[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.] [Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.] Jose Maria Rivera Sa tabi ng Bangin.... AKLATANG BAYAN ...III AKLAT =Kalakal Tagalog= Aywan kung sino ang nagsabing: "ang pilipino ay di marunong tumangkilik sa kalakal ng kalahi"; sa sino man, ay di sasalang siya'y kaayaw ng bayang tagalog, sapagka't ayon sa mga pangyayari ay napagkitang tsang lubus na kasinun~galin~gan ang gayong kasabihan. Nagsisipan~gusap na katibayan ang masasaligan ng ganitong paniwala at isa na rito'y ang "BAKAL", Sto. Cristo, blg. 86 Maynila, Almacen ng Cemento, Lierro galv, Alambre, Petroleo, araro at ibp. na, totoong malusog, at ang kalusugang ito'y di utang sa kanino man kungdi sa pag amakabayan ng kanyang mga mananangkilik at sa mga iya'y walang nabibilang na isa mang taga ibang lupà. Isang batas ng kalikasan na ang lan~gis ay hanapin ang kaawa lan~gis at ang tubig ay sa kapwa tubig. =Jose Maria Rivera= =SA TABI N~G BAN~GIN....= =KASAYSAYANG TAGALOG= =UNANG PAGKALIMBAG= =Maynila,= =1910= =Limbagang "MAPAGPUYAT" Daang Santiago de Vera Blg 10 Bagtasan ng Moriones at Morga,= =TUNDO.= =MGA KATHA NI J.M.a RIVERA= KASALUKUYANG LINILIMBAG =Dalawang Lilo= =Tamis at Pakla.= =IPALILIMBAG= =Luha ng Puso.= (Mga Tula.) =Bagong Magdalena.= =Hiyaw ng Diwa.= (Mga Tula.) =¡Alipin!.......= =Sa babasa= Mangbabasang guiliw: Bago siyasatin ang pinakalamán ng aklát na itó, ay pagkaabalahang tunghayan sandali ang mga pang-unang titik, na siyáng maghahatid sa inyóng tunghayan ng mga larawan ng maykatha at ng kaniyang katha. ¿Kung sino si José María Rivera? Anák sa bayan ng Tundó, halaman na naging punlaan ng mga Zorrila, Joseng Sisiw ... at mga iba pang lakí sa alo ng tulâ; si José Maria Rivera ay isáng kaluluwang busog sa mga pan~garap. Batàng batà pa siya ng mabilang sa hanay ng mga mamamahayag: lalabing pitong taón. Hindi nalaunan at ang manunulat ay naging masikap na kampon ni Minerva pagkatapos, na mapabilang sa mga manghihimagsik ... Panulat at baril, sa kamay niyá, ay iisáng bagay: panananggól ng buti, panggiba ng samâ. Sa gulang na dalawangpuong taón, ang manghihimagsik, ay tumahak na naman ng bagong landasin: nanulat ng dulang tagalog. At mangdudula na at manghihimagsik at mamahayag, ay inibig pa ring kumita ng lalong dan~gal. Kaya't pinilit pang makapag "Bachiller en Artes", "Perito Mercantil" at "Licenciado en Derecho". Makatás na likha ng talinong ito ang: * * * * * "SA TABI N~G BAN~GIN"--Tatlong personahe ang lumilikha ng mga pangyayari: Ernesto, binatà; Armando at Magdalena, mag asawa. Si Ernesto ay isáng bantóg, dakila, at matalinong makata at mangdudula--kaluluwa ng kadakilaan, pusong bakal. Magdalena "Pusong Babae", mahina, yuko at tiklop ang tuhod sa mahiwagang kapangyarihan ng puso. Don Armando--mayamang man~gan~galakal, punong ganid, pusong nadadarang sa kinang ng pilak, at sumasagot lamang sa pan~gan~gailan~gan ng ginto. Ang pagkamuhi ni Magdalena sa kaniyang asawa, at paghanga nito sa bantog na makata at mangdudulang si Ernesto, ay siyang nagbulid sa kaniya sa makamandag na kamay ng mahiwagang kapangyarihan ng puso. Ipinahiwatig niyá at ipinakilala kay Ernesto ang kanyang pag ibig, bagay na tinanggap ni Ernesto ng boong galak at pagdiriwang na tulad sa usok na pumapaitaas at kusang napaparam sa himpapawid--isang panagimpan; pagka't ng si Ernesto ay sumapit sa kaniyang tahanan, at muling suriin sa kaniyang isip ang mga nangyari, ay isang malakás na ¡Hindi ...! ang narinig niyang ipinaghihiyawan ng boong lakás ng kaniyang "conciencia"--ginamit ni Ernesto ang kaniyang pagkapusong bakal, kinuha ang panitik at inakda ang dulang "SA TABI N~G BAÑGIN", dulang naglalarawan ng buhay nila ni Magdalena. Sa araw ng unang pagtatanhal ng bantóg na dula, ay inaniyayahan ang mag asawang Armando at Loleng. Di natapus ang dula, at si Loleng ay niyapos ng takot, siya'y nanglamig, nan~galisag ang kaniyang buhók, nan~gatal ang kaniyang katawan, at sandaling pinanawan ng pagkatao ... Sinakal ng takot ang kaluluwa ni Loleng sa harap ng gayong pagkakasala. Matapus ang gayong pangyayari, ay nagsadya si Ernesto sa bahay ng kaibigan niyang mag-asawa, at nagpaliwanag ng bagay na nag-udyok