[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.] [Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.] ANGEL DE LOS REYES KASAYSAYANG TAGALOG ¡¡NASAWING PAGASA!! ITÓ RIN ANG NAPALATHALA SA PAHAYAGANG "ANG DEMOCRACIA" NOONG ABRIL ÑG 1910 NA NILAGDAAN ÑG "MULAWIN" NAGKAROON ÑG MGA PAGBABAGO AT INAYOS ANG KAMALIAN MAYNILA KAPULUANG PILIPINAS 1912 ¡NASAWING PAGASA! KASAYSAYANG TAGALOG KASAYSAYANG NAPALATHALA SA PAHAYAGÁNG "ANG DEMOCRACIA" NOÓNG ABRIL ÑG 1910 NA NILAGDAÁN ÑG "MULAWIN". NAGKAROÓN ÑG MGA PAGBÁBAGO AT INAYOS ANG NAGÍNG KAMÁLIAN. SINULAT NI =ANGEL DE LOS REYES= KUMATHA ÑG MGA KASAYSAYANG "ANG DIYOSA INÉNG" "¡KRISTONG MAGDARAYA!" "¡IMBING KAPALARAN!" "¡PARUSA ÑG DIYÓS!" "¡HINAGPÍS NI LOLENG!" AT "¡TAYO AY MAMUNDÓK!" MAYNILA, K.P. LIMBAGÁNG "ESFUERZO OBRERO" 1912 =LAHAT TUNGKOL PILIPINO= AY DAPAT BUMASA ÑG BABASAHING TAGALOG Bahag-hari............................. ni _Gerardo Chanco._ Sa Tabí n~g Ban~gín.................... " _José Maria Rivera._ Higanti at Pagsisisi................... " _Honorato H. de Lara._ ¡Duwág!................................ " _Gerardo Chanco._ ¡Imbing Kapalaran!..................... " _Angel de los Reyes._ ¡Halina sa Lan~git!.................... " _Gat-Dusa._ Ang Mananayaw.......................... " _Ros. Almario._ ¡Tadhana!.............................. " _Democrita P. Antonio._ ¡Sawíng Pagasa!........................ " _Bb. Francisca Laurel._ Larawan n~g Pagirog.................... " _Simplicio Flores._ ¡Waláng Diyós!......................... " _Honorato H. de Lara._ ¡Pinatatawad Kita!..................... " _Matanglawin._ ¡Parusa n~g Diyós!..................... " _Angel de los Reyes._ Buhay.................................. " _Aurelio Tolentino._ ¡Enchang!.............................. " _Honorato H. de Lara._ ¡Kristong Magdaraya!................... " _Angel de los Reyes._ Pan~garap n~g Buhay.................... " _Simplicio Flores._ M~ga Anak-Bukid........................ " _Ros. Almario._ * * * * * =Inyong paghanapin sa mga aklatan at makabibili sa makákayanan upang huwag kayóng tamaa't masaktan sa mga kasunód na palo at uñgal.= MGA PAGUNITA NA DAPAT NUYNUYIN SA MAGLÍLIWALÍW SA Bayan n~g Antipulo Anim na binibini ang nan~gakálupasay sa lilim nang isáng puno n~g manggá sa bayang Antipulo nang taóng nagdaan. Pawa siláng magágandá; pawa siláng mahíhinhín; n~guni't ang katakátaká, ang apat ay nakátawa at ang dalawá ay nakásiman~got. Sa lihim kong pagsísiyasat ay naunawa kong kaya palá gayón, ang apat ay nakápagdalá n~g m~ga babasahing Tagalog at ang dalawá ay nakalimot. Walang pagáalinlan~gan na yaóng di nakápagbaon ay siyáng nakásiman~got, pagka't wala n~g masaráp na aliwan sa bayan n~g Antipulo na para n~g magbasá n~g aklát. Maligo, pagkatapos ay magduyan, bago magbasá n~g aklat: iyán ang buhay mayaman. Kaya kayóng maglíliwalíw sa Antipulo, nang huwág kayóng sumiman~got pagdatál doón, ay magbaon kayó n~g _Pinatatawad kitá!, Ang Mananayaw, Mga Anák Bukid, ¡Duwág! Sa tabi ñg bañgin, ¡Tadhana!, Halina sa Lañgit!,_ ¡SAWÍNG PAGASA!, _Larawan ñg Pagirog, Pañgarap ñg Buhay, ¡Walang Diyos!, ¡Higanti at Pagsisisi!, ¡Enchang!, ¡Kristong Magdaraya!, ¡Parusa n~g Diyós! ¡Imbing Kapalaran! Bahág-Hari,_ ¡MILAGROS! at _Lihim na pagluha!_ Sa gayón, tan~gi sa maáalíw ninyó ang inyóng sarili ay makatútulong pa kayó sa masisikap na kawal n~g pagpápalaganap n~g wikang minana natin. ANG MGA PUMÁPATÁY SA Kalulwá ñg Bayan Masaráp ang wikang Ingglés, ang turing n~g Ingglés; lalo na ang wikang Kastila, ang saló n~g Kastila; lalo pa ang wikang Pransés, ang habol n~g Pransés, palibhasa'y para-para siláng may damdamin at marunong magmahál sa m~ga kalulwá n~g kaníkaniláng bayan, na alinsunod sa m~ga pantás na sinásamba n~g marami, ang wika, ay siyáng kalulwá n~g bayan. N~guni't ... sa bibíg n~g ilang m~ga Tagalog, ay hindi ganitó ang namúmutawi. ¡Katiwaliang lahát at balót n~g m~ga kahan~galán ang lumálabás! Pawáng kapalaluan na anyá'y masaráp ang wikang Kastila at Ingglés kay sa wikang Tagalog kaya't ni di ko tinitisod ang m~ga katha dito, n~guni't masdán mo ang aking m~ga nobelang Ingglés at Kastila ay hindi na mabilang. Iyán ang m~ga kaaway n~g bayan; pagka't silá ang pumápatáy sa kalulwá nitó. Dahil sa kayaban~gang masabing sila'y nakaiintindí n~g wikang dayo, ay ipinagpápalít na, ang kaniláng dan~gál.... ¡M~ga kamánunulát! ¡Kahabághabág ang ating katayuan! ¡Sa lahát n~g sandali'y nakaumang sa ating m~ga ulo ang tabák ni Damokles; nanunuláy tayo sa pan~ganib na guhit n~g m~ga batás; kalaban natin ang m~ga dayuhan at sampu n~g kalahi, ay kalaban pa rín!... MABUTI KANG TAO NGUNI'T Masama kang Kristiyano --¿Bakit? --¡Mangyari ay umáasa ka sa panghíhirám n~g bagong aklát! _Mabuti kang tao_, pagka't nabasa mo na halos lahát n~g nobela sa kahíhirám, n~guni't _masama