinagupà. Nabalitaan niláng isá sa m~ga makapa~gyarihan doón ay si Solimán, kaya't nagpadalá sina Goití rito n~g sugò na nagsásaysáy na silá'y dî naparito upá~g makidigmâ kundî upá~g makipagkásundô, at a~g ganitó'y tinugón sa pamamagitan n~g sugò, na a~g Hari sa Maynilà ay nagnanasà n~g makipagkaibigan sa m~ga kastilà. Pagta~ggáp ni Goití n~g paklí ni Solimán ay nasók siyá at a~g kanyá~g m~ga tao sa ilog n~g Pasig at silá'y lumunsád sa isá~g baybáy na itinakdâ n~g Harì. Sinalubo~g silá ni Raháng Matandâ at nakipagkamáy sa kanilá, pagkaliban n~g ilá~g sandali ay dumatíng si Rahá Solimán at nakipágkamáy din ~guni't nagpasubalì n~g gayari: «Kamí ay nagnánasa~g makipagkaibigan sa m~ga kastilà samantala~g silá'y mabuti sa amin; ~guni't mahíhirapan silá n~g gaya n~g hirap na tiniís na n~g ibá, kailán ma't nasain nilá~g kami'y alisán n~g puri». Pagkaraán n~g ilá~g araw si Goití ay nagkula~g sa pagkakáibigan sa pagpapaputók n~g kanilá~g kanyón, at si Rahá Solimán ay napilita~g magbago n~g kilos. Ipinawasák nitó a~g m~ga sasakyán nina Goití at ipinapuksâ a~g kanyá~g m~ga kawal. Nápakabuti a~g pagtata~ggól sa m~ga kutà at dî nagawâ na~g m~ga kastilà a~g makapasok agád, ~guni't na~g ma~gasalantà a~g m~ga tao ni Solimán at maubos na a~g m~ga punlô ay napipilan din. At na~g makuha n~g m~ga kastilà a~g Maynilà ay sinalakay a~g bahay ni Solimán at dito'y nátagpuán nilá a~g isá~g mainam na gusali, maiinam na kasa~gkapa~g sigay, m~ga damit na mariri~gal na nagkakahalagá n~g may 23.000 piso. Hindî nagtaksíl kailán man si Solimán, gaya n~g ipinararata~g sa kanyá n~g m~ga kastilà. Siyá'y tumupád lamá~g sa kanyá~g dakila~g katu~gkulan na makibaka sa sino ma~g magnánasa~g sumirà n~g kanyá~g kapurihá~g pagkaharì, at yáyama~g a~g m~ga kastilà ay siyá~g nagpasimulâ n~g pagbabaka, ay siyá ay nagta~ggól lama~g at natalo, ~guni't hindî kailán man nagtaksíl. A~g kanyá~g pagibig sa sarili~g Lupà ay nagudyók sa kanyá~g makibaka at siyá ay nakibaka dahil doón. Ku~g saán mákikita~g ang pagguhò n~g kaharian ni Solimàn ay uta~g sa kagahaman n~g isá~g lahi~g ma~gaalipin; sa isá~g pámahalaá~g pinagágaláw n~g lakás n~g lakás at di n~g lakás n~g katuwiran. Kawawa~g baya~g maliliít na linúlupig at ginágahasà n~g malalakíng bansâ. A~g daigdíg ay patu~go sa pagunlád, at buhat niyaó~g 1914 na gahasain a~g Belhika, ang malalakí~g Bansâ ay nagsasapì at ipinagta~ggól a~g katwiran n~g maliliít na bayan. Panibago~g kilos sa daigdíg na bu~ga n~g mayama~g diwà n~g dakila~g Wilson sa kaamerikahan. [Larawan: Raha Soliman] =RAHA LAKAN DULA= Si Rahá Lakán Dulà ay isá sa m~ga lalo~g bantóg na namunò sa Bayan n~g Tundó. Siyá ay isá sa m~ga kasan~ggunì ni Rahá Matandâ, si Lakán Dulà ay siyá~g Pámumuán n~g panahó~g siná Legaspi ay dumaó~g sa ati~g lunsód, niyaó~g taó~g 1571. Na~g sumapit si Legaspi sa ati~g Lupaín at lumunsád sa Tundó ay nátagpuán niyá~g dito'y naghaharì a~g kapayapaan, namámayanì a~g matatalino~g m~ga batás, at may matitíbay na muóg na pana~ggól sa ma~gagsísisalakay. Kiníkilala~g Harì rito si Lakán Dulà n~g m~ga kanugnóg na lupaín, at a~g kaniyá~g na~gasásakupan ay bumábayad sa kanyá n~g buís at lagí~g tapát sa kanyá, magí~g sa kapayapaán at magí~g sa digmâ. A~g m~ga sasakyá~g insík at Hapón na dumaó~g dito ay pawa~g nagbábayad n~g buwís kay Lakán Dulà, bago lumunsád at ma~galakal sa tagarito. Kinilala rin namán ni Legaspi a~g kapa~gyarihan ni Lakán Dulà at gumawâ silá n~g Sa~gusapan at pagkarán n~g ilá~g panahón si Lakán Dulà ay nagí~g kakampí n~g España. Tumulo~g si Lakán Dulà sa pagtátatag dito n~g m~ga táhanan n~g m~ga kastilà at pagkaraán n~g ilá~g panahón siyá at a~g kanyá~g m~ga anák ay napabinyág na lahát. A~g pa~gala~g iginawad kay Lakán Dulà ay Carlos. Niyaó~g taó~g 1574 na a~g lupaí~g itó ay salakayin ni Limaó~g, isá~g insík na tulisá~g dagat, a~g Rahá~g itó at a~g kanya~g m~ga anák ay nakilaba~g kakampí n~g m~ga kastilà sa m~ga insík na nagsisalakay. Napauro~g siná Limaó~g n~g m~ga kampón n~g Rahá Lakán Dulà at a~g m~ga itó ay nagtatag n~g kanilá~g kaharian sa Pa~ggasinán at doó'y pinágusig silá n~g hukbó ni Lakán Dulà ha~ggán~g nápatayán silá n~g kay rami~g alagád at náitaboy silá sa labás n~g m~ga lupaí~g sakop n~g Rahá~g Tagalog na itó na nagpakita n~g gayón na lama~g tapa~g. Si Lakán Dulà ay nagkaroón n~g tatló~g anák na lalaki at siyá at a~g kanyá~g m~ga anák sa kapanahunan ni Lavezares niyaó~g 1572 ha~ggá~g 1575 ay patuloy silá~g nagi~g katúkatuló~g sa pagpapalaganap n~g kakristianuhan sa Kagayán, Kamarines, at Zambales; a~g kanyá~g apó~g si Makapagál ay isá sa lumitáw sa tanán niya~g m~ga kamaganak. Si Makapagál sa kanyá~g katápatan sa España ay ginawá~g «Maestro de Campo» at pagkatapos noón ay nagi~g Heneral siya sa Apalit, Arayat at m~ga kabundukan n~g Zambales. Na~g magkáalít a~g m~ga kapampa~gan at m~ga pa~ggasinán ay dî naapulà, samantala~g hindî namagitan si Makapagál; at na~g mulí~g sumalakay a~g m~ga insík sa kapanahunan ni Heneral Figueroa ay hini~gî a~g tulo~g ni Heneral Makapagál at itó a~g humawì sa nagsisisalakay. Sa pagkilala sa dakila~g tulo~g ni Heneral Makapagál sa España ay silá'y tinimawà n~g m~ga kastilà sa anó ma~g bayarin sa Pámahalaán at a~g lahát n~g kanyá~g kamaganakan ay gayón din. Itó'y namarati ha~ggá~g sumapit a~g taó~g 1883. Si Rahá Lakán Dulà ay isá sa m~ga lalo~g kilala~g harì sa kapanahuna~g yaón n~g ati~g kasaysayan. Nagí~g kakampí siyá n~g m~ga kastilà sa pagká't naniwalà siyá~g a~g m~ga kastilà ay magigi~g tapat sa kásunduan at pa~gakò. Tumulo~g siyá sa pagsalasà sa nagsisalakay na m~ga nagnánasa~g magharì rito at sakupin a~g kanyá~g a~gkán; at lagì siyá~g tumulo~g sa pagapulà n~g m~ga himagsikan, sapagká't inàakalà niyá~g a~g gayón ay nagguguhò lamá~g n~g kapayapaán n~g kanyá~g m~ga sakop. Ku~g a~g m~ga kastilà ay hindî tumupád sa pa~gakò at sumirà sa sa~gusapan, ay hindî kasalanan ni Lakán-Dulà; kasalanan n~g kasakiman na náaayos sa símulain ni Bismárk na a~g maliliít ay talaga~g kákanin n~g malalakí. Samantala~g hindî naghaharì a~g pagkakapantáypantáy n~g m~ga tao sa haráp n~g katuwiran at a~g kawagasán ay isá~g kabaita~g násusulat lamá~g at dî ginágampanán n~g lahát at bawa't isá, talagá~g a~g kapa~ganiban sa m~ga maliìt na Bansà ay lagi~g nakabalà. Itó ang dakila~g gáwain n~g m~ga tao n~g Daigdigan. Itó a~g simulai~g nasa~g pairalin n~g dakilai~g Wilson na~g siya'y mamagitan sa nagiinapóy na digmaan sa Europa. Anó a~g malay natin ku~g yaón din a~g ma~gi~g matibay na sáligan n~g ganáp natí~g kasarinlán. =TOMAS PINPIN= Laki~g kapabayaan at kapabayaá~g lubhá~g pumipinsalà sa ati~g pagkabansá~g liná~g a~g pa~gyayari~g a~g ati~g m~ga dakilá~g tao ay nálibí~g sa limót at walá~g nagukol kahit na hapyáw man lama~g na pagbabalità sa kanilá~g m~ga kabantugan. A~g limba~gan ay isá~g dakilá~g biyayà sa katauhan, sa pagka't túnay na mabisa~g katulo~g sa paglálaganap n~g m~ga mithí~g bu~ga n~g m~ga kisláp n~g diwà n~g tao ~guni't katakátaká mandín na a~g káunaunaha~g manlilimbág dito sá Kapuluán ay hindî naka pagpapamana sa atin n~g haláw man lama~g n~g kanyá~g buhay, subalì't gaya n~g a~g m~ga dakilá~g pa~gyayari ay nagiiwan n~g m~ga dakilá~g bakás gayon a~g na~gyari sa ati~g kababaya~g itó na pinagúukulan ~gayon nitó~g maigsí~g úlat. A~g limbagan ay isá~g dakila~g biyayà sa katauhan, biyaya~g mabisa~g katulo~g sa paglalaganap n~g m~ga kaha~gaha~gá~g kisláp n~g diwà na higit sa dagidab na sumasakaalaman n~g lahát at napapanatili at nagágamit at sunodsunoran sa kapakanán n~g katauhan. Ku~g a~g limbagan ay isá~g tunay na biyayà sa katauhan, dísapalà ay karapatdapat na pagpugayan at handugán n~g isá~g ganáp na pagturi~g a~g m~ga taó~g na~gákatulo~g sa pagpapalaganap niyaón. Si Tomás Pinpin, sa ~gayon sa m~ga kasulata~g amí~g násuysóy ay siyá~g káunaunaha~g Tagalog na naglaganap n~g limbagan sa dako~g itó n~g daigdigan. Kilalá at nahihigi~gan na siyá'y isá~g Tagalog at káunaunaha~g manlilimbág dito sa Filipinas at Tagalog na may díwa~g liná~g sa itinítímpalák n~g káunaunahá~g aklát na «Libro~g Pagáaralan n~g m~ga Tagalog n~g Wika~g Kastilà» subali't hindî nákikilala gaya n~g malao~g dî nábalitaan a~g kanyá~g pa~galan, sa pagká't walá~g nagukol sa kanyá n~g isá~g karapat dapat na gunitâ. A~g ganitó~g m~ga kapabayaan ay dî dapat mamarati, sa pagká't lubha~g pípínsalà sa ati~g pagkabanság kasalukuya~g tinátawaran at ayaw kilalanin. N~guni't sino si Pinpin? Kailan siyá ipina~ganak? Saang bayan siyá Sumibol? M~ga tano~g na dî matugón n~g tiyakan at walá~g m~ga kasulatan maturól yayama~g a~g karamihan n~g mápagsasá~ggunia~g tálaan sa m~ga Simbahan ay nalipol at na waldás n~g ati~g m~ga himagsikan. Hindî máaari~g malimutan, hindî dapat malimutan a~g m~ga dakila~g gawâ n~g m~ga lalò pa~g dakila~g tao na gaya ni Pinpin. Sa kanyá~g aklát ay matítiyák a~g kanyá~g sikháy na tayo'y mákawatas n~g na~gamiminunò sa atin at n~g sa gayó~g paraán ay tahás nati~g mákilala a~g kanilá~g urì, kara~galan at diwà dahilán itó~g sukat na, upá~g si Pinpin ay mákintál sa pusò n~g taná~g pilipino at magsikap na siyá'y mákilala at pag-aáralan. Umanó'y tubo~g Abukay, sakóp n~g lalawiga~g Bataan niyaó~g lalawigan pinakípamuhayam ha~ggá~g sa huli~g sandalî n~g ati~g dakila~g Balagtás; niyaó~g lalawiga~g sinibulan n~g isá~g utak na hina~gaan n~g Daigdig na ha~gga~g sa kamatayan ay pawa~g kara~galan sa kanyá~g buhay a~g idinudulot sa kanyá~g sarili~g lupà, n~g kagala~g-gala~g na Arellano. Sa~gayon sa isá~g aklát na kanyá~g sinulat, si Tomás Pinpin ay tao~g Bataan, dátapuwa't dî maturól na~g tiyakan ku~g alí~g bayan sa Bataan a~g kanya~g kinákitaan n~g una~g liwanag; kapabayaan n~g ati~g m~ga pa~ganay na sanhî ~gayón n~g kapinsalaá~g itó, bagá ma~g dî íilán a~g nagsásabi~g a~g kababaya~g itó ay tubò sa bayan n~g Abukay. Talagá~g a~g m~ga dakila~g tao ay pinagaagawán n~g m~ga bayan, gaya halimbawà n~g na~gyayari sa ati~g Balagtás, na aná~g m~ga tagá Udyó~g ay anák itó n~g baya~g yaón, baga má~g a~g m~ga kasulatá~g nátuntón n~g masipag na mánunuysóy na si G. Hermenegildo Cruz ay tumítiyák na a~g ati~g Makatà ay tubò sa Pa~ginay, sakop n~g Bigaa, Bulakán. Saan ma~g bayan sumilá~g si Pinpin, ay nakasísiyá na sa amin a~g matiyák na siya'y isá~g Tagalog at siyá~g káunaunaha~g manunulat na naghandóg n~g isá~g mahalagá~g aklát n~g sini~g, sa kapakinaba~gan n~g kanyá~g m~ga kalahi. Uta~g sa masikap na mánunulat na si G. Manuel Artigas, a~g muli~g pagkálimbág n~g «Librong Pag-aaralan Ng Mga Tagalog Ng Wikang Kastila» sa kanyá~g «La Primera Imprenta en Filipinas» at doón ay mabábakás n~g m~ga mairugin sa m~ga kabantugan n~g ati~g m~ga kababayan a~g m~ga mahahalagá~g aral n~g ati~g Pinpin sa kanyá~g mahalagá at pan~ganay na aklát na may gayó~g uri na kabantugan n~g pánitika~g Tagalog. Sa kanyá~g pagkamanlilimbág ay natitiyák na siyá ay nagí~g isá~g matapát na aralán ni Parì S. José, at sa isá~g maigsí~g bugsô n~g panahó~g ikinatatag dîto n~g limbagan ay nakápaghandóg agád n~g mayama~g bu~ga n~g kanyá~g diwà. Niyaó~g 1610 na limbagin a~g kanyá~g aklat ay nagtamó, n~g malugód na papuri ni Pari Roque Barrionuevo sa kanyá~g mu~gkahi upá~g bigyá~g pahintulot at sa ilá~g katagâ ay kalakip itó~g: «Y es mucho de estimar por ser su autor un natural tagalog.» Siya a~g nagi~g Patnugot n~g uná~g limbagan dito sa Pilipinas magbuhat niyaó~g taó~g 1610 gaya n~g mátataluntón sa «Arte y Reglas de la Lengua Tagala» at a~g ganitó~g tu~gkulin ay ginampanan niyá han~gá~g sumapit a~g taó~g 1630, at na~g lumipas a~g ilá~g panahon ay lumipat siyá sa Limbagan n~g m~ga Pari~g Hesuitas niyaó~g 1637 ha~gga~g 1639. Si Tomás Pinpín n~gâ sa~gayon sa m~ga nátataluntó~g balità ay siyá~g matandá~g kapatid n~g ati~g m~ga manlilimbág na dî nagaksayá n~g panahón at nagi~g sáligan a~g katiyagaán ha~ggá~g sa magí~g isá~g dalubhasa~g tagapagpanuto n~g kanyá~g m~ga kapanahón gaya n~g mákikita sa katagá~g ami~g sísipiin dito sa kapakinaba~gan n~g ami~g m~ga mambabasa: «Dí baquin ang langgam ay nacararating sa cacaon~gin ay bahaguia n~g macalacad.» Mahalaga~g aral na magagawá~g isá~g mainam na sáligan upá~g sapitin a~g alin má~g matataás na indayog n~g pá~garapín. At itó~g sumusunód; «ay lalo ring iquinapagpilit nang loob cong tayong lahat ay paraparag macaalam nang uicang Castila ay ang caloloua nating ay nang maiquinabang sa P. Dios nang Canyang mga Auaauang marami». Ku~g saan mapagkikita~g sa kanyá~g banál na pananampalataya ay dî niya naligtaan a~g m~ga kalahì na dî makinaba~g n~g biyayà noón. Ku~g a~g na~gáuna sa atin ay nagsikap na magpamana sa m~ga sumisiból n~g bahagyâ man lama~g ulat tu~gkól dito sana'y nápagaralan natin gayón a~g m~ga dakila~g halimbawà sa ati~g kapakinaba~gan. Ku~g isá~g araw ay makasapit ka giliw na mambabasa sa Liwasa~g Cervantes at doón ay makita mo a~g isá~g bantayog ay masdán mo si Pinpín na nakapakò a~g matá sa lupà at tila may mahalagá~g bagay na ináaninag; ináapâ niya marahil ku~g a~g nagi~g bu~ga n~g limbagan sa kanyá~g tinubua~g lupà ay nagí~g isá~g biyayà ó naghatíd sa kapa~ganyayaán. Nálalamán niyá~g a~g limbagan ay isá~g mabilis na pakpák n~g diwà upá~g a~g bu~ga n~g kanilá~g m~ga likhâ ay magtawira~g walá~g pa~ganib sa malalawak na karagatan n~g daigdigan, nálalaman niyá~g a~g limbagan ay isá~g mabutí~g paraán upá~g a~g lahát n~g m~ga pa~gyayari ay huwág máliblib sa ma~gágsísisibol na áapuhin, at itó a~g kanyá~g ginawâ ku~g kayâ kahit hapyáw, ay siya'y ati~g nábabalitaán ~gayón. N~guni't dî dapat mákailâ sa atin a~g pa~gyayari~g a~g limbagan ay isa~g mabisa~g katulo~g sa paninira~g puri. Nariyán a~g isa~g tao~g nagpagál sa kapakinaba~gan n~g kanyá~g baya~g tinubuan. =Francisco Baltazar (Balagtas)= [Larawan: Francisco Baltazar] Hindi maáari~g sumulat n~g ukol sa pánitika~g Tagalog na~g dî bába~ggitín a~g pa~galan n~g dakila~g Makatà n~g Wika~g Tagalog, n~g Harì n~g m~ga ma~gaáwit, na si Francisco Baltazar. A~g maykathâ n~g «Florante at Laura» ay isá sa m~ga nápilì at namukód na higít sa isá~g mani~gní~g na talà at karapátdapat na mápapili~g kina Goethe, Virgilio, Dante Aligieri na pinípigi~g n~g m~ga «Diosa» sa kanyá~g dula~g, na dî nadádaluhán nino mán kundî n~g m~ga tunay na diwà lamang n~g m~ga lahì. Si G. Hermenegildo H. Cruz ay nagukol sa kanyá n~g isá~g mahalagá~g aklát na kátataluntunán n~g kanyáng m~ga lálo~g lihim na pina~gdaánan at búhay. Si G. Epifanio de los Santos Cristóbal sa pagsasálin n~g kanyá~g «Florante at Laura» sa wika~g kastilà ay naninop n~g boó~g panítiká~g Tagalog magbuhat n~g 1593 ha~ggá~g 1886, upáng sa gitnâ n~g masayá~g halamanan n~g pánitiká~g Tagalog ay pagitawin siyáng isá~g maba~gó at kaha~gaha~ga~g buláklák noón na a~g samyô ay walá~g pagkapawi. Sa pánitíká~g Tagalog ~gâ ay si Balagtás a~g dakilang ta~gláw at sa m~ga tilamsík n~g kanyá~g liwánag ay sukat mabuô a~g lalo~g maririkit na kathain. Siyá'y ipina~ganák niyaó~g ika 2 n~g Abril n~g taó~g 1788. Anák palibhasà n~g m~ga tunay na Tagalog, si G. Juan Balagtas at Juana Cruz, at kumita n~g una~g liwanag sa m~ga lupaí~g Tagalog. Sa Pa~ginay, Bulakán, a~g si~gáw dito na lumílikhâ n~g m~ga túlain ay gumisi~g sa kanyá~g diwa~g sila~ganin na umawit tuwi na; ~guni't isáng pagáawit na nagbabadhâ n~g m~ga dakilà at lagi~g kapanahó~g m~ga aral, gaya n~g sabi ni G. Lope K. Santos, na a~g kanyáng m~ga katagà sa «Florante» ay isá~g ebanhelyo sa m~ga a~gká~g Tagalog na naníniráhan sa m~ga tagó~g nayon nitó~g Kapuluán. A~g «Florante» ay inawit, binasa, pinaki~ggan, at tinándaán, ínulítulit na tandáan at awitin n~g na~gakári~gíg na dî maruno~g bumasa, upáng matándaán at tuwî na'y talúntunin at paganihan ang kanyá~g mayama~g diwà n~g ikapapanuto at ikapagigi~g mapalad n~g madlâ. Aní Mariano Ponce, si Balagtás ay «a~g Principe n~g m~ga Makata~g Tagalog», at aní Dr. José Rizal, na~g tukuyin a~g kanyá~g walá~g kamátaya~g awit: «Ang Florante ay isá~g kathâ sa wikang Tagalog, na~g kapanáhuna~g a~g wika~g Tagalog ay lumulusog at dumídi~gal». Nagaral si Balagtás gaya n~g lahát n~g m~ga tubò rito sa atin n~g m~ga una~g dako, sa «Cartilla», «Misterio», «Trisagio» at «Doctrina Cristiana», m~ga aklát na ginágamit sa m~ga unang bugsô n~g pagaaral na~g kanyáng kapanahunan. Anák dukhâ palibhasà at iniwi sa duyan n~g karálitaán, ay dî nagawá~g lina~gin na~g gaya n~g kanyáng hilig a~g sarili~g munì at napilita~g a~g lakás niyá ay ilako~g agád, at yama~g wala~g anó ma~g kata~gia~g gáwain na mapagukulan sa pag~gagdóg buhay, ay minabuti~g mások na alilà sa isá~g maganak sa Bayan n~g Tundó, málapít láma~g sa kamayniláan (Atenas)[1] na ku~g saán ninánasa~g tuklasín a~g m~ga una~g balità n~g karunu~gan. Bukál palibhásà ang kabaitan at pagkámasúnurin, biyayà na ikinapata~gì tuwî na n~g m~ga salát sa ginhawa, ay kinálugdan siyá n~g kanyá~g m~ga pa~ginoón, at siyá kinali~ga~g tulad sa anák na tunay. Pinápa~garal siyá sa Páaralá~g San José, at doó'y kinápansinán siyá n~g isá~g siból na kata~gian sa pagtulâ at isá~g dî karaniwa~g talino na ikinámahál sa kanyá n~g m~ga Gurô roón. Niyaó~g 1835, ay nanahanan siyá sa Pandakan, at binatà siya palibhasà, ay linigalìg ang kanyá~g pusò n~g himalá~g gandá ni M. A. R. (María Asunción Rivera) isá~g magandá~g dalaga~g Tagalog na kinabalisahan n~g taná~g binata~g kapanahón. Dayo siyá palibhasà sa baya~g Pandakan, ay pina~gimbuluhan siyá n~g m~ga binata~g binihag din n~g kagandahan ni María, at a~g m~ga kabasa~gál (Adolfo sa kanyá~g awit) ay lumikhâ n~g m~ga pakanâ na kanyá~g ikápapahamak han~gá~g siyá'y másadlák sa dilím n~g isá~g kakilákilabot na bílanguan. Sa palihá~g itó n~g hirap, na ku~g saán linílikhâ a~g m~ga dakila~g kálolwa, ay dito binuô a~g walá~g kamataya~g «Florante at Laura», tulad kay Victor Hugo n~g Francia na sa kadilimán n~g isá~g bilan~gguan sa Bruselas kinathâ a~g isa sa kanyá~g m~ga dakila~g aklát na pinamatá~g «Napoleon, el pequeño:» Na~g tamuhín niyá a~g layà ay nanahanan siyá~g mulî sa makasaysaya~g bayan n~g Tundó, at dito ay nakilala niyá a~g isá~g babai~g guró sa sini~g n~g pagtulâ, si ali~g Mandi~g (Agapita Bernardo Rivera) at a~g balitan Husén Sisiw na lubós masásabi~g siyá niyá~g una~g pinagpara~gálanan n~g kanya~g kinathá~g awit bago limbagín. Sa atas n~g likas na pagnánasa~g tumuklás n~g kaligayahan sa silo~g n~g ibá~g la~git ay tinawíd niyá a~g luok n~g Maynilà at nanirahan siyá sa Bala~gà at nások na tagasulat sa Hukuman, at sa m~ga pistá n~g bayan sa m~ga nápabantóg siyá~g lubhâ sa kanyá~g m~ga maririkit na «Moro-moro» na siyá~g ta~gi~g liba~gan n~g m~ga panahó~g yaón. Niyaó~g 1842 ay lumipat siyá sa bayan n~g Udyó~g at dito tinamaán n~g kanyá~g malas a~g isá~g babai~g pumukaw na mulî n~g kanyá~g pusò si ali~g Juana Tiom~gbe~g, isá~g maharliká~g babai na nábihag n~g kanyá~g sinumpaán n~g isá~g wagás, dalisay at dî magmámaliw na pagibig. Aná~g kanyá~g m~ga anák na nabúbuhay pa ha~gga ~gayon na dinalaw ko~g sadyà upa~g makilala, ay náririníg, nilá, umano, sa kanila~g tatay ku~g nanínibughô a~g kanila~g nanay, na a~g M. A. R. sa «Florante» ay hindi María Asunción Rivera, na lubha~g pumúpukaw n~g kaligaligán ni ali~g Juana, kundî María Ana Ramos. Ku~g saán mapagkíkita~g a~g Makatà ni Laura ay nátututo ri~g mama~gkâ sa dalawá~g ilog. Si Francisco Balagtás, ay nagí~g maginoó sa bayan n~g Udyó~g, at siyá'y nagtagláy n~g m~ga katu~gkula~g «Juez Mayor de Sementera» at «Teniente Mayor». Sa isá~g kapusukán n~g loob ay ginupitán niyá n~g buhók a~g isá niyá~g alila~g babai, na nagí~g daán n~g isá~g panibago~g pagúusig sa kanyá at mulí~g idinalaw sa mapá~gangláw na silid n~g bila~gguan. Ang ibon ay kahit piitín sa isá~g kulu~gá~g bakal ay dî napipigila~g umawit, at si Balagtás ay gayón, sa loób n~g nápipiníd na bíla~gguan na pawa~g pa~gláw a~g naghaharì, pawa~g mukhà~g na~glílisik, pawa~g luhà, at kadalamhatían sa pagkákawalay sa m~ga kapilas n~g búhay, sa gitnâ n~g búhay na yaón, a~g kanyá~g panitik ay dî na~glumó at a~g kanyá~g «La India Elegante y la Negrita amante», a~g «Orosman at Záfira» at ibá pá~g kathâ, ay binuô niyá roón, at lumwál sa maliwanag at nagpáyaman n~g pánitiká~g Tagalog. Na~g tamuhín niyá~g pamulî a~g layà ay dinatnán niyá~g hughóg na a~g kanilá~g kabuhayan dahil sa malakí~g usapí~g hinaráp n~g kanyá~g asawa, at salamat sa kanyá~g m~ga kathâ at nabigyán niyá n~g maginhawa~g kabuhayan a~g marami niyá~g anák na na~ga~gaila~gan n~g kanyá~g arugâ. Magsalitá n~g nanúkol sa kabuhayan n~g dakila~g Hari n~g Tula~g Tagalog ay na~ga~gahulu~gá~g gumawâ n~g sapagka't walá~g dakila~g bu~ga n~g lahát n~g tanyág na panitik na hindî kumadlô sa m~ga dakilà niyá~g simulain, walá~g káliliklika~g nayon na hindi umáawit n~g kanyá~g «Florante»; walá~g sa~ggol na iniwi sa lilim n~g la~git n~g Pilipinas na hindi ipinaghele n~g kanyáng m~ga magagandá~g tulâ; walá~g dakila~g hatol na iginawad a~g m~ga nunò sa kanilá~g m~ga apó na hindî sa simulain ni Balagtás hinugot; walá~g anóma~g paálaala n~g kaibigan sa kaibigan na hindî nába~ggit a~g m~ga katagá ni Balagtás; anó pa't si Balagtás at a~g mabuti~g gawî ay magkapatid na tunay. Kaáliwan n~g na~galulunos, pambúhay sa na~glúlupaypáy na pusò, panuto n~g nagasa kamalian, at dakíla~g guró n~g lipi~g Tagalog. Tinawag siyá sa sinápupunan ni Bathalà niyaó~g iká 20 n~g Febrero n~g tao~g 1862, ~guni't a~g luni~gni~g n~g kanyá~g walá~g kahulilip na kaisipán ay tumáta~gláw pa ha~ggá ~gayón sa ati~g pánitikán at táta~glaw ha~ggá~g sa bukas n~g ati~g lipi. [1] Sa Florante: "Ipinadala ako sa Atenas ..." [Larawan: Francisco Baltazar] =DAHONG LUGAS NG "FLORANTE"= Sa loob at labas ng bayan cong saui caliluha,i, siang nangyayaring hari cagalinga,t, bait ay nalulugami ininis sa hucay ng dusa,t, pighati. Ang magandang asal ay ipinupucol sa laot ng dagat ng cutia,t, lingatong balang magagaling ay ibinabaón at ilinilibing ng walang cabaong. N~guni,t, ¡ay! ang lilo,t, masamang loob sa trono ng puri ay ilinulucloc at sa balang sucab na may asal hayop mabangong incienso ang isinusuob. Caliluha,t, sama, ang ulo,i, nagtayo at ang cabaita,i, quimi,t, nacayuco santong catouira,i, lugami at hapo ang luha na lamang ang pinatutulo. At ang balang bibig na binubucalan ng sabing magaling at catotohanan agad binibiac at sinisicangan ng calis ng lalong dustang camatayan. Oh! tacsil na pita sa yama,t, mataas oh! hangad sa puring hanging lumilipas icao ang dahilan ng casam-ang lahat niaring nasapit co na cahabaghabag. Ipinahahayag ng pananamit mo taga Albania ca at aco,i, Persiano icao ay caauay ng baya,t, secta co sa lagay mo ngayo,i, magcatoto tayo. =JOSE CRUZ (Huseng Sisiw)= A~g pa~gala~g itó ay bago sa m~ga bata~g pandi~gig, ~guni't sa m~ga mawilihin sa Tulá~g Tagalog ay isá~g Tala~g nápakaliwanag. Siyá'y nagi~g Guró n~g ati~g Balagtás sa pagtulà at lahát halos n~g m~ga binata~g kanyá~g kapanahón ay pawa~g lumuhog sa kanyá na itulà n~g m~ga panambitan, liham, lowa, at m~ga palabás dulaan na totoó~g hina~gaan at pinapurihan n~g kanyá~g m~ga kapanahón. Sa kanyá~g kabataan ay walâ siyá~g nádamá kungdi pawa~g hirap, palibhasa'y anák dukhâ. A~g pintuan n~g Páaralan ay bahagyá na niyá~g nápasok, at mata~gi sa págunahi~g pagaaral na ginampanán n~g kanyá~g ali at sa isá~g ta~gi~g guró na nagturo sa kanyá ha~gga~g 40 año ay wala~g masásabi~g tinuklasán niyá n~g duno~g na naghatíd sa kanyá sa dalubhasa~g tawag na talaisip at pasimunò na sinunód na lagi n~g kanyá~g m~ga kababatà. Umanó'y isá~g araw, na~g si Huse~g Sisiw ay batà pa~g wawaluhi~g taón lama~g ay naliligò siyá sa isá~g ilog sa may tabi n~g kanilá~g bahay at na~g m~ga sandali~g yaón ay dalawá~g nagháhanáp n~g táwiran upá~g pasá ibayo at si Husé a~g kinausap. A~g m~ga Hesuita ay hindî maruno~g n~g Tagalog at si Husé sa tuló~g n~g kanyá~g pagkapalabasá ay nakapakipagintidihan sa m~ga banyaga~g kausap sa sarili nila~g wikà. Lubhá~g náha~gà a~g m~ga Hesuita sa katalinuhan at pagkamagala~g n~g batà, kayá,t nalibá~g na siyá'y kausapi~g mahabá n~g sandali. Noón ay sádaraán a~g isá~g tao at sa pagka't hindî na na~gakapagpatuloy n~g pagtawid a~g m~ga Paré, ay inusisá na lama~g ku~g sino a~g bata~g kanilá~g nákausap, ku~g ka~ginó anák at ku~g saán nagáaral. «Siyá--aná~g m~ga Hesuita--ay isá~g «bata~g-matandâ» lubhá~g umindayóg n~g pagiisip.» Na~g si Husé~g Sisiw ay magbinatá na, ay dito na kinapánsinán n~g isá~g kainama~g pananagalog, malalaki~g kaisipan, m~ga lalá~g n~g diwá na nakágigisi~g n~g puso~g idlip kaya't halos ináakalà n~g m~ga kanayon na siyá ay isá~g tunay na pantás na nakatatarók n~g lahát n~g lihim. Itó'y nagbuhat sa walá~g maliw niyá~g pagbabasá n~g m~ga Kasáysayan n~g Biblia na natúturól niya a~g m~ga banháy na kaila~ganin sa pagsasalitâ, na ikinapaghinala n~g madlà na siyá'y isá~g tao~g nakatátarók n~g lahát n~g pagbabago~g dinaanan n~g Daigdigan buhat sa mulà at mulà. Nátuto siyá~g magisá sa sarilí~g sikap n~g Filosofía, Cánones, Teología at iba pa~g m~ga karunu~gan, gayón din n~g latín at griego, ta~gi pa n~g kastilà na ginagamit niyá~g para~g sarili~g wikà. Dahilán itó na~g ku~g bakit na~g panahó~g yaón ay lubhá~g marami~g pari~g Tagalog a~g sumása~gguni sa kanyá n~g kanikanilá~g m~ga sermón na paubaya~g ipinababago sa kanyá ku~g mayroon siyá~g hindî mainamin na nasa~g iwastô. May isá~g lalo~g himalá~g ginawâ si Husé~g Sisiw na~g siya'y anyayahan n~g Kura sa Bata~gan na maglabás n~g kanyá~g m~ga dulà sa Pista n~g Bayan doón, at sabihin pa ba, dinalá niyá~g lahat a~g kanyá~g m~ga sipi~g yari, na m~ga dula~g bu~ga n~g