sa kaniya ng pagakda ng gayong dula; si Loleng ay nagsisi, si Armando ay pinatawad siya, at si Ernesto ay nakatupad sa hiyáw ng kaniyang "conciencia". "KASAYSAYAN NG ISANG HALIK", salaysaying pinaglalarawanan ng isang Dariong dalisay umibig, ng isang Angela na bago namatay ay binigkas muna ang pan~galang ¡Dario ...!, pan~galan ng sinta na sa kaniyang puso, ay hindi nakatkat, ni ng matuling panahon, ni ng matagal na pagkakalayo; at isang Amalia, ináng sa hirap ng anák ay nakalimot sa kaniyang sarili upang wala ng mithiín kundi ang ililigaya noón. * * * * * Ang lahat ng mga naunang talata ay siyang laman ng aklat ng kaibigang Pepe Maria Rivera, aklat na dahil sa kaniyang mainam at kalugodlugod na pangyayari, ay ina-asahan kong babasahin ng tanang mahiligin sa mabubuting babasahín. Sa kahulihulihan, na aalaala ko ngayon ang isang pangyayari ng kaibigang Rivera, ng kasalukuyang kami ay nagtatapos ng pag-aaral sa "Liceo de Manila, na, samantalang kaming lahat ay nag-aaral ng paggawa ng "composición" at pagdin~gig sa aming Profesor (ang namatay na D. Juan Basa), ang kaibigang Rivera naman ay walang pinagkakaabalahan kundi ang pagsulat ng mga tula at tuluyang ilinalathala sa pahayagang "La Patría". Perfecto del Rosario. Tundó, Disiyembre ng taóng 1910. I. =Langit na maulap= Umaga. Ang araw ay maliwanag na sumisikat, at tinatanglawan ang lahat ng pinagharian ng gabi; ang lan~git ay walang mga panganorin na nakadudun~gis sa kulay niyang azul; ang mga sampagang nangag tikum ang dahon matapos na matangap ng kanyang talulod ang ban~go sa isang mahiwagang gabi, ay paraparang ilinalahad at pinahahalimuyak ang ban~go niyang na impok ng sakdal lwat. Si D. Armando, matapos na makapagbihis at makakain ng agahan, ay dagling tumun~go sa sabitan ng sumbalilo at matapos kunin ang kailan~gan ay nagsabi sa isang babayeng nakaupo pa sa kakanán, ng: --Hangang mamaya, Magdalena. --Hintay ka muna Armando at maaga pang-lubhâ--anang babaye na may halong lambing. --Namamali ka nang pagsasabi ng gayon. Alamin mo Magdalena na ang tatlo nating vapor ay man~gagsisialis sa umagang ito, at marami sa mga kinakailan~gan ay wala pa. Bawa't saglit na ikabalam ko, bawa't isang "minuto", ay libo-libong piso ang mawawala sa atin at ito'y di marapat na mangyari. --Mahal pa sa iyo ang oficina kay sa akin, Iniibig mo pa ang "negocio" mo kay sa akin.... --At di mo dapat ipagtaka, pagka't ang kualta ay kailan~gan at ng di natin abutin ang paghihikahos. Diyan ka na. At noon din ay nanaog si D. Armando at sumakay sa kanyang carruaje. Samantala, ang naiwan niya ay mangiak-n~giak halos kaya't sa bibig ay pinapamumulas ang mga salitang: --Gaya din ng mga araw na nagdaan. Inibig ko siya sa pagsasapantahang, sa kaniyang puso ay walang ibang sasambahin kundi ako lamang, n~guni't ako pala ay nagkamali: sa puso pala niya ay may tan~gi pang nasusulat ng higit sa n~galan ko ¿Saan matatagpuan ang isang pusong makapagdudulot sa aking mga pinipithaya? Matapos na sabihin ito, ay biglang tumindig sa kinakanang lamesa at pumasok sa kanyang silid. II. =Ang mag-asawa ni D. Armando= Bago ipatuloy ang pagsasalaysay ng mga bagay na nangyari, sandali kong tuturan sa mga nanasà, kung sino si D. Armando at si Magdalena. Si Dn. Armando ay isang ginoong pagka husto na ng isip ay kinamatayan ng kaniyang mga magulang na naiwanan ng di kakaunting "mana". Palibhasa't siya'y mauilihin sa pangangalakal, ay itinuloy ang bahay kalakalan ng kaniyang ama. Kaiguihan ang taas at pangangatawan, at ang gulang ay sasakay na marahil sa 45. Si Magdalena naman, ay dili iba kundi ang asawa ni D. Armando; siya ay magandang lubha at masasabi ngang sa Bayan ng M. ay walang mangunguna. Sa taglay na puso na uhaw at kailan man ay di masasapatan ang mga kahilingan, ay walang ninanasa kun di ang samyuin ang pag ibig. Datapwa't sa isang pagkakataon ang napangasaua ay may pagka mahilig sa pangangalakal at di na halos naaalaala ang kabiak ng kanyang puso, bagay itong ipinagdadalamhating labis! Ang gulang niya'y 26 ó 27 na. III. =SUMANDALING LANGIT= Isang umaga na bilang pangatlo na nang mga nangyaring pagpapaalam ni Dn. Armando kay Magdalena, ay may kumatog sa pintuan ng tahanang iyon na ng patignan