kang kristiyano_, pagka't pinápatáy mo ang m~ga kumatha at nagpalimbág at ayaw kang bumilí n~g iyó, gayóng pinagkagastahán nilá. ¿Saán mabubuhay ang kuto, kung hindi sa ulo? --¡Kung ayaw kang magpahirám ay huwág! ¡Kay dami mong rekubeko! ¡Pag ikáw namán ang nanghirám sa akin, ay tatawagin kitá n~g TUSO, pagka't para mo ríng tinuso ang kuwartang ibinilí ko, na nabasa mo ang aking binayaran n~g di ka nagkagastá!... Ganyán ang taltalan n~g dalawáng magkaibigan, kaya't ikáw na bumábasa, upang huwág tawaging TUSO ó MASAMANG KRISTIYANO, ay bumilí ká n~g m~ga kasaysayang: "¡HALINA SA LAÑGIT!" ni _Gat-Dusa_: "¡SAWÍNG PAGASA!" ni _Bb. Francisca Laurel_; "¡DUWAG!" ni _Gerardo Chanco_: "LARAWAN ÑG PAGIROG" ni _Simplicio Flores_: "SA TABI ÑG BAÑGIN" ni _José María Rivera_; "¡IMBING KAPALARAN!" ni _Angel de los Reyes_; "TADHANA!" ni _Democrita P. Antonio_; "¡WALANG DIYÓS!" ni _Honorato de Lara_: "¡PARUSA ÑG DIYÓS!" ni _Angel de los Reyes_; "MGA ANAK-BUKID" ni _Ros. Almario_; "PAÑGARAP ÑG BUHAY" ni _Simplicio Flores_; "¡ENCHANG!" ni _Honorato de Lara_; at "¡KRISTONG MAGDARAYA!" ni _Angel de los Reyes_. ¿SINO ANG NATUMPÁK? Kayó nga ang humatol Si Petra at si Petring ay magkapatíd. Minsáng nalálapít ang Paskó, ay binigyán silá n~g kaniláng amá n~g muntíng halagá upang magugol sa dakilang araw. Si Petra ay ibinilí ang kanyáng bahagi n~g isáng hikaw, at si Petríng ay pawang babasahing tagalog ang pinakyáw. Dumatál ang araw n~g paskó, at gaya n~g karaniwan, ay nagdalawán ang dating mag-kákaulayaw. Sa dampa n~g magkapatíd ay mayroón díng m~ga panauhin. At ¿anó ang naisalubong ni Petra? ¿Naipagparan~galan bá ang kanyáng hikaw? ¡Hindi! Subali't si Petríng ay naipagmalakí niyá ang kanyáng m~ga aklát at tan~ging nakápagsabing "Mamiyang hapon na kayó umuwi at tayo ay magbasá nitóng masasaráp na kasaysayang bagong labás..." Kayóng bumabasa nitó, ay inyóng hatulan kung sino ang natumpák: ang hiyás na nagagamit n~g isáng tao lamang ó ang aklát na pakíkinaban~gan n~g marami ang lalong mahalagá, Kauntíng pagkukuro ang inyóng papaghariin. Tutupín ninyó ang inyóng m~ga puso at siyáng magsasabing: mahalagáng pagaari ang m~ga aklat kay sa hiyás na nawawala. Sa tahanan n~g isáng matalino, ay aklát ang matátagpuan; n~guni't sa tahanan n~g isáng mangmáng ay pawáng hiyás ang palamuti. Dahil doo'y magipon kayó n~g m~ga babasahing tagalog upang mapabilang kayó sa m~ga pantás. SA KINAÚUKULAN ¡Maaliwalas ang daan ko! Suriin natin ang ugali n~g umanó'y m~ga bantóg at pahám na manúnulát. Ayaw siláng makariníg na mayroóng makata; ayáw siláng makakita na mayroong bagong kasaysayan, at pauulanin na nilá ang pula, lubha pa't isáng maliít ang sumulat. Sasabihing iyán ay mali, walang kabuluhan; at sayang lamang ang ipinagpalimbág. Palalo at pan~gahás ang gumawa niyán, huwág na di masabing siyá ay _autor_. ¡Kaawaawang m~ga manúnulát! ¡At silá daw ay m~ga kawal sa pagpápalaganap n~g wikang tagalog! Kung sa habang panahón ay ganyán ang aasalin nilá, ay sumpa n~g bayan ang kaniláng maáantay. Sa kaniláng pakikipagkapwa ay doon lamang uusbóng ang pagmámalasakitan n~g m~ga makatang pilipino, na, tan~ging daan n~g ikátatanyág n~g masaráp na wika ni Balagtás. Kung sa akin silá hahadláng ay itutulak ko silá n~g dalawáng kamáy at bubulyawán kong: ¡Maaliwalas ang daan ko! ¡Nakikita ko ang aking nilálakaran! ¡Tanglawán ninyó ang inyóng landasin at di ko kailan~gan ang inyóng ilaw! ¡Manipís mán ang aming m~ga katha ay piniga namáng tunay sa aming sariling isipan at di naming ninakaw sa isipan n~g m~ga makatang kastila, ingglés, pransés, at ibá pá! ¡Mura mán ang aming m~ga aklát ay madali namáng maubos at di ináamag sa m~ga aklatan! PAN~GUNANG SALITA NI AMADO JACINTO PAN~GUNANG SALITA Ang munti kong kaya at maiklíng pagkukuro ay minarapat n~g mahál kong kaibigang Angel de los Reyes na magbigáy n~g _Pan~gunang Salita_ dito, sa kanyáng bagong aklát na maliit, na noóng araw ay napalathala na sa páhayagang "ANG DEMOCRACIA;" at kung bagamán tinawag ko n~gayon n~g _bagong aklát_ ay sapagka't n~gayón lamang naipalimbág at di na paputól-putól. Walang alinlan~gan akóng nayag sa hilíng n~g aking kaibigan, nan~giti ako n~g lihim n~g ito'y sabihin niyá, at naibulong ko sa sarili na siya'y sadyang matalino sapagka't totoóng maalám na magbagay-bagay: nababatid niyáng sa isáng maiklíng aklát, ay isá namáng maiklíng isip na lamang ang dapat mag-ukol n~g m~ga palagay at paghahaka. At dahil diyán, ay sisimulán ko ayon sa makákaya, ang paglalahad n~g aywán kung tumpák na aking m~ga pagkukuro tungkól sa kanyang katháng itó. Sa ganáng akin, ang mátutunghayán n~gayón n~g m~ga mambabasa ay isáng aklát na mainam, isang aklát na dapat bigyán n~g papuri, hindi dahil sa itó'y nakáwiwili lamang basahin kundi alang-alang pá sa wagás at maníngníng na damdamin n~g kumatha: ang maalab niyáng nasang ang dukha ay igalang at masugpu ang ugaling hanggáng n~gayon ay umiiral pa sa ibá, at kung minsán ay sa dukha rín, na inuuna ang salapi bago ang lahát; minámahál na higít sa puri, sa dan~gal, sa katungkulan at wastong ugali. Ganyáng-ganyán ang asal na makikita natin sa mag-amá ni Tuníng sa Kasaysayang itó, na bagamán mahirap ang búhay, nang mahulí ay ayaw na silá sa kapwa nilá mahirap at ang ibig ay ang mayaman, dahil sa may nakápan~gibig lamang na isang masalapi kay Tuníng at ito'y si Ruperto. At ang kasuklám-suklám na nagíng bun~ga n~g kasabikáng itó sa pilak ay ang pagkatapon n~g anák ni Osong, ang binatang unang inibig ni Tuníng, pinaglagakan n~g boo niyáng pagkábabai at hanggáng sa nagbun~ga pa n~ga. Datapwa't kay Tuníng, ay nagíng bula ang salitang _puri_ at _katapatan_ sa haráp n~g yaman ni Ruperto, kayá't dito siyá napakasál sa wakás, gayóng si Osong ay di namán tumatanggi sa pagtupád n~g kanyáng tapát na pan~gakó at wagás ná pagibig. Si Osong na parang sinasakal n~g m~ga daliring bakal ay hindi nakatiis at nang araw n~g pagkakasál ay nagdamít-pulubing naparoón sa bahay n~g kasayahan nilá Tuníng at ni Ruperto na dalá ang larawan n~g kanyáng bunsóng na sagíp sá ilog, at nang makita ni Tuníng na yaón ang kanyáng anák ay hinimatáy na bigla, bago humingí n~g tawad kay Osong at hanggáng sa nalagót ang hinin~gá. Samakatwíd ay oo't nagsisi n~gá si Tuníng kayá't humin~gí pa n~g tawad sa pinagtaksilán niyáng binata, subali't dí dahil dito'y hindí siyá matatawag na babaing salawahan at tampalasan lalo pa't isasagunita ang pagkákatapon sa tunay na dugó n~g kanyáng pusó. Kung ang gayóng ginawá n~g babaing ito'y oo't napatatawád n~g Diyós, sa m~ga tagá-lupa'y waláng makapagpapatawad marahil. Sa haráp n~g ganyáng paglálarawan n~g kaibigan ko, ay labis niyáng ipinakilala ang lubós na kabagsikán n~g salapí na waláng dí naituturó sa tao, pati n~g lalóng kasamasamaan. Subali't ¿ang han~gád kayá n~g mahál kong kaibigan sa paglalarawang itó n~g nakáririmarim na ugalí ay upang pulutin namán itó n~g m~ga mambabasa? Kayóng tumútungháy n~gayón ang makásasagót, at kayó rin namán ang dapat makábatid sa túnay na layon n~g ¡NASAWING PAGASA! Gayon man ay sasagot din ako n~g para sa akin. Ang mithí n~g aklát na itó ay walá n~gáng ibá sa warí ko, kundí ang turuan ang m~ga dukhá sa pagpapakáran~gal sa kaniláng sarili, sapagkát kung ang m~ga dukhá'y maran~gál, kung ang lahát n~g dukha'y hindi nagbibili n~g puri ni napaaalipin sa salapí, ang m~ga mayáyaman ay hindí maaaring magpákatayog-tayog na para n~g madalás nating mapánoód n~gayón. Ang isinasamá n~g m~ga mayayaman ay na sa mahihirap, at ang isinasamá n~g isáng pamahaláan ay na sa pinamamahaláan dín. Iyán ang m~ga katótohanang kailán má'y dí magkakabula at dapat dasalín n~g bawá't tao; katótohanang aywán kung kanino ko unang nadiníg o nabasa at n~gayo'y inankín ko na tulóy pagka't nakilala kong tapát. Kayá n~ga, m~ga mambabasa, upang makinabang ang kumathá nitóng ¡NASAWING PAGASA! sa kanyang m~ga ginugol na pagod sa pagsulat n~g kasaysayang itó ay pagaralan sana ang huwág magbilí n~g puri at isagunitang _na sa kupurihán ang tunay na halagá n~g tao at wala sa kayamanan_. Kung magkakagayón, siyá at akó'y maghahandóg sa inyó n~g masaganang pasalamat, palibhasá'y siyáng túnay na adhiká n~g tapát kong katoto. _Amado Jacinto._ Malabón, Rizal, 1912. ¡NASAWING PAGASA! Kasaysayang Tagalog _Dahil sa kagahulán sa panahón at dahil sa kakula~gan pa sa n~gayón n~g m~ga gagamitin, ay hindi nasunód ang m~ga t u l d í k na nasa orihinál._ ¡Nasawing Pagasa! I Mapangláw ang lahát, ang gabí'y tahimik at ang buwán noóng dapat nang sumilip, nagtatago pa rí't sa sangkatauhan ay nagmámasun~git bitui'y gayón dín at nakíkiwan~gis. Ni isáng himutók walang mapakinggáng sukat gumambala sa katahimikan; ¡oh, ang aking lahi!... payapangpayapa sa kanyáng hihigán habang nawíwili ang m~ga kalaban. Huni n~g kuliglíg, tinig mán n~g ibon ay kapanglawan dín, dinadalit noón; m~ga makata mán, siyáng tinutula n~g sandalíng yaón ang sun~git n~g pangláw, lagáy n~g panahón. Anó pa't ang lahát ay yapús n~g lumbáy hihip mán n~g han~gin, mandi'y palaypalay; habagat má'y salát at pawáng dalita, ang balitang tagláy na kung pakikinggán ay taghóy na ¡ay!... ¡ay!... Subali't sa isáng maralitang dampa sa bayang Malabóng saksí n~g pagtula: nagáalimpuyó, ang lugód, ang sayá, ang galák, ang tuwa sa piling n~ga noóng dalawáng nunumpa. Itó ay si Tuníng na piling alindóg kapiling n~g kanyáng tan~gíng iníirog, pan~gala'y si Osong na lipi n~g dukha't di lahing matayog at binatang Udyóng na ulilang lubós. Payapa n~gá silá, sa pagkákaupo siyáng ináani; galák n~g pagsuyo, pinagúusapan, ang ikárarangál n~g kaniláng puso na ganitóng saád nang minsáng mahinto: «Kay damot mo namán,» kay