kanyá~g walá~g pagál na panitik at ipinagpara~galan niya sa Kura na piliin a~g nasa~g palabasin sa araw n~g kapistahan, at sa masamá~g palad ay walá~g nápilì isá man a~g Kura; ~guni't ipinakita sa kanyá a~g isá~g «Kasaysayan» na siyá~g nasa~g palabasin, at noón din ay binasa ni Husé at boó~g tapa~g na nagsabi~g «Hindî tayo mápapahiyâ amo~g». Dispirás na n~g Pista n~g Bayan na~gibigay sa kanya a~g sipi n~g «Kasaysayan» at a~g ati~g si Husé~g Sisiw, pagkabasa~g saglit n~g kasaysayan ay tinipon a~g kanyá~g m~ga «comediante» at isaisá~g inanasán n~g kanikaniyá~g sásabihin na tila bumabasa n~g isá~g dulá~g yari at násusulat sa wika~g Tagalog. Kinábukasan ay nasok sa kuból si Husé~g Sisiw at ang kanyá~g m~ga sinanay na m~ga «comediante» ay na~ganupád n~g kaníkaniyá~g tu~gkól sa dulà n~g boó~g kasiyahá~g loób n~g lahát at tagi~gta~gì a~g Kura na lubha~g námanghà sa himalá~g yaón na ipinamalas ni Husé~g Sisiw. At dî lamá~g itó a~g kata~gian ni Husé~g Sisiw. Siyá ay nakadidiktá sa limá~g tagasulat ku~g siyá'y nagmamadalî; gaya halimbawà n~g ku~g may nagpápagawâ sa kanyá n~g anó ma~g katibayan, paányaya, sulat sa pa~gi~gibig at tulâ sa kara~galan ni gayón at ni ganitó. Pinaúupô niyá~g sabáy a~g m~ga tagasulat at sabáy na dinidiktahán n~g kanikaniyá, ano pa't nakatátapos na lahát na sabáy at wala~g pánaghilian. Tinawag siyá~g si Husé~g Sisiw, sa pagka't siyá ay mahiligi~g kumain n~g sisiw, kailan ma'y áayáw siyá n~g inahin ó tanda~g; magi~g sa m~ga gulayin ma'y nasà niyá a~g lalo~g murà ó walâ pa sa panahon, ku~g makáisip siyá~g kumain n~g inihaw na baboy ay a~g kaniyá~g pinipilî ay a~g pásusuhín pa halos. At sa pagka't itó a~g kanyá~g himalí~g lahát halos n~g kanyá~g m~ga kaibigan na nagkákauta~g n~g loób sa kanyá~g magpasulat, ay dinádalhán siyá n~g sisiw na lalo~g pinakamatabâ. At sa pamagát na Husé~g Sisiw siya nákilala n~g lahát n~g kanyá~g m~ga kapanahón. Si José Cruz ay tubò sa makasaysaya~g bayan n~g Tundó at aná~g marami ay siyá a~g talaga~g ipina~ganák na Makatà. Nila~g siya sa maliwanag niyaó~g taó~g 1778. Umanó'y isá~g araw ay pinagdayo siyá n~g m~ga Pantás at Dalubhasa n~g kanyá~g panahón upá~g makilala a~g dakilá~g Makatà at Guró nina Balagtás, «Florante» at ni Ananias Zorrilla sa «Dama Inés» niná Juan at Prudencio Feliciano sa kanilá~g «Loco por el viento», «D. Alejandro at Don Luis», «Atamante at Manople», «Jason at Medea» at Dn. Gonzalo de Córdoba», at kalu~guyò at lagí na~g sinambit ni ali~g Manding (Agapita Bernardo Rivera) na tánu~gan n~g m~ga mánunulat noón ay na~gyari a~g ganitó~g ságutan: --Ma~g Husé, saán pô nároón a~g m~ga aklát ninyó~g sa~ggunian? --M~ga Ginoó, a~g aklatan ko pô ay a~g sarili~g pagiisip. Ináakalà ko pô na hindî kaila~gan a~g isá~g mayamá~g aklatan ku~gdi násasaulo a~g m~ga linalaman noón. Ku~g saán mapagkikita na si Husé~g Sisiw ay isá~g dalubhasa~g palalò, sanhî marahil na~g hindî niyá ikinápagpalimbág n~g kanyá~g m~ga kathâ. Aná~g m~ga matatandá~g ami~g nápagtanu~gán, si ma~g Husé ay lubhá~g mai~gat sa kanyá~g m~ga sulat at kailán ma'y hindî siyá nasiyahán sa m~ga hináhan~gaan na n~g ibá na kanyá~g m~ga kathâ, dahilan itó n~g ku~g bakit iilán a~g kanyá~g «Corrido» na nakilala at ito'y a~g «Clarita», «Adela at Florante» at «Teodoro at Clavela». Tu~gkol sa may mahigít na ku~g ila~g daá~g «Comedia» at «Dulà» ay na~gi~gibabaw a~g m~ga itó: «La Guerra Civil de Granada», «Hernandez at Galisandra», «Reyna Encantada ó Casamiento por fuerza» at «Rodrigo de Vivar». Si Huse~g Sisiw ay nagi~g Tagasuri n~g m~ga «Comedia» at «Dulà» na itinata~ghál sa «Teatro de Tondo» na ari ni G. Domingo Celis. A~g alin ma~g «Dulà» ó «Cómedia» na kanyá~g bigyán n~g «subali» ay hindi natata~ghál doón. A~g kanya~g pasiyá ay wala~g tutol at iginagala~g. «Ah Sayang na sayang, sayang nang pagibig sayang nang sinsing cong nahulog sa tubig cung icaw din lamang ang makasasagip, mahangay hintin cong cumati ang tubig.» Itó umanó ay kanyá~g tinulâ n~g inip na inip na n~g káhihintay sa isá~g katipán na di dumaló sa tagpuan. Si Husé ay lagi~g pidagdamutan ni Kupido. At na~g isá~g kataón ay tinugón siyá n~g isá~g dalaga na «Magsabi po cayo sa aquing mga magulang», ay tinugon pagdaka n~g isá~g tulá na gayari: Sa aqu,i, huag mo nang matuimatuiranin na may magulang cang dapat sanguniin di baquin si Cristo ay nacapaghain ng Langit cay Dimas, di may magulang din? Tátapusin namin a~g ulat na itó sa pagsipi n~g ilá~g tulá ni Husé~g Sisiw bila~g aláala sa kanyá~g kabantugan, na~g huag matulad sa bulâ na ginahasa n~g ha~gin; sa ba~gó~g panandalia~g linipasan n~g halimuyak ó sa kawiliwili~g tinis n~g kanyá~g kudyapî na napápawi sa pakinig, pagkalipas n~g isá~g saglit na pagkaalíw at pagkawili. Oh caauaauang buhay co sa iba Mula at sapol ay gumilio gilio na Nguni,t, magpangayon uacas man ay di pa Nagcacamit tungcol pangalang guinhaua. Ano,t, ang ganti móng pambayad sa aquin Ang aco,i, umasa,t, panasanasain At ilinagac mong sabing nahabilin Sa langit ang aua saca co na dinguin. Ang aua n~g langit at aua mo naman Nagcacaisa na caya cung sa bagay? Banta co,i, hindi ri,t, sa aua mong tunay Iba ang sa langit na naibibigay. Ano ang ganti mo sa taglay cong hirap. Sa langit na hintin ang maguiguing habag? Napalungi namang palad yaring palad Sa ibang suminta,t, gumilio ng tapat. =P. PEDRO PABLO PELAEZ= Isa sa m~ga lalo~g paham na tao niyaó~g nagsásapól a~g dáana~g taó~g lumipas, si Parè Pedro Pelaez, Doctor en Teologia, na, pagúukulan n~gayón nitó~g sapyáw na ulat, bila~g pabunyî sa kanyá~g kadakilaan at m~ga paglili~gkód sa Tinubua~g Lupà, sa abot n~g gálawan n~g kanyá~g pagka Parè. Sa matulá~g lalawigan n~g Laguna ay dito sumila~g a~g marilág na si Parè Pedro Pablo Pelaez, at anák n~g m~ga litáw na tao. A~g kanyá~g amá ay kasalukuya~g Alkalde mayor niyaó~g ika 12 n~g Hunio n~g taó~g 1812, na siyá'y iluwál sa maliwánag. Inalô n~gâ si Parè Pedro Pelaez sa duyan n~g kaginhawahan; ~guni't sa buhay na itó n~g m~ga pagbabago ay kanyá~g dinanas a~g lahát n~g m~ga dapat danasin n~g m~ga laruan n~g palad at siyá'y naulila sa maága~g panahón n~g kanyá~g kabataan at, walâ nama~g gaano~g naiwan sa kanyá~g pamana, a~g amá~g pumanaw, kayá't sa panahón n~g kanyá~g pag-áaral ay di gágaano~g pagsasakit a~g kanyá~g tinawíd bago namulat a~g kanyá~g kutád na muni sa malawak na gálawan n~g karunu~gan. Maglálabi~g isá~g taón pa lama~g siyá n~g masok sa Páarala~g Santo Tomás sa pamamagitan n~g «beca» dahil sa kara~galan n~g kanyá~g m~ga magula~g at a~g panahón n~g kanyá~g ipinagaral, ay siyá~g nagi~g sáligan n~g pamagát sa kanyá~g Pantás at Dalubhasa~g Parè, na iginawad sa kanyá sa panahón n~g kanyá~g pamamayani sa buhay na itó n~g m~ga dalamhati. Boó~g kasyaha~g loób na tinamó niyá a~g katibaya~g «Bachiller en Fiosofía», «Bachiller en Teología», at «Licenciado en Teologia»; Kaparahunan noón n~g balita~g Pantás na Pari~g kastilà na si R. P. Francisco Ayala, di nalaunan at tina~ggáp a~g katibayan sa pagká «Doctor en Teología», kátaástaasa~g karunu~ga~g mahihintáy na kamtin n~g isá~g Parè. Dahil sa di niyá karaniwa~g kapahamán ay nakasapit siyá sa Koro n~g Katedral at tina~ggáp siyá~g «Canónigo de Gracia», ~guni't hindi niyá naami~g siyá'y mamalagi sa gayó~g para~g limós na katu~gkulan at siyá'y lumaban n~g páligsahan, at tinamó niyá a~g pamagát na «Canónigo Magistral». Siyá'y may m~ga kalilihili~g m~ga sermón na lubhá~g hina~gaan at kanyá~g ipinalimbág sa Madrid niyaó~g 1860, sa kahili~gan n~g kanyá~g m~ga kasamahan na nagnanasa~g magi~gat n~g kayamana~g yaón n~g kanyá~g diwà. Sa pagka «Predicador» ay nápabantóg n~g gayón na lama~g si Parè Pelaez, at sa kanyá~g wala~g tila~g pagaáral ay tinamó niyá a~g m~ga katu~gkula~g «Juez Apostólico», «Comisario Subdelegado de la Santa Cruzada» at «Vicario Capitular en Sede Vacante» sa Siudad n~g Maynilà. Aná~g isá~g pahayag n~g «La Patria» tu~gkól sa Pare~g itó: «A~g m~ga karapatdapat na m~ga Prelado na siná Ecmo. Señor D. José Seguí at José Arangoren ay nagpahalatá tuwî na n~g pagtata~gi sa kakayahá~g hindî karaniwan n~g m~ga hiyas na itó ni Parè Pedro Pelaez, at itina~gi siyá~g pina~gsa~ggunian tuwî na, lalo~g lalò na n~g Preladong si G. Arangoren at siyá a~g kalihim nitó. Yaó~g dakila~g utak na nápabantóg at nagtaás n~g gayón na lama~g sa kanyá~g lipì, ay pininsalà niyaó~g lindól n~g taó~g 1863 na~g gumuhò a~g Katedral. Namatay siyá~g gaya n~g isá~g bayani sa kapanahuna~g a~g kanyá~g karilagán ay sumisikat, ~guni't a~g kanyá~g aláala ay lagi~g sariwà tuwî na sa kanyá~g m~ga kababayan. At sa «Universidad de Santo Tomás» bila~g aláala sa kanyá~g kadakilaan ay ginawá~g pahiyás a~g isá niyá~g malaki~g larawan, sa kanilá~g «Galeria de Ilustres personalidades» na inii~gatan sa bulwagan n~g nasabi~g Páaralan, bila~g ta~gláw marahil sa na~gagsisipagaral doón. =P. JOSE BURGOS= [Larawan: P. JOSE BURGOS] Sa Pilipinas ay marami~g dakila~g Bayani at sa m~ga itó ay kabila~g a~g huwaran n~g m~ga Pari~g pilipino na si Dr. José Apolonio Burgos. Niyaó~g ika 9 n~g Febrero n~g taó~g 1837, ay sumilang sa maliwanag a~g ami~g pinagúukulan ~gayón nitó~g haláw na dahon n~g m~ga Dakilang Pilipino. Siyá'y anák n~g Teniente n~g Milisya na si G. José Burgos at ni Gina~g Florencia ni Burgos, sa bayan n~g Vigan, Ilokos Sur. Si Dr. José A. Burgos ay naulila sa kamusmusán, at sa marubdób na nasà n~g kanyá~g mairugi~g iná na a~g kanyá~g munî ay mámulat sa m~ga dakila~g aral, ay sinikap ni aling Florencia na a~g kanyá~g anák ay máipadalá sa Maynilà, at palibhasa'y anák siyá n~g isá~g Pámunuá~g Hukbó, a~g gayó~g nasà ay nagí~g isá~g pa~gyayari sa tulo~g n~g m~ga makapa~gyarihan n~g panahó~g yaón. Siya'y tina~ggáp n~g waláng gugol sa Páarala~g San Juan de Letrán. A~g katalinuhan niyá~g dî karaniwan ay nábunyá~g at sa ta~gláw noón ay kanyá~g nápansín batà pa man a~g m~ga kahidwaan n~g pamamalakad sa loób n~g Páaralan. Pan~gulo siyá palibhasà n~g taná~g nagáaral na kanyá~g kapanahón kayá't kanyá~g tinutulan a~g gayó~g dî niyá minabuti~g nápansin, n~guni't sa halíp na dingín a~g kanyá~g tutol, ay siyá'y itinawalag sa Páaralan. A~g una~g binhî n~g kaapihan ay nápapunlâ sa kanyá~g pusò. Sa gitnâ n~g gayó~g kapinsalaán ay náipagpatuloy din niyá a~g pagaaral sa maruno~g na Pari~g si G. Mariano García ha~ggá~g siyá'y máihandá~g ta~ggapín sa Páarala~g-madlâ ni Sto. Tomás. Nápata~gì siyá n~g gayón na lama~g at sa kanyá~g m~ga sikap ay napagkilala~g tunay na alagád siyá n~g Kardenal Ceferino Gonzales, sa karunu~gan n~g «Teología». Sa Páarala~g itó niyá tinamó a~g m~ga katibaya~g pagká «Bachiller en Fìlosofia», «Doctor en Derecho Canónico» at «Doctor en Teologia». Na~g matapos a~g kanyá~g pag-aaral sa Páarala~g-madlâ ni Santo Tomás ay náhira~g siyá~g magí~g Patnugot n~g Páarala~g San Juan de Letrán at guró sa wika~g latín, wika~g ayón sa m~ga mánunulat n~g panahó~g yaón ay ginágamit niyá na~g gaya n~g paggámit n~g sarili~g wika. Na~g siyá'y yumakap n~g katu~gkula~g pagká Parè at a~g káunaunahan niyá~g «Misa» ay kanyá~g ~ganapín ay napilitan niyá~g bitiwan a~g tu~gkulin niyá sa San Juan de Letrán, ~guni't siyá'y ilinipat na Patnugot n~g m~ga nagaaral sa Sto. Tomás, tu~gkuli~g hindî niyá pinagtagalán at a~g hinarap ay a~g kanyá~g pagká Parè. Si Dr. José A. Burgos ay nagí~g pa~galawa~g Kura sa Katedral nitó~g Maynilà, nagí~g Mahistrado at Punò sa Katedral, Tagausig n~g Hukuma~g Eklesiastiko at Pa~gulo~g Punò n~g pagdiriwa~g sa Páarala~g-madlâ ni Sto. Tomás. Na~g taó~g 1767, na~g a~g m~ga Pari~g Hesuita ay palayasin dito sa Pilipinas, noón, a~g dako n~g Mindanáw ay nása kamay n~g m~ga Rekoletano, at sa kalágitnaan n~g Lusón, ay sa m~ga Pari~g tubò rito sa Kapuluán; ~guni't n~g pabalikín sa Kapuluán a~g m~ga Hesuitas niyaó~g taó~g 1859 ay siyá~g isinugò sa Mindanáw at a~g m~ga Rekoletano ay ilinípat sa gitnâ n~g Lusón na siyá~g nása kapamahálaan n~g m~ga «Clérigo» ó m~ga Parí~g tagarito sa ati~g lupaín, a~g ganitó~g panibago~g pagkawalâ n~g karapatán n~g m~ga Pari~g pilipino ay tina~ggap n~g m~ga itó na para~g isá~g malakí~g paglait ó paglapasta~gan sa kanilá~g karapatán, at a~g gayón ay nagí~g simulâ n~g isá~g pagtutol na pinamatnugutan n~g bantóg na si Dr. José A. Burgos. Isá~g kasulatan a~g pinasapit sa España na humihi~gî n~g kataru~gan para sa m~ga Pari~g napinsalà, ~guni't gaya n~g m~ga lalo~g dakila~g gawâ na dî tuwî na'y nagtagumpáy a~g kanilá~g kahili~gan ay nalupig n~g kapa~gyarihan n~g kanilá~g m~ga katu~ggalî, at a~g gayó~g pa~gyayari ay nagí~g simulá na n~g isá~g pipi~g paghahamók n~g m~ga Pari~g pilipino at n~g m~ga Pari~g kastilà. Ika 14 n~g Hulyo n~g taó~g 1870 na~g siná Parì Burgos at José Guevarra ay nagpadalá n~g isá~g kasulatan sa Kapitan Heneral G. Carlos Ma. Latorre, sa m~ga parata~g na sa kanilá'y ibinuhat n~g m~ga «regulares» at nagmumu~gkahi~g litisin ku~g mayroon ~gâ ó walá~g «filibusterismo» dito sa Pilipinas. Sa gitnâ n~g alimpuyó~g itó n~g paglalaban n~g isá't isá, sa kabila~g dako, a~g m~ga Pari~g tubò rito sa atin, at sa kabila~g dako ay a~g m~ga Pari~g banyagà, ay nápataón sa Himagsika~g kawal sa Kabite niyaó~g 1872, pa~gyayari~g nágamit n~g m~ga kaaway ni Dr. José A. Burgos, upá~g a~g násabi~g Parè at sampu ni Pari Mariano Gómez at Jacinto Zamora ay mákasa~gkót sa násabi~g himagsikan. At gaya n~g lahát n~g pa~gyayari sa m~ga baya~g nasusukuban n~g kapa~gyarihan n~g ibá~g Bansâ, a~g m~ga pakanâ ay nagtagumpay; sa malinaw na sabi a~g tatlo~g dakilá~g Parè, ay umakyát sa bibitayán upá~g diligin n~g kanilá~g dugô, upá~g pagalayan n~g kanilá~g maaga~g pagpanaw a~g kalaitlait na kamataya~g dapat lama~g sa m~ga sálarín. Silá'y binitay niyaó~g iká 17 n~g Pebrero n~g taó~g 1872. Bago binitay si Dr. José A. Burgos ay nagsabi n~g: «Ako'y wala~g sala», at tinugón n~g «Verdugo»: «Amo~g, ako'y patawarin mo at a~g pagbitay ko~g itó sa iyó ay laban sa aki~g kalooban, ~guni't nanúnupád akó n~g isá~g utos.» A~g gayón ay pinaklihán ni Dr. Burgos n~g gayari: «Pinatatawad kita, at nasà ko~g a~g utos ay iyó~g tuparin». Noón ay nagdilim a~g la~git, humagunot a~g kulóg, a~g lintik ay nagsiguhit n~g boó~g tatalím at a~g ulán ay bumuhos. A~g m~ga tao~g karamiha'y luksâ na dumaló sa Bagumbayan ay para~g ipinagtabuyan n~g m~ga «elemento», at a~g tatlo~g Parì ay binitay. A~g kamatayan ni Dr. José Apolonio Burgos ay máituturi~g nati~g: «Binhì n~g Himagsikan». At a~g diwà n~g kanyá~g ipinagta~ggól na katuwiran n~g m~ga Parè ay nagtagumpáy sa ati~g pinagpala~g Himagsikan niyaó~g taó~g 1896, na a~g una~g tagumpáy na máituturi~g na ha~ggá gayón ay nanánatili sa ibabaw n~g kasakimán n~g m~ga banyagá ay a~g pagkákilala sa karapatán n~g m~ga Pare~g tubò rito sa atin na karamihan ay na~gagháhawak gayón n~g m~ga katu~gkulan at Kara~gala~g Obispo. Nagí~g gawî tuwî na, na a~g m~ga Pari~g náhatulan sa m~ga kalaitlait na kasalanan ay hinúhubarán n~g pagká Parè, at a~g gayón ay hinili~g sa M~gl. na Arzobispo n~g Maynilà; ~guni't wala~g mákita~g matuwid a~g násabi~g Arzobispo kaya't dî silá hinubarán n~g pagká Parè sa oras n~g kamátayan. Si Gat Rizal, sa kanyá~g paglalathalà n~g pa~galawá~g bahagi n~g «Noli», a~g kanyá~g «Filibusterismo» ay ihínandóg sa tatló~g dakila~g Parè bila~g pa~gbawì, sa m~ga upasala~g sa kanilá'y iginawad: Sa ganá~g amin a~g tatlo~g dakilá~g Parè ay dî nagkâsala kahit bábahagyâ na dapat lapatan n~g gayó~g kalupit na hatol; ~guni't silá'y nagi~g kasa~gkapan n~g m~ga pa~gyayari, upá~g a~g binhî n~g paghihimagsík ay payabu~gin n~g kanilá~g dugô. Tátapusin namin a~g ulat na itó sa m~ga salitâ ni P. Gómez: «Yaó~g na~gagsisiibig sa Ina~g Bayan ay dî na~gamamatay sa kanilá~g hihiga~g sarili». [Larawan: Ang liwasan ng Bagumbayan, na pinagpala ng kamahalmahalang dugo ng Bayani ng mga Bayani, na sa isang kapusukan, sa sigabong di mapigilan ng kalupitan ng mga tao, ay ginawa na ang liwasang ito ay maging Golgota ng bayang Pilipinas.] =JUAN LUNA Y NOVICIO= [Larawan: Juan Luna] Sa isá~g maliít na bayan, sa Badók, Ilocos Norte, isá~g baya~g halos dî kilalá dahil sa kaliitan, ay nagí~g bantóg at kapuripuri dahilán sa pinalad na sibulán n~g isá~g tao~g dakilà, na walá~g alinla~gan masásasabi~g siyá~g pinakádakilà at bantóg sa lahát n~g pintor na pilipino, siya ay si Juan Luna. Ipinaganák siyá niyaó~g ika 23 n~g Octubre n~g taó~g 1857, isá sa m~ga anák ni G. Joaquin Luna at Laureana Novicio, mapalad na magasawa~g naghandóg sa Ináng Pilipinas n~g m~ga anák na bayani. Si Antonio a~g dakila~g Heneral, si Juan, a~g dakila~g Pintor, si Joaquin a~g Gobernador, at si José Luna, a~g bantóg na ma~ggagamot. A~g kanyá~g pagaaral ay pinasimulán sa sarili~g bayan at kanyá~g ipinagpatuloy sa «Ateneo Municipal», ku~g saán siyá kinagiliwan n~g gayón na lamá~g n~g kanyá~g m~ga guró: a~g una~g nagturò sa kanyá n~g pagguhit ay si G. Agustin Saez. Dito siyá nagpasimulâ n~g pagibig sa sini~g, na kanyá~g ikinápabantóg n~g gayón na lama~g. Buhat sa Ateneo ay lumipat siyá sa «Academia Naval», at na~g mátamó niyá a~g m~ga katibayan sa pagaaral ay siyá'y sumakay upá~g ipagpatuloy a~g pagsasanay n~g kanyá~g pinagarala~g pagkamandadagat. Lálabí~g anim na taón siyá noón. Tinahak niyá a~g katimugan n~g dagat China at India, dinalaw a~g Singapore at Colombo, m~ga bayan at lunsód na kanyá~g dinalaw, na nakapukaw sa kanyá~g pusò n~g marubdób na nais na dumakilà. Niyaó~g 1874, na~g siyá'y lalabi~gpitohi~g taón pa lama~g ay tina~ggáp niyá a~g katibaya~g makapaghawak na n~g ugit (piloto) n~g sasakyan sa matataás na dagat. Siyá'y lubhá~g kilalá sa kanyá~g pagkámandaragát, ~guni't hindî itó a~g tunay niyá~g hilig, at baga ma~g siyá'y hina~gaan sa kanyá~g katu~gkula~g yaón na ginágampanán, ay tilá may bumubuló~g sa kanyá~g diwà na hindî yaón a~g kanyá~g dapat na pamalagian. Samantala~g siyá'y náglalayág, sa Luok n~g Maynilà ay nagaral siyá n~g pintura, at a~g kanyá~g nagí~g Guró ay si G. Guerrero isá~g bantóg na pintor n~g kapanahunan. Iniwan niyá a~g pagkámandaragat at nasok siyá sa «Academia de Bellas Artes» sa Maynilà. Dito niyá nákilala a~g tunay na pagibig sa sini~g, sumiglá na~g sumiglá a~g kanyá~g sigasig at niyaó~g 1877 ay lumayag siyá~g patu~go sa España. Pagdati~g na pagdati~g niyá sa lupai~g itó n~g m~ga Hari, ay nasok siyá agád sa «Academia de Bellas Artes de San Fernando», sa Madrid, at yáyama~g dî nakasísiyá sa kanyá~g hilig a~g pagtuturò doón ay bumayad siyá n~g isá~g ta~gi~g Guró upá~g siyá'y turuan sa sarili~g tahanan at kanyá~g náhira~g si G. Alejo Vera, isá sa m~ga lalo~g dakilà at bantóg na pintór sa España. Nagí~g matalik silá~g magkaibigan n~g bago niyá~g Guró at silá ay naglakbáy sa Italia niyaó~g 1878, doón sa pinagpasikatan niná Rafael at Miguel Angel at doó'y magkatulo~g silá~g gumawâ sa dakila~g «Bayan n~g Sini~g». Niyaó~g magbukás n~g Ta~ghalan sa Madrid, na~g taó~g 1881, a~g pa~galan ni Juan Luna at nakapa~ggilalás sa m~ga lalo~g bantóg na pintór na kastilà at italiano. A~g kanyá~g cuadrong «A~g kamatayan ni Cleopatra» ay nagtamó n~g pa~galawa~g ganti~g pala at isá~g medalla~g gintô kalakip n~g isá~g libo~g piso~g salapi~g kastilà. Buhat noón a~g Tagalog ay nagkaroón n~g mabuti~g pa~galan sa Daigdig n~g Sini~g at dî na ipinalagay na m~ga «maninipì». Na~g lumipas a~g tatló~g taón, niyaó~g 1884 a~g wala~g kamataya~g «Spolarium» ay lumabas sa maliwanag, at a~g gawá~g itó ni Luna ay nagtagumpáy sa daigdigan n~g sini~g, at a~g m~ga papuri ay nagsikip halos sa Sansinukob. Sa kanyá~g kara~galan ay pinigí~g siyá n~g m~ga pilipino~g nanánahanan sa España. Lubha~g marami~g papuri a~g kanyá~g tina~ggáp sa na~gagsipanalumpati at isá rito ay a~g ati~g dakila~g bayani~g Dr. Rizal na nagsabi n~g gayarì: «Paghawì n~g tabi~g at makita natin a~g «Spolarium», ay máriri~gig na natin, a~g ta~gisan n~g m~ga alipin, n~g kakilákilabot na takot sa digmaan, at a~g taghoy n~g m~ga ulila». «A~g tánawi~g iyán ay siyá~g tunay na damdamin n~g lumikhâ at tagabadhâ n~g ati~g kasalukuyan sa ati~g tinubua~g lupà. Oo, a~g m~ga kuadro~g ganyán ay dî lama~g umaliw sa ati~g m~ga matá, kundî nakikipagusap na banayad sa ati~g puso.» Lumipat siyá sa Paris at doó'y nakipagisá~g pusò sa isá~g anák n~g kastilà sa pilipina na pina~garapan niyá n~g isá~g kaligayahan sa buhay, at pinaghandugán n~g lahát niyá~g tagumpáy. Hindî siyá naglikát n~g pagliliná~g n~g kanyá~g sini~g at niyaó~g 1887 ay napa sa España siyà~g mulî upá~g ita~ghál sa Madrid a~g kanyá~g «Batalla de Lepanto» at a~g «Rendicion de Granada» na pawa~g nagtagumpáy at nagtamó n~g gantí~g palà sa nasabi~g Ta~ghalan. Isá~g pigí~g na naman n~g m~ga kalahì a~g nasaksihán sa Madrid na idinaos sa kara~galan ni Juan Luna, a~g dakila~g Pintór. Si Lopez Jaena ay isá sa na~gagtalumpatì. A~g katahimikan sa nagtatagumpáy niyá~g buhay, ay hindî nasiyahán mandin at sa loób n~g táhanan ay nanuluyan a~g ligalig, a~g kanyá~g katahimikan ay nahalinhan n~g isá~g «infierno~g» napakainit, dinará~g a~g kanyá~g pusò at sa haráp n~g dî dapat talimahi~g pagupasalà ay nagkahalagá n~g isá~g buhay, at buhay n~g kanyá~g pinakamamahal pa naman: a~g sa kanyá~g minamahal na kabyák n~g pusò. Isá~g usapin a~g nagi~g buntót n~g sigalót na yaón; ~guni't pinawalá~g sala si Juan Luna n~g Húkuma~g humatol. Na~g mulí~g bumalik dito sa Pilipinas a~g ati~g kalahi~g itó ay pinaghinalaa~g kinaalám n~g na~gaghíhimagsík at niyaó~g 1896, siyá ay ipinadakíp at ibinila~ggò. A~g m~ga dakila~g diwà ay hindî napipiit kahi't na sa loób n~g piitan, at sa gitnâ n~g gayó~g kalágayan ay gumawâ siyá n~g isá~g mainam na «Exce Homo» na kanyá~g ipinagkaloób kay Parè Rossell na~g siyá'y dalawin sa bila~gguan. Na~g tamuhin niyá~g pamulî a~g kalayaan, ay nanumbalik siyá~g agád sa Europa, ~guni't a~g pagibig sa sarili~g lupà ay hindî magpatahimik sa kanya roón, kaya't mulî siyá~g na~glayág niyaó~g Disyembre n~g 1899 upá~g bumalík sa sarili~g bayan at siyá'y nadaán sa India, sa Java at sa Sumatra, naglagós n~g China at Hapón, ~guni't na~g siyá'y na sa Ho~gkó~g at papauwî na sa sarili ay nagkasakit siyá at násagupà niyá roón a~g kamatayan. Namatay si Juan Luna at nalibi~g sa iba~g Lupà, ~guni't a~g m~ga dakila~g tao saan man mamatáy at saan ma~g dako n~g daigdig málibi~g, a~g kara~gala~g kanila~g tinuklás at ikinábantóg sa daigdigan, ay hindî nakukuha n~g alin má~g baya~g hindî nilá sarili, sapagká't itó'y mana~g hindî maáagaw n~g alin ma~g lahì at bayan. Kara~galan ~gâ n~g Pilipinas a~g siyá'y magkaanák n~g isá~g kaha~gáha~ga~g máninini~g, at kahit hindî siyá nahandugán n~g bahagi~g libi~gan sa sarili~g La~git, ay nagliliwanag din duón a~g kapitapitaga~g pa~galan n~g anák na nagpakata~gì. Luwalhatì sa iyo, dakila~g maninini~g! =GRACIANO LOPEZ JAENA= [Larawan: GRACIANO LOPEZ JAENA] Sa lalawigan n~g Iloilo ay doón sumila~g a~g isá~g kalahì nati~g nagi~g isá~g dakila~g mánanalumpatì, siyá'y si Graciano Lopez Jaena. Gayá n~g lahát n~g pilipino, a~g kanyá~g una~g pagaáral ay tina~ggáp niyá sa loób n~g táhanan, pagkatapos ay nagpatuloy siyá sa Páarala~g bayan upá~g a~g m~ga pá~gunahi~g pagaáral ay maganáp at doón na siyá kinákitaan n~g kanyá~g sibol na katalinuhan, at bagá ma~g hindî karaniwan noón a~g pakikipagtalo sa m~ga Guró si Jaena ay hindî nasiyáhan sa alín ma~g bahagi n~g kanyá~g pinagáaralan, ha~gga~g hindî dinídi~gíg a~g m~ga paliwanag n~g m~ga Guró, at sa pagnanasa~g a~g pagáaral ay ipagpatuloy sa ibá~g lupaín ay lumayag siyá~g tu~go sa España, niyaó~g taó~g 1881. Sa silo~g n~g La~git n~g dati~g «Metropoli» ay nakipagisá siyá sa m~ga kalahi~g doó'y dinatnán na na~gakíkibaka~g kasalukuyan sa m~ga kabaguha~g hinihi~gî n~g bayan natin. Iisá~g taón pa siyá sa España, na~g itatág a~g Kapisana~g «Hispano-Filipino» at siyá ay nagi~g isá~g masugid na kasapí noón. A~g kapisana~g nába~ggít ay naglálathalà n~g isá~g pahayagan at si Graciano Lopez Jaena, ay isá sa tuma~gkilik noón. A~g kanilá~g m~ga láyunin ay a~g ipakilala sa madlâ a~g kasalukuya~g kalagayan n~g Pilipinas at ma~gagsumakit sa m~ga kabaguha~g dapat na gawin n~g Pámahalaan at Pá~gasiwaan. A~g kanyá~g m~ga tudlí~g na pawa~g kinábabakasán n~g kanyá~g pagkamabuti~g anák n~g Pilipinas, ay na~gapalathalà sa «Filipinas, ante Europa», «El Progreso», «El Pueblo Soberano», at pagkaraán n~g ilá~g panahón ay itinatag niyá a~g «La Solidaridad», na kanyá~g pinamatnugutan at siyá~g nagí~g tagapamanság n~g m~ga kalahì natin doón. Niyaó~g taó~g 1899, ay nihalinhán siyá ni Marcelo H. del Pilar sa Pamamatnugot n~g nasabi~g Páhayagan. Sa kanyá~g pagkamananalumpati, ay ipinalálagáy na isá siyá sa lálo~g pinakamabuti sa kanyá~g kapanahunan sa boó~g España, kaya't sa lahát n~g pigi~g tuwi ná'y ináanyayahan siyá upá~g manalumpati. At sa m~ga gayó~g kátaon ay hindî niyá nalimutan minsan man na di samantalahin a~g pagpapakilala n~g m~ga karai~gan n~g kanyá~g bayan. Niyaó~g 1892 sa Madrid, sa pagdiriwa~g sa ikatatló~g daán at siyam na puó't isá~g taón n~g pagkátuklás sa América ni Cristobal Colón, sa talumpali ni Graciano Lopez Jaena, tu~gkol sa m~ga ibá't ibá~g bagay, ay sinabi niyá a~g gayari: «Hindî umiiral a~g pa~gaalipin sa Pilipinas, ~guni't makálilibó~g mahirap a~g kaalipiná~g doó'y naghahari at kaalipiná~g tináta~gkilik n~g m~ga batás, kaalipinán n~g kalolwá, kaalipinán n~g diwá, at dahil dito m~ga ~ginoó, a~g ami~g bayan ay bayan n~g baligtaran, sapagká't a~g karunu~gan at katotohanan ay dî napakikita doón. «Ayáw kami n~g isá~g baya~g kalahati ay malaya at kalahati ay alipin, ninanasá namin a~g kalayaán sa pagsulat ó