sa isang alagad ay nakitang iyon pala'y si Ernesto del Rio. Palibhasa't ang tumawag ay ipinalalagay ni D. Armando na matalik niyang kaibigan, kaya't naaaring kahit anong oras ay nakaparoroon. Binuksan na nga ang pintuan na daan at makaraan ang ilang sandali ay tuluyang umakiat ang binatang Ernesto. Mamalas ng dumating ang ayos ni Magdalena, ay nagturing na: --Magdalena, ¿bakit at sa pagmumukha mo'y nalalarawan ang hapis? ¿Bakit ang sun~git ng yamot ay lumululan sa iyong puso? Tinitigan sumandali ng kinakausap ang katatapos na tumanong, bago sinundan ng isang buntong hinin~gang sumasaksing mabigat na lubha ang pagbabakang nangyayari sa kanyang puso, at pagkatapos ay nagsabing: --Ernesto, tunay ang iyong sinabi, pagka't.... --¿Ang alin?--ang sambot ng kausap. --Ako'y di ini-ibig ng aking asawa. --Bulaan ang sapantaha mong iyan, Magdalena, pagka't ang di umibig sa iyo, ay walang puso, at si Armando ay pinatunayang, lalaki siyang marunong umibig pagka't hinirang ka niyang maguing asawa na pipintuhuin.... --Nagkakamali ka Ernesto, pagka't sa puso ni Armando ay di ako ang sinasamba kundi.... --¿Sino? ¿May iba pa siyang iniibig? --Oo, mayroon. --Maaari ko kayang makilala? --Bakit hindi --Turan mo, Magdalena. --Ang "kualta," ang "ginto." Hindi nakakibo sa gayon si Ernesto, at ang pagkatao'y waring lumayo sa kaniya, ng saglit. --¿Di ba totoo Ernesto na kung sa iyo mangyayari ang gayon, kung ikaw ay magkaka asawa ng isang marunong umibig, ay gagantihin mo naman ng pag-ibig din?--ang dugtong ni Magdalena. --Magdalena, ... gayon nga ang aking gagawin, gayon ang maaasahan sa akin, datapwa't ... tanto mo marahil na ako mandin ang tanging linikha ni Bathala upang pahirapan na lamang. --Ah, Magdalena,--ang patuloy na sabi ni Ernesto,--kung ako ang palaring magkaroon ng isang tulad mo na magiging kabiak ng puso, kung ako ang magkakaroon ng pag-ibig ng isang Magdalena, marahil, ang aking mga tula ay lalong pupurihin, at kaiingitan ng mga may maruruming puso. --Ernesto, ako man ay gayon din. Ako ay nagsapantahang si Armando ay mapapalitan ng kapua pag-ibig ang aking puso, datapua ako ay nagkamali: Ikaw at di pala siya ang makapagdudulot sa akin ng gayon. --Magdalena, Magdalena, ikaw man ay aking ini-ibig, ang sulit ni Ernesto. --Salamat Ernesto ito ang unang pagsa-mapalad ko. IV. =Pag aalinlangan= Sakbibi ng isang pagkatwa, ay linisan ni Ernesto del Rio, ng makatang laging tinatakhan ng tanan ang mga ilinalathala sa mga pahayagan, ang marikit na tahanan ni D. Armando. Datapwa't, nang siya'y na sa bahay na, at anyong susulat, ay isang pag aalinlangan ang pumaibabaw sa kaniyang isip, pag-aalinlangang pumutol sa nais niyang yariin ang tulang ipinangako sa pahayagang "Ang Ilaw." Umulik-ulik ang kaniyang pag-iisip na tulad ng dahon ng kahoy na linalagas ng masidhing hihip ng hangin at pinagwiwindang-windang bago pasapitin sa lupa, bagay itong ibinitiw ng panulat at pagsapupo ng dalawang kamay sa kaniyang ulo na wari ay di makayang dalhin ng dalawang balikat. At ang gayo'y, waring siyang ina antay lamang ng pinagbubuhatan na pag-iisip niyang hinahan~gaan, pagka't bahagya pa lamang na nakararaan ang isang saglit, ay pinagharian na siya ni "Morfeo." V. =Pangarap= Mga ilang sandali ang nakaraan ng ang Pangarap ay nakuhang magambala ang katahimikang dulot ni Morfeo. Nangarap nga si Ernesto ng mga sumusunod: "Umano, si Dn. Armando ay nabalitaan ang paglililo sa kaniya ni Magdalena at Ernesto, na siyang nagiging sanhi ng panunubok ng tinurang D. Armando, panunubok na pinagkasanhian ng pagkakatutop sa kanilang dalawa, na ang naguing wakas ay ang pagpatay ni Armando kay Magdalena". --Patawad!--ang pabulalas niyang turing, na siya tuloy ikina-untol ng pagtulog. Datapwa't bahagya pa lamang nakapagpapahinga, ay siya namang pagdapo uli ng isang panaguinip na gayari: "Nang matapos mapatay ni D. Armando ang kaniyang taksil na asawa, ay siya naman ang hinarap at pinagsabihan nang: --"Ernesto, ang ginawa mong iyan sa akin ay walang ibang ngalan kundi kataksilan. --"Linabag mo ang aking mga paglingap sa iyo,--ang isinunod ni D. Armando,--at dahil sa bagay na ito, ikaw ay tumatag. --"Patawarin mo ako!