Osong na sabi, «isáng halík lamang, itulot mo kasi, nang ako'y maalíw at nang magkaroón n~g isá pang saksí!...» «¡Ayáw ko! ¡ayáw ko!...» kay Tuníng na tanggí. «¡Halina irog ko!» «¡Ayaw ko! ¡ayaw ko!...» «¿Diyata't ayaw ka?» «¡Talagáng totoó!» «¡Halina! ¡halina! ¡isáng halík lamang!...» «¡Kay ulitulit mo!» «¡Isáng halík lamang!...» «¡Tawad ko sa iyó!» «¡Ah! at iyán bagá, ang lagi mong turing na lubháng dalisay pagibig sa akin ... ¡Ikáw ang bahala!... kung natuto akóng sa iyó'y gumiliw magisá sa dusa'y matútutuhan din ...» «¡Nagtampó na namán!...» «¿Sino bagáng puso ang makababatá n~g asal mong liko?» «¡Huwag kang magalit! ang ginagawa ko, ay m~ga pagsuyo ...» «Pagsuyo sa iyó; sa aki'y panghapo ... Ikáw ang bahala, ako'y mapagtiís at ipatay mo mán ang lahát n~g sákit ay tatanggapín ko; n~guni't ang hiyain, ang isáng ninibig libong kamataya'y labis pa n~g tamís ...» «¿Hiniya ba kitá? ¡Di ko ginagawa!...» «¿Ginaganáp n~gayó'y di bagá paghiya?» «Hindi, aking giliw, at ang aking puri ang nagugunita na baka kung ...» «¿Kulang bang tiwala?» «Di lamang sa gayón,» «¿Sa anó pang bagay?» «Katungkulan naming magin~gat na túnay, at ang unang halík, ang katimbang noó'y sampu nitóng buhay sa pagka't daig pa, ang gawáng pakasál. ¿Hindi bagá Osong?» «Tapát ang turing mo, at ang pagkakasál ay pakitang tao; subali't ang halík, saksíng akin ikáw, at akó ay iyó, kaya itulot na; halina irog ko ...» Iláng pang «¡Ayaw ko!» at iláng «¡Halina!» bago pinagusap ang labing dalawá; tumunóg ang halík; nilimot na yatang silá'y may hinin~gá na dapat malagót sa daratning dusa. Hayán n~ga ang tuwang na~ghari sa puso n~g dalawáng yaóng isá sa pagsuyo, kaya ang paalam n~g ating binatang anaki ay biro: «¡Sarili na kitá, búhay má'y mapugto!...» [Larawan] II Nang isáng umaga'y sa pangpang n~g ilog ay may nakaupóng binatang malungkót: itó ay si Osong; kanyáng inaalíw ang dusa n~g loób sa pagkákawalay kay Tuníng na irog. At ang naglalaro sa kanyáng isipa'y ang dilág ni Tuníng na gayón na lamang, minsáng mapadagok; minsáng mapan~giti at ipinagsaysay: «¡Oh, anóng gandá mó, aking paraluman!...» Subali't nabigláng nabakás ang lungkót sa masayáng mukháng nagulap n~g lubós: «¡Ay, palad na sawi!... ¡Oh, buhay n~g dukha!...» sunód na himutók, «sa dusa ni Tuníng, ikáw ang managot ... Kung akó'y mayama't sagana sa pilak tatanuran siyá sa baníg n~g hirap, hanggáng sa sumilang n~g lubháng hinahon ang unang bulaklák n~g aming pagsintáng dalisay at wagás.... ¡Ay, Tuníng kong irog, di ko kasalanan na sa iyóng dusa'y di ka madamayan; ang karukhaan ko, ang dapat sisihi't dapat managutan at oh, anóng sakláp, dustáng kapalaran ...» Sandalíng tumigil at kanyáng námalas ang dalawáng ibong naba sa bayabas, na sabáy umawit; yaóng kanyáng dibdib ay halos mawalat sa pananaghili sa ibong mapalad. Saká nang magsiping n~g lubháng payapa m~ga titig niyá'y di tumagál yata't mulíng naghinagpís: «Mapalad pa siláng may ganáp na laya at hindi gaya kong may sumásansala ... At kahi't mán silá'y walang pagaari ginapas namá'y pawáng luwalhati; dí gaya n~g taong ang binabaníg má'y maraming salapi ay lumuluha rin n~g dusa't pighati. At ¿anó ang yamang sadyang hinahanap sa akin n~g amá ni Tuníng kong liyág? ¡isáng talinhaga! at di niya talos: sa Sangmaliwanag ang puri n~g tao, ang mahál sa lahát. Hangád niya'y pilak, kahi't man~gulimlim ang dan~gál ni Tuníng na sinta ko't giliw; wala sa gunitang lalong mahalagá sa yaman mang alín ang dan~gál n~g tao kung lubháng maningning. ¡Oh, taksíl na pita sa dan~gál at yaman, ang nililikha mo'y laksang kamatayan; kung hindi sa iyó, disi'y kapiling ko si Tuníng n~g buhay at kasalosalo sa pinggán n~g lumbay!... ¡Oh, buhay n~g buhay, Tuníng ko at lugód... na sa karukhaan, ang sukal n~g loób na ating sinapit; libong kamataya'y masaráp pa irog huwág lang mariníg ang iyóng himutók!... Palasóng may lason ang nakákaanyo n~g dusang sa dibdib n~gayó'y pumapako, tuwing mabúbuklát sa aklát n~g isip ang pagkasiphayo n~g banál na layong núnukál sa puso. At magmulá rito'y aking nakikita sa baníg n~g hirap ay nagiisa ka; waláng dumadamay, at kung pumapasok ang mahál mong amá sa iyóng pagdaíng ang tumbás ay mura. Naririníg ko ring kanyáng inuulit ang pagalipusta sa palad kong amís: ¡sa aba n~g dukha!... at nananariwa sa puso ko't dibdíb ang pagtabóy niyáng kapaita'y labis. At námamalas ko, ang lubháng masakláp, luhang mapapaít sa matá mo liyág, di anóng gagawín sa itó ay utos n~g masamáng palad pawang pagtitiís ang gawíng kalasag. Ibalita lamang sa tapát mong giliw kung makaraan ká, sa gabíng madilím, upang matalós ko kung ano ang bun~ga n~g pagsinta natin at kahi't malayo'y kapalaran ko rin. At kung napapako ikaw sa dalita higit pa sa riyan, itong umaaba sa tapat kong puso, at ang bawa't patak n~g perlas mong luha ay timbang n~g buhay kung