pamamahayá~g; ninanasà namin a~g kalayaan sa pagagalakal; ninanasà namin a~g ami~g kapa~gyarihan sa paghahalál, (sufragio) n~g ami~g sugò sa m~ga Kapulu~gan, na, ku~g saán namin mapasásapit a~g ami~g m~ga adhikain upá~g di~gin at málaman.» Sa isá~g pigi~g na idinaos sa Madrid sa kara~galan ni Juan Luna, at Resurrección Hidalgo, dahil sa kanilá~g taggumpáy sa Ta~ghalan n~g Sini~g, si Jaena ay nagsabi n~g gayari: «Pilipinas, binabatì kitá n~g boó~g pítagan. ¡Malasin Siyá! a~g bugháw n~g dagat ay siyá~g bira~g, a~g kulay n~g kanyá~g La~git, a~g pinakamarikít sa sansinukob, na nasasabugan n~g manini~gni~g na bituin, ay siyá niyá~g maganda~g lambo~g. Sino man na dî pa nagkakapalad na magmalas sa kanyá~g m~ga Pulô, ay dî nakákita n~g pinakamagandá~g panig n~g daigdígan». Sa salaysay na itó ni Lopez Jaena, ay mapagúunawà na a~g kanyá~g pani~gín ay pawa~g kagandahan sa kanyá~g Tinubua~g Lupà, pagmamalas na dî tinátagláy niyaó~g dî tunay na tubò sa Pilipinas, pagká't ta~gi~g a~g pilipino lama~g a~g may kaya~g dumamdam n~g kanyá~g m~ga dináramdám. Isá sa maiinam niyá~g talumpatì, ay a~g binigkás niyaó~g 1887, n~g ipagtagumpáy ni Juan Luna a~g kanyá~g «Batalla de Lepanto». Ito'y ulit ulit na sinabi, na kami~g m~ga pilipino, ay dî makagágawâ n~g anó man. Tinawag kami~g m~ga umanó, ay wala~g kaya~g gumanáp n~g anoma~g kaunlaran, kamí umanó ay hindî lumalaki at dî umuunlad, ~guni't a~g ami~g; bayan sa linakádlakad n~g panahón ay nagigi~g isá~g baya~g dakilà.» Ku~g mábabasa ninyó a~g m~ga talumpatì ni Jaena, at maáaninag ninyó na walâ na siyá~g sinikap kundî ipamalas a~g kanyá~g pagmamahál sa Tinubua~g Lupà at sa m~ga kalahi niyá~g maruno~g magmahál sa Baya~g Tinubuan. Mahigit na labí~glimá~g taón na nanahánan si Jaena, sa España, at lahát n~g kanyá~g sigasig sa loób n~g panahó~g yaon ay iniukol niyá sa ikaúunlád n~g kanyá~g minámahál na baya~g Pilipinas. Niyaó~g 1890, ay umuwî siyá sa sarili~g bayan upá~g ma~gilak n~g mágugugol doón sa ubod n~g baya~g pa~ginoón n~g ati~g bayan, sa Madrid, at dahil sa nasa~g itó, ay nakipagkita siyá kay Paez, at humi~gî siyá n~g tulo~g. ~guni't sa kawalán, n~g salapî sa kaban yaman n~g samahá~g kanyá~g tinawagan ay pina~gakuan siyá ni Paez, pagkatapos na madi~gíg a~g kanyá~g m~ga balak at siyá'y nanumbalìk sa bayan n~g m~ga Harì, upá~g gumawâ n~g walá~g patlá~g na paggawâ sa ikapagbabago n~g pamamalakad dito sa Kapuluan; at sa kanyá~g kináhimali~ga~g yaón ay nahughóg siyá at namulubi, at niyaó~g ika 20 n~g Enero n~g 1896 ay tinawag siyá sa sinapupunan ni Bathalà, sa baya~g Barcelona España, na siyá~g kinálagakan n~g kanyá~g m~ga labi. Si Graciano Lopez Jaena ay buháy sa m~ga pusò n~g bawa't pilipino at a~g aláala sa kanyá~g m~ga gawâ ay isá~g dakilá~g aral na karapatdapat uliranín. Magi~g tibay a~g m~ga talata~g itó n~g kanyá~g pagká walá~g Kamatayan. =APOLINARIO MABINI= [Larawan: Apolinario Mabini] Nakikita mo ba giliw na bumábasa sa m~ga salapí~g papel na pipisuhin, a~g larawan n~g isá~g kababayan natin na sa kanyá~g kagiti~gan ay minapat n~g Pámahalaán na siyá, ay makilala n~g tanán sa paraá~g yaón? A~g larawa~g yaón ay dilì ibá't a~g kay Apolinario Mabini, a~g «Kaha~gaha~ga~g Lumpó» na siyá~g utak n~g Himagsikan. Anó man a~g ibinu~ga n~g hímagsika~g nagguhò n~g kapa~gyarihan n~g m~ga Harì dito sa ati~g lupaín ay may kinálaman doón a~g ati~g kababaya~g pinagúukulan ~gayón nitó~g maigsí~g ulat n~g kanyá~g buhay. Ku~g palarin ka pa~g makatagpô niyaó~g nápabantóg na Pátakaran n~g Himagsikan na niyaó~g ika waló n~g Hulio n~g taó~g 1898, ay ípinasiyá ni Gen. Emilio Aguinaldo, na limbagín at ipagbilí n~g mamiseta, upá~g sumákaalamán n~g lahát n~g mámamayan. A~g mahalagá~g kathá~g yaón, giliw na bumábasa, ay katás n~g mayama~g utak n~g ati~g Mabini. Basahin mo n~g boó~g kataimtiman sa pusò at doó'y mábabakás mo a~g kabanalan n~g ati~g Hímagsikan, niyaó~g pinagpala~g pakikipamiyapis n~g iyó~g m~ga kalahì upá~g ihandâ sa iyó~g pagdatí~g a~g isá~g baya~g karapatdapat sa iyó~g lipì, baya~g malayà, nagsasarili at puspós n~g kará~galan. Si Apolinario Mabini, ay isá~g anák na máipagmamalakí n~g kanyá~g lalawigan, máipagmamalakí n~g kanyá~g lipì, at matátawag na isá~g Bayani n~g baya~g Pilipinas, bagá ma~g a~g kinámulatan niyá~g bayan ay isá~g maliit na bahagì lama~g n~g makasaysaya~g lalawiga~g Bata~gan. Tanawan! pinagpala~g baya~g nakapaghandóg sa Ina~g Pilipinas n~g isá~g dakila~g anák, binabatí kitá pinagpalà ka n~g mabuti~g Talà, sapagká't sa siló~g n~g iyó~g La~git nakákita n~g una~g liwanag a~g isá~g kawal n~g sagkatauhan, si Apolinario Mabini. Si Mabini ay anák niná G. Inocencio at Dionicia Maranan at sumila~g niyaó~g 1864. M~ga tao~g dukhà at walá~g kara~gala~g máipagmamalakí kundì a~g kara~gala~g mabuhay sa tulò n~g pawís. Salát palibhasà sa m~ga kaila~gan sa buhay, ay hindî nagawá~g itagubilin sa alin ma~g bantóg na guró a~g m~ga una~g pagáaral ni Apolinario, at salamat sa tulo~g n~g isá~g amaín, si G. Juan Maranan, a~g kanyá~g munì ay námulat, at pagkatapos n~g m~ga pa~gunahi~g m~ga pagáaral ay lumipat siyá~g handâ sa lahat n~g hirap, sa pagkakalingà n~g isáng banal na Parè, si G. Valerio Malabanan, na siyá~g humawan sa kanyá~g diwà n~g m~ga tabi~g n~g kadilimán. Nápamahál na lubhâ si Mabini sa kanyá~g bago~g Guró, palibhasà ay may isá~g katalinuha~g hindî karaniwan at kabaita~g kaha~gaha~gà. Natapos niyá a~g pa~galawá~g bugsô n~g pagáaral sa kali~gà n~g Pari~g nátukoy na; ~guni't uháw palibhasà sa m~ga ibá't ibá~g lawak n~g karunu~gan, kayá't niyaó~g 1881, ay lumwás sa Maynilà at humandóg na magturò sa Páaralán ni Ginoo~g Melchor Very, at samantala ay nagaral namán sa San Juan de Letran. Isá~g pagsusumakit na dî karaniwan a~g kanyá~g ipinamalas at a~g katibáyan n~g pagká «Bachiller en Artes» ay tinamó niyá na kasaliw n~g pagtuklás n~g pa~gagdó~g buhay. Ninasà niyá~g lumipat sa Universidad de Sto. Tomás, ~guni't a~g kanyá~g kiníkita sa Páaralan ni G. Melchor Very, ay hindî makasasapát sa kanyá~g m~ga kinákaila~gan sa gayó~g pagpapatuloy, kayá't sinikap niyá~g magli~gkód sa Pámahalaán at náta~ggáp siyá~g tagasulat ha~gga~g sa siyá'y nagí~g masugid na kasamahán n~g abogadong si G. Numeriano Adriano, bila~g kawaní roón na nagsásanay. A~g pipi~g kilusan n~g m~ga apí, ay lumaganap n~g gayón na lamá~g sa walo~g lalawiga~g Tagalog,[1] a~g lihim ay hindî na mai~gatan at untî untí~g náhahayág sa m~ga taga Pámahalaán a~g himagsikan n~g «M~ga Anák n~g Bayan». Sa Balintawák ay napilita~g ihiyáw na~g walà sa panahón n~g Bayani~g Bonifacio a~g m~ga kahili~gan n~g api, ~guni't hiyaw na kasaliw na n~g talibó~g at pakikipamiyapis; a~g banál na kilusán ay nagpani~gas na lubhâ n~g pusò ni Mabini, upá~g ágara~g tumugón sa tawag na baya~g humihi~gi n~g tulo~g sa kanyá~g m~ga anák, upá~g makakalág sa gapos na kaalipinán. Dahil doón ay dinakíp si Mabini at ipinapiit ha~gga~g Hunyo n~g taó~g 1897, salamat sa kanyá~g pagkalumpó ay pinalayà siyá sa paniniwala~g hindî na siyá makapagtátaguyod at dî mapakikisapi sa Hímagsikan. Natapos a~g una~g bugsô n~g Himagsikan sa Kasundua~g linagdaán sa Biyák na Bató. Si Mabini ay nagpagali~g n~g kanyá~g karamdaman sa Los Baños, ~guni't na~g a~g Pámahalaán n~g Kastilà at a~g sa Estados Unidos ay nagkákatitigan, at dî nalaunan ay nagi~g dulaan n~g digmaan n~g dalawá~g bansâ itó~g Kapulua~g Pilipinas, siyá'y sumulat n~g m~ga mahahalagá~g tudlí~g ukol sa m~ga mabubuti~g balak n~g pakikisa~gkót n~g m~ga Tagalog sa dalawá~g nagdidigmâ, at a~g gayó~g kasulatan ay sumapit sa kamay ni Aguinaldo, na isá~g mabuti~g Kasa~gguni. Inanyayahan ni Aguinaldo na pasá Kawit si Mabini, at sa pagta~ggáp sa anyaya ay nagsabi n~g gayari: «Hindî ako matiwasáy, sapagká't a~g m~ga kababayan ko'y wala~g katiwasayán. A~g kanilá~g m~ga kahili~gan sa pagbabago n~g pamamalakad ay hindî dini~gíg». Nagí~g una~g kasa~ggunì ni Aguinaldo si Mabini at a~g una~g ginawâ ay a~g pagpapalit sa Gobierno Dictatorial n~g Pámahalaán n~g Hímagsikan. Itinatag ni Mabini a~g m~ga Pámahalaá~g Bayan, Lalawigan, Hukuman at Kawal; at kanyá~g ilinathalà a~g sáligan n~g Pámahalaán n~g Hímagsikan na ikinábantog niyá n~g gayón na lama~g. Na~g itatag sa Barasoain, a~g káunaunaha~g Kapulu~gan Hímagsikan, si Mabini ay siyá~g Premier ni Aguinaldo, at a~g sáligan n~g Pámahalaán, ay hindî nailagdâ, samantala~g hindî niyá nasusurì, at itó'y sumapit ha~gga~g iká 21 n~g Enero n~g 1898, upá~g a~g kapa~gyarihan n~g Pa~gulo ay huwag mabawasan at siyá niyá~g papa~gibabawin gaya n~g tahas niyá~g paniwalà na yaón ay kinaila~gan n~g kapanahunan. Sa isá~g dî pagkakáunawaan niyá at ni Aguinaldo sa m~ga panukala~g dapat na isagawá ay tumiwalá~g siyá sa Pámahalaán, at a~g kanyá~g nákahalili, ay si Pedro Paterno; niyaó'y Agosto iká 23 n~g taó~g 1898. Bagá man siyá'y tumiwalag kay Aguinaldo, sa kanyá~g pagká Una~g Kasa~ggunì, ay dî rin siyá naglikat n~g pagsisigasig sa ikapa~gtátagumpáy n~g m~ga mithiin n~g baya~g Pilipinas. M~ga tudli~g na pambuhay n~g loób a~g kanyá~g ilinathalà sa «La Independencia». Nábihag si Mabini n~g m~ga kawal na amerikano sa Kuyapô, Bago~g Esija, niyaó~g Disyembre, n~g taó~g 1899, at dinalá siyá sa Maynilà at ibinila~ggô ha~gga~g Setyembre n~g 1900. Niyaó~g 1901, ay naglathalà siyá n~g isá~g pagtuligsà sa Pámahalaán n~g Estados Unidos dito sa Pilipinas, tuligsà na kanyá~g ihinayág sa «El Liberal» at nagi~g sanhî n~g mulí~g pagpapadakíp sa kanyá at pagpapatapon sa Guam, kasama n~g makabaya~g si G. Pablo Ocampo. A~g kapayapaan ay nagharì bila~g ha~ggahan niyaó~g kakilákilabot na digmaan, at a~g lahát n~g «tapon» ay pinahintuluta~g makabalik sa sarili, sa pamamagitan n~g pagsumpâ n~g pagtatapát sa Pámahalaán n~g Estados Unidos sa Pilipinas, ~guni't si Mabini ay dî sumumpà, kayá't siyá'y naiwan sa Guam na may m~ga anim na buwan, bago siyá pinapanaw at makapaglibót, ~guni't dî makatátahan sa Pilipinas samantala~g dî siyá sumusumpâ n~g pagtatapát sa Estados Unidos. Pagkaraán n~g ilá~g panahón na~g pagmumunimunì, ay nákilala niyá~g laló~g malakí n~g kanyá~g máitutulo~g sa kanyá~g bayan ku~g siyá ay bumalik, kay sa magpalaboylaboy, at niyaó~g Pebrero n~g 1903 ay linagdaán niyá a~g pagtatapát sa EE. UU. Hinandugan siyá n~g lalo~g matátaás na katu~gkulan, ~guni't dî niyá tina~ggáp at a~g sabi: «A~g aki~g karamdaman ay nakapipigil sa aki~g makagawâ pa n~g m~ga dapat ko~g gawín, at akó'y inaanyayahan at mapípilita~g mamuhay n~g tahimik, upá~g doón i~gatan a~g kahihiyán, hindî kahihiyán dahil sa akó'y nakágawâ n~g isá~g bagay na kahiyáhiyà, kundî dahilán sa dî ko nagampanán n~g boó~g katumpakan a~g m~ga kauta~gán ko sa aki~g m~ga kababayan at sa aki~g Tinubua~g Lupà.» A~g kamatayan ay sumapit at binigyá~g ha~ggá a~g kanyá~g mahalagá~g buhay, niyaó~g iká 13 n~g Mayo n~g taó~g 1903. Namatáy a~g isá~g tapát na anák n~g Pilipinas, at gaya n~g m~ga dakila~g tao ay nagiwan n~g m~ga dakila~g bakás na ikapagáaral sa kanyá~g kalakhán. Sa kara~galan n~g kababaya~g itó ay ipinasyá~g ikintál sa m~ga pipisuhi~g papel a~g kanyá~g larawan, at sa lalawiga~g Batangas ay ibina~gon a~g isá~g Bantayog sa kanyá~g dî malílimot at walá~g kamátaya~g m~ga paglili~gkód sa Tinubua~g Lupà. Háha~ggahán namin a~g munti~g kasaysaya~g itó n~g isá~g anák-pawis, iniwi sa karukhaán at namatáy na dukhâ rin, hindî dahil sa hindî nakátuklás n~g mabuti~g panahón at paraan sa ikayayaman, hindî ~ga: kundî dahilán sa a~g lahát niyá~g sikap, duno~g at buhay ay kanyá~g inialay na~g walá~g pa~galawá~g ha~gád sa dambanà n~g Ina~g Bayan. A~g Decalogo ni Mabini ay itó~g sumúsunód: «Ibigin mo si Bathalà at a~g iyó~g kapurihán na~g higít sa lahát n~g bagay.» «Sambahín mo si Bathalà, na~g ukol sa lalo~g minamatuwíd at minamara~gal n~g iyo~g budhî.» «Palusugín mo a~g m~ga pili~g kayamanan na ipinagkaloób sa iyó ni Bathalà.» «Ibigin mo a~g iyó~g bayan n~g sunód kay Bathalà, sa iyó~g kapurihán, at higit sa iyó~g sarili.» «Pagpumilitan mo a~g ikagiginhawa n~g iyó~g bayan bago a~g kaginhawahan mo~g sarili.» «Pagpilitan mo a~g pagsasarilí n~g iyó~g bayan.» «Huwag mo~g kilalanin sa iyó~g bayan a~g kapa~gyarihan nino ma~g tao na dî mo pilì at n~g iyó~g m~ga kababayan.» «Pagpilitan mo na a~g iyó~g bayan ay magí~g isá~g República at huwág mo~g tulutan kailán ma~g magí~g Monarquia.»[2] «Ibigin mo a~g kapwà na~g gaya n~g pagibig mo sa sarili.» «Lagi~g titignán mo a~g kababayan n~g higit n~g kauntî sa iyó~g kápuwá.» Niyaó~g 1921, na pasyahá~g a~g kanyá~g alabók na nása sa libi~gan n~g m~ga intsik ay ilipat sa isá~g líbi~ga~g karapatdapat sa m~ga Bayani, a~g ba~gkay ni G. Apolinario Mabini ay náhukay na buô. Iginala~g at dî tinunaw n~g lupà a~g banál niyá~g katawan; at pagtapos n~g m~ga para~gál na iginawad sa kanya n~g Pámahalaán at bayan na lubha~g humaha~gà, ay ilinipat a~g kanyá~g labí sa Libi~gan n~g m~ga Bayani~g pilipino, na kilalá sa tawag na: «Panteon de los Veteranos de la Revolución.» Ku~g isá~g araw ay makarati~g ka giliw na bumábasa sa Libi~gan sa Hilagà, a~g «Panteon de los Veteranos de la Revolución» ay maghahandóg sa iyó n~g m~ga pa~gala~g, pawa~g pinagkákauta~gan mo na~g m~ga kabaguhan sa Pámahalaán na tunay na palà n~g kanilá~g mithî. Sa gitnâ noón ay mátatagpuán mo a~g kinálalagakan n~g labí n~g «Dákila~g Lumpô» na sanhî nitó~g maigsi~g ulat. Idala~gin mo kay Bathalà na a~g pinamuhunanan nilá n~g buhay na ganáp na kalayaan mo at n~g ati~g bayan ay magí~g isá~g ganáp na pa~gyayari. Nawá'y másaksihán din natin na tayó'y layá na. [1] Ang walong sinag ng araw ng ating watawat. [2] Republica ay Pamahalaan ng bayan at ang naghahari ay mga pili ng bayan. Monarquia ay Pamahalaan na ang namamahala ay iisang tao. [Larawan: Ang bantayog kay APOLINARIO MABINI sa Batangas.] =JOSE Ma. BASA= [Larawan: José Ma. Basa] Sino a~g pilipino~g nakasapit sa Ho~gko~g na dî nakákilala kay G. José Ma. Basa. Gaya n~g m~ga tunay na Tagalog, niyá~g lipí~g tinátakbuhán sa kanyá~g m~ga ugát n~g malinis na dugô n~g m~ga Solimán, batà pa si G. José Ma. Basa ay nakápansín na n~g m~ga katiwalian n~g pagpapalakad n~g nasira~g Pámahalaán n~g m~ga kastilà dito sa Kapuluán. At na~g sumapit siyá sa sapát na gula~g, na~g a~g pagwawarì ay lalo na~g maliwanag sa tulo~g n~g pinagaralan ay ipinagta~ggól niyá n~g úbos kaya sa lahát n~g kátaón a~g m~ga karapatan n~g m~ga tubò rito sa atin. A~g ganitó niyá~g m~ga kilos at gawî na kapansinpansín na~g m~ga panahó~g yaón na a~g pagibig sa bayan ay kasalana~g ikinamámatáy, ay nagí~g sanhî n~g boó~g pagii~gat sa kanyá n~g m~ga naghahawak n~g ugit n~g Pámahalaán at dî naglaón at si G. José Ma. Basa, kasama ni G. Antonio Regìdor, Parì Mariano Sevilla at iba pá ay pinagdadakíp at ipinatapon sa Pulô n~g Marianas. A~g kasalana~g sa kanilá'y ipinarata~g ay kinaalam «daw» sa hímagsika~g kawal na na~gyari sa Kabite niyaó~g 1872, na ikinábitay n~g magigití~g na Parí~g Tagalog na siná Padre Burgos, Gómez at Zamora. A~g panahón ay lumipas, at sumapit sa pa~gyayari~g a~g noón ay pinaguusig ay nagí~g kara~galan at kabayanihan. Ila~g buwan di~g nanahanan sa Guam si G. José Ma. Basa at pagkuwa'y lumipat sa Sakop n~g Inglés na bayan n~g Ho~gko~g at doón na ~gâ namuhay n~g may m~ga tatlo~gpuo~g taón. Sa baya~g itó isinagawâ ni G. José Ma. Basa a~g táhasa't walá~g kili~g na pagli~gap sa kanyá~g m~ga kalahì. Kailan ma't nakabalità si G. José Ma. Basa na may pilipino~g lulan a~g alin ma~g sasakyá~g dádaó~g doón, karakaraka niyá~g ipinasásalubo~g at dî tinútuluta~g tumulóy sa ibá~g bahay ku~g ma~gyayari at a~g kanyá~g táhanan, dula~g at hihi~gán ay handâ sa kanyá~g m~ga kalahì. Buhat kay Gat José P. Rizal, Graciano López Jaena, Marcelo H. del Pilar at ha~ggá~g sa kahulihuliha~g grumete n~g m~ga sasakyán, ay kanyá~g ginawaran n~g pagkakandili sa lupai~g yaón na napilì niyá~g panahanán, kayá't lagì siyá~g nagí~g sa~ggúnian, kanlu~gan at takbuhan n~g alín ma~g pilipino na na~gaila~gan n~g kanyá~g pagkukupkóp. Isá~g kaha~gaha~ga~g pagibig sa alin ma~g bagay na may kulay pilipino a~g tinaglay ni G. José Ma. Basa, sa boó niyá~g buhay. A~g kanyá~g m~ga dula~g ó hapág, m~ga likmuan, m~ga palamuti sa bahay, m~ga kasa~gkapan sa paglulutò, palyók, tapayan, lumbó at m~ga iba pa~g kábabakasán n~g tinubua~g lupà, saro, salakót, bilao, bakyâ, papag, ay nasa sa mabuti~g panig na lahát n~g kanyá~g táhanan. Tu~gkól buhat sa sarili~g lupà ay kanyá~g ipinagmamalakí. Kanyá~g ipinagpápara~galan at kailán má'y hindî ikinahiyá sa m~ga tagaiba~g lupai~g sa kanyá'y tumuloy, a~g m~ga bagay na yarì sa Pilipinas. A~g m~ga aklát n~g ati~g m~ga kalahì ay inii~gatan niyá~g higít sa gintô sa kanyá~g mayama~g aklatan. Buhat sa Ho~gkó~g ay sumulat siyá sa m~ga páhayagan sa España at lagì niyá~g pinasapit doón a~g taná~g karai~gan n~g Pilipinas. Namatáy si G. Ma. José Basa niyaó~g ika 10 n~g Hulyo n~g 1907 na tagláy sa pusò a~g kasiyaha~g loób na makatupad n~g kanyá~g katu~gkulan sa Tinubua~g Lupà at sa tanan niyá~g kalahì, lalo~g lalò na sa na~gakasapit sa lupai~g yaón n~g m~ga Inglés na pinakipamuhayan niyá~g mahigit na tatlo~g puo~g taon. Isá~g pa~gyayari~g kapansínpansín sa himali~g ni G. José Ma. Basa na dî dapat maligtan bago tapusin a~g bubót na alaala~g itó sa kanyá~g kagiti~gan, ay itó~g sumusunod: Ku~g siyá'y may nákikita~g kalahì roon na dahil sa kakula~gan n~g mágugugól sa pagbalík sa sarili~g lupà, at walâ namá~g hanap buhay bagá~g pa~ggágali~gan n~g isá~g kabuhaya~g mara~gál, si G. José Ma. Basa ay may bukas na kamáy upá~g sumaklolo sa násabi~g kalahì, mata~gì pa a~g pabaon at kaupahán sa sasakyán ha~ggá~g makabalík sa sarili~g lupà. Isá~g panahón ay may sumapit doó~g panira~g puri sa atin, na dî ibá't a~g m~ga sipì n~g m~ga hubô at hubád na m~ga igorrote na ipina~ga~galandakan niná Worcerter at m~ga kasamahán na yaón a~g lahi~g nananahanán sa boó~g Kapulua~g Pilipinas at siyá~g naghahagád n~g kalayaan. Sa haráp n~g panira~g puri~g itó ay wala~g minainam si G. José Ma. Basa na panlaban kundî a~g bilhín lahát a~g m~ga sipi~g nákita, na sa mabuti~g palad ay hindî naman káramihan, at a~g lahát ay ini~gatan n~g boó~g pítagan, at ipinakita sa m~ga may aral na banyagà at anyá: «Itó a~g pina~ggali~gan n~g ami~g lahì. Masdán ninyó a~g pinagdaanán nami~g pagunlád». A~g sarili~g wiká ay minahál, lininá~g at ipinamana ni G. José Ma. Basa sa kanyá~g m~ga anák na karamiha'y sa Ho~gkó~g na nakákita n~g una~g liwanag. Kay lakí n~g pagmamahál ni G. José Ma. Basa sa alin ma~g bagay na may kulay Pilipinas. Nariyán a~g isá~g dakila~g pilipino. [Larawan: "A~g Tagumpay n~g Kamatayan" lilok ni Dr. José Rizal.] =PEDRO A. PATERNO= [Larawan: Pedro A. Paterno] Inalo sa duyan n~g kariwasaán at tunáy na Máginoó, sa lawak n~g katuturán n~g kara~gala~g itó, magí~g sa sarili~g bahay, at magí~g sa kapamayanán, kayá't lahát n~g sinulat n~g m~ga banyagà tu~gkól sa kara~galan at kata~gian n~g kababaya~g itó, ay nagbábanság n~g walá~g patuma~ggá~g pagpaparilág sa kanyá dahil sa pagwawaldás n~g kanyá~g kayamanan, sa ikátatagpô n~g m~ga kaibiga~g mákakatulo~g, sa minana niyá~g katutubo~g ugalì na mahalin at ipagta~ggól a~g karapatán n~g Bayan Tinubuan. Aní Retana, a~g Prínsipe~g Tagalog na itó, sa kanyá~g m~ga pigí~g na walá~g katulad, a~g m~ga kasa~gkapa~g pawa~g gintó~g lantáy ay paubayá niyá~g ihináhandóg sa m~ga pánaohín niyá~g nagsasamantalá n~g m~ga gayó~g m~ga pagtitipon, upá~g bila~g «pabalutan» ay matagláy n~g bawa't may ibig a~g kanyá~g m~ga gintó~g gamit. A~g kanyá~g kagala~ggala~g na amá sa pa~gyayari, niyaó~g 1872 na a~g kabantugan at kara~galan n~g «Tatlo~g Parè», na pawa~g kababayan natin ay nápasa~gkót at nabitay, ay naghandóg n~g dalawang puo't limang libong piso upa~g máligtás lama~g sa bibitayan a~g tatló~g banal na pawá~g walá~g sala. Na~g m~ga panahó~g yaón a~g libo~g piso ay lubha~g malaki~g bagay, at a~g handó~g na yaón ay sukat upa~g a~g m~ga Gobernador na hindî lubhá~g mai~gat sa kara~galan, ay madalás mapagaláw n~g salapî, ~guni't a~g nagí~g bu~ga n~g gayó~g banál na handóg ay a~g sampuô n~g kanyá~g kalayaan ay sumapa~ganib at mábila~g siyá sa m~ga ipinatapon sa nagí~g mahaba~g buntót n~g himagsika~g kawal na yaón na na~gyari sa Kabite niyaó~g 1872. Lulan n~g Sasakya~g «Flores de María» ay ipinatapon sa Marianas a~g m~ga Gg. Agustín Mendoza José de Guevarra, Miguel Laza, Felíciano Gómez, Anacleto Desiderio, Vicente del Rosario, Toribio H. del Pilar, Mariano Sevilla, Justo Guazon, Pedro Dandan, Antonio Ma. Regidor, Joaquín Pardo de Tavera, Mauricio de León, José Basa Enriquez, Pedro Carrillo, Gervacio Sánchez, Balbino Mauricio, José Basa, Ramón Maurente, Pio Basa at Máximo Paterno. Tu~gkól kay G. Pedro Paterno ay sinabi n~g káunaunahá~g Gobernador Civil dito sa Pilipinas na nagí~g Pa~gulo n~g Estados Unidos na si Mr. William H. Taft at kasalukuyan ~gayóng Pa~gulo n~g Pinakamataás na Húkuman sa Amerika, na: «Si G. Pedro A. Paterno, anya, ay isá~g politiko~g pilipino na sa aki~g m~ga nákilala ay bugtó~g sa lahat na hindî ko kinári~ggá~g magsabi na~g anô ma~g masamâ na ukol sa ibá». Na~g kasalukuyan siyá~g nábibila~ggô sa makasaysaya~g kalle Anda, loób n~g Maynilà, at na~g a~g m~ga pulutó~g n~g m~ga kawal n~g Hímagsika~g ay nagpapahirap n~g gayón na lama~g sa m~ga kawal na amerikano na naglagák na n~g isá~g mahalagá~g buhay n~g isá sa matatapa~g niyá at nápabantóg na Heneral na si Mr. Lawton, sa m~ga lawak n~g San Mateo, Rizal, ay inakalà n~g Heneral McCartur na gamitin a~g kapa~gyarihan ni G. Pedro Paterno, upá~g a~g kapayapaan ay lúbusan na~g magharì, ~guni't a~g gayó~g nasà ay walá~g sinapit, at a~g m~ga pulutó~g n~g naghíhimagsík ay nagpatuloy n~g kápupuksâ sa m~ga kalaban n~g kanyá~g kalayaan. Si G. Pedro A. Paterno ay sumila~g sa mayama~g bayan n~g Santa Cruz, Maynilà, lipi~g Tagalog n~g m~ga Lakán, na buhat sa kaugatugatan n~g kanyá~g lipì ay likás na mairugín sa ikagagali~g n~g Baya~g Tinubuan. Isá~g anák nitó~g Maynilà na sumila~g niyaó~g taó~g 1858, iká 27 n~g Abril, a~g ami~g pinagúukulan gayón nitó~g munti~g haláw n~g kanyá~g pagkátao, bila~g puto~g sa kanyá~g m~ga punyagî na a~g lipi~g Tagalog ay málagáy sa isá~g kalagaya~g karapatdapat sa kanyá~g pagkabansâ. A~g una niyá~g pagáaral ay sinimulán sa «Ateneo Municipal» magbuhat sa gula~g na siyam na taón, at noó~g taó~g 1871 ay natapos a~g kanyá~g pagáaral doón; lumipat siyá sa Páarala~g-madlà sa Salamanca at nagaral n~g «Filosofia», «Teología» at «Leyes Canónicas» at kanyá~g tinapos sa «Universidad Central de Madrid» na kanyá~g tina~ggapán n~g katibaya~g «Doctor». Sa pagkamánunulat si G. Pedro A. Paterno ay napata~gi rin at dahil doón ay ginawaran siyá n~g «Gran Cruz de Isabel la Católica» isá~g tusón na dî madalí~g tamuhín at nagbúbukás sa may tagláy noón n~g Gusalì n~g dakila~g Harì sa España. Na~g manumbalik na mulî rito sa baya~g sarili, at sapagka't siyá'y matalik na kaibigan n~g dakila~g Tagalog, niyaó~g bayani~g tagá Kalambà, ay pinágta~gkaán siyá~g isa~gkót sa m~ga kilusa~g tu~go sa pagtiwalag, ~guni't sa mabuti~g sandali ay hindî nagtagumpáy a~g gayó~g nais at a~g kanyá~g kaya ay na~gkapanaho~g máihandóg niyá sa m~ga kapakanán n~g Bayan. Na~g a~g nagiinapóy na Hímagsikan niyó~g 1896, ay kasalukuya~g lumálaganap, at a~g kapa~gyariha~g tagaganáp n~g Gobernador Heneral na si G. Fernando Primo de Rivera, ay dî makaapulà, si G. Pedro A. Paterno ay inatasan ni Heneral Primo de Rivera, niyaó~g Disyembre iká 15 n~g taón~g 1897, na magí~g sugò n~g Pámahalaá~g kastilà, upá~g makipagkasundô sa na~gaghihimagsik, at a~g «Pacto de Biak na Bato»[1] ay tinamó niyá sa m~ga Pámunuán n~g Hímagsikan niyaó~g iká 9 n~g Agosto n~g taó~g 1897. Sa gayó~g bu~ga n~g kanyá~g sikap ay nakapagli~gkód siyá sa dalawá~g kapa~gyarihan, sa Iná~g España at sa Iná~g Pilipinas. A~g kasaysayan ay magtataán sa kanyá n~g m~ga ginintua~g dahon tu~gkól sá bagay na itó. Niyaó~g iká 15 n~g Septiembre n~g taó~g 1898 a~g Kapulu~ga~g Pilipino ay nagdaos sa Barasoain, Bulakan, n~g isá~g Sa~ggunia~g binúbuô n~g siyám na puo~g kasangunì, pilì sa lahat n~g poók, magì~g sa karunu~gan at kata~gian. Binubuo a~g Sangunia~g yaón n~g apat na puo~g abogado, labi~g anim na médico, lima~g farmaceútico, dalawá~g ingeniero, isá~g parè, m~ga má~ga~galakal at m~ga ta~gi~g hugot sa m~ga tanyag na tao~g bayan; sa kapulu~ga~g yaón ay náhira~g si G. Pedro A. Paterno na Pa~gulo n~g Sangunian. Na~g a~g m~ga kastilà ay talunin n~g m~ga amerikano sa dagat, at n~g m~ga ma~ghihimagsik sa katihan, sa isá~g dî maiiwasa~g pa~gyayari, a~g magkaluto~g na itó sa pagguguhò n~g kapa~gyariha~g maka hari ay siyá~g nagkálaban. Sa pulo~g na idinaos sa Bago~g Ecija, ay náhira~g, si G. Pedro A. Paterno na sugò n~g Pamahalaa~g Pilipino, upá~g makipulo~g kay General Otis, at doó'y tamuhin a~g «autonomía», ~guni't hindî niyá inabot na mákapulo~g a~g Puno~g Hukbó n~g m~ga amerikano. Ihinalál siyá~g pamuli sa pa~galawá~g Lupon sa gayón di~g layon, at siyá ay nakarati~g rito sa Maynilà na sinalasà a~g hangahan n~g kamatayan; ~guni't di niyá ipinagtagumpáy a~g láyuni~g kanyá~g sinadyâ sa m~ga Pámunuá~g amerikano. Umuro~g siyá na kasama n~g m~ga naghihimagsik ha~ggá~g Trinidad, Benget, na kinabihagan sa kanyá n~g m~ga kaaway. Bu~ga n~g walá~g pagál niyá~g panitik a~g m~ga sumusunód: Ang Dating Kabihasnan Ng Mga Pilipino, Ang mga Tagalog Sa Kasaysayan ng Sandaigdigan, Ang mga Salaysay ni Pare Placencia tungkol sa Kapakanakan ng mga Kristiyano, at m~ga ibá pa~g dî mabila~g na m~ga babásahi~g bayan. Niyaó~g Agosto, ika 