--ang paluhod na samo ni Ernesto. --Hindi kita mapatatawad. Sa guinawa mong iyan ay labis na sana kitang mapatay, datapwa't di ko magagawa ang gayon. Isa sa atin ay labis sa lupa at.... --Hindi ako makalalaban sa iyo. --Kung gayon,--ito ang marapat sa iyo, at noon din ay iniakma sa kanya ang isang Revolvers, datapwa, ng dumating na dito ang panaguinip ay siya niyang pagkagising na pupun~gas-pun~gas, at ang mga naunang salitang pumulás sa kanyang bibig ay ang: --Huag, huag mong kitlin ang aking hininga. Datapwa't ng masiyahan na siyang di pala kaharap si D. Armando at ang nangyaring yaon ay panaginip lamang, dinapuan siya ng isang kalungkutang na ikinalugmok tuloy sa isang panig ng tahanan. Sumandaling napalagak sa gayong anyo si Ernesto, at pagkatapos ay nagturing na: --Hindi, hindi nga nararapat na ako'y mangibig at sangayunan ang sa aki'y idinudulot ni Magdalena. Di ko dapat gantihin ng pagsusukab ang mabuting palagay na akin ni Armando. Si Magdalena'y nagkasala, at kinakailangang ang gayon ay pagsisihan niya. At noon din ay kumuha siya ng papel at sinimulan ang pagsulat ng isang Dula. VI. =Anyaya.= Ilang araw na ang yumaon. Sa lahat ng tanyag na kinakabitan ng mga Cartel ng Teatro, ay walang nakikita kundi ang nagpuputiang papel na kinalilimbangan ng mga titik na pula na ang nasasabi'y ang sumusunod: =Dulaang Makata= =Unang pagtatanghal ng Dulang tatlong yugto, ng kilalang Makatang Ernesto del Rio at pinamagatang = =SA TABI NG BAN~GIN= ¡daluhan! ¡panoorin ang mainam na dulang ito!= Hapon ng lingo noon. Sa magandang lan~git ay walang isa man lamang ulap na nakatatabing baga ó nakadudungis. Si Ernesto, ay tinun~go ang bahay ni D. Armando, na ng mamasdan sa mukha ng dumating ay biglang nagsabi na: --Ernesto, anong saya mo ngayon. --Oo nga, pagka't ... nguni't, hindi, hindi ko tuturan hangang di mo ipangako sa akin na ako'y di hihiyain.--ang tugon ni Ernesto. --Sa ano yaon? --Di mo ako hiihiyaín? --Hindi. --Kung gayon, mamayang gabí, ay itatanghal sa "Tanghalang Makata" ang isang bago kong dula na ang pamagat ay SA TABI N~G BAN~GIN. --Bagong dula mo na naman? --Oo, at iya'y ika limangpuo't lima na: --Wala kang pagod na tao! --Paparoon ka? --Oo, asahan mo. --Kung gayon ay naito ang Palco presidencial. Ibig kong ikao ang man~gulo sa aking palabas. --Napaka labis naman yata iyan. --Labis? kulang pa ang sabihin mo sa isang gaya mong bagong Mecenas. --Salamat sa papuri mong iyan, Ernesto, at inaasahan ko na, n~gayon pa, ang tagumpay mo mamaya. --Tunay, at sa dulang iyan ay inaasahan kong lalong lalaki ang aking n~galan sa malawak na laran~ganan ng panunulat. --Gayon din ang haka ko. --Siya, hangang ika 8:12: isama mo ang iyong asawa. --Oo. Hwag kang mabahala. At noon din ay nagkamayan sila, at pagkatapos ay yumaon na si Ernesto. Si D. Armando naman ay ibinalita kaagad kay Magdalena ang anyayaya ni Ernesto, at noon din ay sinimulan ang paglalabas ng damit niyang gagamitin sa Dulaan. VII. ="Sa tabi ng bangin."= Ika walo't kalahati ng gabi. Ang madlang tao ay nan~gagtayo sa tapat ng "Dulaang Makata", na wari ay nan~gag aantay ó inaaban~gan ang pagpasok ng mga binibining dadalo sa Dulaan ng gabing iyon, nang marin~gig ang pan~galawang tugtog ng isang maliit na batin~gaw ay dagling nan~gag sipasok sa Dulaan, na noo'y punu na ng mga magsisipanood, samantalang ang mga mahihirap na di makaupo sa isang "butaka," ay nanga sa "entrada general." Ang mga binatang mawilihin sa mga binibining may magagandang ayos ay payak na nakapako ang panin~gin sa asawa ni D. Armando, na nang gabing iyon ay lalo pang gumanda sanhi sa mga suot niya. Ika siyam na ganap ng gabi, nang ang pangatlong "campanada" ay nadingig ng lahat ng dumalo sa dulaan na sinundan pagkatapos ng pag-aangat ng "Telon de boca." Sinimulan ang unang yugto at gayon din ang pangalawa sa di magkamayaw na palakpak ng nanganonood at ng matapos ang pangalawang yugto, ay hindi nagpatantan ang mga iyon kundi makita ang makatang Ernesto del Rio, na kung tunay mang kilala na nila, ay ibig na purihing muli. Nang uliting iangat ang "Telon de boca" at simulan na ang "tercer acto" ay lalo pa ding nagtamo ng maraming palakpak at muling hiniling ang "Autor" noon. Datapwa't ng dumating na sa "escenang" mahuhuli