manaw sa lupa. Dito napahinto't kanyang napanood yaong isang kaban na tan~gay n~g agos, at pinagsikapang iyahon sa pangpang n~g upang matalos na baka may lihim doong natutulos. At ¡oh, anong gitla nang kanyang mamasdan na bangkay n~g isáng bagong kasisilang!... tuman~gis ang puso; nagluksa ang dibdib at ipinagsaysay na: «¡Baka n~ga itó, ang anak kong hirang!» Kanyang ikinubli doon sa pangpan~gin, pumasok n~g bayang may in~gat na lihim at nakibalita; sa tinanongtanong ay kanyang nalining na ¡itinapon n~ga ang anak ni Tuning!... Lalong nagibayo, lagablab n~g poot, ang daing at sumpa'y di malagotlagot «¡Inang walang puso, Tuning na nagtaksil sa anak n~g irog dapat kang mamatay, dapat kang matapos! Diyata't masarap sa puso'y matamis anak mo'y pataying sa ilog ihagis, maturan na lamang ikaw ay dalagang may puring malinis, nang upang giliwin n~g bagong ninibig..... ¡Oh, taksil na sinta! ¡pusong magdaraya! ¡oh, han~gad sa yaman! ¡inang walang awa! pananagutan mo, sa harap n~g Diyos ang masamang gawa't may araw din naman kaming mabababa!....» At kanyang hinagkan ang bangkay n~g bunso kasunod ang patak n~g luhang natulo, «¡Oh, sawi kong supling!.... ¡di ko kasalanan ang pagkasiphayo managot ang iyong inang walang puso!...» At kanyang kinalong n~g hanggang sa bayan upang ipakuha n~g isang larawan; subali't ang loob ay di mapanatag kahi't bahagya man; ang daing at sumpa'y walang katapusan.... [Larawan] III Sa ilog ding yaon na kinasagipan ni Osong n~g kanyang bunsong minamahal, ang magamang Tuning minsan ay nagaliw sa masayang pangpang na siyang sumaksi sa lihim n~g buhay. «Talusin mo irog» ang turing n~g ama, «sa panukala ko, kung hindi nayag ka, disin hanggang n~gayo'y lumalagok ka pa n~g luha n~g dusa at di lumalasap n~g m~ga ginhawa. ¿At di mo ba tantong sa buhay na ito: salapi, salapi, ang Diyos n~g tao? ¿Bakit ka iibig sa han~gal na Osong na dukhang totoó gayong may mayamang iirog sa iyó?» «¡Ama ko! ¡ama ko!» ang saad ni Tuning, «¡kay inam n~ga pala n~g inisip natin! salamat Diyos ko at ang mayayamang ninibig sa akin ay hindi natalos ang nangyaring lihim ...» «¡Talaga! ¡talaga» ang sa amang tugon, «daig ang nagtiyap n~g pagkakataon, ¿at aling pan~gahas dilang sinun~galing magsasabi n~gayong ikaw ay naglaho sa tangkay kahapon? Para din n~g dati ang tindig mo't bikas, katutubong ganda'y lalo pang tumingkad; pagmasdan mo iyang halamang nilikha n~g Hari n~g lahat, pawang yumuyuko sa taglay mong dilag. Sa mabining agos ikaw ay makinig may ibinubulong na masayang awit, saksi n~g paghan~ga sa iyong himalang inimbot na dikit na waring pinilas sa ganda n~g lan~git. N~guni't ¡anong saklap sa puso ko't buhay ang kataasan mo kung iyaagapay sa piling ni Osong! ¡masarap pang ako ay magpatiwakal! ¡oh, Tuning! ¡oh, Tuning!» at siya'y papanaw. Pinigil n~g bunso: «Amang pinopoon, ako'y kaayon mo sa dakilang layon, at isinusumpang lilimutin ko na ang han~gal na Osong at ako'y dalaga na naman sa n~gayon ...» Sila ay nagyakap at siyang tumunong ang halik n~g ama, at halik n~g irog; sigabo n~g tuwa ay hindi magkasyang sa puso manulos kaya't napatabi, ang panglaw, ang lungkot ... ¡Saka magkaakbay silang nagsilakad sa dukhang tahana'y nagtuloy umakyat; mahiwagang ilog na nilisan nila'y bago humalakhak na waring inuyam ang nangyaring usap. IV Bagong namimitak sa kasilan~ganan liwayway n~g araw, batbat n~g katwaan, yaong m~ga ama nagsisikilos na't nan~gagtutulinan sa pagtuklas noong pangtawid sa buhay. Sa gitna n~g parang namá'y namukadkad ang hinirang ban~gong magandang bulaklak at isinusuob sa gintong liwayway n~g bagong ninikat nagsasayang araw sa bayan kong liyag. Ang napanaginip n~g m~ga bayani na tadhanang araw sa lahi kong api, wari'y sumisilang n~g sandaling yaong lahát ay nagwagi at pawang naawit n~g m~ga pagkasi. Sampung m~ga ibong payapang magdamág ay iniyunat na ang kaniláng pakpák; sandalíng dumalit bilang isang bati sa nagharíng galák na sinasayawan n~g palundaglundag. Tinig n~g batin~gaw ay sa Konsepsiyón noó'y nagbalita na may kasal doón; sa bibig n~g madla narinig n~g lahat ang kasál na yaón di iba't kay Tuníng na lan~git ni Osong. N~guni't ¿sino kaya ang lubhang mapalad na makikisumpa sa dambanang harap? at ¿si Osong kaya? ¡oh, hinding hindi n~ga't isang taong pantas na kinasilawan sa bunton n~g pilak!... Ito'y si Ruperto na tukod n~g yaman kung kaya nasilaw si Tuning na hirang; kanyang kinalakal pagibig at buhay; puri at katawan na sampu n~g ama'y nakiayon naman. Wala n~ga sa isip n~g sandaling yaon ang pinan~gakuang binatang si Osong at kahi't bahagya wala sa gunita ang nasawing sanggol na tunay mang anak ay ipinatapon. ¡Inang walang awa, pusong salawahan sa tunay mong supling di ka na nahambal!..... ¡m~ga kulang palad!... ¡oh ang nililikha niyang kayamanan! at ¡oh, ang babai, kung siyang