16 n~g taó~g 1902, a~g Dulaa~g Tagalog ay dinalaw n~g isá niya~g mainam na «opereta» na pinamagatá~g: «Sandugo~g Panaginip». A~g tugtugin n~g marikít na ta~ghál na itó ay uta~g sa Guró~g si G. Bonus. Kun saan mapagkíkita~g sa gitnâ n~g kanyá~g m~ga tagumpáy ay dî niyá nalimutan a~g sarili~g wikà. Niyaó~g 1900 na ipahayag ni General Mc. Artur, a~g «amnistia», ay sumailalim siyá noón, at nagi~g masugid na tagapamayapa, matapos tamuhín a~g kanyá~g kalayaan. Nagi~g Guró si G. Pedro A. Paterno sa Páarala~g «Liceo de Manila» at kanyá~g inihayág a~g kanyá~g Ang Bagong Ayos ng Municipio sa Pilipinas at ang Pamahalaang Bayan. Si G. Pedro A. Paterno ay nagí~g Sugò sa Una~g Kapulu~ga~g Bayan at nagí~g masugid na katulo~g n~g ati~g m~ga mambabatás. Namatáy siyá niyaó~g Abril n~g tao~g 1911 na~g dî man nápahiwaláy sa pagká Guró sa káunaunaha~g Páaralá~g Pilipino na nakilala sa tawag na «Liceo de Manila». [1] Ang salaping tinamo niya sa mga kastila dahil sa kasunduang ito, ay siyang ipinamili ng sandatang ginamit sa pangalawang bugso ng Himagsikan niyaong 1898. =ANTONIO Ma. REGIDOR= [Larawan: Antonio Ma. Regidor] Dito sa makasaysaya~g bayan n~g Maynilà ay sumila~g niyaó~g taó~g 1843 a~g isá~g dakila~g pilipino: si G. Antonio Ma. Regidor. A~g kanyá~g m~ga una~g pagaaral ay ginawâ sa «Colegio» n~g San Juan de Letrán ha~ggá~g sa tinamó a~g katibaya~g «Bachiller en Artes». Lumipat sa Páaralá~g madlâ ni Sto. Tomás upá~g doón tapusin a~g kanyá~g láyunin sa pagáaral at doón siyá nagtamó n~g katibaya~g sa pagká «Doctor en Derecho Civil». Naglayág siyá at sa silo~g n~g ibá~g la~git ninasa~g lalo~g sumakláw n~g m~ga ibá~g mátututuhan at mápagáaralan, at sa España, sa dati nati~g pa~gulo~g bansa, ay tinamó niya a~g kara~galan at katibaya~g nauukol sa «Derecho Canónico» sa «Universidad Central», sa Madrid. Sa kanyá~g panahón n~g ipinagaral ay lagi siyá~g nápata~gi sa kanyá~g m~ga kapanahán at tuwî na ay nagtamó n~g lalo~g matataás na kabukuran at minahál siyá~g lagi n~g kanyá~g m~ga Guró. A~g kanyá~g m~ga karunu~ga~g ná tuklás ay pawa~g nagi~g hiyás n~g kanyá~g Tinubua~g Lupà, at na~g siyá'y manumbalik dito sa minámahál na Pilipinas ay nanun~gkulan siyá~g Kalihim n~g «Audiencia» na katumbás n~g ~gayó'y ati~g Mataás na Húkuman. Sa sangunian n~g «Ayuntamiento» ay ginanáp niyá a~g m~ga tu~gkula~g Tagausig n~g Kagawaran n~g m~ga Páaralán n~g «Artillería» at «Inginiería», at nagí~g Kalihim n~g ta~gi~g Lupon n~g Palátuntunan n~g Pagtuturò sa m~ga tagarito sa ati~g lupain. A~g kakayahán n~g Tagalog ay ilinagay niyá sa mataás na kalagayan. Nagi~g Tagasiyasat at Pa~gulo n~g Kagawarán n~g m~ga Páaralán, at sa panunupád niyá n~g masela~g na tu~gkuli~g itó ay nagawâ niyá~g buhat sa España ay mátamó a~g isá~g pasyá na magkáhaluhalò a~g m~ga nagáaral na m~ga anák n~g mahirap at mayaman na dati ay nagkákabukód at nagpapanaghilian: Isá~g tagumpay n~g «demokracia» sa loób n~g isá~g Pámahalaa~g makahari. Na~g panahó~g Gobernador Heneral dito sa Pilipinas si G. Carlos Ma. La Torre, na pinausig dahil sa kanyá~g malaya~g pa~ga~gasiwà, dito sa Kapuluan, na nása salu~gát sa dati~g palakad na makahari, si G. Antonio Ma. Regidor a~g nagsa~ggala~g at a~g kanyá~g pagkamabutí~g anák n~g Pilipinas at pagká dalubhasá~g Abogado ay pinatunayan niyá sa haráp n~g madlà. Siyá ay isá~g tanyág na mánunulat sa wiká~g Kastilà at Inglés noón pa ma~g panaho~g a~g wiká~g Inglés dito sa ati~g tinubua~g bayan ay isá~g wiká~g palamuti lama~g at dî pa panlahát. A~g m~ga kahirapan sa pagkabila~ggô ay dinanas din namán niyá, sapagká't siyá at siná G. Joaquin Pardo de tavera, José Ma. Basa at ibp., ay pinagdadakip at ibinila~ggô niyaó~g Himagsikan sa Kabite niyaó~g taó~g 1872. Págkaraán n~g ilá~g araw na kanilá~g pagkábila~ggô, silá'y ipinatapon sa Pulô n~g Marianas. Nanahanan siyá sa Guám na may ilán di~g buwán na kayakap a~g kahirapan n~g isá~g «tapon» at tiwalá~g sa m~ga kapilas n~g buhay. Buhat sa Guám ay nakasapit siyá sa Pulô n~g Yap sa pamamagitan n~g isá~g sasakyá~g amerikano, at buhat dito, sa tulo~g n~g isá~g sasakyá~g inglés ay nakasapit siyá sa Pulô n~g Solomón haggá~g sa Palaos. Buhat sa Pulô n~g Palaos, sa pamamagítan n~g lahát n~g paraán n~g magagawâ n~g isá~g salát sa layà ay sumapit siyá sa Pulò n~g Malakán, buhat dito ay nagtanan siyá ha~ggá~g sa karatig nati~g sakop n~g Inglés na Lunsód n~g Ho~gkó~g, at pagkalipas n~g isá~g bugsò n~g panahón ay lumayag siyá na patu~go sa Pransia, doón sa bayan n~g layà, at Iná n~g bago~g kabihasnán. Niyaó~g 1876 ay nagharáp siyá n~g isá~g kahili~gan sa Konsul n~g Kastilà sa París upá~g gawaran siyá n~g «indulto» at a~g gayó'y kanyá~g tinamó sa mabuti~g palad. Lumipat sa Londres, sa makasaysaya~g bayan n~g m~ga dakila~g Pólítiko at m~ga Harì~g demókrata, na~g siyá'y makalagán na niyaó~g kasigalutan n~g isá~g pinaguusig; n~g masama~g Talà, at sa baya~g itó ay nakipagisá~g pusò siyá sa isá~g anák n~g matimtima~g Irlanda. Niyaó~g 1896, na~g a~g punyagi~g magsarilí n~g boó~g bayana~g Pilipinas ay nagsisikip na sa ati~g Kapuluan, ay tuma~ggáp siyá n~g anyaya nina G. Felipe Agoncillo at Sixto López, upá~g lumipat siyá sa Washi~gton, upá~g buhat doón ay sikapin a~g pagtatamó n~g m~ga kagali~ga~g pambansâ sa Pilipinas; ~guni't isá~g pagkakalayô ó dî pagkakaúnawaán n~g m~ga kaparaanan ni G. Agoncillo, a~g nakapagudyók sa kanyá~g mulí~g bumalik sa Londres at doón ay sinikap niyá~g makatulo~g sa m~ga nagsísilakad sa pakikipagkáyarì sa Pransiya n~g kapakanan n~g palad n~g ati~g mutyá~g Pilipinas. Na~g a~g ati~g dakila~g Bayani, si Gat Rizal ay lulan n~g isá~g sasakyá~g dagat sa Ho~gko~g upá~g iuwî dito sa Pilipinas, ay sinikap ni G. Antonio Ma. Regidor na si Gat Rizal ay magtamó n~g layà sa pamamagitan n~g «Habeas Corpus», ~guni't pinawalá~g bisà n~g m~ga Hukóm doón a~g ganitó niyá~g punyagî. Nariyán a~g maigsí~g banháy n~g isá~g labí n~g m~ga pininsalà n~g aklasa~g kawal niyaó~g 1872. Nagí~g tagapagta~ggól tuwina n~g Pilipinas, n~g m~ga mairugin sa Pilipinas, at n~g m~ga pilipino. A~g kanyá~g palad ay nagí~g kayakap n~g m~ga pá~garapín n~g tatló~g una~g pininsalà n~g kaba~gisan: n~g tatló~g Pare~g Tagalog, na binitay dahil sa kilusá~g yaón. Sa kanyá~g kabantugan ay nahandugán niyá n~g palà a~g ati~g Ina~g Pilipinas at dahil dito ay dapat tuma~ggap n~g turi~g n~g lahát n~g kalahi~g sumisibol. Magí~g saksí a~g maigsí~g ulat na itó n~g pagha~gà n~g aki~g m~ga kapanahón sa magandá~g halimbawà na ilinagak sa atin n~g kanyá~g buhay. Namatáy si G. Antonio Ma. Regidor na nagiwan n~g isá~g mabuti~g bakás bilá~g pamana sa kanyá~g Tinubua~g Lupà. =FELIPE G. CALDERON= [Larawan: Felipe G. Calderón] Isa~g bantóg na makama~ggagawà at masigasig na mánanagalóg, si G. Felipe G. Calderón na sumila~g sa maliwanag, sa bayan n~g Sta. Cruz de Malabon, Kabite niyaó~g iká 4 n~g Abril n~g 1868. Siyá ay anák ni G. José at ni G~g. Manuela Roca. Nagsimulâ si G. Felipe G. Calderón n~g pagáaral sa «Ateneo de Manila» ha~ggá~g magtamó n~g katibayan «Bachiller en Artes» ay saká lumipat sa Páaralá~g madlâ ni Sto. Tomás upá~g magaral n~g «Derecho.» Gaya n~g lahát n~g masikap na magpakataás na magisá, ay kasabáy n~g pagáaral niyá~g itó a~g paghahanap buhay, at siyá'y sumulat sa m~ga Páhayagá~g «La Opinión» at «El Resumen». Siyá'y nakatapos n~g boó~g ni~gní~g n~g kanyá~g layon sa pagaáral niyaó~g 1894, at a~g kanyá~g pagsasanay ay ginanáp niyá sa kagawarán n~g nagí~g bantóg at pinagpitagana~g Pa~gulo n~g Kátaastaasa~g Húkuman na si G. Cayetano Arellano. Nagsigasíg din siyá n~g pagáaral n~g «Ley Constitucional», «Economía Política», «Historia», «Filosofía y Letras» at «Ciencias Físicas», ta~gì pa sa kanyá~g sadyá~g paglalakbáy sa Ho~gkó~g, Singapur at India, na ku~g saan niyá pinagaralan sa sarili~g lupà a~g pamamahalà n~g m~ga Inglés sa kanyá~g m~ga sakop na bayan. A~g m~ga karunu~ga~g itó na kanyá~g pinágpakata~gian ay lubós niyá~g nágamit sa kapakinaba~gán n~g ati~g Tinubua~g Lupà, sapagká't niyaó~g 1898 ay siyá'y nagbigáy n~g mu~gkahì kay G. Emilio Aguinaldo, na hi~gín nitó kay Almirante Dewey, a~g m~ga katibaya~g buhat sa Congreso n~g EE. UU., upá~g makipagkayarì sa isá~g Lupon n~g m~ga pilipino tu~gkól sa hináharáp n~g Pilipinas, at ku~g a~g gayón ay hindî gawín n~g «Almirante», a~g na~gaghihimagsík na pilipino ay dî dapat tumulo~g sa m~ga amerikano, sa kanyá~g digmaa~g laban sa España. A~g pani~gin ni G. Felipe G. Calderón ay na~gúguna sa m~ga pa~gyayari, at para niyá~g nahúhulaa~g a~g panahón ay sásapit na a~g lahát n~g pakikipagkasundô at nasà ni Dewey, ay hindî paháhalagahán n~g «Congreso sa Washi~gtón.» A~g kasaysayan n~g Pilipinas ay siyá~g labis na makapagúulat ku~g a~g mu~gkahi~g itó ni G. Felipe G. Calderón, na hindî tina~ggap ni G. Emilio Aguinaldo, dahil sa malakí~g katiwalà sa kara~galan n~g «Almirante Dewey» at n~g «Congreso» n~g EE. UU., ay may matuwíd ó walâ. A~g m~ga pa~gyayari, ay hindî mababago at dî matátalimwá~g n~g sino man, sapagká't doó'y saksí a~g sambayana~g nagpakasakit magtigís n~g dugô sa pagtata~ggól n~g kanyá~g katuwiran. Nagí~g Kinatawán sa Congreso sa Malolos, si G. Felipe G. Calderón, na~g lalawika~g Paragwa, at sa kanyá~g pagkakinatawá~g itó ay kanyá~g yinarì at ihinaráp sa Kapulu~gan a~g kanyá~g pinaká dakila~g gawâ, na nápabantóg na Pátakarán n~g Repúblika Pilipina, at pinagtibáy pagkatapos na mapagtalunan n~g m~ga Kinatawán sa dambana~g yaó~g n~g m~ga Batás. Na~g magharì na a~g kapayapaan ay ikinatiwalà sa kanyá n~g Pámahalaá~g amerikano, a~g Pagtatatag n~g m~ga Pámahalaá~g Bayan at siyá'y sumulat n~g isá~g Palátuntunan ukól sa bagay na itó. Itinatag din namán niyá a~g pinagpala~g «Protección de la Infancia» a~g «Colegio de Abogados de Manila» at «Escuela de Derecho» na kanyá~g pinagturuan at pinaghandaán n~g m~ga bago~g sibol na m~ga abogado na makapaglili~gkód sa ati~g Tinubua~g Lupà. ¡Gaano~g biyayà a~g náihandog niyá sa Pilipinas, sa m~ga nátukoy na kapisaná~g kanyá~g likhâ! Nagturo rin namán n~g «Matemáticas» at «Historia Universal» sa Páaralá~g «Instituto de Mujeres» n~g m~ga taó~g 1902-1904, na~g dî tumangáp n~g anó má~g kabayarán sa kanyá~g m~ga pagpapagál, sa paniwala~g a~g Páaralá~g itó ay gumáganáp n~g isá~g dakila~g tu~gkuli~g maghandâ n~g mabubuti at may sapát na kaya~g m~ga mámamayán. Sa kanyá~g m~ga sinulat na aklát na lubhá~g mapakinaba~g, ay matukoy a~g «A.B.C.» n~g m~ga mamamayá~g pilipino na siyá~g kátututuhan n~g m~ga karapatan n~g m~ga mámamayán. Ku~g a~g kahoy ay nákikilala sa bu~ga, gaya n~g kasabihán, si Ginoo~g Felipe G. Calderón ay mákikilala sa kanyá~g m~ga ginawá~g pamana sa m~ga náhuhulí. Siyá'y namatáy niyaó~g iká 6 n~g Hunio n~g 1908, na~g hindî man natapos a~g hulì niyá~g ulat tu~gkól sa «Enciclopedia Filipina». Karapat dapat uliranin a~g kanyá~g halimbawa. =CAYETANO ARELLANO= [Larawan: Cayetano Arellano] Ku~g sino yaó~g nagsásabi~g a~g karunu~gan at kariwasaan ay kaaway n~g m~ga dukhâ ay nabubulaanan sa halimbawa~g sa kanyá~g sarili~g kabuhayan ay ipinakita n~g Mrgl. na G. Cayetano Arellano. Buhat sa isá~g muntí~g baya~g nakilala sa tawag na Udyó~g, sakop n~g lalawiga~g Bataan, at nakyát sa kátaastaasa~g likmuan n~g Pinakamataás na Húkuman dito sa Pilipínas. Nakyát na dî sa tagubilin at pagkakali~gà n~g isá~g pagkati~g politiko gaya n~g karaniwa~g ma~gyari sa m~ga tu~gkuli~g Pámahalaan, kundi sa sarili~g karapatán, kakayahán at karunu~gan, palibhasa'y isá~g dalubhasa~g karapatdápat sa alin má~g lalo~g masela~g na tu~gkulin. Nagsisikíp sa sa~gsinukob a~g pagkilala sa kanyá~g manini~gni~g na m~ga kurókurò sa kanyá~g m~ga hatol, magí~g sa pagsasarili niyá sakali~g a~g pasyá n~g kanyá~g m~ga kasamahán ay dî niyá marapatin, magi~g sa ku~g siyá'y makaayon na magbigay n~g sarili~g ulat. Si Gat Cayetano Arellano ay isá~g tao~g may mabuti~g ugalì, mabuti~g gawî at mabuti~g m~ga gawâ na ipinamana sa kanyá~g m~ga kalahi sa háharapi~g panahón. May mabuti~g ugali, sapagká't sa kanyá~g diwa~g nagsisikíp sa karunu~gan ay may siwa~g a~g m~ga súliranin n~g lipi~g tumata~gis at tuwî na ay nakátagpô sa kanyá~g m~ga hatol n~g isá~g kasiyaha~g loób, palibhasà ay nábabatáy tuwî na sa malinis na udyók n~g budhî. A~g m~ga ulila ay nakatagpô sa kanyá~g maáwai~g pusò n~g isá~g tapát na tagapagkali~gà at tagasaklolo; at walá~g sukat na paglilimós a~g ginagampanán niyá na~g wala~g sino má~g nakamalay, kahit na n~g tunay na sinasaklolohan. May mabuti~g gawî sapagká't sa haba~g panahón n~g kanyá~g ikinabuhay ay walá~g una~g nagí~g himali~g kundî a~g tahás na pagúubos kaya upá~g mapagaralan a~g m~ga súlirani~g sanhî n~g m~ga paghihirap n~g sa~gkatauhan, at magawaran n~g tumpák na lunas; pagáaral na walá~g maliw ha~ggá~g sa huli~g sandalî n~g kanyá~g buhay. At hindî sukat a~g pagsisikap sa sarili a~g kanyá~g hinaráp, dî mabila~g na m~ga dukhâ, na walá~g kaya~g ipagpáaral sa kanilá~g m~ga anák, a~g nakatagpô kay Gat Arellano, n~g isá~g ganáp na biyayà. Pinággugulan niyá sa pagáaral a~g lubhá~g marami~g maásahan sa háharapin, sapagká't sa ganitó~g paraán niyá ináakala~g makapagli~gkód n~g táhasan sa minámahál niyá~g Tinubua~g Lupà. A~g lahát n~g kanyá~g inisip sa paghahandóg n~g ginhawa sa na~gahíhirapan ay kanyá~g isina~gawá~g pawà, at kaypala'y dî iilán sa n~gayón a~g tumátamasa n~g ginhawa at nagpapasasà sa m~ga kaaliwa~g dulot n~g karunu~gan, na pawa~g uta~g sa pagkakawa~g-gawâ n~g Mr~gl. na G. Cayetano Arellano. Isá~g masaya~g araw n~g Marso, ikalawá sa buwan n~g taó~g 1847, a~g Pilipinas ay nagkapalad magkaroón n~g isá~g anák na kagiliwgiliw, isá~g anák na nagtampók sa kanyá sa isá~g kalagaya~g karapatdapat, at itó ay a~g ati~g pinagúukulan nitó~g m~ga katagá~g ulat. A~g m~ga pá~gunahí~g pagáaral ay idinaos sa sarili~g táhanan at nagpatuloy sa Páaralá~g «San Juan de Letrán» at sa «Universidad de Sto. Tomás» na tina~ggapán na~g m~ga katibaya~g sumusunod: «Bachiller en Filosofía» (1862) «Bachiller en Teología» (1867) «Bachiller en Derecho Canónico» at «Bachiller en Derecho Civil» (1871), «Licenciado en Jurisprudencia» (1876). Naghawak n~g tu~gkuli~g abogado n~g «Audiencia Territorial de Manila» at niyaó~g 1879, sa mu~gkahì n~g Pa~gulo n~g «Audiencia» ay náhira~g na Hukóm na may pananahanan sa «Gobierno Político Militar de Tárlac», at na~g makalipas a~g tatló~g taón, niyaó~g 1872, ay náhira~g na «Catedrático» sa Sto. Tomás sa Karunu~ga~g «Derecho Civil» at niyaó~g 1886 ay ginawaran n~g kapa~gyariha~g magí~g «Ma~gistrado suplente» n~g «Audencia» dito sa Maynilà. Nanu~gkulan n~g pagkakasa~ggunì n~g «Ayuntamiento» niyaó~g 1887; at niyaó~g taó~g 1898 ay ihinalál na Kalihim pa~glabas n~g ati~g Pámahalaá~g sarili sa Malolos. Pagkatapos magí~g Presidente n~g «Servicio Civil» ay ihinalál na Pa~gulo~g samantala n~g Mataás na Húkuman sa lilim n~g Pámahalaá~g Hukbó dito sa Pilipinas, at niyaó~g Hunyo n~g taó~g 1901, ay náhalál na Pa~gulo~g Pálagian n~g násabi~g Mataás na Húkuman. Niyaó~g siyá ay maglakbáy sa Amerika niyaó~g 1904, ay pinagkalooban n~g dì karaniwa~g kara~gala~g «Doctor en Derecho» n~g «Yale University», kara~gala~g sa bihira~g tao lama~g ipinagkákaloób. Náriyán a~g kabuhayan n~g isá~g mani~gní~g na Talà, ba a~g liwanag ay dî magkásiyá sa ati~g lupaín, hina~gaan n~g m~ga banyagà at kinilala~g isá~g pantás na kata~gíta~gì. A~g maliliit na bayan, magmulâ pa n~g mulâ at mulâ, ay na~gápabantóg dî sa kayamanan n~g kanyá~g m~ga pataním, dî sa kasaganaan at kasipagan n~g kanyá~g m~ga magsasaká, dî sa kabantugan n~g kanyá~g tikmâ, dî sa m~ga naglalakiha~g m~ga gamlayan, pagkápalibhasa ay dî itó a~g na~gi~gibabaw at ikinatata~gì sa ibá, kundî a~g pagkakaroón n~g m~ga anák na dî karaniwan, niyá~g m~ga tao nilá~g sa maliliít na bayan sumisiból upá~g a~g m~ga baya~g násabi ay mápabantóg at ha~gaan n~g m~ga baya~g lalo~g malalaki at maginhawa. Si Gat Cayetano Arellano ay isá~g tapat na anák n~g Pilipinas, at máituturi~g na isá~g karapat dapat na kawal n~g sandaigdian na kanyá~g pinagli~gkuran n~g malaganap na kisláp n~g kanyá~g diwà. Pagpalain nawa ni Bathalà a~g kanyá~g mabuti~g aláala at a~g kanyá~g m~ga kata~gian ay ipagpatuloy n~g dî mabila~g niyá~g kinandili. =SUSANA REVILLA= [Larawan: Susana Revilla] Huwag mo~g akalain giliw na mambabasa na a~g sanhî n~g muntí~g ulat na itó sa kara~galan n~g magandá~g dalaga~g tagalog na si Bb. Susana Revilla ay likhâ n~g m~ga karaniwa~g pagha~gà, sa m~ga dî karaniwa~g gandá~g nakáaakit na umawit tuwî na sa puso~g lalakì; hindî makalilibo~g hindî; sapagká't si Bb. Susana Revilla ay kabila~g diyán sa m~ga likhá~g karapatdapat lama~g pintuhuin at igala~g, dahil sa a~g kanyá~g talagháy ay dî katulad n~g sa lubhá~g marami~g gandá~g nakayayakag sa m~ga gawî n~g kalupaán. Isá~g kagandahan na linikhà mandin upá~g magí~g huwaran n~g m~ga babai~g Tagalog. A~g kabiniha~g kayakáp n~g isá~g kabaita~g likás ay nagpapati~gkád n~g kara~galan n~g kanyá~g lipì, at may isá~g dî karaniwa~g talino, palibhasà, kayá't nagagawá~g a~g lahát n~g kanyá~g magí~g kakilala ay huwág magimbót n~g anó má~g halua~g pagmamahál, at lahát ay magí~g maligaya sa kanyá~g pili~g. Pakingán nati~g sandalì a~g salaysáy ni G. Camilo Sala, tu~gkól sa kanyá~g kata~gian: «Sa labí~g dalawa~g taón pa lamá~g na gulá~g ay nasok na «colegiala» sa Concordia, ~guni't masasaktín palibhasà ay hindî nakapagpatuloy; subali't na~g sumunód na taón sa «Escuela Municipal de Manila», sa ilalim n~g pamamatnugot n~g m~ga «Madres de Caridad» nások, at dî nalaunan at kanilá~g nákilala a~g kamahalan n~g hiyás na yaó~g nások sa kanilá~g pintuan, sapagká't na~g sumunód na taón ay hinira~g siyá~g magí~g Pa~gulo n~g kalipunan n~g «M~ga Anák ni Maria», at pagkalipás n~g dalawa pa~g taón, si Susana na lalabí~ganimi~g taón pa lamá~g, niyaón 1887, ay tuma~ggáp na n~g Katibaya~g pagká «Maestra Elemental.» Aní Gina~g ni Alvero, kasalukuya~g Patnugot n~g Páarala~g «Instituto de Mujeres»: «Si Susana ay isá~g likhá~g dî karaniwan; a~g kanyá~g Páaralán niyaó~g taó~g 1900, na balakin ko~g magtatag n~g isá~g Páaralá~g babai na mapagháhandaán n~g mangákakatulo~g n~g m~ga lalaki sa m~ga súlirani~g bayan at pa~ga~gasiwà sa táhanan, ay kasalukuya~g bukás at marami~g aralá~g nakatirá at nagúuwian; ~guni't yaón ay kanyá~g ipininíd upá~g bigyán daán a~g tawag na itó n~g ati~g bayan, at a~g Instituto de Mujeres ay ami~g itinatag.» Kun saan mapagkikita, na kay Bb. Susana Revilla a~g kapakana~g sarili ay isá~g wala~g kabuluhá~g bagay sa pili~g n~g m~ga kahili~gan n~g bayan at n~g kapanahunan. Tu~gkól sa kanyá~g kabuhaya~g ta~gi sa loób n~g táhanan ay hindî mapagalinla~gana~g nápapalayô sa kanyá~g buhay na hayág, gaya n~g karaniwa~g ma~gyari sa karamihan na may ugali~g «pa~glabás» at may «panloób»; sa haráp n~g kapisanan at sa sarili ma~g táhanan, si Bb. Susana Revilla ay hindî nagbabago; siyá rin a~g masayá~g anák n~g Pilipinas na sa loób at labas n~g bahay, ay nakátatagpô n~g ligaya sa paggawâ n~g mabuti; a~g kabaitan niyá~g siból ay hina~gaan tuwî na n~g lahát niyá~g nákapili~g at nagkapalad na sa kanyá'y makákilala; at tu~gkól sa bagay na itó ay ani Pari Ulpiano Herrero: «Su via privada era la de una santa». Sumila~g sa maliwanag si Bb. Susana Revilla, sa mayama~g bayan n~g Sta. Cruz, Maynila niyaó~g iká 24 n~g m~ga Bulaklak palibhasà na~g kanyá~g mákita a~g uná~g liwanag, ay hiniyasán a~g kanyá~g buhay, n~g m~ga «sampaga» n~g kanikaniyá~g kata~gián; a~g kalinisan n~g kampupot ay iginayák sa kanya~g kálolwá, a~g kayumian n~g babaan ng loób, a~g «alejandria» ay nagdulot sa kanyá n~g isá~g kagandaha~g kata~gita~gi, at a~g «ila~g-ila~g» ay nagbigáy n~g samyô sa kanyá, na walá~g pagkapawì. Siyá'y anák na tunay ni G. Ceferino at ni Gg. Rosenda San José, maririwasá at mapapalad na nakapagdulót sa Iná~g Bayan n~g m~ga anák na karapatdapat; Pinagpalá, sapagká't makapagmamalaki at walá~g anó ma~g ipina~gimbulo sa m~ga ibá~g a~gkán sa haráp n~g kapamayanan. Kapatíd ni Bb. Susana Revilla a~g kamámatáy pa lamá~g na Hukóm sa Uná~g Dulugan, Kgl. na Bartolomé, Revilla. Tu~gkól sa kanyá~g likás na kabaitan at sanhî n~g kaligayahan n~g kanyá~g na~gákasama sa «Instituto de Mujeres», ay pakingán nati~g sandalì a~g ilá~g katagâ n~g Revista «Cultura Social»: «Toda suavidad en el mandar, no bien previa que alguna carga resultaba pesada para las demás, cuando la tomara en silencio para sí». Na~g a~g m~ga «Asuncionistas» ay dumaó~g dito sa ati~g Lunsód at magbukás n~g kanilá~g «Colegio» ay nagpatuloy n~g pagáaral si Bb. Susana Revilla, upá~g magkaroón n~g katibaya~g «Maestra Superior» at siyá'y isá sa uná~g labí~g tatló~g Maestra na nagtamó n~g gayó~g katibayan. Niyaó~g taó~g 1909, ay náhira~g siyá~g Tagapamatnugot n~g «Instituto de Mujeres». Sa panahó~g itó ay dî kakaunti~g sikap a~g ginawâ n~g m~ga mai~ggiti~g Páaralán upá~g siyá máialis doón, at hinandugan siyá n~g malalakí~g sahod, ~guni't sa haráp n~g naghihikahós na «Instituto» noón, ay pinilì niyá a~g manatili sa pili~g n~g kanyá~g minámahál na «Instituto» na kanyá~g pinaghandugan n~g isá~g paglili~gkód na walá~g pasubali, pina~ggugulan niyá n~g lahát n~g pinakamabuti niyá~g panahón sa kanyá~g buhay, at dî miminsá~g kinaila~ga~g a~g kanyá~g m~ga hiyás ay másanlâ, huwag lamá~g máuntól a~g mabutí~g lakad n~g «Instituto» dahil lamá~g sa kasalatán. May isá~g dakila~g pagti~gin at paghahakà sa kauta~gán si Bb. Susana Revilla, gaya n~g lahát na~g may wagás na pusò, at aní Sor Dolores Velarde, nagí~g Guró n~g «Instituto» at gayón ay «Madre de la Caridad» sa isá niyá~g lathalà tu~gkól sa bagay na itó: «Nuestra Ilorada Directora tenía una idea sublime del deber.......! Cuantas veces la hemos sorprendido en su aposento dando clases a sus alumnas desde su cama!» Ha~gga~g sa kalubhaán na n~g sakit na dî na makatindíg halos ay ginagampanán a~g kanyá~g katu~gkula~g pagtuturò. Buhat pa niyaó~g iká 28 n~g Disyembre n~g 1916 ay náratay na sa baníg, ~guni't na~g buksan a~g Páaralán niyaó~g Enero, ay dî pa man halos makagulapay ay dumaló rin sa kanyá~g bulwaga~g pinagtuturuan. Si Bb. Susana ay isá~g tunay na alipin n~g kauta~gán. Ihinatíd sa Págamuta~g «San Juan de Dios» niyaó~g iká 24 n~g Marso, a~g lahát n~g sikap n~g m~ga ma~ggagamót na isá rito ay si Dr. Miciano, ay na walá~g lahát n~g halagá, at a~g pinagpitaganan tuwî na n~g kanyá~g m~ga kaibigan, a~g matalino~g Tagapamatnugot n~g «Instituto de Mujeres», a~g dalubasà, mayumì at mabait ha~gga~g sa huli~g sandalî n~g pakikitalad sa buhay, ay binihag n~g wala~g awa~g kamatayan, niyaó~g iká 11 na~g Abril n~g taó~g 1917. Sumala~git nawâ a~g butihi~g Guró at a~g kayá~g diwà na naghaharì sa Páaralá~g «Insituto de Mujeres» ay magí~g ta~gláw tuwî na n~g kanyá~g m~ga kasamahan. Lumipat sa kabila~g buhay a~g isá~g marilág na Guró na nátuto~g maglagáy sa isá~g mataás na kalagayan n~g mabuti~g pa~galan n~g kanyá~g pinamatnugutan Páaralan. Pinagpala~g «Instituto de Mujeres», na makapagmamalakí~g nagkaroón n~g m~ga diwa~g gaya n~g kay Bb. Susana Revilla, pinagpala~g «Instituto de Mujeres» na linabasan n~g m~ga babai~g kata~gíta~gì, salamat sa banal na simulai~g «Pananampalataya at Karunu~gan». Narián a~g Páaralán n~g m~ga Páaralán. [Larawan: Isang tanawin ng Himagsikan niyaong 1898.] =TEODORA ALONZO= [Larawan: Matandang larawan ng Ina ng ating Bayani.] Sa mayama~g bayan n~g Santa Cruz, Maynilà ay dito nakákita n~g una~g liwanag, a~g isá~g sa~ggól na babai~g tinawag na Teodora, anák ni Kapitá~g Lorenzo at ni Gg. Brígada Quintos. Siyá a~g mapalad na babai~g nakapaghandóg sa Ina~g Bayan n~g Bayani n~g m~ga Bayani, si Gat José Rizal. Siyá'y buhat sa a~gká~g gisí~g a~g munì, a~g kanyá~g nunò si G. Cipriano Alonzo ay isá sa m~ga máginoó sa bayan n~g Biña~g, Laguna. nagí~g mánunukát n~g lupà at sumusulát at nagsasalitâ n~g Kastilà, Inglés at Pranses, nagî~g Kapitan sa bayan, isá sa matataás na katu~gkula~g ipinagkakatiwalà sa m~ga pilipino n~g m~ga panahó~g yaón. A~g m~ga ninunò sa iná ni Teodora, ay buhat din sa mabuti~g a~gkán. Si G. Manuel Quintos, a~g amá n~g kanyá~g iná ay isá~g mabuti~g batà sa «Universidad de Sto. Tomás», at mabuti~g amá palibhasà ay nagsikap na a~g kanyá~g anák na si Brigida ay magí~g isá~g babai~g may pinagaralan. Kahit na a~g kanilá~g a~gkán ay nanínirahan sa Kalambâ, si ali~g Teodora ay ipina~ganak sa Kamaynilaán, gaya rin n~g kanyá~g m~ga kapatid. Sa lahát n~g itó áy matitiyák na si G~g. Teodora ay buhat sa mabutí~g a~gkán, siyá ay sumila~g sa isá~g ának na matalino at a~g lahát n~g kanyá~g m~ga kasambaháy ay pawa~g múlat sa dakila~g gawî. A~g una niyá~g m~ga pagáaral ay buhat sa sarili~g táhanan, at kahit na lubhá~g mairugín a~g kanyá~g m~ga magula~g ay hindî siyá iminulat sa layaw, dahilá~g kanyá~g ikinágisí~g sa mabutí~g gawî at ipinagsumikap na magí~g isá~g babai~g ta~gì, may likás na baít at may talino namá~g karapatdapat. Hindî siyá namalagì sa pag-áaral siyá'y ipinasok sa Sta. Rosa sa lilim n~g pamamahalà n~g m~ga «Madres de la Caridad» at doón siyá námulat sa pananampalataya~g binyagan at n~g gawí~g magsimbá at gumanáp n~g m~ga katu~gkulan n~g isá~g mabuti~g tao. [Larawan: Si G. Francisco Rizal Mercado pinagpalang Ama, na naghandog ng isang dakilang Bayani sa Lupang Tinubuan.] Niyaó~g 1848 ay nakìpagisá~g pusò si Gg. Teodora Alonzo kay G. Francisco Rizal y Mercado, at kápuwâ nagsumikap sa ikapanánatili n~g kapayapaán sa loób n~g táhanan, gaya n~g isá~g tunay na ulirá~g magasawa; at a~g m~ga anák ay sunódsunód na nagsiratí~g at lalo~g