ni D. Martin (protogonista ng Dula) ang asawa niya sa piling ng kaibigang matalik na ito'y siyang "argumento" ng dulang iyon, si Magdalenang asawa ni D. Armando, ng makita ang balaraw na tangan sa kamay ng "actor" at itatarak sa nagpapapel na asawa, ay sumigaw ng: --Ang Dramang iyan, ... Armando ... Patawad! at noon din ay hinimatay. Sa gayon ay nagkagulo sa Dulaan, at pagdaka si D. Armando ay linisan ang inuupan at inaowi sa kanilang bahay si Magdalena, na lubhang di ma-alaman ang nangyaring iyon. Di din naman lubha nang nagluat at matapos ang pagtatanghal ng Drama, si Ernesto, ay kaagad na tumun~go sa bahay ni D. Armando na ng kaniyang datnan ay mabuti ng lubha si Magdalena. VIII. =Pagtatapat.= --Kaibigang Ernesto,--ang salubong sa kaniya ni D. Armando ng siya'y makita.--Ang dula mo'y mainam, dinaramdam ko lamang na hindi nakita ang lahat dahil sa paghihimatay ni Magdalena. --Dinaramdam ko din,--ang tugon ni Ernesto, datapwa't kinakailangan mong matanto ang isang lihim na napapaloob sa katha kong hinahangaan mo. --Tantoin mo kaibigan--ang patuloy ni Ernesto--na sanhi sa kalamigan mo sa pag ibig, ang paningin ng iyong asawa ay ipinako sa akin. --Gayon pala! Tampalasan,--ang tinurang bigla ni D. Armando at dadaluhungin na sana si Magdalena, datapwa't napigilang agad ni Ernesto at pinagsabihan n~g: --Maghintay ka muna,--at saka itinuloy ang pagsusulit ng; --Datapwa't sapagka't tanto ko na kung iyon ay aking bayaan ay lalabagin ko ang ating pagkakaibigan, ay ginawa ko ang Dramang itinanghal ng gabing ito ng upang makapagbalik loob ang asawa mong namali sa daan ng katahimikan. --At di ka namali, Ernesto ... ang tugon ni Magdalenang ka agad na lumuhod sa harap ni D. Armando na umi-iyak,--ako'y iyong patawarin. --Magdalena, pagtindig, at kita'y pinatatawad--ang sulit ni D. Armando.--At ikaw Ernesto, ang ginawa mong ito'y pinatunayan ang iyong mabuti at tapat na pakikisama, hinahandugan kita ng walang hangang pasasalamat, at makaaasa ka sa kapalagayang matalik na kaibigan. Buhat ngayon, ikaw ay aking kapatid. At ang tatlong iyong sa pamamaguitan ng isang mahigpit na yakap ay napagisa ang mga damdamin at puso. * * * * * =Kasaysayan ng isang halik= Sa matalik na kaibigang Marcos de los Santos, lumikha n~g tugtuguing "Los Literatos Tondeños". Gabí noon. Ang bowan na ng mga nakaraang araw ay waring ikinakait ang kaniyang magandang kulay, ng gabíng iyon ay maliwanag at bahid mang dun~gis ay wala. Ang mga bitwin na tila alitaptap, ay tuluyang nan~gawala sa himpapawid dahil sa liwanag ng buwan. Han~ging mahinhin at mabanayad ang sa alan~ganin ay pumapaguitna na nakikisunod at sumasaliw sa gayong kagandahan. Ang dagat man na sa tuina'y nagbalang gunawin ang sangkapuluan at guhuin ang mga nagtatayugang tahanan na wari bagáng hinahamon ang kapangyarihan ni Bathalà, ay mapanatag na lubha ng gabíng iyon: sa kaniya'y wala man kahit munting bulalás ng gahasang alon. Lahat ay tiwasay at tahimik. Samantalang ganap ang katahimikan, sa isang malaking bayang nasasakop ng Maynila at sa tapat ng isang tindahang tagalog, nan~gakaupo ang maraming binata at ilang matatanda. Sapagka't kaugalian na ng lahing Lakandula na ang mga binata't dalaga ay man~gagliliwaliw sa liwag ng bowan ang karamihan ng binata na nag upo sa tapat ng tindahang nabanguit ay nan~gagyayaang maglakad sa liwanag ng bowan. Yumaon ang mga iyon at doon ay walang nan~galabí kung hindi ang isang binata at ang lahat ng mga matanda. Sa di kawasa'y nan~gagusapan ang mga matatanda ng natutungkol sa pagtugtog ng violin. --Dine sa atin--ang sabi ng isa doon na wawalungpuin ang gulang, ay may sumipot na isang violinistang hanga n~gayon ay hinahan~gaan ng tanang makaririn~gig sa kaniya. --Ah, si Dario: siya nga; tunay ang tinuran mo,--ang sabi naman ng isa pa din sa nan~garoroon. --Datapwa't sa aking wari,--ang kabuhayan ng taong iyan ay nababalot ng isang malaking hiwaga,--anang na unang nagsalita. --At bakit naman?--ang tanong ng isa doon. --Bakit nga naman?--ang mapiling usisa ng isa pa rin. --Mangyari, si Dario na n~gayon ay magkakaroon na marahil ng 65 taón, waring di nakikilala ang gawang umibig. --At bakit po, tio?