masilaw!... Huwag nang lin~guni't bayaang tuman~gis ang pusong dinaya n~g _Oong_ matamis, mahalin mo lamang ang naging bulaklak n~g iyong pagibig at dakila ka rin sa matang nagmasid. Sa pagka't ang inang walang pagmamahal sa tunay na supling na sa puso'y nukal, daig pa ang hayop, na lubhang malupit, marun~gis ang asal n~guni't kung sa anák ay handog ang buhay. At makalilibong masarap sa malas ang isang dalagang sa tangkay nagulap di gaya n~g isáng babaing magtapon sa ilog n~g anak bukod sa may dun~gis, sumpaan n~g lahat ... Subali't ang lahat, di man sumagimsim sa diwa at puso n~g magandang Tuning, natan~ging nagdiwang sa kanyang isipang naglayag sa aliw na «siya'y yayaman kay Rupertong piling.» Sampu ni Ruperto'y di kaya ang lugod sa pagka't kakamtan ang aliw n~g loob; boong pananalig: ang kanyang si Tuning ay piling alindog at wala pang dun~gis sa n~galang pagirog. Kapwa may ligaya ang magkasingpalad; dalaga'y sa kintab at tunog n~g pilak, at ang isa nama'y sa boong pagasang ang ligayang han~gad, sarilingsarili't ang pagsinta'y tapat ... Kasiyahang lubos ang siyang umawit sa puso n~ga nilang hindi matahimik; sa boong lansan~gan, pinahan~ga nila, bawa't makamasid n~g pagtatagumpay noong si pagibig. Kapag salapi n~ga ang siyang nagutos ay payayanigin itong sangsinukob, at sa pagka't kasal n~g isang Rupertong sa yaman ay bantog kung kaya ang handa'y di masayodsayod. Papanhikang bahay ay sakdal n~g dilag at sa palamuti'y natatan~ging agad; palibhasa'y yaman, ang siyang naghari, ang siyang nagatas kaya nagigitla panauhing lahat. Lalo n~g dumating yaong bagong kasal hiyas na ginamit sa yaman ay sakdal; «¡Maligayang bati!» salubong n~g lahat n~g sa puso'y nukal bago nagsidulog sa isang agahan. Sa pagsalosalo ay nakikisaliw tinig n~g musikong gumagara mandin sa m~ga bulaklak, n~g bayang Malabong noo'y nagliwaliw na wari'y nagtipang magsabog n~g aliw. At naging parayso n~g ligaya't lugod pagsasalong yaon n~g m~ga alindog; na sinamantala noong makikisig pusong umiirog m~ga paroparong mababa't matayog. Ang maamong titig, ang mariing sulyap, panibughong n~giti, kilos na banayad, n~g sandaling yaon wari'y umuulang palasong matalas na di sumasala sa puso n~g liyag. Anhin mang lasapin ang mayamang handa di gaya n~g dilag n~g m~ga hiwaga; iyang mapamihag kaligaligayang maningning na tala sa lan~git n~g bayang luoy sa pagluha. Lalo na ang dikit n~g magandang Tuning namamaibabaw sa madlang kapiling, at nakikibagay sa kislap n~g hiyas na lubhang maningning kaya si Ruperto'y nagmamalaki rin. At halos ang puso sa tuwa'y umidlip at busog na busog kanyang m~ga titig, ni ang panauhin, sampung kinakain ay wala sa isip at walang nalabi kundi ang pagibig, Hanggang sa matapos, agahang masarap ay walang naghari kundi pawang galak at sila'y pumasok; ang isang matanda sa lupa'y tumawag: «¡Sa isang naaba'y magdamot n~g habag!...» Ang ama ni Tuning pagdaka'y nagn~gitn~git «¡Palayasin ninyo, matandang marun~gis, nang di mangrimarim, m~ga panauhin sadyang nakisanib sa kaligayahan na dulot n~g lan~git!....» Tugon n~g matanda: «Kung ako'y mayaman ay hindi ganito yaring kalagayan, gulanit na damit di ko isusuot: ako'y masusuklam n~guni't pagka't wala'y inyong pagtiisan. At kung kaya lamang ako'y naparito iyang bagong kasal ay babatiin ko naging sumbat nama'y «¡Huwag kang umakyat at maraming tao na nakahihiya ang abang lagay mo!....» «Di ikahihiya aking kasalatan huwag lang sabihin na sakim sa yaman sa pagka't ang dukha ay di alan~ganin sa harap nino man at isa ring anak n~g poong Maykapal. At sa mundo'y walang nalalagdang batas sadyang nagbabawal sa pakikiharap, n~g isang timawa't kung ipan~gin~gimi ang mukhang mahirap ang sabik sa yama'y lalong nararapat. Kaya itulot nang ako'y makapasok maligayang bati'y aking ihahandog sa m~ga mapalad, n~gayo'y nagsisumpa sa harap n~g Diyos ...» «¡Tuloy na n~ga kayo!....» maasim na alok. Baga man masaklap sa puso at dibdib doo'y patuluyin, matandang marun~gis, ang ama ni Tuning ay namayapa na't nakiayong tikis pagka't sumusugat ang bawa't isulit. Ipinan~gan~gambang baka pa lumala pagbaban~gon puri n~g abang matanda na di dumadaplis ang bawa't ituring sadyang tumatama sa ama ni Tuning, sa mayamang mukha. Kaya't ang matanda nang di tumitinag sa pagkakatayo'y nilapitan agad; «Tayo na po kayo; magtuloy po sila't kusang makigalak sa dakilang araw n~g pagisang palad....» At nagtuloy na n~ga n~g puspos na galang yaong bagong kasal, minatamataan; mana'y may dinukot, sa loob n~g damit na isang larawan at anya'y «¡Oh, Tuning, tanggapin mo laman!..» Pagdaka kay Tuning, pumulas ang luha, mukha ay naglaho, nagapos ang dila; si Ruperto nama'y di rin nakakibo at napipi rin n~ga at ang kain~gaya'y biglang namayapa. N~guni't ang matandang ama n~g babai ay naglakas loob at ipinagsabi: «¿Ano po