nagí~g maligaya a~g kanilá~g buhay sa pili~g n~g m~ga suplí~g n~g dalisay nilá~g pagibig. Silá'y na~gágsiunlád sa pamumuhay at sanhî itó na~g pagdami n~g kanilá~g pánauhí~g banyagà at kababayan man ~guni't nápansín sa kanilá n~g labis a~g pantáypantáy na kanilá~g pagta~ggáp sa sino ma~g pánauhín, magí~g pantás man at ha~gál, mayaman at mahirap, banyagà at kalahì man; sa kanilá'y dî nápansin a~g pa~gtata~gì kay ganitó ó kay gayón, n~g dahil sa si gayón ó si ganitó, ay lalo~g dakilà, mayaman ó maruno~g kayâ; a~g likás na kaugaliá~g mapagampon at mapagta~gkilik n~g lahi~g Tagalog ay naghaharì sa kanilá~g táhanan. Sa pagkainá ni Gg. Teodora, ay nanupád siyá n~g gayón na lamá~g na kasikapan, upá~g a~g kanyá~g m~ga sa~ggól ay mápanuto; lubhá~g mairugin tuwî na at mapa~galagà; lahát n~g walá~g malay na tanó~g ó paguusisà n~g kanyá~g m~ga anák ay tinútugón niyá~g lahát n~g boó~g tamís at liwanag, upá~g masiyahán a~g m~ga anák; ~guni't kailan ma'y dî nagí~g mapagpalayaw. Ginampanan niyá a~g tunay na tu~gkulin n~g isá~g mabuti~g iná, na, mapa~galaga sa m~ga sa~ggól, mapagturò sa kabataan at tapát na kaulayaw at kaibigan n~g ma~gagsilaki na at tumuntó~g sa ganáp na gula~g. Iminulat niyá sa m~ga anák a~g pagsusumikap na mag-isá, at niyaó~g si Gat. Rizal ay aapatín taón pa lamá~g at nahihirapa~g bumasa n~g kanyá~g Katón ay boó~g tamis niyá~g sinabi a~g gayarí. «Paáno ka ku~g di makapagsisikap na mag-isá. Maáari kayá~g lagi ka~g nakasandál ka~ginó man? Sikapin mo~g mag-isá ka~g magáral at gumawa~g tiwalag sa ibá, sa gayón ay matataya mo a~g sarili~g lakás at masasanay ka~g mag-isá sa m~ga gawain». Nagí~g kasayahá~g loób ni Gg. Teodora a~g manoód sa kanyá~g m~ga anák na bukód bukód n~g paggawâ, tila bagá niyá nákikikita sa gayon a~g malakí~g katamisan n~g isá~g kasarinlan sa paggawâ man lama~g. Tuwî na'y sinalitâ niyá sa kanyá~g m~ga anák ku~g gabí a~g m~ga buhay n~g m~ga dakila~g tao, ó a~g m~ga buhay kayá~g may lula~g m~ga dakila~g aral, upá~g bago matulog a~g m~ga anák ay mábaon sa pagtulog a~g mabubuti~g hinuhà. Sinikap niyá~g isatagalog a~g m~ga manini~gní~g na buhay n~g kanyá~g nálalaman, upá~g maliliit pa a~g m~ga anák ay makatahô na n~g m~ga dakila~g huwaran. Sinikap niyá~g a~g m~ga anák ay magharap sa kanyá tuwî na n~g násusulat na hinuhà sa kanyá~g m~ga kasaysaya~g ibinubuhay ku~g gabi, at kanyá~g isinasaanyô a~g m~ga kamalian, at sa ganitó~g paraan sa gula~g na siyam na taón, a~g anák niyá~g Pepe, ay nagharáp sa kanyá n~g isá~g Dulá~g Tagalog na kinágiliwa~g labis n~g Kápitan sa bayan n~g panahó~g yaón. Niyaó~g taó~g 1898, ay nabalo siyá sa ginigiliw na asawa, at náparagdág sa kanyá~g pagta~gis na magdádalawá~g taòn na sa pagkakaputi n~g buhay n~g mahál niyá~g anák na si Dr. Rizal, a~g pagkamatáy ni G. Francisco Rizal at Mercado. Niyaó~g 1907, sa pasimulá~g Pulo~g n~g una~g Kapulu~ga~g Bayan, ay hinandugan si G~g. Teodora Alonzo n~g m~ga para~gál at inalayan siyá n~g marami~g salapî bila~g tulo~g sa kanyá~g katiisan, ~guni't hindî niyá tina~ggáp at pinati~gkád niyá~g a~g kanilá~g a~gkán ay hindî nagmámahál sa Lupá~g Tinubuan n~g dahil lamá~g sa salapî. At niyaó~g iká 16 n~g Agosto n~g taó~g 1911, a~g banal na Iná n~g dakilá~g Bayani, ay pumisan sa kanyá~g m~ga kapilas n~g buhay at sumapayapà sa kaharian ni Bathalà. A~g paglilibi~g sa kanyá ay ginanáp niyaó~g iká 19 n~g Agosto, at a~g m~ga matataás na kagawád n~g Pámahalaán ay nakipaglibí~g na pawà, tandâ n~g isá~g pakikidalamhati~g lúbusan sa kanyá~g pagpanaw sa baya~g itó n~g m~ga dalamhatì. Bila~g aláala sa kanyá~g pa~galan, a~g dati~g daá~g «Aranque» ay pinalitan n~g «Teodora Alonzo». [Larawan: Ang huling larawan ni Gg. Teodora Alonzo.] =Melchora Aquino (Tandang Sora)= A~g pagúukulan ko ~gayón nitó~g maigsí~g ulat, giliw na bumabasa ay isá~g babai~g hindî man lama~g nakasapit n~g m~ga pintuan n~g Páaralán, kaya't tahás na masasabi~g dî lama~g sa m~ga Páaralán nátututuhan a~g pagibig sa Tinubua~g Lupà. Si ali~g Sora ay isá~g likás na mapagmasakít sa alin ma~g bagay na ukol sa sarili. Si ali~g Sora, gaya n~g tuwî na'y itinawag sa kanyá n~g m~ga Katipunan ay nagí~g isá~g tunay na iná~g takbuhan niyaó~g na~gaghimagsík at nagtayâ n~g buhay sa ikalalayà natin. A~g kanyá~g dula~g ay lagi~g may hain, at a~g mahigít na isá~g libo~g Katipunan na naglisaw sa Balintawák na naghíhintáy n~g isá~g hudyát upá~g a~g talibó~g ay ipakipagpi~gkian sa m~ga «remi~gton» at «mauser», upá~g sa pamamagitan noón ay lutasin a~g usapín n~g atí~g baya~g nasusukuban at ináalipin n~g kapuwâ bayan, ay nakatagpô kay ali~g Sora n~g isá~g iná~g mapagkupkóp. Sumilá~g si Tandá~g Sora sa Balintawák niyaó~g taó~g 1812. A~g ganitó~g gawá~g kapuripuri ay pinarúrusahan noón n~g parusa~g kamatayan, kayá't lubhá~g kagilágilalás na a~g isá~g ha~gál na gaya ni tanda~g Sora, ay huwág sagián n~g takot at bagkús nagibayo a~g tápa~g at pá~gatawanan at walá~g pa~gimi~g winaldás a~g kanyá~g kaunti~g natitipo~g palay sa kanyá~g m~ga ba~gán, gayón din n~g salapí~g patí na sa ikapitó~g buhól halos n~g taguan ay pawa~g tinunaw. A~g ganitó~g gawâ ni tandá~g Sora ay hindî nálihim sa m~ga tiktík n~g Pámahalaá~g kastilà, kayá't siyá'y ipinadakíp pagdaka at sa bisà n~g isá~g utos ni Henerál Polavieja niyaó~g 1897, siyá ay ipinatapon sa Monjuich. Dî man lama~g iginalá~g a~g kanyá~g katandaán at pagkababai. Pinalad pa rin siyá~g makabalík digmaan at matahimík siyá~g namatáy sa kanyá~g táhanan sa Balintawák, Kalookan, poók na nakásaksí n~g lalo~g pinaká mani~gní~g na dahon n~g ati~g kasaysayan. Ku~g si Gat Bonifacio ay nabubuhay at makapagsásalitâ n~g náúukol kay tandá~g Sora, disin ay nakábasa tayo n~g isá~g magandá~g halimbawà sa kanyá~g iuulat na dîsapalà ay pawa~g papuri sa babai~g itó na siyá~g tunay na «Iná n~g m~ga Katipunan.» A~g m~ga salitá~g «kumain ka na ba kapatid» at isá~g ~gití~g namamalayláy sa kanyá~g m~ga labì ay tila nákikinitá ko pa ha~gga~g ~gayón. A~g m~ga salitá~g yaón ay siyá niyá~g bati at panalubo~g sa walá~g patlá~g na m~ga katipuna~g sa maghapon halos at sa loób n~g mahigit na dalawá~g buwán ay kanyá~g kinaila~ga~g para~g m~ga tunay na anák. Tinawag sa sinapupunan ni Bathalà niyaó~g iká 2 n~g Marzo n~g taó~g 1919, sa gula~g na isá~g daan at pitó~g taón. A~g kanyá~g bankáy ay iniwi n~g m~ga «Labí n~g Hímagsíkan» na siyá~g na~gasiwà sa paghahatíd sa kanyá~g hulí~g táhanan. [Larawan: =Ang Libingan ng mga Bayaning Pilipino.=] =APOLONIO SAMSON (Tinteng Pulonyo)= Talaga~g kinusá nami~g hiyasán a~g Sa Langit ng Bayang Pilipinas n~g m~ga tao~g walá~g gasino~g talino gaya ni Tanda~g Sora at ni Tininté~g Polonio, na bagá ma~g puklín n~g sandakót na «a» ay dî nilá mákikilala, gayón ma'y makapagmamalakí n~g gayón na lama~g at makapagsasabí~g nakapagli~gkod sa Tinubua~g Lupà. Si Tininté~g Polonio ay sumila~g sa isá~g tagó~g Nayon na nákikilala sa tawag na Ka~gkó~g, sakop n~g Balintawák, Kalookan, niyaó~g 1851 at isá sa m~ga una~g katipunan na sa tawag ni Andrés Bonifacio ay tumugó~g agád n~g wala~g anó má~g pasubalì. May kauntî ri~g kaya na náiliblib sa mahirap na pakikipamayani sa buhay, palibhasà ay tahás na mapagimpók, at a~g kanyá~g lahát na~g natitipon, bago pa si tandá~g Sora, ay kanyá~g ginugol n~g walá~g patuma~ggâ sa m~ga káila~ganin n~g m~ga Katipunan. Dahilán itó na ikinamahál sa kanyá n~g gayón na lamá~g n~g «Supremo», na sa pagkilala sa kanyá~g mani~gni~g na paglili~gkód ay inatasan siyá n~g tu~gkuli~g Kapitán n~g m~ga sandatahán. Si Tininté~g Polonio ay isá~g bayani~g sa tapá~g ay walá~g ipa~gigimbulo sa ibá at a~g gayón ay sinikap niyá~g mamalagì at sanhî n~g ipinagmahál sa kanyá n~g kanyá~g m~ga nákasama. Isá~g pabulaá~g walá~g kabalíbalì na a~g tunay na pagibig sa Tinubua~g Lupà ay dî sa m~ga liná~g na tao lamá~g namamahay, may m~ga likás na kabaita~g talagá~g dináramdám n~g tao, na~g dî sa tulo~g lamá~g n~g duno~g at itó'y a~g likás na pagibig sa sarili at sa m~ga kapatíd sa Iná~g Bayan. A~g tawag na «kapatid» ku~g sa m~ga labì ni Tininté~g Polonio pumupulás ay kábabakasán n~g tunay na kahulugán noón, at a~g kanyá~g m~ga tao na dî rin kákauntî ay pawa~g nagí~g tapát sa kanyá. Na~g magkalupitlupit sa dako~g wakás, na a~g ati~g m~ga marurunó~g ay madalá na sa kilusa~g yaón na kinatakutan n~g marami at pinawalá~g saysáy sa m~ga pahayag sa nagsisiakit, ay itiniwalá~g na lahát a~g m~ga ha~gál sa pamiminunò at a~g gayo'y pinagbuhatan n~g mahalagá~g salitâ ni Tininté~g Polonio na gayari: «Patakbuhín ninyó a~g m~ga kastilà sa pamamagitan n~g tintero at pluma.» Si Tininté~g Polonio, gaya n~g m~ga limót na Bayani ay linapasta~gan n~g isá~g kamáy na pa~gahás niyaó~g 1902 at a~g kanyá~g kamatayan ay kahanáy n~g pagkáwakawak niná Rosendo Simón, Procopio at Ciriaco Bonifacio, Venancio Guevara at iba pa na pawa~g sa dilím n~g gabí na~gaiwan. Magí~g pambawì a~g m~ga talata~g itó sa kanilá~g m~ga buhay na náwakawak, at harì na~ga~g pagbuó n~g ati~g kasaysayan ay pagukulan silá n~g m~ga daho~g karapatdapat sa kanilá~g walá~g kahulilip na pagibig sa ati~g Iná~g Pilipinas. [Larawan: Isang tanawin sa Masambong, Balintawak, niyaong Himagsikan, 1898.] =MIGUEL MALVAR= [Larawan: Gen.MIGUEL MALVAR] Anak n~g makasaysaya~g lalawigan n~g Bata~gan, si Malvar ay námulat sa kapanahuna~g a~g pa~gaapí ay naghaharì at a~g katuwiran n~g bayan ay kasalukuya~g tumáta~gis, kayá't a~g kanyá~g diwà ay nahikayat na mag~galit n~g gayón na lamá~g sa pamamalakad na mapaniíl; at a~g gayó~g pagpupuyos n~g kalooban ay nagkaroón n~g pagbúbuntuhán, na~g a~g una~g hiyáw n~g layà ay pasimulán sa Balintawák n~g ati~g Bayani~g si Gat Bonifacio, niyaó~g Agosto n~g taó~g 1896, kilusá~g karakaraka niyá~g inaniban n~g ubos kaya. Ipinamalas ni Malvar sa Hímagsíkan a~g isá~g kata~gíta~gi~g pakikibaka, at sa ulunán n~g isá~g pulutó~g na m~ga pili~g tagá Bata~gan ay linusob nilá a~g m~ga himpilan n~g m~ga kastilà sa Tanawan, at doó'y nakilala a~g kanyá~g isá sa malalakí~g pahayag at tutol sa lara~gán n~g digmaan, na pinasimulán sa ~ganáp na iká 9 n~g gabí at tumagál ha~ggá~g iká 6 n~g umaga n~g araw na kasunód, panahó~g ikinalipol n~g taná~g nagtata~ggól na kawal na m~ga kastilà sa himpila~g yaón; at sa katapa~gan niyá~g ipinamalas ay minarapat siyá~g gawí~g Punò n~g kanyá~g m~ga kasamahán. Na~g idaos a~g «Pacto» sa Biyák na Bató, niyaó~g Disyembre n~g taó~g 1897, buhat sa Bulakán ay nanumbalik siyá sa sarilí~g lalawigan upá~g pagmasdán ku~g a~g m~ga dako n~g násabi~g kásunduan ay magáganáp. Hindî sumama si Malvar sa Lupon n~g Hímagsíkan na lumipat sa Ho~gkó~g; ~guni't naparoón siyá~g kasama a~g tauá~g kaanak at tumulo~g sa m~ga punyagî n~g kanyá~g m~ga kababayan sa ikalulusóg n~g Baya~g Tinubuan. Na~g makaraán a~g ma~gíisá~g taón na ipinanahanán niyá sa Ho~gkó~g, niyaó~g Hunyo iká 15 n~g taó~g 1898, ay bumalík siyá sa Kapuluá~g Pilipinas, at noón na ~gâ siyá ginawá~g Henerál, upá~g pa~gasiwaan niyá a~g m~ga kawal sa m~ga lalawigan n~g Tayabas at Laguna, at sa panahón n~g kanyá~g ipinamunó ay nagkaroón siyá~g lagi n~g mabuti~g palad na magtagumpáy tuwî na at makábihag n~g marami~g kawal n~g m~ga kastilà. Siyá'y isá~g Henerál na lagi~g pinatnubayan n~g Mabuti~g Talà. Niyaó~g Pebrero, iká 4 n~g taó~g 1899, a~g pagkákaibigan n~g m~ga kawal n~g Pilipinas at n~g m~ga kawal n~g Amerika ay nasira, at si Henerál Malvar ay náatasa~g magí~g Pámunuán n~g m~ga kawal n~g Maynilà at Laguna. A~g Pagsanhan at Sta. Cruz sa Laguna ay ipinagta~ggól n~g magkaayaw na Pa~gkát ni Ricarte, Malvar at Agueda Kahabagan, itó~g huli ay isá~g babai~g nagpakita n~g lalo~g malalaki~g kagiti~gan na ikinama~ghâ n~g kanyá~g m~ga nákasama. A~g m~ga baya~g binangít ay ku~g makaila~g lusubin n~g m~ga amerikano, ~guni't tuwî na'y napipilan. Si Henerál Malvar ay naglamay at nagpunyagî gabi at araw upá~g magtipon n~g tao, magsanay sa m~ga itó sa pakikibaka at magpa siglá n~g m~ga kalooban, upá~g a~g pagdidigmaan at pagtata~ggól n~g ati~g katuwiran at kalayaán ay magtagumpáy. Sa masamá~g sandali niyaó~g Marso iká 23 n~g 1901, a~g Presidente Aguinaldo ay nahulog sa kamáy n~g m~ga kalaban, sa Palanan, Isabela; gayón man si Henerál Malvar ay nagpatuloy pa rin sa pakikibaka at sa kanyá~g m~ga nasásakupan ay nagpadalá siyá n~g gayari~g pahayag: «A~g ati~g sandata ay dapat na magpahayag na dî natin ginagamit upá~g ipuksá sa m~ga kawal na amerikano, sapagká't gaya rin natin, sila ay may m~ga iná, asawa, kapatid at m~ga anák na tumáta~gis ku~g silá'y ma~gápatáy». «N~guni't tayó'y gumágamit n~g sandata upá~g ipagta~ggól a~g katutubó~g katuwiran, katuwira~g magkaroón n~g sarili~g Pámahalaán, Kalayaan at Kasarinlan.» Sa bahagi~g itó n~g pamahayag ni Malvar ay mákikilala a~g kanyá~g pagkaliná~g na tao, mairugin sa Tinubua~g Lupà at mataró~g na Puno~g kawal. Sa pagkilala sa malalaki~g sikap at mahalagá~g gawâ ni Henerál Malvar, a~g Lupon Pambansâ sa Ho~gkó~g, niyaó~g una~g araw n~g Abril n~g taó~g 1901, ay nagpasyá~g iátas sa kanyá a~g Tu~gkuli~g pagká Pa~gulo~g kawal sa Pilipinas, ~guni't sa kanyá~g m~ga pamahayag na ilinagdâ ay ipinamalas niyá~g hindî lamá~g a~g sikap n~g m~ga kawal a~g kanyá~g pinagbatayan, at a~g bulág na pagsunód sa m~ga kautusá~g kawal, kundî lalò na a~g tulo~g n~g m~ga tao~g bayan na siyá~g lalo~g mabisà at mapakinaba~g sa m~ga mithii~g ipinakíkipaglaban. Samantala~g si Henerál Malvar ay boó~g tapa~g na nagtáta~ggól n~g ati~g Kalayaan, a~g Lupon namán sa Kapayapaán ay kasalukuya~g nagháhandâ n~g isá~g mabutí~g paraán upá~g a~g digmaan ay maihatíd sa isá~g pagkakasundó~g kapuripuri, at niyaó~g Abril n~g taó~g 1901 ay nakipanayám kay Henerál Malvar a~g isá~g Lupon tu~gkól sa bagay na itó, ~gunit nabigô. Nápansín ni Henerál Cailles, a~g pagkakátuwás n~g atí~g kalagayan, a~g kalakasán at kapa~gyaríhan sa dami n~g m~ga kadigmâ at dahil dito, upá~g maampát a~g dugô na dumadaloy na wala~g tarós ay hini~gî nitó kay Henerál Malvar na sumukò na; a~g kahili~gan n~g kaibigan ay iginala~g, ~guni't nagpatuloy din n~g pakikidigmà sa paniwala~g sa gayó~g paraán lama~g mapatútunayan a~g marubdób na pagnanasà n~g Kasarinlán. Sa kanyá~g kublihan sa Bawa~g, ay ku~g magkáilá~g lusubin siyá n~g m~ga amerikano, ~guni't tuwî ná'y ipinagta~ggol niyá n~g boó~g tapa~g at kabayanihan, at tuwî na'y napipilan doón a~g kawal na kalaban. Subali't a~g gutom ay isá~g kaaway na nápakalupit, at sa tulo~g n~g pakikiusap n~g lubhá~g marami~g kaibigan, sa talagá~g kadahupán n~g kaya na magpatuloy pa sa pakikidigmà, ay nakipanayám siyá kay Henerál Bell at bago niyá ginawà itó ay gumawâ muna siyá n~g gayari~g pamahayag: «Patu~go ako ~gayón upá~g dalawin si Henerál Bell, at anó man a~g kálabasán n~g pakikipanayám sa kanyá, ay hinihi~gî ko sa m~ga kababayan, na huwág lamá~g ako~g lilimutin. Tayó'y pawa~g magkakapatíd. Kahit na nilá akó dalhin sa Estados Unidos ó sa alin má~g dako n~g Daigdigan, ay dî ko malilimutan a~g pinakaiibig ko~g Tinubua~g Lupà». «Isinasalo~g ko a~g sandata, sapagká't a~g aki~g m~ga kaanak at m~ga kaibiga~g sumasama sa akin ay na~gagkákasakít sa tinitiís na kagutuman. A~g akí~g pitó~g anák at a~g aki~g giliw na asawa ay lagí~g nasa pili~g ko at tiniis nilá a~g lahát n~g kahirapan». Niyaó~g iká 16 n~g Abril n~g taó~g 1902, ay natapos a~g m~ga panayám ni Henerál Malvar, at dî siyá ipinadalá sa labas n~g Pilipinas. Nanirahan siyá sa Sto. Tomas, Bata~gan, at a~g pagsasaka ay siyá niyá~g hinará~p sa paniwala~g sa ganitó~g paraán lamá~g máitátatag a~g m~ga kaila~gan n~g nasira~g bansâ. Mataliimik siyá~g namuhay sa bukid ha~ggá~g sa napilita~g lumuwás n~g Maynilà dahilán sa sakit sa atáy na kanyá~g dinanas, at niyaó~g iká 13 n~g Oktubre n~g 1911, n~g kanyá~g hirap sa buhay na itó ay winakasán, upá~g masok sa buhay na walá~g ha~ggán n~g m~ga Bayani na walá~g kamatayan. Dinalá a~g kanyá~g ba~gkáy sa Sto. Tomas at doón binigyán n~g kanyá~g sarili~g pitak na pamamahi~gahan n~g m~ga labí n~g isá~g buhay na maúulirán sa katapa~gan at katapata~g loób sa Lupa~g Tinubuan: Sumala~git nawâ. =EMILIO JACINTO= [Larawan: EMILIO JACINTO] Si Emilio Jacinto, a~g kana~g kamay ni Gat Bonifacio ay sumila~g sa maliwanag, niyaó~g 1879, sa bayan n~g Trozo, sakop n~g Maynilà; anák dukhâ at walá~g kara~galan kundî a~g likás na pagkatao, kayá't musmós pa'y nákita na sa kanyá~g paligid a~g pagkakátuwás n~g m~ga palad. Nagáral na mag-isá sa pamamagitan n~g m~ga magula~g na nagturò sa kanyá~g kumilala n~g m~ga titik at sa pamamagitan n~g katipiran at pagsasakit ay napapag-áral din a~g bata~g si Emilio Jacinto ha~gga~g sa makasapit sa dambanà n~g karunun~gan sa «Universidad de Sto. Tomás». Gáano~g pagsasakit a~g ginawâ n~g kanyá~g m~ga magula~g upá~g a~g kanyá~g isip ay mámulat sa malawak na tahakin n~g karunun~gan. Sa «Universidad» ay nagí~g kapanahón ni Emilio si G. Juan Sumulong, isá sa nagí~g mataás na tao at dalubhasa~g nagtagláy n~g lalo~g matataás na katu~gkulan sa Pámahalaán. Kápuwâ silá palibhasà anák dukhâ, kayá't a~g kanilá~g m~ga simulaín ay nagkakátulad, at a~g pagmamalas sa m~ga matataás na a~gká~g kanilá~g nákasama sa pagáaral ay nakakilitî sa kanilá~g dalawá, kayá't pinasikap nilá~g silá'y mápalayô sa kalipunan n~g m~ga yaón, na kanilá~g kinasúsuklamán mandín. Dahilán sa maaga~g hiyáw n~g Hímagsikan na kanyá~g inaniban pagdaka ay dî nakatapos si Emilio Jacinto n~g kanyá~g pa~gáaral, baga ma~g nagiwan siyá n~g isá~g mabutí~g tálaan n~g kanyá~g pag-áaral sa «Universidad de Santo Tomás». Lagi siyá~g matigás at dî karakaraka~g nagbabago sa bisà n~g m~ga tagubilin; tuwî na'y ipinagta~ggol niyá n~g ubos kaya a~g ináakalà niyá~g katuwiran. Ganito a~g kanyá~g pamamalakad sa sarili sa boó~g panahó~g siyá'y nabuhay. Niyaó~g taó~g 1896, si Emilio Jacinto at na~guna sa isá~g lupon na itinatag ni Gat Bonifacio upá~g makipagkita sa Kinalawan n~g Baya~g Hapón dito sa Pilipinas, upá~g pasapitin sa Emperador n~g Hapón a~g isá~g Pahayag. Isá sa m~ga bahagi n~g Pahayag ay itó~g sumúsunód: «A~g m~ga sinag n~g liwanag na lumaganáp sa Bansá~g Hapón ay nakarati~g din dito sa Pilipnas. Dapat kami~g makinaba~g sa liwanag»: Na~g taón di~g yaón ay nagsuót insík siyá upá~g makipagkita kay Dr. Rizal at yakagin itó~g makiisá sa kilusán sa paghihimagsík, ~guni't sa pagkakákilala ni Doctor Rizal, na na~g panahó~g yaón ay salát na salát tayo sa paghahandâ at malayò sa pananagumpáy a~g hímagsíkan, ay tinugón siyá~g «a~g gayó'y hindî pa dapat». At na~g simulán na a~g pakikibaka buhat sa Balintawák, at a~g kasarinlan n~g Pilipinas ay ipinahayag na sa pamamagitan n~g sandata, ay ginawa~g Henerál si Emilio Jacinto, at a~g kanyá~g sakop ay a~g ~gayó'y lalawigan n~g Rizal dati~g Moro~g, a~g Laguna, Bulakán at Bago~g Ecija. Si Emilio Jacinto ay siyá~g una~g kasa~gguni ni Bonifacio, ha~ggá sa itó'y pinatáy n~g isá~g sala~ggapá~g niyaó~g 1897. Sa isá~g tagpuan sa baya~g Mahayhay, Laguna, sa isá~g malaki~g pulutó~g n~g Hukbó~g kastilà, si Emilio Jacinto ay nasugatan, at nábihag n~g m~ga kaaway; ~guni't hindî naglaón sa kamay n~g m~ga kastilà at niyaó~g Abril n~g 1899 ay binawian n~g buhay a~g dakila~g Henerál. A~g kanyá~g sagisag na isinatuntunin n~g katipunan ay itó~g m~ga sumusunód: (Liwanag at Ni~gni~g; Kalayaan; Pagibig; A~g Pámahalaán at bayan; Malí~g Pagsampalataya; Paggawâ;) «Liwanag at Ningning: A~g ni~gní~g ay nakasisirà n~g matá samantala~g a~g Liwanag ay tumata~glaw». «Kalayaan: A~g kalayaan ay ipinagkaloób sa lahát n~g tao buhat sa pagkápa~ganák at siyá'y dapat gamitin kailan man, hindî upá~g puminsalà sa kahit sino. A~g kalayaan ay buhat sa la~git at hindî kaloób n~g anó ma~g kapa~gyarihan sa ibabaw n~g lupà». «Pagibig: Sa m~ga karamdama~g tináta~gláy n~g tao ay walá~g napakadakilà gaya n~g «Pagibig.» Kundî sa pagibig a~g m~ga bayan ay napawi sa ibabaw n~g lupà, a~g m~ga kapisanan n~g m~ga tao ay nátulad disin sa lagás na dahon n~g kahoy na ipinagliliparan n~g isá~g buhawi, ~guni't dahil sa pagibig ay malalakí~g bagay a~g nayayarì». «Ang Pamahalaan at Bayan: A~g pagkasulo~g n~g m~ga Bayan ay nagbubuhat sa m~ga mámamayán at ito'y isá~g dakila~g kapa~gyarihan». «Maling Pagsampalataya: Ku~g sino yaó~g nagsasabi~g anák n~g Dios, ay dapat tumulad kay Kristo, marálità, mairugín at masintahin sa kawagasán. «Paggawa: A~g paggawâ ay hindî Sumpâ n~g Dios na gaya n~g paniwalà n~g ilán». Sa m~ga banhay na itó n~g m~ga kaisipán, ay makikilala si Emilio Jacinto na isá~g dakila~g tao, may matataás na símulain sa buhay, may matayog na pananampalataya, may paniwala~g hubog sa dakila~g gawî at karapatdapat na pasimunò sa alin ma~g kilusán. Siyá ay isá~g tunay na Bayani, tilansik n~g diwà n~g m~ga wagás na tao buhat sa La~git. [Larawan: =Balak na Bantayog kay Dr. Rizal na nagtamo ng unang ganting pala at nahirang sa lahat ng ihinarap sa Timpalak.=] =ANTONIO LUNA y NOVICIO= [Larawan: Antonio Luna y Novicio] Isa~g dakila~g Henerál na pilipino gaya n~g nagí~g gawi~g pamagát sa kanyá n~g m~ga nakákilala sa kanyá~g dî matátawara~g katapa~gan. Anák n~g baya~g Maynilà at niyaó~g iká 29 n~g Oktubre ipina~ganák n~g taó~g 1868. A~g kanyá~g amá ay si G. Joaquin Luna at a~g kanyá~g iná ay si G~g. Laureana Novicio, magasawa~g nagbigáy sa ati~g bayan n~g m~ga anák na lubhá~g ikinarára~gál: Siná Juan Luna, a~g diwa~g lumikhâ n~g «Spollarium»; Joaquin Luna, nagi~g Gobernador sa La Unión, José Luna, bantóg na ma~ggagamot, na pawa~g m~ga kapatid n~g ami~g pinagúukulan nitó~g maigsí~g ulat. Sa «Ateneo de Manila» siyá sibol, at gaya n~g lahát halos na aral sa m~ga Hesuita ay lumabás siyá~g isá~g mabuti~g batà. Tina~ggáp niyá a~g katibayan n~g pagká «Bachiller en Artes» n~g taó~g 1883 at lumipat siyá sa Santo Tomás, upá~g magáral n~g «Farmacia», pagáaral na kanyá~g ipinagpatuloy sa Barcelona, Espanya, at doón niyá tinamó a~g katibayan n~g pagká «Licenciado». Nagtuloy pa rin n~g pagáaral sa «Universidad Central de Madrid» at doón namán niyá tina~ggáp a~g katibaya~g pagká «Doctor» sa násabi~g karunu~gan. Si Antonio Luna ay mahilig di~g umawit at a~g kányá~g kudyapî ay nápabantóg din at isá sa rito a~g kanyá~g ihinandóg sa m~ga nagáaral sa «Concordia», Páaralán n~g m~ga babai, na kanyá~g pinamagata~g «M~ga Bituin n~g Aki~g Lahi». Sa kanyá~g pagkakamanunulat ay nagpakata~gi rin siyá~g lubós gaya n~g ha~ggá ~gayón ay masúsuysóy sa «La Solidaridad» sa Espanya niná Marcelo H. del Pilar, sa lilim n~g pamagát na Taga-Ilog. Naglathala siyá n~g isá~g aklát na kinalalarawanan n~g pagká tiwali n~g pamamalakad n~g m~ga kastilà rito sa atí~g lupaín. Nagáral din namán si Antonio Luna n~g «Ingeniería Química» sa Bélgika at pagkatapos ay lumipat siyá sa París upá~g magsanay sa «laboratorio» n~g magití~g na si Dr. Latteux. A~g kanyá~g Las Impresiones ay kinamuhìan n~g gayón na lamá~g n~g m~ga kaaway n~g ati~g pagsasarilí, sanhi~g ipinaghinalà sa kanyá na isá sa m~ga tagapagtaguyód n~g Hímagsíkan at niyaó~g buwan n~g Pebrero n~g 1897 ay ipinadakíp siyá at ipinatapon sa Espanya at sa Carcel Modelo roón ay ipinalasáp sa kanyá a~g lalo~g masasakláp na araw n~g isá~g tao~g malayò sa tinubua~g lupà at tumata~gis sa madilím na bila~gguan, tulad sa isá~g sálarín. Na~g siyá'y palayain ay lumipat siyá kapagkaraka sa Alemanya at nagpasimulâ na sa kanyá~g pusò a~g táhasa~g pakikialít sa m~ga Pa~ginoón n~g ati~g bayan at kanyá~g pinagsanaya~g basahin a~g m~ga kata~gian sa pagkamandidigmâ ni Napoleón, at sinikáp niyá~g mátuto n~g m~ga mabubuti~g paraan sa digmâ. Nanumbalik siyá~g agád sa Pilipinas na~g itó'y maghímagsík na ~gâ at samantala~g a~g kanyá~g katalinuhan sa pagkamabuti~g mandidigmâ ay hindî pa niyá naiháhandóg sa kanyá~g bayan ay itinatag muna a~g Pahayaga~g «La Independencia» at a~g kanyá~g panitik ay kinákitaan n~g m~ga tudlí~g n~g pambuhay na loób sa kara~galan n~g kilusá~g yaó~g tu~go sa ganáp na ikalalayà n~g ati~g bayan. Na~g a~g dati~g magkaibiga~g amerikano at pilipino, na magkatulo~g na nagpasukò sa m~ga kawal n~g kastilà, na dito, na~g m~ga panahó~g yaón ay pa~ginoón at hari; na~g a~g dalawa~g watawat n~g layà na magkasama~g nanagumpáy sa m~ga kaha~gaha~ga~g pagbabaka ay nagkákatitigán at mandí'y dî na magkawatasan; na~g a~g m~ga bayani~g yaón n~g kilusan na~g isá~g bago~g anyô n~g kasaysayan n~g ati~g kalahian ay pinaghaharian n~g pa~gigimbulo at nagkákabawasán na n~g pagtitiwalà a~g isá't at isá, a~g kababayan natí~g si Antonio Luna ay napá sa Kabite agád at pinaghanap a~g Pa~gulo~g Aguinaldo upá~g doó'y ihandóg a~g kanyá~g karunu~gan sa digmâ, at si Antonio Luna ay ihinalál pagdaka~g Henerál n~g m~ga kawal sa katihan, at pagkatapos ay inatasán siyá~g magi~g Tagapatnugot n~g hukbó~g pilipino, kata~gia~g kanyá~g pinaunlakán n~g kagilagilalás na pakikibaka na lubhá~g nagpahirap sa hukbó~g amerikano, magbuhat sa pamimiyapis na simulâ sa Tulyahan na kinalibi~gan halos n~g pinakamalaki~g bahagí n~g ati~g m~ga kawal n~g Batalyó~g Maynilà, at ha~ggá~g sa ilog n~g Kalumpit na ipinagta~ggól n~g ati~g hukbó n~g isá~g pagtata~ggól na gumuhit sa ati~g kasaysayan n~g m~ga tudli~g na gintô sa kabayanihan at katapa~gan. Niyaó~g taó~g 1899, na~g kasalukuyan siyá~g tumátahak n~g lupa~g Kapampa~gan sa dî mapigilpigila~g paglusob n~g m~ga kaaway, nákikinitá marahil a~g kanyá~g m~ga hulí~g sandalî kayá't kagyát sumulat n~g kanyá~g «Hulí~g Pati», na anyá: «Ipinagkaloób ko~g lahát a~g aki~g m~ga ariarian sa aki~g pinakaiirog na iná.» «Sakali~g akó ay mápatáy sa labaná~g itó, ay ninánasà ko~g a~g aki~g ba~gkáy ay balutin n~g isá~g watawat n~g Pilipinas at akó'y