--ang magalang na tanong ng binatang sapul ng simulán ng mga matatanda ang usapan, ang boong pakinig niya'y doon na lamang ilinagak. --Gayon ang sabi ko, pagka't nakapanggigilalas ang sinapit niyang gulang na 65 taón ay bagong tao pa, at.... N~guni't ang kaniyang iduduktong ay nawala, sa pagkakataong noon din ay dumating sa tindahang pinaglilipunan nang isang matandang kaiguihan ang taas, sunod sa moda ang suot na damit at kahit sa mukha niya nagsisimula na ang pan~gun~gulubot nang balat, ay di pa din yumayaon ang m~ga badha nang kaniyang kapanahunan: isa sa mga Magandang Lalake. Bitbit niya sa kaliwang kamay ang isang kaha ng violin. --¡Magandang gabí po sa inyong lahat!--ang sabi niya. --¡Aba, Dario! ¿Saan ka ba nangalin?--ang tanong ng isa't isa sa nangaroroon, sa dumating. --Diyan lamang mga kaibigan sa bahay ng isa kong pamanking lalaki na ikinasal kan~ginang umaga. --Ang pamankin mo'y napagkikilalang hindi mawilihin sa pagkabagong tawo na tulad mo--anang matandang naunang nagsalita. --Tunay nga ang tinuran ninyo--ani Dario;--Datapwa't kung aking inabot ang gulang na ito sa pagkabagongtawo, ay dahil lamang sa isang malaking hiwagang hanga n~gayon ay bumabalot sa aking kabuhayan. --¿Hiwaga?--ang pamaang na tanong ng nan~garoroon. --¿At alin ang hiwagang iyan?--ang tanong ng isa naman. --¿Di baga maaring aming maalaman?--ang saló ng isang matanda pa din. --Kung hindi kayo man~gaiinip ay aking isasalaysay sa inyo. Sa gayon, ang lahat ay nagsipag-igue ng upo; nan~gagunahan ang bawa't isa na mapalapit sa magsasalaysay ng kaniyang kabuhayan. Ang may ari ng tindahan pati, sa gayong nangyari ay nahawa na at nang matapos mabigyan ng isang luklukan si Dario, ay dalidaling isinará ang kaniyang tindahan, ng upang hwag magambala ang gayong salaysayin. * * * * * Sumandaling tinutop ni Dario ang noo ng kaniyang kamay at pagkatapos ay sinimulan na ang pagtuturing ng gayari: "Di na kaila sa inyo na ang aking kabataan ay isa sa mga inahele ng kapighatian Apat na, taon pa lamang ang aking gulang ng ang sinisinta kong Ina ay tinawag ni Bathala sa kaniyang sinapupunan. Ang aking Ama na tapat magmahal, ng makilalang ang aking hilig ay sa pagtugtog ng violin, ay pinaturuan ako sa isang bantog na guro. Sa pag-aarimuhanan ng aking Ama, ako na ang pinatutungo sa bahay ng aking guro, n~guni't, di naman naglipat buwan at ang Ama ko ang sumunod na nalunod sa ilog Estigia. "Simula na noon ay nadanas ko ang hirap ng maulila, hirap na di nakuhang maalis, ng mga paing paunlak ng karamihan, na sanhi sa kahusayan kong tumugtog ng violin, ang bawa na ay nagsisiwalat. "Isang araw ng Lingo, dalawa sa aking pinakamatalik na kaibigan, matapos kaming makasimba, ay niyaya ako sa bahay ng isang mayaman, na ng araw na iyon ay ipinagpipista ang kaarawan ng kapan~ganakan sa kaniyang anak. Marami ng panauhin ang inabot namin doon, at sa tanan, ay ipinakikilala ako ng aking dalawang kaibigan, tan~gi nga lamang sa pinipista na di namin inabot doon at sinundo ang kanyang mga kalapit-loob. "Datapwa't hindi ko natanto at kung bakit simulâ sa mga unang sandali pa lamang ng aking pagdatal sa bahay na iyon, ang aking pag-iisip ay umulik-ulik na, at ang puso ko ay nanibago sa pagtibok. Sa gayong anyo, ay napaupo ako sa isang luklukan, at halos di pa man nagluluwat, ay siya namang pagdating ng pinipista, na matapos mabiguiang upuan ang kanyang mga kakilala ay tinungo ang dalawa kong kaibigan at pinagsabihang: --"Asa ko'y hindi kayo magsisidaló, ah ...--at sinabayan ng isang n~giti. --"Mali ang sapantaha mo,--ang tugon ni Carlos. --"Siya nga,--kaya't pinasasalamatan ko ang gayon. --"Angela,--ang sabi ng kaibigan kong Andrés--ipinakikilala ko sa iyo ang aming kaibigang Dario Reyes, binatang compositor at balitang violinista,--at sinabayan ng pagtuturo sa akin. Naragdagang lalo ang aking dinamdam, at sa gayon ay wala akong nasabi ng abutín ang kanyang kamay kung hindi: --"Aling Angela, pag-utusan mo po.... --"Ikinagagalak ko po ang pagkakilala sa bantog na violinista,--ang tugon niya sa akin na sinabayan nang isang titig na kinapapalooban ng boong kabuhayan at pag-giliw. "Matapos ang pananghalian, at sa mga sandaling nan~gagpapahin~ga ang mga masambahin kay Terspcicore, ang tanang panauhin