ang dala at isang larawan n~g batang lalaki na siyang sa lahat ay nakapipipi?» Tugon n~g pulubi'y «Inyo pong kilanlin at ito ay isang kamaganak mo rin ...» yaong bagong kasal, di na nakabata't inagaw nang tambing; «¡Ito ang anak ko, at tunay na supling!...» Tuloy hinimatay; luhang mapapait ang sa kanyang pisn~gi, pagdaka'y dumilig; lahat ay nagulo't nang mahimasmasan, mata'y itinirik: «¡Patawad Osong ko, sa nagawang lihis!... Sa laot n~g dusa, ako'y ipinadpad n~g lubhang marun~gis at masamang palad; nagtaksil n~ga ako't inang nagmalupit sa tunay na anak subalit sa n~gayo'y ¡¡patawad!! ¡¡patawad!!» At untiunti nang, nalagot ang hin~ga at noong maburol sumugod ang ama: «¡Ikaw na pan~gahas, pulubing naghayag n~g lihim at dusa dapat kang mamatay! ¡uutasin kita!...» N~guni't ang pulubi'y umurong sandali; hinubad ang damit at noon nawari, na siya'y si Osong ¡laking pagkamangha; lahat ay nan~gimi at yaon ang giliw n~g babaing sawi! «¡Ikaw na matanda na sakim sa yaman, uhaw sa tungkulin at sabik sa dan~gal, na nan~gan~galakal n~g puri n~g supling ang dapat mamatay at di akong dukhang inyong inagawan!...» At saka umakmang tarakan ang puso noong lilong amang masakim sa ginto; subali't ang lahat pagdaka'y umawat, pagdaka'y bumuno hanggang maibaba't naglapat n~g pinto. N~guni't ¿si Ruperto'y saan naparoon? at ¿bakit nawala sa sakunang yaon? ¡walang makaalam! palibhasa'y lihim na tumakas doong umilag marahil sa n~gitn~git ni Osong. At doon natapos yaong kaguluhan na noong umaga'y isang kasayahan; sa bibig n~g madla, pagpuri't pagkutya, pagbunyi't paguyam ang namumulaklak na lipatlipatan. Hanggang sa lansan~gan, noo'y sumabog na balitang masaklap, mapait na bun~ga n~g han~gad sa yaman; ibang makamatyag lihim na tatawa bago tutuguning «¡Nasawing Pagasa!» ¡Oh, m~ga magulang na silaw sa pilak na nan~gan~galakal n~g puri n~g anak, man~gagnilay sana, bago magsisubo sa guhit n~g palad at baka madapa sa gitna n~g landas!... ¡Oh, m~ga babaing masakim sa yaman pagibig at puri ay niyuyurakan, bumalikwas kayo't inyo nang baguhin ang kinahiligan upang makailag sa kasakunaan!... At tuloy tantoing masarap pang tikis ang pan~galang _dukha_ o _anak n~g pawis_ kay sa sa mayaman, kung pinupulaan n~g bala na't bibig na nakatatalos n~g lihim n~g dibdib. [Larawan] V Nang kinabukasan at gabing madilim sa isang libin~ga'y naglalamay mandin, yaong si Ruperto; sa kinalagakan n~g bangkay ni Tuning doon nakaluhod n~g lubhang taimtim. Ang kapayaang naghahari doon ay ginagambala n~g kanyang pagtaghoy: «¡Ay, sawi kong palad!...» wikang naghinagpis saka idinugtong «¡buhay n~g buhay ko, patawad oh, poon!...» At bago tumayong yumakap sa kurus, luhang mapapait sa mata'y nanagos, matimyas na halik kanyang iginawad saka naghimutok «¡Tuning n~g buhay ko, tanggapin mo irog!... Iyan ay sagisag n~g aking pagibig at nariyan ka man sa bayang tahimik ay di nililimot at sa bawa't tibok n~g puso sa dibdib pan~galan mo lamang, siyang nasasambit.....» Mana'y napailag naganyong bayani, lumayo sa kurus at ipinagsabi: «¡Pusong magdaraya!... ¡papatayin kita! ¡hayo na't magsisi!... ¡kulang palad ka n~ga, nasawing babai!...» Sandaling tumigil at tumawatawa, «¡Aba si Tuning ko, kay ganda mo pala!...» sa harap n~g kurus ay muling lumuhog at humalik siya «¡Tanggapin mo irog at lambing n~g sinta!...» Anaki'y napasong biglang itinulak n~g kurus na yaon noong kulang palad «¡Abá si Tuning ko!... at nagtatampo na, sa aking pagliyag ... ¡ha!... ¡ha!... ¡ha!... ¡ay kahabaghabag!... Hayo na, hayo na, gapasin ang lugod naito ang yaman, kandun~gin mo irog; ¡aba't n~gumin~giti!... ¡pusong magdaraya, salawahang loob, papatayin kita, dapat kang matapos!... At kung ang gaya mo, ay pababayaang lumawig sa mundo n~g dalita't lumbay ay di malalagot, ang m~ga panaghoy, ang m~ga sumpaan ... ¡aba si Tuning ko, nahihiya naman!... N~guni't huwag Tuning, huwag kang tumañgis, ang pagsisisi mo'y aking naririnig; datapwa't irog ko, umahon ka rito't ako ay hahalik sa m~ga pisn~gi mong sakdalan n~g dikit ... ¿Di ka makalabás? sandaling magantay at babawasan ko ang tabon n~g hukay.» Lumapit sa kurus, tinutop ang noong wari'y nagninilay tuloy na binunot ang tanda n~g patay. «Kaunti na lamang, Tuning n~g buhay ko, huwag kang mainip at makakamtan mo; mithing kayamanan, aking hahawiin ang tabon sa iyo ...» at nagkukutkot n~gang anaki ay aso. Sa dulong silan~gan nama'y namanaag masayang liwayway n~g araw n~g bukas, doon sa libin~gan ay siyang pagpasok noong kulang palad binatang si Osong, sawi sa pagliyag. Kanyang aaliwin ang dusa n~g loob dahil sa pagasang sinawi n~g lungkot; sa boong magdamag, ay di mang nagalay n~g munting pagtulog kung di pawang sakit, dalita't himutok. Subali't nabiglang natigil sa landas abang si Ruperto'y nang kanyang mamalas na nagkukukutkot doon sa libin~gan