ilibí~g sa lupà n~g aki~g sarili~g lupà na sanhî n~g aki~g pagkakasakit». «Siyá ko~g lagi~g mithî a~g akó'y mamatáy n~g boó~g kasiyahán n~g aki~g bayan, sa pagtata~ggól n~g kanyá~g lúbusa~g kasarinlan». Kagilágilalás na lubhâ ku~g pagtutularin a~g dalawa~g hukbó~g naglalamas noón sa kanikaniyá~g kakayahán, sandata at katalinuhan sa digmâ, sa kabayanihan n~g pagsásalasaan na animó'y m~ga hukbó~g magkasukát n~g lakás bagá ma~g sa katutohanan ay hindî pa anino n~g hukbó~g amerikano a~g atí~g m~ga baguha~g kawal; gayón mán, sa katalinuhan n~g pamamatnugot n~g bayani~g si Henerál Luna ay nagpapanatili sa ati~g m~ga kawal n~g katapa~gan, at úbos kaya~g panunupád sa m~ga kautusá~g kawal na kanyá~g pinaiiral sa ibabaw n~g m~ga sundalo natí~g pawa~g panandalia~g tatag at dî mán na~gakakákilala n~g m~ga kauta~gán n~g m~ga tunay na kawal n~g isá~g tunay na hukbó. Sa kaba~gisán n~g kanya~g pagpapairal n~g m~ga kautusá~g digmâ at sa nasa~g a~g baguhan nati~g m~ga pinunò ay mápantáy sa isá~g kalagaya~g hindî mananaghilì sa m~ga kawal na sanáy sa digmaan, ay nakátagpô siyá n~g marami~g «naghinanakit» sa kanyá~g kagahasan, at isá~g araw na ninasà niyá~g makipagkita at makipanayam sa Pa~gulo~g Aguinaldo, na noó'y na sa Kabanatuan, upá~g magmu~gkahì marahil n~g isá~g bago~g paraá~g ináakalà niyá~g isagawâ, ay hinadla~gan n~g isá~g punlô n~g sarili ring Hukbó na niyaó~g iká 5 n~g Hunyo n~g taó~g 1899, at walá~g pa~gimi~g tumudlà sa kanyá at a~g kanyá~g buhay ay tinampalasan. Sa kanyá~g palad na yaó'y náparamay a~g kanyá~g «ayudante» na si Koronel Francisco Román, at buhat na noón ay nawalán n~g isá~g matalino~g ulo at walá~g pagál na bisig a~g atí~g hukbó~g pinagtamasaha~g itabóy n~g m~ga kaaway han~ggá~g sa napipilan na na~g patuluyan. Si Antonio Luna, gaya n~g m~ga dakila~g Bayani, ay namatáy n~g walâ sa panahón; ~guni't sa kanyá~g kamatayan ay naìwan niyá a~g aral na lubhá~g mapakinaba~g sa m~ga panahó~g hináharap natin. A~g kanyá~g kamatayan ay nagí~g sanhî n~g lubhá~g marami~g m~ga kurókurò, na ipinaghihinala~g yaó'y likhâ n~g kalupitan, ~guni't sa anó mán, talagá~g a~g m~ga dakila~g tao ay nakatatagpô n~g isá~g kamataya~g dî karaniwan, upá~g magí~g sanhî n~g isá~g matamá~g paglilimì at magí~g bató~g urian n~g kanyá~g m~ga kaha~gáha~ga~g kata~gian. M~ga kamatayá~g gaya n~g kay Luna, sa dapat na ikápauwi sa walâ at magí~g sanhî n~g isá~g paglimon na walá~g ha~ggán, ay lalo~g bumubuhay sa m~ga diwà, nagpapatibók n~g pusò at gumígisi~g sa madlâ sa ikakíkilala n~g lubusan sa kanyá~g m~ga paglili~gkód na karapatdapat. Nagpupugay akó sa libi~gan mo, dakila~g Henerál, at minsan pa'y úulitin dito a~g lúbusa~g pagha~gà sa iyó~g kabayanihan. [Larawan: =HENERAL ANTONIO LUNA= SINAWI NG KAPALARAN NA PATAYIN NG MGA KAWAL NG SARILING HUKBO.] =GREGORIO DEL PILAR= Musmos pa'y namuhî na~g lubhâ sa masasamá~g palakad n~g m~ga kastilà sa kanilá~g bayan; pama~gkí~g buò palibhasà ni Gat Marcelo H. del Pilar, ay nagpasasà rito buhat sa kamusmusan n~g isá~g dalisay na aral n~g pagibig sa baya~g sarili, kaya't na~g kasalukuya~g a~g «Noli» ni Dr. Rizal, ay dî mabasa n~g hindî magí~g isá~g «malakí~g kasalanan» si Gregorio ay isá sa m~ga lalo~g masipag na tagalaganap noón. Sa gana~g kay Gregorio a~g «Noli» ay siyá~g aklát n~g kaligtasan n~g lahì. Na~g a~g hiyáw n~g layà ay lumaganap sa walo~g lalawiga~g Tagalog, si Gregorio, ay nahikayat na magsundalo at a~g gayón ay isinagawâ batà pa man siyá~g lubhâ, at buhay noón sa pamamagitan n~g m~ga dî karaniwa~g katapa~ga~g badhâ n~g kanyá~g m~ga kilos, ay hinagdán niyá~g untiuntî a~g kabayanihan ha~ggá~g sa na~g lagdaán a~g «Pacto de Biak na Bato» ay nakaratí~g na siyá sa tu~gkuli~g Koronel. Námahál siyá~g lubhâ kay Aguinaldo at siyá ay ipinagsama sa Ho~gkó~g na~g malagdaán na a~g kásunduan, at silá'y tumulak niyaó~g iká 27 n~g Disyembe n~g taó~g 1897, gaya n~g nátulukoy sa násabi~g kásunduan. At nanatili si Gregorio del Pilar sa Ho~gkó~g samantala~g si Aguinaldo ay dóroón at sa para~g tiniyáp na pa~gyayari, a~g m~ga kastilà at amerikano ay nagkaroón n~g sígalutan; at sanhî n~g pagpapadalá rito sa Pilipinas n~g isá~g Hukbó~g dagat sa ilalim n~g pamamahala n~g Almirante Dewey. A~g Lupon Pilipino sa Ho~gkó~g ay inanyayaha~g manumbalik na mulî at magpatuloy n~g paghihimagsík. A~g m~ga pa~gyayari rito ay lubhá~g maliwanag sa kasaysayan n~g dalawá~g digmaan, subalit hindî kalabisá~g ba~ggitín dito na si del Pilar ay dati~g katulo~g n~g m~ga amerikano sa pagbaka sa m~ga kastilà, sa paniwala~g a~g m~ga kawal na yaón ay katulo~g natin sa pagtuklás n~g kasarinlan. Si del Pilar ay nagpatuloy n~g pakikibaka sa pili~g n~g atí~g m~ga kawal, laban sa manlulupig, baga ma~g talós na a~g pakikibaka ay tahás na pagpapatiwakál yáyama~g a~g kaaway ay lubhá~g malakás, marami at makapa~gyarihan. At a~g hukbó natín ay nápatabóy n~g nápataboy ha~ggá~g sa kaitaasan, na~g dî humihiwalay si del Pilar sa pagtata~ggól sa Kuartel Henerál na kinalalagyán ni Aguinaldo. Si Gregorio del Pilar a~g siyá~g náhira~g na magta~ggól sa Paso~g Tilád na ta~gi~g pagdadaanan n~g sino ma~g magnánasa~g lumusob sa Kuartel Henerál at a~g kanyá~g limampuó't limá~g m~ga pili~g kawal sa katapa~gan at katápata~g loób, ay nagpamalas n~g dî karaniwa~g kabayanihan. Sa ku~g anó~g pakanâ, ay nátaluntón n~g m~ga amerikano a~g Paso~g Tilád, at silá ay linusob n~g walá~g patuma~ggâ ha~ggá~g sa a~g lahát n~g limampuó't limá~g kawal na doó'y nagbábantáy, gayón din si Henerál Gregorio del Pilar ay pinuksá~g lahát na~g wala~g pítaga~g kalupitán n~g m~ga kawal na lumusob, na binubuô n~g mahigít na 300 katao na kabayuha~g pawà. Sa lokbotan ni Gregorio del Pilar ay nátagpuán a~g isá~g araw-araw na talâ na kinábabasahan n~g gayari: «Ku~g isá~g malakí~g hukbó a~g lulusób sa akin at sa aki~g m~ga kawal, ay mapapasukò akó; ~guni't lalo~g magigí~g kanaisnais sa ganá~g akin a~g ako'y mamatáy sa pagtata~ggól sa aki~g pinakaiirog na Iná~g Bayan». Ganitó namatáy a~g isá~g matapa~g na sundalo na sa katiyagaán at sa walá~g maliw na pakikibaka ay sumapit sa tu~gkuli~g Henerál sa gula~g na dalawampuó't dalawa~g taón lama~g. Siyá'y anák n~g mabulaklák na Bulakán at ipinagmamalakí siyá n~g taná~g kababayan sa kanyá~g walá~g katulad na kabayanihan. =MARCELO H. DEL PILAR= [Larawan: Marcelo H. Del Pilar] Isa~g dakila~g bayani na sa pagtata~ggól n~g katuwiran n~g bayan ay linisan a~g taná~g kariwasaan at kaginhawahan sa sarili~g lupà at tumiwalá~g sa m~ga kapilas n~g buhay upá~g mahikap sa silo~g n~g iba~g La~git a~g ikatitimawà n~g ati~g Iná~g Pilipinas. Si Marcelo H. del Pilar ay sumila~g sa maliwanag niyaó~g iká 29 n~g Agosto n~g 1850, sa matikmá~g bayan n~g Bulakán. Bayan n~g magagandá~g diwata~g nakayáyaya~g umawit sa may m~ga hilig sa túlain. A~g kanyá~g amá ay si G. Juan H. del Pilar at a~g kanyá~g ina ay si G~g. Blasa Gatmaitan. Talagá~g lahì n~g m~ga «Gat» a~g bayani natí~g itó at pagkápalibhasà ay may m~ga kaya rin namán a~g kanyá~g m~ga magula~g at a~g kanyá~g amá ay máginoó sa bayan, kayá't námulat n~g ti~galâ a~g noó may matataás na indayóg at maibigin sa katuwiran. Pagkapagaral niyá n~g m~ga uná~g titik sa sarìli~g bahay ay nások siyá sa Páaralan n~g San José at pagkatapos dito ay lumipat siyá sa Páarala~g-madlâ ni Sto. Tomás upá~g dito magtapós, at boó~g ni~gní~g niyá~g ipinakita a~g dî karaniwan niyá~g talino ha~gga~g sa a~g katibayan n~g pagká «Licenciado en Jurisprudencia» ay kanyá~g kamtín, noó~g taó~g 1888. A~g sigasig niyá sa pagibig sa lupa~g sarili, na noó'y lubhá~g sinísiíl n~g masama~g pamamalakad, ay palagì niyá~g ipinakilala sa kanyá~g m~ga pamamahayag; na a~g pagkahilig niyá sa pagtiwalá~g at paglayà, ay lubós bagá ma~g a~g gayón ay talagá~g kasalana~g pinag-uusig at ikinábibitay n~g panahó~g yaón n~g kalupitan. At a~g talagá~g maáasaha~g bu~ga~g hinóg n~g gayón gawî ay sumapit at niyaó~g 1888 na rin ay ipinagsakdal siyá sa kasalana~g «Filibusterismo»; na~g kanyá~g mátunugán, kapagkaraka at yáyama~g a~g kanyá~g ulo sa gayó~g kasalanan ay nagáamóy ba~gkáy ay tumakás siyá~g agád at sa Espanya na rin nagtu~go, upá~g doón pasimulán n~g ubos kaya a~g pakikibaka sa m~ga kaaway n~g ati~g pagtiwalá~g sa kapa~gyariha~g kastílà. Asawa at dalawa~g anák, kaginhawahan at a~gkán ay linisán niyá~g walá~g balino at umasa~g a~g kanyá~g há~garin ay banál sa gayó~g pagyao. Sa Espanya ay itinatag niyá a~g kanyá~g kapisanan n~g «Solidaridad Filipina» sa Barselona niyaó~g 1889. A~g kapisana~g yaón ay magmimithî n~g m~ga kabaguhan n~g pamamalakad dito sa Pilipinas. Pinamatnugutan niyá a~g kapuripuri~g pahayaga~g «La Solidaridad» na itinatag doón ni G. Graciano López Jaena, at siyá'y kinatulo~g niná Dominador Gómez, Fernando Canon, Antonio Luna, José Rizal, Mariano Ponce at iba pa~g m~ga bayani~g pilipino noón, na sa pamamagitan n~g utak at panitik ay bumuwag niyaó~g matandá~g kapa~gyarihan n~g m~ga harì dito sa Pilipinas. A~g kalakhán n~g kanyá~g pusò, katapa~ga~g maglahad n~g katuwiran niyá~g ináakala~g apì, at a~g katayugan n~g kanyá~g paláisipán ay nagi~g sanhî n~g lúbusa~g pagha~gà sa kanyá n~g kapanalig at kaaway man sa paghihimagsík na yaón na lubhá~g kasakitsakit. A~g salapî n~g kanyá~g a~gkán ay nahughóg, a~g kanyá~g m~ga anák ay hindî na mulî pa~g nákita at nagdanas n~g lalo~g kakilákilabot na kahirapan sa silo~g n~g iba~g la~git, upá~g a~g katuwiran n~g bayan ay pátuluyan at walá~g sagwíl na maipagta~ggól. Sumakabilá~g buhay si G. Marcelo H. del Pilar niyaó~g iká 4 n~g Hunyo n~g taó~g 1896 sa gitnâ n~g isá~g karálitaa~g hindî madalumat. Bilá~g pagkilala n~g Baya~g Pilipinas sa kanyá~g walá~g kamátaya~g m~ga gawâ, ay ipinasyá na a~g kanyá~g labí ay kunin sa líbi~ga~g kanyá~g pinagpapahi~galayán n~g ganáp, at ~gayón ay nasa líbi~gan na n~g m~ga Bayani dito sa Maynilà, upá~g a~g mabuti~g alala noón ay magi~g isá~g mabutí~g halimbawà sa ati~g m~ga bago~g sibol. Kapuripuri~g halimbawà na gaya n~g pamana ni Marcelo H. del Pilar ay hindî dapat maparam sa alin ma~g puso~g Tagalog, yáyama~g a~g lahát niyá~g punyagi ay iniukol lama~g sa ikalálayà n~g Bayan at hindî sa kaginhawaha~g sarili. Talagá~g a~g m~ga tunay na Bayani ay hindî naghíhintáy n~g ganti~gpalà sa kanya~g m~ga gawâ at sikáp, at sukat na yaó~g kasiyahá~g loób na dinadanas n~g taó~g gumágawâ n~g tunay na udyók n~g budhî a~g siyá niyá~g nagi~g katulo~g sa mahaba~g panahón niyá~g ipinakibaka; ~guni't a~g m~ga tao~g bihasa ay nasísiyahán namá~g magáral sa kanilá~g m~ga kadakilaan, sapagká't a~g m~ga diwa~g gaya n~g kanilá ay talagá~g maliwanag na sulô na nagpapanuto sa m~ga lipi~g sumisipót sa isá~g lalo~g maginhawa~g kabuhayan. Mapalad a~g m~ga bayan na bagá ma~g walá~g gaano~g maipagmalakí sa kanyá~g likás na pagkabayan máta~gì sa kasikapan n~g kanyá~g m~ga anák, ay sibulan n~g bayani n~g katauhan na nakagígimbál at nakapa~gguguhò n~g kalupitán at pa~gaalipi~g nakapipigil sa táhasá~g ikaúunlád n~g m~ga bayan at m~ga tao. At gaya n~g sabi ni Dr. Dominador Gómez, si Marcelo H. del Pilar--anyá--ay isá~g «mabuti~g tao» at sa kanyá~g diwà ay dî nagkákapuwá~g a~g anó ma~g masamá~g adhikâ, sapagká't sa kanyá~g pusò ay nagsísikíp a~g wagás na pag-ibig sa Tinubua~g Lupà.» =MARIANO PONCE= Niyao~g iká 22 n~g Marso n~g taó~g 1863, sa silo~g n~g masayá~g La~git n~g Baliwag, sa bayan n~g magagandá at mabibini~g dalaga na nápabalità n~g gayon na lama~g, ay doón nakákita n~g una~g liwanag a~g kababaya~g Mariano Ponce, isá sa tatló~g tu~gkô n~g mithí~g kalayaan nitó~g lupaí~g pinaggugulan nilá n~g lahát n~g punyagî at pagsasakit. A~g kabataan niyá ay maaga~g iminulat sa pagaaral sa baya~g sarili at na~g makatapos siyá n~g m~ga pá~gunahí~g pagáaral ay lumipát siyá sa San Juan de Letrán ha~ggá sa niyaó~g 1885, ay kanyá~g tina~ggáp a~g katibayan n~g pagká «Bachiller en Artes»: Nagpatuloy siyá n~g pagáaral n~g pagká Ma~ggagamot sa Páarala~g madlâ ni Sto. Tomás sa loób n~g dalawá~g taón at sa «Universidad Central de Madrid» niyá tinapos a~g násabi~g karunu~gan, kun saán niyá nátamó a~g katibaya~g pagká «Doctor en Medicina». Nagi~g maginhawa sana a~g kanyá~g buhay ku~g a~g kanya~g pagká Ma~ggagamot ay iniukol niyá sa sarili ~guni't a~g gayón at hindî niyá ginawâ, at a~g hirap at sakít na kasalukuyan n~g bayan na na~gá~gaila~gan n~g lalo~g mabibisa~g lunas ay siyá~g pinagubusan n~g punyagî. Si Mariano Ponce ay náhilig n~g gayón na lama~g sa pagliliná~g n~g m~ga kabaguha~g hiníhi~gî n~g panahó~g yaón at siyá ay umánib sa m~ga kababaya~g na~ganánahanan sa Madrid; upá~g doón ay himagsikín a~g Pámahalaán sa pusò n~g kanyá~g Pa~gulo~g Bayan, sa loób n~g kapisana~g kanilá~g bininyagá~g «Asociación Hispano-Filipino». Si Mariano Ponce a~g siyá~g nanú~gkulá~g kulá~g kalihim noón ha~ggá~g sa sumapit a~g taó~g 1896, taón n~g malakí~g m~ga pagbabago sa Kapulua~g Pilipinas at simulâ n~g m~ga bago~g tudlí~g n~g kanyá~g kasaysayán sa pagkábansâ. Nagi~g tagabanság n~g Kapisana~g Hispano-Filipino a~g «La Solidaridad» at si Ponce a~g nagi~g tagapa~gasiwà noón, samantalá~g si Graciano López Jaena a~g siyá~g Namatnugot. A~g pamagát na «Nani~g» kanyá~g m~ga tudlí~g. Na~g a~g Himagsikan ay mábunyág na sa atí~g Kapuluán, sapagká't si Ponce ay kilalá~g isá~g tanyág na pilipino at mahilig sa m~ga kabaguha~g kanilá~g tuwî na'y lininá~g ay dinakíp siyá pagdaka at ibinila~ggô, ~guni't dî siyá nagtagál at pagkalipas n~g dalawá~g araw ay pinalayà siyá at a~g kanyá~g minainam ay a~g lumayó~g agád at lumipat na ~gâ sa Ho~gkó~g. Pagdati~g niyá roón at ilá~g araw pa lama~g a~g karáraán, ay nagtatag silá roón n~g isá~g Lupon na a~g layunin ay magsumikap n~g ikapagtatagumpáy n~g Hímagsikan; si Ponce ay nagi~g isá~g masugid na kagalawád noón. Na~g a~g Presidente Aguinaldo ay sumapit sa Ho~gkó~g dahilán sa «Pacto de Biak na Bató» si Ponce ay siyá~g nagi~g Kalihim at a~g tu~gkuli~g itó ay kanyá~g ginampanán ha~ggá~g sa si Aguinaldo ay muli~g manumbalik sa Pilipinas niyaó~g 1898, upá~g ipagpatuloy a~g Paghíhimagsik. Na~g m~ga panahó~g yaón ay si Ponce rin a~g Kinatawa~g panlabás magsikan sa Pilipinas. Sa pagnanasa~g mapagaralan a~g m~ga kanugnóg na lupaín ay naglayág si Ponce at dinalaw a~g Indo-China, Cabodhe, Canton, Shanghai, at kanyá~g sinikap na mákilala a~g m~ga kaugalian at a~g m~ga kata~gian n~g na~gásabi~g bayan. Nagi~g kaibigan siyá n~g m~ga litáw na tao roón at n~g m~ga tanyág na kawaní n~g kanikaniyá~g Pámahalaán. At kahit siyá malayô sa sarili~g lupa ay hindî niyá iwinalay kahit saglít man lama~g a~g marubdób niyá~g pagibig sa sarili~g bayan, kayá't pagkaraán n~g mahigít na dalawampuó't anim na taó~g pagkakáwalay at pakikipamayan sa m~ga ibá't iba~g lîpì at kaugalia~g tao ay mulî siyá~g umuwî sa sarili at sa kanyá~g pagbalik na itó ay nagi~g Patnugot siyá sa Páhayagá~g «El Renacimiento» at buhat sa m~ga tudlí~g n~g násabi~g páhayagán ay kanyá~g ipinagpatuloy a~g kanyá~g nasimulán na~g pagsisikap n~g ikaliligaya n~g kanyá~g iniibig na Pilipinas. Niyaó~g 1909, a~g kanyá~g m~ga kalalawigan sa Bulukán bilá~g tumbás sa kanyá~g pagsasakit ay tulad pa íisá~g tao~g tina~gkilik a~g kanyá~g pagnánasa~g magli~gkód sa tinubua~g lupà sa loób n~g Kapulu~ga~g Bayan at siyá'y ihinalál na Sugò roón upá~g kumatawan sa Lalawiga~g Bulakán sa Gusalì n~g m~ga Batás. Nagí~g Kalihim na Pa~gkalahatán si Ponce n~g Pa~gkati~g Nasiyonalista at kasa~ggunì n~g Lupon tagaganáp. Si Ponce ay isá sa m~ga nagtatag n~g Páhayagá~g «El Ideal», na siyá~g tagapamanság n~g Lapian niyá~g kináaaniban. Sa kabilâ n~g pakikipamiyapis na mahigit na limampuó~g taón at pagkatapos na maipakilala a~g lalo~g malakí~g pagtatapát sa m~ga mahahalagá~g símulain n~g pagkáma~ghíhimagsík, a~g kaibigan at kinatukatulo~g ni Dr. Rizal at ni Gat Marcelo H. del Pilar, niyaó~g Mayo n~g taó~g 1918, ay namatáy sa Ho~gkó~g ~guni't a~g kanyá~g ba~gkáy ay itinawid dito sa Pilipinas at siyá'y ilinibí~g sa Libi~ga~g Hilagà. Ta~gî sa lubha~g marami niyá~g nasulat sa m~ga Páhayagán ay kumathâ rin naman siyá n~g isá~g aklát na pinamagatá~g «Sun Yat Sen», na kinápapalooban n~g kasaysayan n~g nagtatag n~g Pámahalaá~g Republikano sa Kainsikán. Si Ponce ay isá~g matalik na kaibigan ni Dr. Sun Yat Sen, niyaó~g dakila~g insik na nagguhò n~g kapa~gyarihan n~g m~ga Harî sa kanilá~g lupain. Ku~g isá~g araw áy mápasa Baliwag kayó at makáisip magmalas n~g m~ga katagíta~gi~g tikmâ n~g m~ga tagaroón, na nagbabadhâ n~g sipa~g, tiyagâ at punyagî, na tuwî na'y kanilá~g ikinata~gî sa m~ga iba~g lalawigan, ay gunamgunamin ninyó~g sa lupai~g yaón ay doón sumila~g a~g isá sa tatló~g tu~gkô na kinasasaligan n~g lahát n~g biyaya~g ati~g tinátamasa ~gayón. Si Ponce ay tunay na kabila~g sa m~ga kawal n~g sandaigdigan. [Larawan: =Isang Tanawin pagpasok n~g Luok n~g Maynila.=] [Larawan: Pascual H. Poblete ang Ama n~g Pahayagang Tagalog sa Pilipinas.] =PASCUAL H. POBLETE= A~g pagúukulan natin ~gayón nitó~g ilá~g katagâ ay anák n~g makasaysaya~g Naic, lalawigan n~g Kabite, niyá~g lalawiga~g nagii~gat n~g m~ga kilusá~g pawa~g tu~go sa ikaúunlád at ikatitimawà n~g bayan natin sa kapa~gyariha~g banyaga~g nakasásakop. Ipina~ganák si ma~g Pascual, gaya n~g karaniwa~g tawag sa kanyá, niyaó~g iká 17 n~g Mayo n~g taó~g 1857. Buan n~g m~ga bulaklák palibhasà a~g kanyá~g isinila~g, kayá't a~g kanyá~g diwà ay namúmulaklák din namán sa sagana~g m~ga likhâ na pawa~g ~gayó'y pinakíkinaba~gan na n~g kanyá~g m~ga kababayan. «Walâ n~g tao~g gaya niyá marahil--aná~g Taliba niyaó~g iká 7 n~g Pebrero n~g 1921--sagana~gsaganà sa isip n~g sarisari~g akalà at balak. A~g Monumento kay Rizal sa Luneta, a~g pagtatatag n~g pa~gkati~g independista, a~g pagkakaroón n~g sarili~g Ba~gko, a~g pagpapadalá n~g m~ga pensionado sa América at marami pa~g balak diyá~g ~gayó'y isá na~g katotohanan, patí na nitó~g «Pagdiriwa~g sa ikaapat na raá~g taó~g pagkakátuklás sa Pilipinas» ay pawa~g gali~g sa kanyá~g utak. At walá~g kilusá~g nábabago na~g dî siyá kahalò.» Isá~g katotohana~g hindî matátawaran na a~g lahát halos n~g malalakí~g kilusán sa pagunlád n~g Pilipinas ay may kinálaman a~g ati~g si ma~g Pascual, magi~g sa m~ga kilusán sa kapamayanán at magí~g sa náuukol sa sarili~g wikà, lalò na sa atí~g Pámahayagán na máituturi~g na si Poblete ay amá nitó sa paglalaganap rito sa ati~g lupían. A~g kanyá~g una~g tudlí~g na pambukás sa pusò n~g ati~g bayan ay ilinathalà niyá sa «La Oceanià Española» niyaó~g taó~g 1879 na~g kasalukuyan pa lama~g siyá~g tumátahak sa gula~g na 22 taón, at sa Páhayagá~g itó ay nagli~gkód siyá ha~gga~g sumapit a~g taó~g 1889; sampuó~g taó~g sinkád. Buhat sa Páhayagá~g yaón niyá binukò a~g pagkakaroón dito sa Pilipinas n~g isá~g Páhayagá~g dalawa~g wikà: Kastilà at Tagalog at salamat sa pasisimunò n~g dakila~g Marcelo H. del Pilar ay itinatag a~g Páhayagá~g «Diario~g Tagalog» niyaó~g 1882, iká 2 n~g Mayo, na ku~g saán nagpasimulâ n~g paghahasík n~g m~ga binhí~g mapapakinaba~g na bagá ma~g dî kinálugdán n~g m~ga kastilà n~g panahó~g yaón ay nagtamó namán n~g pagkakaligà n~g m~ga kababayan natin. A~g «Diario~g Tagalog» ay siyá~g ta~gi~g tagapamanság n~g m~ga mithiin sa isá~g bago~g pá~garapi~g kahilihili at sa Páhayagá~g itó ilinathalà n~g Dakila~g Tagalog, si Gat Rizal, a~g kanyá~g «Amor Patrio», at dito rin namán na~gagsilapì n~g pagtataguyod n~g dakila~g adhikâ, a~g pinakamarami~g mairugin sa sarili~g kalayaan, at sa daho~g Tagalog nitó sumulat at naglaganap n~g m~ga bago~g tánawin sa ati~g bukas noón, na ~gayó'y tinatamasa na, a~g marilág na si Pascual H. Poblete. Nagí~g tagapa~gasiwà n~g «Revista Popular» at mánunulat din namán dito, na kanyá~g pinaglathalaan n~g lalò niyá~g mapapakinaba~g na m~ga tudlí~g tu~gkól sa m~ga karaniwa~g karunu~gan na daglia~g naisásagawa sa bahay, at sa katotohanan, a~g Páhayagá~g yaón ay munakalà niyá, kayá't a~g ati~g Plaridel ay kinatulo~g din namán niyá rito sa paglalathalà n~g m~ga tudli~g na may kinálaman sa m~ga babae at sa m~ga Páaralá~g bayan. Nagí~g mánunulat at tagapaghulog sa ibá~g wikà n~g Páhayagá~g «Revista Católica de Filipinas» at n~g «Patnubay n~g Católico» at isá rin sa na~gagtatag nitó at masugid na tagapaglaganap n~g m~ga karunu~gan, siní~g at hanap buhay. At pinápalad mandín sa anyaya~g yaón n~g mabuti~g Talà, kayá't sa kauntí~g naíimpók na salapî sa kanyá~g m~ga Páhayagán ay panibago na nama~g minunakalà a~g isá~g malaya~g Páhayagán na pinamagata~g «El Resumen», sa Páhayagá~g itó náipakilala ni Poblete a~g kanyá~g katusuha~g manlinlá~g sa m~ga nakaabá~g na talibà n~g «Censura», sapagká't nagawâ niyá~g makapaghandóg n~g m~ga kalugódlugód na tudlí~g na tumátawag sa pintuan n~g diwà n~g kanyá~g m~ga kalahì, na~g dî mán siyá nápansín n~g m~ga kaaway n~g ati~g kasarinlán. Walá~g alinla~ga~g matítiyák na a~g «El Resumen» ay siyá~g naglagáy n~g matibay na sáligan n~g ati~g paghíhimagsík, gaya n~g pinatútunayan n~g m~ga katagá~g itó na kanyá~g ilinathalà niyó~g iká 12 n~g Hunyo n~g 1892: «Magá~glalapì tayó~g naga~gkakaisá sa usapí~g sarili at bakahin natin a~g m~ga kabalbalán at paghihinalà niyaó~g m~ga nagnánasa~g a~g lalawiga~g kastila~g itó ay «magi~g kuta~g lumà n~g matandá~g kaugalian», at dî man nilá nágugunitâ na a~g dî mapigila~g pagunlád, sa kanyá~g banayad na kilos ay nagbúbukás n~g landás sa lahát n~g dako at ginigipò a~g sino ma~g sa kanyá~g paglakad ay sumagabal.» Itinatag din namán niyá a~g «El Bello Sexo» niyaó~g Enero n~g 1891, at niyaó~g iká 11 n~g gayón di~g buan n~g 1893 ay lumuwál sa maliwanag a~g isá pa~g Páhayagá~g kanyá ri~g likhâ na pinamagatá~g «El Hogar» at nagí~g katulo~g n~g balita~g «Pliegong Tagalog» na nagbábanság n~g lalo~g maháhalagá~g pagbaka sa ati~g m~ga kaaway. Na~g siyá ay ipatapon sa Espanya, ay nagí~g mánunulat n~g «El Progreso» nagí~g katulo~g sa «El Pais» at sa Páhayagá~g pilipino roón na may pamagát na «Revista de Ultramar» na ilinathalà sa kakastilaan n~g kilala~g «bibliógrafo» na si G. Manuel Artigas y Cuerva. Nápakamahimalâ a~g pagunlád n~g ati~g bayan n~g m~ga panahó~g ito na sa isá~g igláp lama~g halos, ay nagipò a~g tatló~g dáana~g taó~g kaalipinán at niyaó~g 1889 na mulí~g magbalík sa lupa~g sarili, si ma~g Pascual, ay naglathalà n~g isá~g bago~g Pahayagá~g pinamagatá~g «El Grito del Pueblo» at «A~g Kapatid n~g Bayan» na tumagál ha~ggá~g taó~g 1907 at sunódsunód na itinatag a~g «Rizal», «Aurora» at «Filipinas» m~ga li~gguha~g nápabanság din, at pagkatapos ay a~g revista «Cervantes». Sa pagkámandudulá, si ma~g Pascual ay nagi~g isá~g talà na lubhá~g mani~gní~g, siyá a~g may akdâ n~g Dr. Jose Rizal--El Concejo de los Dioses, na kanyá~g ipinalimbág at linagdaán n~g pamagát na López Blás Hucapte (Pascual H. Poblete); at sa pagtata~ghál n~g kanyá~g Ang Pagibig sa Tinubuang Lupa (El amor Patrio) ay sinagasà sa ta~ghalan n~g nasira~g si kapitá~g Lara n~g Policía dito sa Maynilà a~g tagpô na pinagtáta~ghalán n~g ati~g kaakitakit at pinagpala~g watawat, at hinandulo~g a~g máni~gni~g (artista) na may hawak noón, at sinambilat na walá~g patuma~ggâ a~g tatló~g kulay na kumatawán sa atí~g kabansaán, at si ma~g Pascual ay dinakíp na gaya n~g isá~g sálarín dahilán sa kanyá~g «Pagibig sa Tinubua~g Lupà» na itináta~ghál at kinagiliwan n~g madlâ. Talagá~g a~g magigiti~g ay dî nátatahimik at kayakap na lagì n~g m~ga katiisan; niyaó~g gabí~g yaón ay tinahak na naglálakád a~g m~ga lansa~gan dito sa Maynilà, na naáakibatan n~g m~ga pulís at ihinaráp siyá sa ta~ggapan n~g Henerál Otis. Kinákaila~gan a~g isá~g katigasán n~g loób na di karaniwan upá~g a~g mabuti~g gawà ay máipatuloy na~g m~ga panahó~g yaón, at si Poblete ay dî nabalino muntík man, lagi~g patuloy na animo ay walá~g pa~ganib. Hindî pa mandín na~ghihinawà a~g diwa~g yaón na mapaglikhà at niyaó~g iká 30 n~g Disyembre n~g taó~g 1913 ay pinaluwál sa maliwanag a~g «Día Filipino» na ku~g saán nápalathalà a~g m~ga walá~g kamataya~g bu~ga n~g panitik n~g ati~g dakila~g Rizal. At dî pa sukat a~g lahát n~g nába~ggít, ay ilinathalà pa rin n~g kanyá~g mayama~g diwà a~g «La Exposición Oriental de Filipinas», a~g «Crédito Agricola» at «El Oriente» m~ga Páhayagá~g kinálulanan n~g kanyá~g m~ga walá~g pagál na pagwawarì ha~ggá~g sa a~g kamatayan na dî man nágugunitâ ay dumalaw sa kanyá~g táhanan upá~g ulilahin a~g labi~gdalawá~g anák at isá~g banyaga~g aliw at kasayahan. Itó'y na~gyari isá~g ta~ghali~g mainit n~g Pebrero, ikalimá~g araw n~g taó~g 1921, sanhí~g a~g lahát halos n~g Páhayagán ay para~g ginimbál sa dî ináantabayana~g pa~gyayari, na~gagputós n~g luksâ a~g boó~g bayana~g matalino at sampuô n~g m~ga kastila~g dati~g m~ga kaaway ay na~gagsiluhà rin gaya n~g lathalà n~g «El Mercantil» na--anyá: «Era un gran talento y un enorme trabajador, y ha hecho por su Patria obra fecunda con el pensamiento y con la pluma, con la voluntad y con la acción. Si la justicia fuese moneda corriente en el mundo esta desgracia promovería un duelo nacional». Sa lubhá~g marami~g Páhayagá~g kanyá~g linikhâ, itinatag at pinaglaganapan n~g kanyá~g m~ga kaisipán ay máidaragdág a~g m~ga kathá~g sumusunód: «Pagsisiyam sa Nuestra Señora de Loreto», «Buhay ni San Vicente de Ferrer» (ha~go sa Flos sanctorum ni P. Rivadeneira) «Uliran n~g Kabaitan» ó Buhay ni Patricio Horacio, «Buhay ni San Isidro Labrador»; tinagalog a~g «Noli Me tangere» at «Filibusterismo» ni Dr. Rizal; sinulat a~g «Patnubay n~g Pagsintá» ... «Lucrecia Triciptino» at ibá pa~g lubhá~g marami~g mátutukoy. Gaya n~g dapat ma~gyari si Poblete ay hindî tumakwíl sa