ay nan~gagkaisa ng paghin~gi nila na tugtugin ko ang isa sa aking maririkit na tugtuguin. Noon naman ay kasalukuyang ang tanang mawilihin sa "musica" ay walang tinutugtog kung hindi ang kayayari ko pa lamang na ang pamagat ay Agonias, at sa pagnanasa ko n~gang makasunod sa pinipita sa akin ng tanan, ay hiniram ko ang violin ng isang orquesta at kaagad n~gang tinugtog ang Agonias na sinaliwan naman sa piano ni Angela. Di pa man halos natatapos ang aking pagtugtog, ng pumulas sa bibig ng lahat ang salitang: ¡Magaling! Isa't isa ay yumakap sa akin at ako naman sa kanila, kahit na sa mga labi ay namumutawi ang n~giti, sa aking puso naman ay isang kalumbayan ang kaagad na pumaloob. Sumandaling tumiguil si Dario na waring nahahapo, at pagkatapos na ininom ang isang vasong tubig na kaniyang hinin~gi, ay itinuloy ang pagsaysay: "Ganap na isang lingo ang nakaraan, buhat ng pistahin si Angela. Isang hapon na magtatakip silim na, ay napadaan ako sa tagiliran ng hardin ni Angela. Akay palibhasa ng pagnanasang mailuhog sa kaniya ang aking pag ibig na buhat pa ng mga unang sandaling magkatamang mata ay namahay na sa puso, ay sinamantala ko ang kaniyang pamumupol ng sampaguita, at karakarakang binati siya: sumagot naman sa akin ng malumanay at inanyayahan akong pumasok; anyayang kaagad kong tinupad, at mga ilang sandali kong ilinuhog sa kanya ang aking pakay. Palibhasa'y talaga na nga yata ng Diyos na ako'y palarin, si Angela ay tinangap ang aking pagluhog at binitawan sa akin ang mahiwaga, matamis at mahalaga niyang "Oo". "¡Kaylan man ay di ko malilimot ang mga sandaling iyon na ikinaginhawa ko! "Sa di kawasa, ng akoy'y nagpaalam na kay Angela, at sagutin na niya ng: "Hangang sa Jueves irog ko"; siyang paglapit sa amin ng ina ng guiliw ko at nanglilisik ang matang nagturing na: --"Angela, hindi ka na narimarim na tawaging irog mo ang dayupay na iyan? "Sa gayong pag alipusta sa aking kahirapan, sa dibdib kong mapag bata, ay waring narin~gig ang piping hiyaw ng aking puso na anya'y: ¡Ipagsangalang mo ang iyong karalitaan!" at dahil sa bagay na ito'y itinaas ko ang aking ulong nakayuko at nagsabi nang: --"Da. Amalia, magpakarahan po naman ng pag-alipusta sa aking karalitaan. --"Sasagot ka pa;--ang tugon niya sa akin,--Naito ang marapat sa iyo, at noon din nga ay ipinalo sa akin ng walang patumanga ang isang palasan na kaniyang tinutungkod. Sa gayong nangyari, niyakap ni Angela ang kaniyang Ináng kasabay ng pagsasabi sa akin ng: "Dario, yumaon ka na". "Sinunod kong dagli ang sabing iyon ni Angela. Kinamakalawahan, nang pangyayaring iyon, ay tinangap ko ang isang liham ni Angela na gayari ang nasasabi: "Irog kong Dario: "Buhat ng mangyari ang pananampalasan sa iyo ni Ina, ako'y náhiga na at di tinitigilan ng lagnat." "Hindi lamang ikaw ang nagdurusa, irog ko; ako man ay sakbibi din ng kapan~glawan, ako man ay ginigiyagis ng lungkot." "Kung ako'y kapu-in ng palad at maputi ang aking hinin~ga, ay makaaasa kang sa mga huling tibok ng aking puso, ang mga hulíng salitang pupulas sa aking bibig, ay ang n~galan mo, pagka't ang pag-ibig ko sa iyo ay walang makakatulad at malawak pa kay sa dagat at himpapawid." "Huwag mo ngang lilimutin ang iyong iyo lamang na sí," "angeling." "Di masayod na lungkot ang sumaakin ng ang gayon ay matanto at palibhasa't simula ng gawin sa akin ni Da. Amalia ang pag-hiya, binuo ko na sa loob ang pan~gin~gibang bayan. Kinabukasan, at bago pa lamang ipinakikita ni Febo ang mga unang anag-ag niya, ay iniwan ko na ang bayang ito at tinun~go ko ang Pangasinan. "Isang hapon na kasalukuyang ang mga ibong naglalagalag ay tinun~gong muli ang kanilang pinag-iwang mga pugad; hapong hustong ikapitong araw ng pagsapit ko doon, walang ano ano'y lumapit sa akin ang alila ko at sinabing may mga tawong humahanap sa akin; iniutos ko sa kaniyang patuluyin ang mga iyon, n~guni't nang man~gagsipasok na ang mga bagong dating ay isang malaking kamanghaan ang umabot sa akin. Nalalaman ninyo kung bakit? Pagka't ang isa sa mga iyon ay ang iná ni Angela na nang makita ako, ay nagturing na kasabay ang iyak at yakap sa akin; --"Dario, patawarin mo ako sa pagkakalait sa iyo: iligtas mo ang aking mahal na Angela. "Nang