noong kulang palad kasaliw sa hibik ang luhang nanatak. N~guni't di napigil, sigabo n~g poot, patakbong lumapit sa nagkukukutkot; «¿Sino kang pan~gahas, lilong gagambala, kay Tuning kong irog? na namamayapa sa kanyang pagtulog?...» Tugon n~g Rupertong wikang tumatan~gis «¡Ay Tuning!... ¡ay Tuning! ¡maawa ka lan~git!...» at tuloy lumuhod, sa harap ni Osong at siya'y humalik kasabay n~g yakap na lubhang mahigpit. Ang poot ni Osong, lalong naglagablab kanyang iniwaksi, ang pagkakayakap; abang si Ruperto, sa maruming lupa'y nasubasob agad at napahandusay sa libing n~g liyag. Sinakyan ni Osong; pinigil sa batok at ang sundang niya'y madaling binunot, bago iniyakmang «¡Papatayin kita!... ¡dapat kang matapos nang makilala mo kung sino ang Diyos!... ¿At bakit nan~gahas dito sa libin~gan? ¿bakit huhukayin ang sinta n~g buhay? ¡pusong walang bait! kahi't anong sama, n~g taong sino man kapagka namatay, dapat mong igalang..» «¡Tuning ko! ¡Tuning ko!» ang nagiging tugon «¡oh, anong lupit mo, kay lakas mo n~gayon!.» tinablan n~g sindak, ang ating binatang may n~gitn~git na Osong, at ang yapus niya'y ¡tunay palang ulol! Tuman~gis ang puso, nagluksa ang dibdib, sisi, habag, hapis, sa kanya'y naniig, kaya't ibinan~gon; «¡Diyos ko! ¡Diyos ko! ¡mahabaging lan~git, pawa na bang gabi, itong tinatawid!... At bago niyakap, kaharap na baliw «Sa aking inasal ako'y patawarin ...» tumbas ni Ruperto ay isang mataos, halik na mariin, «¡Tuning n~g buhay ko, kay sarap mo giliw!...» «¡Diyos ko! ¡Diyos ko!» ang hibik n~g Osong, «¡pagkalupitlupit lakad n~g panahon!...» at kanyang inakay abang si Ruperto't wikang idinugtong «¡Tayo na! ¡tayo na!...» at sila'y yumaon. Habang lumalakad, dalawa'y nagsabay na isinusumpa ang abang namatay: «¡Oh, Tuning! ¡oh, Tuning!... ¡ikaw n~ga ang sanhi n~g lahat n~g lumbay n~gayo'y tinatawid nitong aming buhay!... At pawa n~g gabing lubhang masusun~git na kasindaksindak, tanghalan n~g sakit, ang siyang sa n~gayo'y laging nilalayag n~g palad na amis, ikaw, ikaw Tuning, ang dahil n~g hapis ... N~guni't masaklap man ang nasapit naming laging naglalayag sa gabing madilim, pumayapa lamang ikaw sa tahimik, mapanglaw na libing at sa amin yao'y kapalaran na rin ...» At doon natapos, ang lahat n~g sumpa doon din tumulo mapait na luha; ¡oh, kahabaghabag na palad ni Tuning, babaing naaba natan~gi ang lan~git, siyang nagluluksa!... ¡Oh, taksil na pita sa dan~gal at yaman, ang lahat n~g ito'y iyong kasalanan; ang busabusin mo, kahi't man umidlip doon sa libin~gan sumpang sunodsunod, walang katapusan!... Pagka't sa bayan mang sinilan~gan niya, bawa't makabatid ay napapatawa at tan~gi sa sumpa, paghabag, pagiring ay isusunod pa: ¡Nasawing Pagasa!... ¡Nasawing Pagasa!... WAKAS PARAÑGAL SA KUMATHA ÑG ¡NASAWING PAGASA! ¡Ang Diwa Mo! _Kasamang Angel!_ _Dahil sa pagkabasa ko ng iyong kathang ¡NASAWING PAGASA! na pangapat na buñga ng iyong panulat, sa pitak ng pahayagang ANG DEMOCRACIA ay natula ko ang sumusunod:_ Nang ikaw ay di ko nakikilala pa't Ang ilan mong katha ay aking mabasa, Akala ko mandi'y isa kang poetang May sapat n~g gulang at pagkabihasa. Oo, akala ko, ikaw'y isa na rin Sa m~ga kilalang Santos, Matanglawin, Peña, Regalado, Mariano't Ben Ruben Na, inuuban na sa gayong gawain. Dahil sa ang iyong m~ga gawang katha Ay nan~gasusulat na lahat sa tula, M~ga tulang hindi pangsira sa wika At bagkus pangayos, pangbuhay sa diwa. N~guni't sa limbagan n~g Pamahalaan Nang aking mamalas iyong kabataan: Yaong paghan~ga ko'y lalong naragdagan At halos di kita mapaniwalaan. Isang katulad mo! isang batangbata Ang makayayari n~g maraming katha; M~ga kathang busog sa m~ga hiwaga ... At bihibihira ang nakagagawa? Sinong di hahan~ga sa dunong mong angkin Lalo't sa lagay mo, ikaw, uuriin? Ah! di sa pan~galan lamang ikaw Angel! Sa puso ma't diwa ikaw ay Angel din! Angel ka n~gang buhat doon sa Olimpo Na pinaparito n~g diyos Apolo, Upang makatulong sa pagbungkal dito N~g mina n~g Wika nating Pilipino. Na, nan~gatatago sa parang at gubat At sa m~ga bundok na lubhang mataas; Sa sapa at batis sa ilog at dagat Na puno n~g m~ga magandang alamat. Ang kasangkapan mo na iisaisa Ang nan~gagagawa ay katakataka, Sa sama'y pangbuti, sa dun~go'y pasigla Sa sira'y pangbuo't pangaliw sa dusa. Kasangkapang laging laan sa pagdamay Sa nan~gaaapi at nahihirapan, Mabait na guro sa han~gal ó mangmang, Sulong maliwanag sa nadidiliman. ¡Oh, ang íyong diwa na nagpapagawa Sa iyong panitik na gintong mistula, N~g m~ga puntahing banal at dakila Sa ikabubunyi n~g sariling Lupa!... Bayaan mong ako'y magpilit tumugtog Sa aking kudyaping mahina at paos, Tanda n~g paghan~ga at pagpuring lubos Sa m~ga gawa mong dakila at bantog. LEONARDO L. GOMBA. Maynila, S.P., Abril, 1910. [Mga Patalastas] [Mga Patalastas] --- Provided by LoyalBooks.com ---