pagnanasa~g magsarilí a~g ati~g bayan gaya n~g pinatútunayan n~g lahát niyá~g lathalà, kayá't dî rin namán náligtaán n~g m~ga kaaway natin, na~g a~g una~g hiyáw n~g layà ay saliwán na n~g m~ga hagunót n~g pu~glô sa Balintawák, at si Poblete ay kagyát ipinadakíp at ilinulan sa bapor «Manila» upá~g ibila~ggô sa Seuta, ha~ggá~g sa m~ga una~g araw n~g Enero n~g 1897. Sa kanyá~g pa~garawaraw na talâ ay nábabasa a~g gayari: «Sa loób n~g 37 araw na ami~g ipinaglayág ay natátalian akó n~g abot siko». Pinagúukulan ~gâ namin n~g munti~g ulat na itó a~g amá n~g Pahayagan sa Pilipinas, a~g walá~g pagál na manlilikhâ at diwa~g walá~g sawà sa pagmumunukalà n~g ágara~g ikatutubós n~g Baya~g Tinubuan. Náriyan a~g isá~g mani~gní~g na huwaran n~g m~ga nagsísisiból. Ku~g isá~g araw ay makasapit kayo sa Libi~gan sa Hilagà at a~g bantayog kay Poblete ay inyó~g mákita, ay alalahani~g a~g m~ga labí~g doó'y nálilibí~g ay a~g labí n~g isá~g tapát na anák n~g Tinubua~g Lupà. Sa kanyá~g alabók nawâ, na mulí~g nanúnumbalik sa pina~ggali~gan, ay sumibol a~g lalo~g kawiliwili~g simoy na makayayakag sa inyó na siyá ay uliranín tuwî na. Siyá ay isá~g mabuti~g amá, tapát na asawa at mabuti~g anák, at higít sa lahát n~g itó, siyá ay isá~g mámamayá~g kahilihili. =RAFAEL DEL PAN= [Larawan: Rafael del Pan] Iuulat namin ~gayón a~g buhay n~g isá~g anák Pilipinas na kaipalà ay siyá~g lalo~g dapat na ipagmalakí n~g ati~g bayan sapagká't siyá'y buhat sa amá at iná~g m~ga kastilà, at walá~g pina~gháhawakan a~g kanyá~g pagká pilipino kundî a~g siyá ay pinalad na dito sumila~g niyaó~g iká 17 n~g Hunyo n~g taó~g 1863, sa loób n~g Maynilà, Pa~gulo~g bayan nitó~g kapuluán. A~g una niyá~g pagáaral ay ginanáp sa ilalim n~g pamamatnugot n~g m~ga Hesuitas, ~guni't sa ilá~g taón pa lama~g n~g pagáaral ay nagkasakít na at sa tagubilin n~g m~ga ma~ggagamot ay napilita~g ilayag sa kabilá~g dagat at sa Barselona na nagtapós n~g m~ga símulai~g pagáaral. Niyaó'y magwáwaló~g taón pa lama~g a~g gula~g n~g bata~g si Del Pan, at musmós pa ay námulat sa Espanya na ku~g saan nákita a~g m~ga tiwalí~g palagáy sa m~ga, pilipino na kanyá~g kababayan, sapagká't sa Pilipinas siyá nakákita n~g una~g liwanag. Kailán man ay dî niyá tinulutan a~g sino man na siyá ay tawagi~g kastilà at lubos niyá~g ipinagmalakí a~g baya~g itó n~g m~ga Lakán at bayani~g mairugín tuwî na sa alin ma~g bagay na makabubuti sa kanilá~g bayan at lipì. Nagbalík sa Pilipinas upá~g dito ganapín a~g pa~galawá~g bugsô n~g pagáaral at sa «Colegio de San Juan de Letran» tina~ggáp a~g katibaya~g «Bachiller en Artes». Lumipat sa Páarala~g-madlâ ni Santo Tomás at dito nagáral n~g «Derecho» at sa ikaapat na taón pa lama~g ay napilitan na namá~g bumalík sa Espanya niyaó~g 1884, at sa «Universidad Central» sa Madrid tinapos a~g nálalabí pa~g pagáaralan upá~g tamuhin a~g katibaya~g «Licenciado en Jurisprudencia» na ilinagdâ niyaó~g buwan n~g Hunyo n~g taó~g 1885. Pagkalipas n~g isá~g taón at kalahatì, at ala~gala~g sa kanya~g kathá~g «Los efectos Jurídicos de la ignorancia del Derecho» ay tina~ggáp niyá a~g katibaya~g «Doctor». Niyaó~g panahó~g yaón ay kasalukuyan siyá~g kalihim n~g «Ateneo de Madrid» ku~g saan siyá lagi~g nakipagtu~ggalian at nagta~ggól sa ikapagtátamó n~g m~ga kabaguhan tu~go sa paglayà sa kapakinaba~gan n~g Pilipinas, dî lama~g sa salitâ kundî sa pamamagitan man namán n~g m~ga maháhalagá~g tudli~g sa taná~g Páhayagá~g kanyá~g pagláthalaan n~g kanyá~g kurókuró tu~gkól sa bagay na yaón na sa ganá~g kanyá ay lubhá~g kaila~gan. Tunay ~gâ at na~g m~ga panahó~g yaón, a~g m~ga Rizal natin, Lopez Jaena, Govantes, Aguirre, Regidor, Lorente at ibá pa~g maririlág na m~ga pilipino ay na~gagsísikap na rin n~g ikapagtátagumpay n~g ati~g dakila~g mithî, ~guni't itó'y dî nakababawas sa kanyá~g pamumukôd, sa pa~gyayari~g siyá ay anák n~g amá at iná~g pawa~g m~ga kastilà, kaya't a~g kanyá~g m~ga palagáy sa súliranin n~g baya~g Pilipinas ay lagì na~g nakababaklá sa m~ga may hawak n~g ugit n~g ati~g Pámahalaán. Nanumbalik na mulî sa ati~g sarili~g lupà niyaó~g 1887 upá~g harapín n~g lúbusan a~g pagkáabogado, at gayon din namán n~g pagkamánunulat at sa «Oceania Española» na pinamatnugutan n~g kanyá~g amá, a~g kanyá~g pinaglathalaan n~g mahahalagá niyá~g tudlí~g na pawa~g nakagimbal din sa m~ga Páhayagá~g kampí sa Pámahalaán. Na~g tawagin sa sinapupunan ni Bathalà a~g kagala~ggala~g niyá~g amá, si Rafael Del Pan a~g humalili sa pamamatnugot n~g «Oceania Española», at niyaó~g Hulyo n~g 1892, ay naglathalà n~g ku~g ila~g tudlì~g na pinamagatan «Hay que irlo pensando» na ku~g saan niyá ipinagta~ggól a~g pagkakaroón natin n~g m~ga Sugò sa Batasán, na nagi~g sanhî n~g m~ga pasarí~g n~g «Diario de Manila», «La Voz Española», at «El Comercio», m~ga Páhayagá~g kalaban n~g mithî, at walá~g ta~gi~g nákatulo~g sa sigasig na yaón, mata~gi sa «El Resumen» n~g ati~g kababaya~g si G. Pascual H. Poblete. Na~g a~g ati~g Dakila~g Bayani, si Gat Rizal, ay ipinatapon sa Dapitan, a~g ta~gi~g Páhayagá~g dî nagsuób n~g kamanyá~g sa Pámahalaán, ay a~g «Oceania Española» na nagi~g sanhî n~g m~ga «i~gos» n~g taná~g nagbábanság na tapát sa Espanya, n~g m~ga lalo~g mabibigat na parata~g kay Del Pan na ikinasapa~ganib n~g kanyá~g pagkatao, ~guni't boó~g tigas na tina~ggáp na lahát a~g m~ga upasalà na sa pamamagitan n~g m~ga Páhayagán ay sunódsunód na sa kanyá'y itinudlâ. Sa kapanahunan di~g yaón binalak a~g pagtatatag n~g «Colegío de abogados», na kináhalalan niyá~g Pa~galawa~g Pa~gulo, at pagkalipas n~g ilá~g panahón ay náhalál siyá~g Pa~gulo, niyaó~g bantóg na kalipunan. A~g walá~g sasál niyá~g pagbaka sa m~ga mali~g pamalakad n~g m~ga kastilà dito sa atin, ay nakayakag n~g lubhá~g marami~g kaaway n~g kanyá~g mithî, lalo~g lalò na n~g kapisanan n~g m~ga kastilà rito sa atin, anó pa't lagi~g dinaliri si Del Pan at mandin ay ipinaghihintáy lama~g n~g isa~g kátaó~g ikapagbubuntó sa kanyá n~g poót, kayá't niyaó~g bago~g datí~g dito a~g Henerál Primo de Rivera, ay naglayág si Del Pan at tumu~go sa Espanya, at nakipisan doón sa m~ga punyagî n~g ati~g m~ga Arejola, Ilustre, Gabladon, Artigas, at ibá pa~g kababaya~g pawa~g «naglalamay» sa ikapagtátamó n~g m~ga kaluwagan n~g ati~g Iná~g Pilipinas. Na~g a~g Espanya at Amérika, ay magpáhayagan na n~g digmâ, at sa Espanya ay itatag a~g isá~g Lupon na pinamagata~g «Comité Filipino», siyá a~g nápili~g Pa~gulo n~g násabi~g kapisanan na binúbuô n~g m~ga batiká~g ma~ghihimagsík. Niyaó~g 1899 ay lumipat sa Ho~gkó~g upá~g pumisan sa «Comité Central» at dî nalaunan at isinugò sa Amérika, na kunsaan nagpasikat na lalò n~g pagsasakit sa ikapagtátagumpáy n~g dakila~g mithî n~g bayan. Nanumbalik sa Pilipinas niyaó~g 1903 upá~g mabuhay n~g tahimik sa panunu~gkula~g abogado, ~guni't hinihi~gi sa kanyá~g muli~g magsulit n~g «Corte Suprema», at a~g gayó'y ginampanán niyá at nakakuha n~g isa~gdaá~g punto, kátaástaasa~g bila~g sa pagsusulit na mátatamó sa gayó~g pagsukat n~g kakayahán. A~g kanyá~g pa~galan sa pagkáabogado ay nagsikíp sa Pilipinas at siyá ay nagi~g kapisan n~g bupete~g lalo~g bansá~g na nákilala sa tawag na «Del Pan, Ortigas, Pischer». Siyá ay isá sa pinagsa~ggunia~g lagi n~g Pámahalaán sa pagbili n~g m~ga lupai~g praile. Hindî nasiyahán na~g magi~g siyá a~g sanhî n~g pagkakatatag n~g «Colegio de Abogados» at ninais na dagdagán pa n~g isá~g lalo~g malaki~g likhâ, at kanyá~g sinikap na magkaroón tayo n~g «Cámara de Comercio de Filipinas» at a~g gayó,y nagí~g isá~g pa~gyayari. Bila~g kinatawán n~g Lapia~g «Unión Nacionalista», ay linagdaán niyá niyaó~g iká 12 n~g Marso n~g 1907 a~g katibayan n~g pagiisá n~g m~ga Lapia~g «Unión Nacionalista» at n~g «Independista» upá~g mákilala na lama~g sa tawag na «Partido Nacionalista», at a~g sáligan n~g násabi~g bago~g Lapian ay masásabi~g halos nagbuhay sa kanyá~g bantóg na panitik. A~g pagkákaisá n~g m~ga kapisanan sa Pilipinas, magí~g sa kalakal, kapamayanan at Polítika, ay siyá~g lagí~g pa~garap ni Del Pan. Bila~g pagkilala sa m~ga kata~gian ni Del Pan ay ihinalál siyá niyaó~g Septiyembre n~g 1909 upá~g magí~g kasa~ggunì n~g «Comité de Coodificación» na pina~gu~guluhan n~g M~gl. na Manuel Araullo, ~gayó'y kasalukuya~g Pa~gulo n~g Pinakamataás na Húkuman dito sa Pilipinas. Sa Lupon n~g pagsisinóp na itó ay kanyá~g ibinunyág a~g m~ga lalo~g masela~g na pagáaral tu~gkól sa «Derecho Penal» at na~gaila~gan siyá~g maglakbáy sa boó~g daigdig upá~g pagtuladtularin a~g m~ga batás na náuukol sa bagay na yaón. A~g kanyá~g m~ga palagáy at hinuhà tu~gkól sa «Derecho Penal» ay pinapurihan n~g bantóg na Pa~gulo noón n~g Mataás na Húkuman, a~g M~gl. na Cayetano Arellano. Sa ibabaw n~g lahát n~g tagumpáy na itó ni Del Pan, ay lumasáp din namán n~g m~ga lalo~g masasakláp na upasalà n~g m~ga mai~ggítin, at siyá a~g nagí~g tudláan na~g m~ga may likhâ n~g paghahati~g «Filipino de Cara y Corazón» na puminsalà n~g gayón na lama~g sa mabuti~g lakad n~g ati~g m~ga pagkati~g polítiko. Náriyán a~g isá~g tao, na bagá ma~g sa kanyá~g m~ga ugát ay malinaw na dugo~g kastilà a~g nanánalaytáy, at bahid ma'y walá~g pagkapilipino mata~gì sa kapalara~g dito makákita n~g una~g liwanag, ay ubos kaya~g nagpunyagî, sa ikaúunlád n~g kanyá~g Baya~g Tinubuan, sa ibabaw n~g m~ga upasalà n~g m~ga karugô, at m~ga kalupaín man. M~ga tao~g gaya ni Del Pan ay dî dapat mahimbí~g sa limot. Karapatdapat sa pagturi~g n~g m~ga kalupain sa Pilipinas na kanyá~g ipinagmámalakí; nitó~g Tinubua~g Lupà na pinagubusan niyá n~g utak at sikap, upá~g makasapit sa isá~g tunay na pagkakáisá sa pagtuklás n~g m~ga marara~gál na mithî. Magí~g pagturi~g a~g m~ga talata~g itó sa kanyá~g kapuripuri~g halimbawà. A~g káhulihuliha~g Bantayog na iniwan ni Rafael Del Pan sa Tinubua~g Lupà at a~g «Código Correccional» na kumakali~gà sa m~ga katuwiran n~g m~ga kula~g palad na nagdurusa. =P. MARIANO GOMEZ= Hindi maáari~g sulatin a~g kasaysayan n~g Pilipinas na~g dî mábaba~ggít a~g pinagpala~g pa~galan n~g Pari~g Tagalog na itó, yayamá~g sapól pa n~g hímagsikan tu~gkól sa m~ga lupain niyaó~g taó~g 1822, a~g pa~galan niyá ay sinambisambitlâ at nagí~g para~g ugat n~g sasakyá~g nagpápanuto sa mabuti~g landasin. [Larawan: =Libingan ni G. Pascual H. Poblete, manunulat na walang pagal at talaisip na kahangahanga.=] Sa kanyá uta~g a~g pagkalutas n~g hímagsíka~g yaón na kanilá~g linagdaán ni Luis Para~g, at a~g malakí~g usapin n~g m~ga pari~g Tagalog, na kanyá~g ipinagta~ggól n~g ubos kaya at pinaggugulan n~g dî kákauntí~g salapî upá~g ipagtagumpáy sa Espanya, yáyama~g sa m~ga Húkuman dito sa Pilipinas na~g m~ga panahó~g yaón, a~g katuwiran ay isá~g balità lama~g na dî tinatamasa n~g m~ga tubò sa sinawi~g lupaín natin. Tunay at ipinagta~ggól niyá at ipinagtagumpáy sa Pa~gulo~g baya~g nakasásakop sa atin, a~g usapin n~g m~ga pari~g Tagalog; subalít gaya n~g lahát n~g tagumpáy n~g m~ga baya~g nasásakupan, ay nagí~g tagumpáy na panandalian na dî man lama~g nasamantala, a~g panunumbalik ni Henerál García Camba at ni Matías Vizmanos, sapagká't sa loób lama~g n~g isá~g taón at kalahatì na itinigil dito sa Pilipinas ni Henerál Camba, ay nagawâ na n~g m~ga kaaway n~g «Clero» na yaón ay palitán ni Henerál Ora, na may m~ga símulaí~g tiwalî at dî makapagtútulot na a~g pagunlád ay manatili sa Pilipinas. Buhat noón magí~g si Vizmanos at magí~g si Parî Mariano Gómez, na pinagúukulan namin nitó~g ulat, ay na~gapilita~g manumbalik sa pagpapahi~gá muna, yáyama~g a~g «lupà ay hindî handâ» sa m~ga mithî n~g báyan. Buhat sa isá~g mariwasá~g a~gkán, si Parî Gómez ay kumita n~g una~g liwanag sa baya~g Sta Cruz, Maynilà, at umanó ay buhatan sa isá~g a~gká~g Hapón na napilita~g pumanaw sa Pilipinas at dito ay naiwan a~g kanilá~g asaasawa at m~ga anák niyaó~g dáana~g taó~g XVII. Sa pagká Pari, si Gómez ay napabantóg n~g gayón na lama~g sa pagkámabuti~g magpasunód, at aná~g m~ga pinagsa~ggunian namin, umanó ay na~g siyá'y dakpin sa Bakoód at ilulan sa isá~g pala~gkin, ay ninasà n~g kanyá~g m~ga kapanalig na siyá ay agawin sa m~ga kawal, ~guni't nápakalaki a~g kanyá~g kapa~gyarihan sa kanyá~g m~ga tao, kayá't sukat a~g kanyá~g pagkakasu~gaw sa sasakyán at sabihi~g «Babalik akó agád sa inyó~g pili~g» ay mapayapa~g na~gagihimpil a~g talagá~g ma~gagsisiagaw sa kanyá sa kukó niyaó~g m~ga ganid. Sa imbakan n~g m~ga mu~gkahi sa Katedral, ay naii~gatan pa ha~ggá ~gayón a~g kanyá~g m~ga bu~ga~g isip sa kanyá~g m~ga pasyá, na pinakapuri n~g lubhá~g marami~g dalubhasa~g kapanahón at aná~g ibá, ay sa tatló~g binitay niyaó~g Pebrero n~g 1872, ay si P. Gómez a~g pinaká pahám. Tu~gkól sa katampalasanan n~g sa kanilá ay pagkakábitay a~g ati~g Kahan~gaha~ga~g Lumpó ay nagukol sa kanilá n~g gayari~g katagâ: «A~g baya~g itó na náhimbi~g na dáana~g taó~g at dî man lama~g nagpapamalay na may buhay, at lubhá~g marami a~g naniwalá~g patáy na ~gâ, ay sinugatan n~g sugat na pampatáy; at sa pagdamdám n~g sugat na itó ay nágula~gtá~g, nágisi~g, at natahó~g siyá ay buháy pa palá ay may karamdaman. Bakit siyá buháy, paanó nabubuhay at sa anó nabubuhay?» «M~ga súliraní~g hininóg at boó~g kataimtimá~g ginunamgunam na~g dî natiyak na tugunin, ~guni't a~g m~ga bayan ay dî lumulutas n~g m~ga súliranín na~g ágaran, at a~g sandalî n~g paglutas ay sumapit, a~g paghihímagsík ay sumuplí~g; sapagká't a~g binhi~g kanilá~g dinilíg n~g kanilá~g mahalagá~g dugô ay nahulog sa mabuti~g lupà, a~g marubdób na pagsambá sa kalayaan ay mulí~g dinamdam n~g bayan natin». Bila~g para~gál sa Tatló~g Pare~g binitay niyaó~g 1872 a~g m~ga Katipunan, niyaó~g 1896, sa kanilá~g pagpapákilalanan ay binába~ggît n~g m~ga tagá ikalawá~g hanáy a~g gayari: «Gom-Bur-Za», banal na pálita~g salitâ na nagpápani~gas n~g pusò, na nagbabanság n~g m~ga una~g pantig n~g tatló~g dakila~g pa~galan. Isá~g Bantayog a~g nitó~g m~ga huli~g kilusán ay itinayô sa bayan n~g Bakoód, bila~g para~gál sa kanyá~g pa~gala~g dî nalilimot n~g kanyá~g m~ga kababayan. Magì~g diwà nawâ n~g bayan nati~g pinagsusu~gîtán n~g palad a~g tilamsík n~g iyó~g diwá ¡oh dakila~g Martir n~g m~ga usapi~g bayan! Tátapusin namin a~g ulat na itó sa ilá~g katagâ ni Dr. Rizal sa «Filibusterismo» na anya: «A~g pananampalataya sa pagta~ggi~g kayó'y dustaín, ay naglagáy sa áli~gla~gan n~g kabuhu~gá~g sa inyo'y ibinubuhat.» «A~g Pámahalaán sa pa~gsisikap na ligirin n~g himalâ a~g inyó~g usapín, ay nagpápatunay n~g anó ma~g kamalia~g kanilá~g nágawâ sa usapí~g yaon sa mapa~ganib na sandalî, at a~g boó~g bayana~g Pilipinas, sa pagti~gkalâ sa inyó~g alaala at pagtawag sa inyó~g Martir, ay táhasa~g dî naniniwalà na kayo'y may bahid ma~g kasalanan.» =ANDRES BONIFACIO= [Larawan: Andres Bonifacio] Sino~g anák n~g Pilipinas a~g dî nakákikilala kay Bonifacio? Si Andrés Bonifacio ay anák n~g paggawâ at dî pinalad na makápagliná~g n~g munî na gaya n~g m~ga mapalad na iniwi sa duyan n~g kariwasaan. Anák dukhâ at sa kabataan ay naulila sa m~ga magula~g na nagpapalà kayá't maaga~g nakitalád sa buhay upá~g sa palihán n~g pa~ga~gaila~gàn ay makayarî n~g isá~g kálolwá~g nápákalakí, isá~g diwa~g dî karaniwan, at isá~g pa~ghalina~g katutubò na lininá~g at pinamaibabaw sa kanyá~g pa~gkatao. Siyá'y tubò sa makasaysaya~g bayan n~g Tundó, Maynilà, at anák ni G. Santiago Bonifacio at G~g. Catalina Castro. A~g una~g liwanag ay nákita niyá noo~g iká 30 n~g Nobyembre n~g taó~g 1863. Ulila palibhasà sa gula~g lama~g na labí~gapat na taón at may apat pa~g kapatíd na na~gá~gaila~gan n~g kanyá~g pa~ga~galagà ay napilita~g a~g kabuhayan ay kitain sa alín ma~g paraán at a~g gayón ay kanyá~g tinuklás sa paghahanap buhay sa isá~g bahay kalakal, kina Fressel & Co., na kanyá~g pinaglakuan n~g kanyá~g paglili~gkód. Sa kahirapa~g kanyá~g tinatawíd ay lalo~g tumi~gkád sa kanyá a~g pagkakátuwás n~g m~ga kalagayan n~g tao, a~g kaibhán n~g baya~g sakop at n~g nakasasakop; a~g kakayahán n~g m~ga pinalad na na~gagsiduno~g sa tulo~g n~g salapî, at a~g kaabaán n~g m~ga sawî na dî makaratí~g sa likmuan ni Minerva sa kakula~gán n~g kaya na makapagliná~g n~g munî; at sa dapat na ikáligáw n~g landás, ay lalo~g nápanuto at magisá~g nagsamantalá n~g kanyá~g m~ga labis na panahón sa paggawâ, at magisá~g ipinagaral; samantala~g nabúbuksán untiuntî a~g kanyá~g baít sa ta~gláw n~g m~ga dakila~g aral na nátataluntón niyá sa malawak na kahârian n~g karunu~gan, ay lalò nama~g tumíti~gkád a~g kanyá~g pagibig sa kula~g palad niyá~g Tinubua~g Lupà. Isá~g sulat na sumapit sa kamáy ni Gat Bonifacio a~g sa ibá't ibá~g bagay na sinasabí, ay natatapos sa ganitó. «Tunay na a~g Baya~g itó (A~g Pilipinas) ay apí~g apí at supil n~g isá~g Pámunuá~g tagá iba~g lupà; ~guni't mahirap at mapa~ganib na totoó a~g tayó'y magakalá n~g isá~g pagbaba~gon; baká pa a~g ma~gyari ay lalò tayo~g mápahamak. Bayaan muna nati~g silá ay magtamasa sa kaginhawahan». Sa ibabâ n~g sulat na itó ay tinitikan ni Gat Bonifacio n~g gayari: «Ku~g a~g paniniíl ay Trono n~g galák at busabos tayó~g tuntu~ga~g panatag ku~g a~g tunay na Ley, siníra't hinamak, Iguho ang Harî ang siyang marapat[1]» «Ku~g Baya'i balót n~g sapot na itím a~g buhay ay laa~g inisín sa libí~g sa tabi~g n~g gabí'i, may másisinag di~g liwanag n~g bago~g panahó~g dáratí~g» Sa pagkamánunulat si Gat Bonifacio ay nápabantóg sa m~ga tudlí~g niyá~g linagdaan n~g «May Pagaasa» at «Agapito Bagumbayan». Sísipiin namin dito a~g bahagi n~g isá~g tulâ niya na inii~gatan n~g isa~g mapagmahál sa kanyá~g m~ga lathalà. =Halaw sa mga Tula ni Gat Bonifacio= PAGIBIG SA BAYAN Mayroón pa kaya~g pagsinta~g dakilà Lalo pa~g mani~gní~g at kaha~gaha~gà Ta~gî sa pagibig sa sarili~g Lupà? Walâ na marahil. Tunay na walâ ~gâ. * * * * * Na~g mapasila~g ka Lupa~g Tinubuan A~g lagi~g nais ko~g pinagsasakitan A~g lahát ko~g awit ó kayá'y tuwâ man Ta~gi~g Bayan ko a~g pinagúukulan. * * * * * Walá~g lalo~g sákit sa isá~g Bayani Na dî ihahandóg sa Bayan ko~g kasi Dugô ma't ligaya, duno~g na pamuti Kahit kamataya~g ikaruruhagi. * * * * * Bayan ko ay siyá~g nagbigay n~g buhay; Tulad sa Iná ko~g ta~gi~g nagyayaman, Mani~gní~g na sinag tulad n~g sa araw Na nagpapalusóg sa abâ ko~g lagay. * * * * * Masawi't mamatáy si~gisá~g liwanag Ku~g danasin itó n~g dahil sa Liyág Ku~g lalo~g malakí a~g tiisi~g hirap Lalò pa~g ligaya. ¡Oh kaysarapsarap! [1] Sa tiklop ng papel na sinipian namin ng mga talatang nasaitaas ay dî na mabasa ay hinalinhan namin ng malalaking titik P ang K. Nagbasá n~g m~ga aklát na «La Triste Italia», «Historia de la Revolución Francesa», «Ciencias Políticas» (Karunu~gan sa Pamamahalà) «Derecho Internacional», «Historia Universal» ni Cesar Cantú, at «Las Memorias de un Soldado» (M~ga talâ n~g isá~g sundalo). May isá siyá~g aklatan saganà sa mabubuti~g aklát, ~guni't kinain mandín n~g lahò na~g siyá'y mamatáy. Si Mabini at si Rizal ay nagí~g lagî niyá~g kasa~ggunî sa m~ga kilusá~g náuukol sa Bayan, at sa pagkákita niyá~g a~g «Liga Filipina» na itinatag ni Gat Rizal, ay lagi~g nabubulabog ay inakalà niyá~g ihalili roón a~g pinagpala~g «K. K. K.» na siyá~g bumigkis na tulad sa iisa~g taó sa tana~g pilipino na nagbago~g buhat sa pagkakahimbi~g upá~g pawiin sa Kapuluan a~g taták n~g kaalipinan. Una~g bu~ga n~g kanyá~g dî karaniwa~g kisláp n~g diwâ ay a~g pagtatátag n~g dakila~g «K. K. K.» (Kataástaasán, Kagala~ggala~g, Katipunan) n~g m~ga anák n~g Bayan. Katipuna~g una~guna~g nagtaním sa pusò n~g m~ga tagarito n~g isá~g marubdób na pagibig sa Tinubua~g Lupà. Kapisanan n~g m~ga magiliwi~g anák sa Iná~g Bayan palibhasà a~g na~gagsisibuò n~g Katipuna~g yaón na itinatag ni Andrés Bonifacio, ay pawa~g may likás na pagibig sa Tinubua~g Lupà, isá~g kapatira~g kahilihilî; kayá't minamarapat nami~g sipiin a~g kanyá~g dakila~g arál upá~g uliranín n~g atí~g m~ga hulí~g sibol a~g simulâ at binhî n~g m~ga kalayaan nati~g sa ~gayó'y tinatamasà. M~GA ARAL N~G KATIPUNAN. «A~g kabuhaya~g hindî ginugugol sa isá~g malakí at banal na kadahilanan ay kahoy na walá~g lilim kundî damó~g makamandág». «A~g gawá~g magali~g na nagbubuhat sa pagpipita sa sarili, at hindî sa talagá~g nasa~g gumawâ n~g kagali~gan, ay hindî kabaitan». «A~g tunay na kabanalan ay a~g pagkakawa~ggawâ; a~g pa~gibig sa kapuwà, ay a~g isukat a~g bawa't kilos, gawâ at pa~gu~gusap sa talaga~g katuwiran». «Maitím man at maputî a~g kulay n~g balat, a~g lahát n~g tao ay magkakapantáy; ma~gyayari~g a~g isá'y higtán sa duno~g, sa yaman, sa gandá; ~guni't dî mahíhigtán sa nagkatao». «A~g may mahál na kalooban ay iuuna a~g puri kay sa pagpipita sa sarili; a~g may hamak na kalooban ay iuuna a~g pagpipita sa sarili kay sa puri». «Sa taó~g may hiyâ a~g salitá ay panunumpâ». «Huwag mo~g saya~gin a~g panahón: a~g yama~g nawawalà ay ma~gyayari~g magbalik; ~guni't a~g panahó~g nagdaán na ay dî na muli pa~g dadaán». «Ipagta~ggól mo a~g ináapí at kabakahin a~g umáapí». «A~g taó~g matalino ay a~g may pagii~gat sa bawa't sásabihin, at mátuto~g ipaglihim a~g dapat na ipaglihim». «Sa daá~g matiník n~g kabuhayan, a~g lalaki ay siyá~g patnugot n~g m~ga anák; ku~g a~g umaakay ay patu~go sa kasamaán, a~g inaakay ay sa kasamaán din». «A~g babai ay huwag mo~g tigná~g isá~g líba~gan lama~g kundî isá~g katuwa~g at karamay sa m~ga kahirapan nitó~g kabuhayan; gamitan mo n~g boó~g pagpipitagan a~g kanyá~g kahinaan, at alalahanin a~g iná na pinagbuhatan at nagiwi sa iyó~g kasa~ggulan». «A~g di mo ibig gawín sa iyó~g asawa, anák at kapatid ay huwag mo~g gágawín sa asawa, anák at kapatid n~g ibá». «A~g kamahalan n~g tao ay walâ sa pagkáhari, walâ sa pagpapata~gos n~g ilo~g at puti n~g mukhà, walà sa pagkápari na kahalili (raw) n~g Dios, walâ sa mataás na kalagayan sa balat n~g lupà; wagás at tunay na mahál na tao, kahit lakí~g gubat at walá~g nabábatid kundî a~g sarili~g wikà, yaó~g may mágandá~g asal, may isá~g pa~gu~gusap, may da~gal at puri, dî umáapí, yaó~g maruno~g magdamdám at maruno~g lumi~gap sa Baya~g Tinubuan». Lumaganap n~g gayón na lamá~g a~g m~ga dakila~g aral n~g Katipunan sa lahát halos n~g nasasakupan n~g Walo~g Lalawiga~g Tagalog; at kahit na nakasapit sa kaalamán n~g Mara~gál na henerál n~g Hukbó~g kastilà na si Don Ramón Blanco, palibhasà ay isá~g dalubhasà~g Pámunuán na dî kaayon sa kagahasaan ay dî napadalá sa m~ga buló~g na paghihímagsík n~g kanyá~g m~ga nasasakupan. A~g una~g balita~g itó na boó~g katahimika~g lumaganap sa matataás na kagawaran n~g Pámunuá~g Pá~glahát nitó~g Kapuluaán, ay na~gyari niyaó~g iká 9 n~g Agosto n~g taó~g 1896 sa sumbó~g n~g Kura sa Tundó na Fr. Mariano Gil, at sapagká't dî pinansín at di pinahalagahán n~g Mara~gál na si Henerál Blanco, ay nagkaroón n~g m~ga lihim na kilusán at pakanâ na nagpasapit sa Pámahalaán sa Madrid n~g pa~gagaila~ga~g magpadalá rito n~g isá~g «walá~g paulikulik» na Henerál, upá~g máiligtás a~g kapa~gyarihan n~g Espanya sa isá~g dî maiiwasa~g Hímagsíkan. At si Henerál Polavieja, ay kagyát dumati~g upá~g humalili sa dati~g Henerál Don Ramón Blanco. Una~g bina~gsakán n~g kalupitán n~g bago~g Henerál ay si G. Pío Valenzuela at Aguedo del Rosario at sa isá~g maigsi~g bugsô n~g kapusukán n~g pikit matá~g panúnupád n~g kaba~gisa~g walá~g kahulilip, ay mahigit sa tatló~g daá~g magitan n~g pagpapadakip n~g walá~g anó ma~g abogabóg sa bawa't mátamaán n~g malas n~g kanilá~g m~ga tiktík na gumágaláw sa lilim n~g kapa~gyarihan n~g m~ga kaaway n~g ati~g paglayà. Halos araw araw ay may binábaríl na kula~g palad, at kabila~g sa m~ga itó, a~g na~gyari niyaó~g iká 30 n~g Disyembre n~g taó~g 1896, a~g lalo~g kálakílakiha~g upasalà sa Baya~g Pilipinas, a~g kálakílakiha~g kabuhu~gán, na sa pa~galan n~g Espanya ay ginanáp n~g banyaga~g Pámunuán dito sa Kapuluan na pagpapabaríl sa lalo~g pinaká dakila~g Tagalog, sa Bayani n~g m~ga Bayani, na si Gat José Rizal at Mercado. A~g Himagsíkan ay lumaganap na~g gayón na lamá~g sa lahát n~g puso~g may bahagyá~g hinanakít sa Pámahalaá~g nápakabigát na at dî na ibig na talimahin, at buhat sa Hiyáw n~g Layà sa Balintawák niyaó~g iká 20 n~g Agosto n~g taó~g 1896, ha~gga~g Abril n~g taó~g 1897 ay itinaguyód n~g «amá» n~g Katipunan a~g Híma~gsíka~g nápasimulán n~g walâ sa panahón sa kapusukán n~g m~ga masasamá~g Pámunuán n~g kastilà rito sa Pilipinas. At lumaganap a~g lakás n~g m~ga Katipunan sa lahát n~g dako, subalit sa Kawit, a~g lakás ni Aguinaldo ay kaha~gáha~gà. Dî kawasà ay kinilala si Aguinaldo na Pa~gulo~g Hukbó, sanhî n~g ipinagkahatî n~g m~ga «katipunan» sa dalawá~g malakí~g pa~gkát, na: Aguinaldista at Bonifacista. Na~g panahó~g yaón si Bonifacio ay nása Kawit, ~guni't sa pagilag sa m~ga dî maiiwasa~g pagbubu~gguan n~g dalawá~g pa~gkat ay linisan ni Bonifacio a~g Kawit at tutu~go sana sa Batangas, ~guni't sa Limbó~g, isá~g Nayó~g sakop n~g Indá~g, ay kanyá~g násagupà a~g m~ga kawal ni Pawa, at a~g inilaga~g pagbubu~ggô ay sumapit; si Bonifacio ay nasugatan at a~g kanyá~g dalawá~g kapatíd, si Ciriaco at si Procopio ay na~gasawí~g nápatáy. Binihag si Bonifacio n~g kanyá~g m~ga kaaway at ihinaráp sa Húkuma~g digmâ na naglagdâ sa kanyá n~g hatol na kamatayan, ~guni't hindî isinagawâ ni Aguinaldo, at bagkús pinatawad, ~guni't itinagubili~g siyá'y papanawin. Dinuyan si Bonifacio upá~g ihatíd sa poók na kanyá~g pagdúrusahan, ~guni't siyá'y ibinulíd n~g na~gaguuso~g, sa isá~g ba~gi~g malalim sa Marigondon, na kanya~g kinálibi~gán n~g buháy. Itó'y na~gyari niyaó~g iká 26 n~g Abril n~g taó~g 1897. Kalunoslunos na wakás na itinalagá n~g kalupitán sa amá n~g dakila~g kilusá~g tu~go sa paglayà. A~g