marin~gig ko ang kanyang sinabi ay itinanong ko ang sanhi ng kaniyang, mga sinabi at noon din nga ay isinalaysay ni Da. Amalia at ng pinsan niyang Luisa na mula ng hapong ako'y kaniyang linait, si Angela ay nagkasakit na at ng ikatlong araw ay sinabi na ng medico na ang tanging kagamutan ng sakít ni Angela ay na sa kaniyang minamahal. "Sa gayon nga ay isinamo sa akin ni Da. Amalia na huwag na di ako sumama sa kanila, at dahil sa mapili nilang pag-anyaya ay sumang ayon na ako. Samandaling huminto si Dario na waring ina-ala-ala ang tanang pangyayari na isinasaysay niya. Lumipas ang ilang saglit at, pagkatapos na silang nan~gagkakaharap ay uminom sa dulot na matamis at tubig nang may tinda, ay ipinatuloy ni Dario ang kaniyang pagsasalaysay. "Kinabukasan, at dahil na wala na nga akong iba pang nasa kundi ang mamalas ang aking iniibig na Angela, matapos na makakain ng agahan, ay lumulan na nga kamí sa tren. "Dalawang oras at kalahati ang itinagal namin sa paglalakbay, at pagkatapos ay dumating na kami sa bahay ng guiliw kong Angela. "Nang ako'y anyong tutun~go na nga sa silid ng aking sinta na kasama si Da. Amalia, ay sinalubong kami ng manggagamot, na nang matantong ako ang Dario, ay kaagad akong pinagsabihan, ng: --"¡Kayo palá!... ¡Si Angela'y walang patid ng tawag sa inyo. "Hindi ako nakatugon ng kaputok man lamang, kaya't ang mangagamot nang mamasdan ang gayon ay nagturing na: --"Kayo, tan~ging kayo ang marahil ay makabubuti kay Angela. "Nguni't nang kaming tatlo ay anyo nan~gang papasok, ay siya naman naming pagkadin~gig ng hiyaw na; --"Dario! Dario!... Halika.... "Dagli na nga kaming tumuloy sa kinalalagian ni Angela ng nadin~gig ang gayon at kaagad kong tinabanan sa kamay kasabay ng pagsasabi nang: --"¡Angela, Angela! --"¡Dario!--ang biglang sigaw niya ng makita ako.--Asa ko'y hindi na kita makakausap; asa ko'y mamamatay ako ng hindi ka man lamang makakaabot sabi, n~guni't napagkikilalang dinin~gig ng Dios ang aking hiling, ... mamamatay ako n~gayon ng tahimik. --"Angela, bakit mga kaisipang sakdal papanglaw ang pinapamumulas sa iyong mga labi?--ang sabi ko sa kaniya. --"Ah, pagka't tanto ko na lumalapit na ang aking kamatayan. --"¿Kamatayan? ¿Ang bata mong iyan? Ah, hindi, hindi ka pa mamatay. "Tinitigan akong sumandali ng boong guiliw ni Angela, at pagkatapos ay nagturing na: --"Dinaramdam ko ngang lisanin ka at lalo ko pang daramdamin kung magunitang ako'y dagli mong malilimot, sakaling tumugpa na sa bayang payapa, nguni't ¿ano ang aking magagawa? Wala na kundi sumang-ayon sa pasya ng may Likha sa ating lahat. Tumiguil sumandali, at pagkatapos na wari bagang ang kaunti niyang lakas ay nakuhang natipong lahat, umubong maka tatlo, at pagkatapos na matabanan ang kamay ko ng sakdal higpit, ay nagturing na: --"Dario, ipan~gako mo sa akin na, sakaling ako'y mamatay na, ay hindi ka mag-aasawa kundi sa babayeng higuit pa sa akin. --"Hindi lamang iyan, Angela, hindi lamang iyan, kundi, sakaling ako'y lisanin mo, ay hindi na ako mag-aasawa,--ang tugon ko sa kaniya. --"¿Tupdin mo kaya ang gayon? ¿Hindi mo kaya pagsisihan? --"Hindi. Asahan mo. --"¿Isinusumpa mo? --"Oo. "Nang maitugon ko ang gayon, ay ikinawit sa aking liig ang kaniyang mga bisig na sakdal papayat na, at pagkatapos ay hinagkan ako ng minsan, isang halik na hanga n~gayo'y nararamdaman ko pa.... "Ang ina ni Angela, na nakikita ang gayon, ay hindi umimik kaputok man. "Isang sandali lamang ang yumaon at pagkatapos, ay binawian na ang guiliw kong Angela ng buhay ni Bathala............................ .................................................................. --¿At, iyan pala ang sanhi ng di mo pag aasawa?--ang turing ng isa sa mga kausap. --Oo, iyan ang sanhi ng kung bakit hanga n~gayo'y bagong tao pa ako. At noon din ay nag paalam na si Dario sa tanang m~ga kausap, samantalang sa batin~gaw naman ng sambahan ng X. ay narin~gig ang sampung tunog. Aklatang Bayan I. Aklat "Mananayaw" ni Ros. Almario II. " "Duwag" ni G. Changco III. " "Sa Tabi ng Ban~gin" ni J. Ma. Rivera SOMBRERIA NI J. Legaspi Daang Anloague, dating Lemery blg. 408. Bago pumahik ng tulay ng Hulo. [Patalastas: Bahay Limbagang "MAPAGPUYAT"] --- Provided by LoyalBooks.com ---