araw na itó ay ipinagluluksà ha~ggá ~gayón n~g m~ga tunay na «Katipunan» a~g kai~ggitan ay nagtagumpáy, a~g isá~g pulutó~g na kawal n~g ati~g di~g Hukbó~g naghíhímagsík ay nagpatunay minsan pa n~g isá~g dî na mababawi~g kamálian at a~g buhay ni Gat Andrés Bonifacio ay linapasta~gan n~g walâ sa panahón, tinampalasan n~g isá~g kahatulá~g nápakalupít na ta~gi~g a~g kasaysayan a~g makatúturól n~g táhasan ku~g sino a~g dapat managót n~g gayó~g nakalulunós na wakás. Ani Bonifacio sa kanyá~g m~ga salaysay: «Hindî tayo dapat matakot kan~gino man kundî sa kasaysayan.» Talagá~g a~g isá~g baya~g bago~g umúunlád sa pagtata~ggól n~g kanyá~g katuwira~g naáapí ay nagháhandóg n~g lalo~g dakila~g buhay. Sa kalupitan ni Polavieja ay pinatigís a~g dugô n~g diwà n~g Hímagsíkan: Si Gat José Rizal y Mercado; at sa kabilisán n~g isá~g hatol na ágaran ay pinadanak a~g mahalagá~g dugô ni Gat Andrés Bonifacio, na siyá~g tunay na bisig n~g Hímagsíkan natin. Na~g si Gat Andrés Bonifacio ay isakdál sa kasalana~g «Taksíl sa Tinubua~g Lupà» ay boó~g lu~gkót na nagsabi n~g ganitó: «Taksíl akó pagkatapos na kayó~g lahát ay akí~g matipon at maiparuto sa landasi~g itó na patu~go sa isá~g ganáp na kalayaan? Taksíl akó? ... ¡Salamat!» At a~g kanyá~g kamatayan ay nagí~g pasimulà n~g kanyá~g buhay na walá~g ha~ggán sa baya~g Pilipinas, na sa kanyá~g kará~galan ay nagpúpuri namímintuhò at lubós na gumágala~g; at a~g isá~g pagkawalá~g kamatayan na gaya n~g sa lahát n~g dakila~g Bayani na nagpakata~gî sa paglili~gkód sa kanyá~g Tinubua~g Lupà, ay kanyá~g kinamtán. Isá~g Páaralá~g bayan sa Tayumán a~g itinayo upá~g papurihan siyá~g lagî n~g m~ga sisipót na a~gkán; upá~g doón ay pagáralan a~g m~ga dakila~g aral na isinulat niyá n~g kanyá~g malinis na dugô; upá~g ubos kaya~g pabulaanan a~g parata~g na «taksíl» na ibig ibabaw sa kanyá n~g m~ga nagsiusig na manánagót sa kasaysayan n~g ati~g bayan. Isá~g araw na pa~gilin sa loób n~g isá~g taón, a~g puto~g na pambawî n~g kalapasta~ganan sa kanyá, a~g iginawad sa kanyá~g kara~galan n~g Pámahalaá~g kasalukuyan. «Minsán santaón, ay binábawî n~g baya~g Pilipinas a~g kalaitlait na parata~g na nagí~g halagá n~g buhay ni Gat Bonifacio. Siyá'y may matuwíd n~g kanyá~g sabihi~g: «Upá~g ipagta~ggól a~g usapin n~g bayan ay dî lama~g a~g lakás n~g loób at tapa~g a~g kaila~gan.» «Isá~g malakás a~g loób at matapa~g na pinagagalaw n~g diwa~g dî nasasalig sa kataru~gan at katuwiran, ay maáari~g makabawî n~g upasalâ, makapinsalâ, makagunaw at pumatáy, ~guni't kaylán ma'y dî makapagtatatag n~g isá~g baya~g may ganap na kalayaan». =P. JACINTO ZAMORA= Niyao~g Agosto iká 14 n~g taó~g 1835, sa kalapit na bayan n~g Pandakan, Maynilà, ay sumilá~g sa Maliwanag a~g isá~g sa~ggól na tinawag na Jacinto Zamora. Sa kabataan pa ay nagpakita na n~g kabaitan at pagsisigasig sa pagáaral, ha~ggá~g sa nagí~g Parè. Hindî magágawâ n~g sino ma~g pilipino a~g sumambit n~g m~ga biyayà n~g Hímagsíkan, na~g dî mákikita sa pagsuysóy n~g sanhî noón a~g dakila~g binhî na dinilig n~g sarili~g dugô niyaó~g 1872 n~g tatló~g banál na pari~g Tagalog, si Pari Burgos, si Pari Gómez at si Pari Zamora. Iká 15 n~g Pebrero n~g taó~g 1872 n~g basahin a~g kalaitlait na hatol kiná José Burgos, Mariano Gómez Jacinto Zamora (m~ga Parè) at siná Máximo Inocencio, Crisanto de los Reyes, Francisco Saldua at Enrique Paraiso, na nagásakdál na ma~guupat at m~ga may kinálaman sa aklasa~g kawal na na~gyari sa Liwasan n~g Kabite niyaó~g iká 20 n~g Enero n~g 1872. At iká 18 n~g Pebrero n~g nasabi~g taón ay nakyát sa bibitayán a~g na~gáhatulan, upá~g pagpalain n~g kanilá~g malilinis na buhay a~g kamataya~g kalaitlait. Sa kara~galan n~g Tatló~g Pari ay ihinandóg ni Rizal a~g pa~galawá~g bahagi n~g «Noli» na pinamagatá~g «El Filibusterismo». A~g pagaani sa punlâ na ihinasik n~g Tatló~g Párè ay kasalukuya~g tinatamasa n~g kanilá~g m~ga kabarò sa Pilipinas. Niyaón, ay hindî man lama~g makapamahalà n~g isá~g Simbahan a~g m~ga Pari~g Tagalog, at ~gayón ay hindî lama~g nakapamamahalà n~g simbahan ó nagigi~g Kura, kundî marami pa ri~g sumapit na sa mataás na katu~gkula~g Obispo, at anó a~g malay natin ku~g sa hináharáp ay makapág Arsobispo na rin at Kardenal a~g m~ga Pari~g Tagalog. Isá sa m~ga walá~g patawad na kamalia~g nágawâ n~g iginuho~g Pámahalaán n~g m~ga kastilà, a~g pagkakápabitay sa marilág na si Pari Jacinto Zamora. Aná~g m~ga kasulata~g náuukol sa bagay na itó, na may kinálaman sa aklasa~g kawal niyaó~g 1872, a~g utos na pagpapadakip ay hindî sa Pari~g itó~g binitay nálalagdâ, kundî sa isá~g nag~ga~gala~g José Zamora, Parì rin, ~guni't hindî ~gâ lama~g nákatulo~g sa hindî malílimot na kilusá~g ginampanán n~g tatló~g dakila~g Pari~g Tagalog na siná Burgos, Gómez at Zamora, at dahil sa bagay na itó a~g kautusán sa pagdakíp ay nabago sa pamamagitan n~g mahiwaga~g pakanâ n~g m~ga kaaway n~g tatló~g kawaní sa Lupon ng Pagbabago (Comité Reformador) at si Pari Jacinto a~g ipinadakip, at na~g halu~gkatin a~g kanyá~g sulatán ay nátuklás a~g isá~g liham na ipinadalá sa kanyá ni Pari Duran, Kura sa San Anton, na nagsasabi n~g gayari: «Dakila~g pagkakatipon. Dumaló kayó na~g walá~g pagkukula~g. A~g m~ga kaibigan ay pawa~g may tagláy na marami~g pulburá at pu~glô.» A~g sulat na itó a~g ta~gi~g pina~ghawakan, upá~g igawad sa kanyá a~g kalaítlait na hatol na bitayin. Na~g panahó~g yaón na a~g m~ga konbento ay siya~g pinagtitipunan n~g m~ga mánunugal ku~g pintakasi, a~g «pulbura» at «pu~glô» ay na~ga~gahulugá~g «salapi», at a~g panyaya~g itó kay Pari Zamora n~g Kura sa San Anton ay sa isá~g pagtitipon n~g magkakaibigan. Ku~g si Pari Jacinto Zamora ay di kinatulo~g n~g pagtata~ggól sa usapin n~g «Clero Filipino» disin di nabitay a~g kababaya~g itó. Na~g panahó~g yaón a~g pagibig sa Tinubua~g Lupà ay daá~g patu~go sa m~ga balaho at kamatayan, samantala~g sa kapanahunan natin gayón, a~g m~ga tagapagtaguyod n~g gayón di~g simulain ay tumatahak sa m~ga sampaga, sinusuób n~g kamanya~g na nagbaba~guhan, nagsisihimláy sa malúlundóg hihigán at pawa~g awit n~g papuri a~g nari~gig. Mápanuto kayà tayo sa ganito~g kiyás n~g kapanahunan? A~g panahón na siyá~g saksí n~g lahát n~g pa~gyayari, ay siyá~g magúulat sa araw n~g bukas n~g ipamámana sa atín n~g walá~g tuto~g katuturán n~g m~ga ~gayó'y «nagsisiibig at naglili~gkód sa ati~g Tinubua~g Lupà». May isá~g kasabihán dito sa atin, na: «a~g m~ga una raw tao rito sa Kapuluan ay pinamámahalaan n~g m~ga patáy» sa malinaw na sabi, a~g m~ga halimbawà n~g na~gagsiyao, ay siyá~g pinapatnubay iginagala~g at linálandás. Subalit sa ~gayón, na, «a~g m~ga patáy ay pinamamahalaan n~g m~ga buháy na tao» a~g pagkámakabayan ay napakaginhawa, a~g waldasan ay nagi~g isá~g karaniwa~g bagay, a~g pagibig sa bayan ay ipinagtitimpalakan sa apat na sulok n~g daigdig, ~guni't a~g katotohanan ay dí mababago, at a~g tanikalá~g gintô na ibinibigtí sa ati~g kalayaan bila~g bu~ga n~g «maginhawa~g pagibig sa bayan» ay sumisiból; a~g agos n~g kayamanan na lumulunod sa ati~g kalayaan ay bumabalo~g, bumúbukál, bumbabahâ, at..... oh! ku~g magkalupitlupit, bigyán man tayo n~g layà, a~g laya~g iyon marahil ay magigi~g isá~g sagabal sa atin, sa pagká't di tayo makagigitaw sa nakatabo~g gintò na winaldás na n~g m~ga wala~g patuma~gga~g «umibig sa bayan, n~g boó~g ginhawa.» [Larawan: Bantayog kay Dr. Rizal sa Atimonan, Tayabas.] =GAT JOSE RIZAL AT MERCADO= [Larawan: Dr. José Rizal] Lahat n~g sásabihin tu~gkól sa dakila~g Bayani~g itó ay nasabi na n~g m~ga lalo~g Pantás at m~ga Dalubhasa~g tao n~g sansinukuban, pagkápalibhasà ay nápata~gi siyá n~g gayón na lama~g sa lahát n~g Bayani~g sumipót dito sa Pilipinas at siyá'y nápabila~g sa m~ga dakila~g Bayani n~g sa~gkatauhan. Lahát n~g paraán ay sinikap n~g kanyá~g m~ga kapanahón upá~g siyá'y manatili sa pusò n~g madlâ. Sa lalo~g mababa~g halagá~g selyo, a~g kanyá~g larawan ay nároroón upá~g a~g kanyá~g aláala ay huwag máliblib sa lalo~g katagutagua~g nayon at kaabáabaa~g buhay na dî makapagi~gat n~g isá~g larawan niyá~g nakapagbibigay siglá sa m~ga puso~g lumálamlám sa pagibig sa Tinubua~g Lupà. Si Gat Rizal ay pinara~galán din n~g Pámahalaán natin na taglayin n~g salapi~g papel na dadalawahi~g piso a~g kanyá~g larawan, upá~g magpalipatlipat sa m~ga kamáy n~g lahát n~g naninirahan dito sa ati~g lupain at sa labás man, na makapagi~gat n~g salapi~g yaón na nákikilala sa tawag na «isá~g Rizal». M~ga aklát na násusulat halos sa lahát n~g wikà a~g iniukol sa kanya~g kara~galan. Isá~g malaki~g bantayog na pinaggugulan n~g salapî n~g ati~g Pámahalaán a~g sa gitnâ n~g Luneta ay nagpápaalala n~g kanyá~g kagiti~gan. A~g kanyá~g pa~galan ay kilalá n~g lahát n~g pilipino, pinipintuhò at pinarára~galan sa ati~g Kapuluán n~g banyagà at kababayan man, n~g batà at n~g matandâ, n~g Pantás at n~g ha~gál; n~g puhunan at n~g paggawâ; at sa iba~g lupaín ay pinaúunlakán din n~g lahát n~g pilipino sa kanyá~g dakila~g araw, sa araw na a~g kanyá~g buhay ay kinitil n~g kalupitan. Sumila~g si Gat José Rizal niyaó~g iká 19 n~g Hunyo n~g taó~g 1861, sa bayan n~g Kalambâ, Laguna, at siyá'y anák ni G. Francisco at ni G~g. Teodora Alonso. Anák sa baya~g Tagalog at lipi~g Tagalog na tunay, kayá't a~g pagibig sa Tinubua~g Lupà ay kala~gkáp n~g kanyá~g pagkátao. Aral sa táhanan, sa pagtuturò n~g m~ga magula~g na nagnasa~g magmulat n~g kanyá~g bait sapól sa pagkámusmós, ay nagawâ sa kanyá~g mura~g bait a~g gula~g na siyam na taón pa lamá~g ay makalikhâ na n~g isá~g dulà na kinagiliwan n~g Kápitan sa bayan. Sa kanugnóg na bayan n~g Binyá~g ay nagáral siyá kay G. Justiniano Aquino at Cruz at sa loób lama~g n~g ilá~g buwan ay walâ na~g máiturò sa kanyá a~g Guro~g Bayan, yama~g nátutuhan na niyá~g lahát a~g nálalaman noón kayá't na~g Hunyo, n~g taón 1872 ay lumipat siyá sa San Juan de Letrán, ~guni't dî siyá náwili rito, kayá't lumipat agád sa Páaralán n~g m~ga Hesuita ha~ggá~g sa tinamó niyá a~g katibayan n~g pagká «Bachiller en Artes». Lumipat siyá sa Universidad de Sto. Tomás, upá~g magáral n~g «Filosofia» «Medicina» at «Agrimensura» at yama~g nápansín niyá~g hindî mabuti a~g ti~gín sa kanyá n~g m~ga Guró doón, at sa payo n~g kanyá~g m~ga kaibigan, niyaó~g Mayo n~g taó~g 1882 ay lumayag siyá~g patu~go sa Europa, pagkatapos niyá~g tamuhín a~g katibaya~g pagká «Agrimensor». Dumáan siyá sa Singapur, Kanal n~g Sues, at sa Marselya siyá lumunsád, at buhat doón ay napatu~go sa Barselona na kinakilalanan niyá sa m~ga kalupaí~g dóroón. Tumu~go siyá sa Madrid at sa «Universidad Central» doón, ay nagpatuloy siyá n~g pagáaral n~g «Medicina», «Literatura» at «Filosofia»; kasaliw n~g pagáaral niyá n~g m~ga karunu~ga~g nábangít ay dî niyá napaglabanan a~g hilig n~g kanyá~g diwà sa sini~g, kayá't nagáral din siyá n~g Paglililok (escultura) at n~g pagkuha n~g larawan sa pamamagitan n~g lápis at n~g kulay na lubhâ niyá~g ikinata~gî. Pagkátapos niyá~g tamuhin a~g m~ga katibayan sa «Medicina», «Filosofia» at «Literatura» niyaó~g taó~g 1885 ay lumipat siyá sa Paris na kanyá~g kinátagpuán sa m~ga kalupai~g Antonio at José Luna, at Pardo de Tavera; buhat sa Fransiya ay lumipat siyá sa Alemanya upá~g makinyíg n~g m~ga bantóg na Panayám sa «Universidad de Heidelberg»: lumipat siyá sa Berlin at sa baya~g itó niyá tinapos a~g walá~g kamataya~g «Noli». Si Dr. Jagor sa Berlin na masikháy na sumuysóy n~g m~ga kapakanán sa Pilipinas ay nakátagpô sa ati~g Rizal, n~g isá~g mabutí~g kaibigan. Buhat sa Berlin ay lumipat si Rizal sa Austria at dito niyá nakaniíg si Prof. Blumentritt; mulâ sa baya~g itó ay napatu~go siyá sa Italya. Dito niya isinalin sa Tagalog a~g «Wilhem Tell» at saká umwî dito sa Pilipinas. Si Rizal ay mawilihin sa pagáaral n~g wikà, at itó a~g sanhî n~g kanyá~g pagliklík sa lahát halos n~g m~ga Pa~gulo~g bayan sa Europa, at na~g siyá'y dumatí~g dito sa ati~g lupaín, upá~g harapín a~g pa~ggagamót ay nagsásalitâ na siyá n~g halos lahát n~g wiká~g liná~g sa Europa at Asia. Noó~g 1888 ay ninasa~g mulí~g maglakbáy sa m~ga ibá~g dako n~g sansinukob at siyá'y dumaán sa Ho~gkó~g na kanyá~g kinátagpuán sa dakila~g Tagalog doón na si Ginoó~g José Basa; pagdaán sa Hapón, upá~g pagáralan sa sarili~g lupà a~g wika~g Hapón, dumaán sa Amérika, bago nagtulóy sa Inglaterra at sa baya~g itò nákaniíg si G. Antonio Ma. Regidor. Sa Londres at sa bahay ni G. Regidor niyá isinalin at tinuligsà a~g Kasaysayan n~g Pilipinas na sinulat ni Pari Morga, na lubhà niyá~g ikinabantóg sa panitikan. Iká 9 n~g Nobyembre n~g taó~g 1887 na~g sulatin ni Profesor Blumentritt a~g páuna~g salitâ sa «Morga» ni Dr. Rizal. Sa pánitikan ay may isá siyá~g mainam na bakás na naiiwan sa bawa't panahón. Bila~g páuná n~g kanyá~g panunulat ay násabi na namin na siyam na taón pa lama~g a~g kanyá~g gula~g na~g sumulat n~g isá~g dulà na noón pa ma'y kinábakasán na n~g dì karaniwa~g indayog n~g kanyá~g diwà. Niyaó~g 1887 na magdaos n~g isá~g Timpalák a~g «Licco Artístico Literario» dito sa Maynilà na sinalihan n~g lubhá~g marami~g mánunulat ay nápili at nagtagumpáy a~g kanyá~g tulà na may pamagat na «A la Juventud Filipina». Sa kapanahuna~g si Rizal ay nagáaral pa sa Ateneo sa pagpapara~gál sa Mahal na Birhen ay sumulat siyá n~g isá~g dulà na pinamagatán niyá~g «Junto Al Pasig», na lubhá~g kinágiliwan n~g na~gagsipanoód na pawa~g dalubhasá. Sa Timpalák na idinaos sa pagpapara~gál sa ikáapat na raa~g taó~g ikinamatáy ni Cervantes, ay nagtagumpáy a~g titik ni Rizal na may pamagát na El Concejo de Los Dioses. Sa Madrid ay nagkaroón n~g ibá~g himíg a~g kanyá~g m~ga sulat at dito na ~gâ nábunyá~g a~g tunay na pagibig sa Tinubua~g Lupà. A~g kanyá~g «Noli» ay sinimulán niyá~g sulatin sa Madrid at natapos sa Austria, a~g «Filibusterismo» ay sinulat niya sa Ghert Olanda, noó~g 1891. Hulyo iká 3 n~g taó~g 1892 na~g nagpulo~g sa bahay ni G. Doroteo Ongjungco sa daa~g Ilaya blg. 176 Tundó tu~gkól sa «Liga Filipina» at iká 6 n~g Hulyo n~g 1892 na~g ipinadakíp ni Henerál Eulogio. [Larawan: Si Dr. Rizal at ang kanyang mga ginagamot sa Dapitan.] Despujol at ipapiit sa Fuerza Santiago. Niyaó~g iká 11 n~g Pebrero n~g 1893 ay itinatag ni Dr. Rizal a~g «Liga Filipina» isá~g kapisana~g pilipino na pinagukulan ni Mabini n~g gayarí~g katagâ: «Na~g makita~g a~g lahát n~g sikáp ay walá~g tarós at salát sa kaayusan, at di nagbibigay n~g katampata~g wakasin, ay linikhâ ni Rizal a~g Liga Filipina». Na~g si Rizal ay ipatapon sa Dapitan siyá'y nagsaka doón at nagtayô n~g Páaralán sa m~ga tagaroón; kahit iisa~g igláp ay hindî siyá nátahimik at pawá~g iniukol sa kabutihan a~g kanyá~g m~ga gawâ. A~g m~ga maysakit doón ay nakatagpò sa kanyá n~g isá~g walá~g bayad na Ma~ggamot. Samantalá~g siyá'y nároroón ay isá~g amerikano~g nag~ga~gala~g Taufer na kasama n~g isá~g anakanakan na nag~ga~gala~g Josefina Bracken ay dumalaw sa kanyá, upá~g ipagamót a~g m~ga matá~g hindî makákita at pinasiyahán na n~g m~ga iba~g Ma~ggagamot n~g walá~g lunas, a~g Josefina~g itó ay siyá~g nagi~g kapalad ni Dr. Rizal at nákasama niyá sa buhay na yaón sa tapunan. A~g m~ga kahili~gan ni Dr. Rizal upá~g siyá ay patawarin ay hindî dini~gig n~g m~ga makapa~gyarihan, ~guni't kailán ma'y dî nanawi sa kanyá a~g pagasa, at sa gayó~g kalagayan ay tuma~ggáp siyá n~g isá~g sulat n~g matalik niyá~g kaibiga~g austriako na si Prof. Blumentritt, na kanyá~g hili~gí~g sa Pamahalaá~g siyá'y makaparoón sa Kuba bila~g Ma~ggagamot n~g m~ga kawal na kastilà doón, at a~g gayó~g kahili~gan ay pinaki~ggan ni Henerál Blanco, kayá't siyá, sa paniniwâlá~g siyá'y walá~g masamá~g nágawâ ka~gino man na titigatig sa sarili~g budhî, kasama ni Josefina at n~g kanyá~g pama~gki~g si Maria Luisa, ay agád napa Maynilà at sa kasamaá~g palad, na~g silá'y dumaó~g sa luók n~g Maynilà a~g sasakyá~g patu~go sa Espanya ay nakáalis na, kayá't sila ay na~gapilita~g maghintáy n~g panibago~g sasakyá~g lálayag, na dî iba't a~g «Castilla». At si Rizal ay tumulak na ~gâ, ~guni't a~g Hímagsíka~g pina~gu~guluhan ni Gat Bonifacio ay nabunsód n~g walâ sa panahón at isá~g pahatid kawad na buhat kay Gobernador Polavieja a~g tina~ggap, na~g a~g «Castilla» ay dumaóg sa Kanal n~g Sues, hatid kawad na naguutos na dakpin si Dr. Rizal, at sinalubo~g sa Barselona a~g ati~g kababayan upá~g ipiit doón. Pagkaran n~g ilá~g araw ay ilinulan siyá~g mulî upá~g ihatid sa Pilipinas. Na~g idaán sa Ho~gkó~g ay sinikap ni Dr. Regidor na siyá'y palayain sa pamamagitan n~g «Habeas Corpus» ~guni't hindî ipinagtagumpáy ni G. Regidor, a~g kanyá~g banál na nais na mapalayà si Dr. Rizal. Siyá'y inusig dahil sa pagkakátatag n~g «Liga Filipina» at pagtataguyod n~g Himagsikan, at hindî siyá pinahintuluta~g makapagtan~ggól máliban sa siyá'y pinapamili sa m~ga Pámunuá~g doón ay nátitipon. Napili niyá si G. Luis Taviel Andrade, isá~g mara~gál na kastila~g nagta~ggól sa kanyá n~g ubos kaya, ~guni't hindî dini~gig at hinatulan siyá~g barilín sa Liwasan n~g Bagumbayan. Sa pagkamánunulat ni Rizal ay walâ na~g máitatawad. Masasabi na~g walá~g alinla~gan, na a~g kanyá~g panitik a~g siyá~g lumikhâ n~g m~ga kabaguhan sa kapamayanan, na kasalukuyan nati~g tinatamasa at siyá~g nagpayanig n~g matibay na Pámahalaán n~g kastilà na mahigit n~g tatló~g daa~g taó~g sa atin ay naghari. A~g dakila~g Bayani~g itó na pinagúukulan namin n~g ulat ~gayón, ay siniíl n~g kalupitán na~g dî malilimuta~g Henerál Polavieja at niyaó~g iká 30 n~g Disyembre n~g taó~g 1896 sa lawak n~g Bagumbayan ay pinapagdanak a~g kalinislinisá~g dugô n~g isá~g banál na anák n~g Pilipinas. A~g hagunót na hálakhakan n~g kanyá~g m~ga kaaway ay nariri~gig pa halos na~g dumati~g a~g hatol n~g tadhana~g matapos a~g kalupitán n~g m~ga kastilà rito sa atí~g lupaín at niyaó~g Mayo n~g 1898 a~g makapa~gyariha~g baya~g amerikano, sa likhà n~g m~ga pa~gyayari ay nagpadalá rito n~g kanyá~g m~ga sasakyá~g pandigmâ, upá~g sa pamamagitan n~g m~ga pu~gló~g ibinúbuga n~g m~ga kanyón sa Hukbó n~g dati~g Pa~ginoón at Harì ay mábabâ at mahalinhán a~g watawat na «gintô at dugô» na sumaksí rito sa ati~g lupai~g mapagkali~gà n~g m~ga dî mahulilip nakalupitán. At buhat noón a~g m~ga uná~g banaag n~g Bagó~g Araw n~g Pilipinas ay namiták sa sila~ganan n~g kanyá~g pagasa. Bila~g pagwakás sa ulat na itó ay ilalakip namin dito a~g huli~g bu~ga n~g panitik n~g Bayani~g Tagalog na pinamagatán niyá n~g Mi Ultimo Adios. =A~G AKI~G HULI~G PAALAM= (HA~GO SA WIKA~G KASTILA) Paalam, sintá ko~g Lupa~g Tinubuan Baya~g sinaganà n~g sikat n~g araw Marikit na mutyâ n~g dagat sila~gan Edeng maligaya~g sa ami'y pumanaw. Sa iyó'y handóg ko n~g ganap na tuwâ Malu~gkót ko~g buhay na lantá at abâ Nagi~g dakilà man, boó~g pagnanasa~g Ihahandóg ko rin sa iyó~g paglayà. A~g na~gasa digmá~g dumog sa paglaban Alay din sa iyó a~g kanilá~g buhay Hirap ay dî pansín at dî agam agam A~g pagkáparoól ó pagtatagumpáy. Bibitayá't dusa~g linikhâ n~g ba~gis O pakikibaka~g lubhá~g mapa~ganib Walá~g kaila~gan ku~g itó a~g nais N~g bayan at madlá~g pinakaiibig. Mamámatáy akó, ~gayó~g námamalas A~g buka~g liwayáy na na~ga~ganinag N~g minimithî ko~g araw na sísikat Sa likód n~g dilím na kagulat gulat. Ku~g a~g kulay pula'y kinákaila~gan Upá~g itinà mo sa iyó~g liwaywáy Dugô ko'y ibubò pa~giti ko~g alay Na~g iyá~g sinag mo ay lalo~g dumi~gal. Lagi ko~g pa~garap mulá~g magkaisip Magpaha~ggá ~gayó~g maganáp a~g bait Ay mápanoód ka~g hiyás na marikit Na~g dagat sila~ga~g dito'y lumiligid. Matá mo~g marikit sana'y lumigaya Walá~g bakás luha't puspós na n~g siglá Ti~galâ a~g noó, balisa'y walâ na Walá~g bahid poót walâ na~g pa~gambá. ¡Pa~garap n~g buhay! Marubdób ko~g nais, Ikaw ay lumusóg, hiyáw n~g pagibig N~g kálulwá ko~g gayák sa pagalis Upá~g lumayà ka, buhay ay lumawig. Kay tamís málugmók, máta~ghál ka lama~g Mamatáy n~g upá~g mabigyán ka~g buhay Mamatáy sa silo~g n~g la~git mo~g mahál Málibi~g sa lupa~g puspós karikitan. Ku~g sakásakali~g sa abá ko~g libi~g Mayumi~g bulaklák ay iyó~g mápansi~g Sumila~g sa gitnâ n~g damó~g mahinhín Hagká't a~g halík mó'y aki~g táta~ggapin. Sa noó ko~g hapô na doó'y ninidlíp Sa libi~ga~g hukay na lupa~g malamig Ay táta~ggapín ko a~g iyó~g pagibig Init n~g pagiliw n~g nínintá~g dibdib. Bayaan mo~g akó'y malasin n~g buwan Na~g kanyá~g liwanag na lubhá~g malamlám Bayaá~g ihatíd sa aki~g libi~gan Mahinaho~g sinat n~g kanyá~g liwaywáy. Bayaa~g humibik a~g simoy n~g ha~gin At ku~g may dumapò sa Tandâ n~g libi~g Na anó ma~g ibon, bayaa~g awitin N~g huni~g matimyás a~g payapa~g aliw. Bayaa~g a~g araw na lubhá~g mani~gas Ulán ay tuyuin, si~gáw ay itaás Magi~g pa~ganuri't dalisay na ulap Kala~gkáp a~g hibik n~g aki~g pagliyag. Bayaa~g a~g aki~g maaga~g pagpanaw Ita~gis n~g isá~g tapát na magmahál Ku~g payapa~g hapon sa aki'y magalay N~g isá~g dala~gin, akó'y patu~gkulán. Idala~gin mo rin a~g kinapós palad Na na~gamatáy na, yaó~g na~gaghirap Sa tana~g pasakit, at a~g lumála~gáp Nami~g m~ga iná n~g luha~g masakláp. Iyó~g idala~gin a~g bawa't ulila A~g na~gapipiít na na~gagdurusa, Iyó~g idala~gin sana'y matubós ka Sa pagkaalipi~g lao~g binábatá. Ku~g nababalot na a~g m~ga libi~gan N~g sapot n~g gabi~g payak kadilimán Ku~g walâ n~g tanod kundî pawa~g ba~gkáy, Huwag gambalain a~g katahimikan. Pakimatyagán mo a~g hiwaga~g lihim At mápapaki~gán lu~gkót n~g taginti~g N~g isá~g kudyapî, ito ay ako rin Ináawitan ka n~g boó~g paggiliw. Ku~g a~g libi~gan ko'y limót na n~g madlà At walâ n~g kurós ni bató ma~g tandâ Sa na~gaglílina~g ay ipaubaya~g Bu~gkali't isabog a~g natimpi~g lupà. A~g m~ga abó ko bago pailanlá~g Máuwî sa walâ na pina~ggali~gan Ay makalat ulí~g para~g kapupunán N~g iyó~g alabók sa lupa~g tuntu~gan. Sa gayó'y walâ na~g anó man sa aki~g Akó'y limutin mó, aki~g lilibutin Yaó~g himpapawid, kapara~ga't ha~gin At akó sa iyo'y magigi~g taginti~g. Ba~gó, ti~gig, higi~g, awit na masayá Liwanag at kulay na lugód n~g mata, Uulit ulitin sa tuwítuwî na A~g kataimtimán n~g aki~g pagsambá. Sintá~g Pilipinas, Lupa~g Tinubuan Sákit n~g sákit ko, ~gayón ay pakingán A~g hulí~g habilin: Sa iyó'y íiwan A~g lahát n~g lalo~g inirog sa buhay. Akó ay tútu~go sa baya~g payapà Na walá~g alipi't puno~g mapa~gabâ Doó'y di nánatay a~g paniniwalà At a~g naghahari'y yaó~g si Bathalà. Paalam na akó, magula~g, kapatíd, Bahagi n~g puso't una~g nákaniíg, Ipagpasalamat na akó'y máli~gíd Sa buhay na itó~g puspós n~g ligalig. Paalam irog ko~g Banyaga~g hira~g Aki~g sinisinta, aki~g kasayahan. Paalam sa inyó m~ga minámahál Mamatáy ay ganáp na katahimikan. [Larawan: Ang Bantayog kay Rizal sa Liwasan ng Bagumbayan] =TUNTUNAN= PAUNANG SALITA DAHON IKA 5 ALI MUDIN 7 RAHA SOLIMAN 10 RAHA LAKANDULA 12 TOMAS PINPIN 14 FRANCISCO BALTAZAR 17 JOSE CRUZ 22 P. PEDRO PABLO PELAEZ 26 P. JOSE BURGOS 28 JUAN LUNA Y NOVICIO 32 GRACIANO LOPEZ JAENA 35 APOLINARIO MABINI 38 JOSE MA. BASA 44 PEDRO A. PATERNO 47 ANTONIO MA. REGIDOR 51 FELIPE G. CALDERON 54 CAYETANO ARELLANO 56 SUSANA REVILLA 59 TEODORA ALONZO 63 MELCHORA AQUINO 67 APOLONIO SAMSON 69 MIGUEL MALVAR 71 EMILIO JACINTO 74 ANTONIO LUNA 77 GREGORIO DEL PILAR 81 MARCELO H. DEL PILAR 83 MARIANO PONCE 86 PASCUAL H. POBLETE 90 RAFAEL DEL PAN 94 P. MARIANO GOMEZ 98 ANDRES BONIFACIO 101 P. JACINTO ZAMORA 107 GAT JOSE RIZAL 110 [Larawan: _ANG HIYAW NG LAYA SA BALINTAWAK_ Bantayog sa Kagitingan] =PINAGSANGUNIAN.= C. N. VALDEZA Great Filipinos P. A. DE PAZOS Heroes Filipinos M. ARTIGAS Historiografia Filipina " La Primera Imprenta en Filipina " Los Sucesos de 1872 JOSUE SUNCUYA Historia Prehispana de Filipinas I. DE. LOS REYES La Religión del Katipunan P. A. PATERNO Historia de Filipinas G. DE SAN AGUSTIN Conquista de Filipinas J. MA. RIVERA Conferencias Literarias L. K. SANTOS Discursos Públicos D. RIVERA Informaciones varias H. CRUZ Ku~g sino a~g kumathá n~g Florante E. DE LOS SANTOS Florante (Versión Castellana) " Proceso del Dr. José Rizal " Emilio Jacinto A. CRAIG Lineage, Life and Labor of Dr. Rizal J. PARDO DE TAVERA Biblioteca Filipina " The Character of Dr. Rizal S. CALDERON Patnubay n~g Bayan (articulos varios) P. H. POBLETE Día Filipino W. RETANA Vida y Escritos del Dr. José Rizal M. M. NORTTON Builder of the Nation M. PONCE Sun Yat Sen D. C. VELARDE Ecos (Homenaje a Da. Susana Revilla) C. SALA Cultura Social " " MANILO Notas Biográficas R. L. SEVILLA Informaciones varias A. GUEVARA " D. GOMEZ M. H. del Pilar (La Vanguardia) Philippine Review El Renacimento Filipino Filipinas ante Europa The Philippine People La Solidaridad The Independent La Ilustración Filipina The Orient Cultura Filipina Patnubay n~g Bayan Ecos Cultura Social Día Filipino =PASASALAMAT= _Buhat dito ay pinasasapit namin ang pasasalamat sa mga pinagsangguniang naghandóg ng mahalagang tulong na ikinayari ng:_ _"SA LANGIT NG BAYANG PILIPINAS."_ _Gayon din sa balo ni Poblete at sa katotong Sofronio G. Calderón, alangalang sa mga "clise" na sa kanilang kagandahang loob ay ginamit namin sa aklát na ito._ _Sa kanilang lahat ang aming boong pusong pagturing._ * * * * * _Sa aming mga mambabasa ay ihinihingi ng pagumanhin ang isang di naiwasang kapinsalaan ng pagkaligáw ng larawang na sa iká 88 dahon, na napalitan ng ibá._ [Larawan: SA LIMBAGAN. «Ang Aklat ng Tagalog» Káunaunaha~g aklát na Tagalog na I~glés na nagsúsuysóy n~g malawak na karunu~gan n~g Pilolohia. «Munting Balarila» Mahalagá~g kathá n~g nagtatadhanà n~g sini~g sa pagsasalità at pagsulat n~g Wika~g Tagalog sa ~gayon sa pa~glahát na kaugalian. Imp. Sevilla, Manila.] --- Provided by LoyalBooks.com ---