Books Should Be Free
Loyal Books
Free Public Domain Audiobooks & eBook Downloads
Search by: Title, Author or Keyword

Patnubay nang Cabataan ó Talinhagang Buhay ni Eliseo at ni Hortensio   By: (1843-1908)

Book cover

First Page:

[Transcriber's note: Two diacritical marks on g were used by the original publisher of this book. We have marked breve g as [)g] and tilde g is marked as ~g.]

[Paalala ng nagsalin: Dalawang klaseng tuldík ang ginamit sa g ng orihinal na naglimbag ng librong ito. Minarka namin ang breve g na [)g] at ang tilde naman ay minarka ng ~g.]

PATNUBAY NANG CABATAAN

Ó

TALINHAGANG BUHAY

NI

ELISEO AT NI HORTENSIO

NA QUINATHA

NI JOAQUIN TUASON

nang may cunang uliran ang sinomang babasa.

Inihandog sa calinislinisan at lubhang

MAPAGCALIÑGANG PUSO NI MARÍA

Sa dulo,i, linag yan nang isang pagpupuri

CAY S. LUIS GONZAGA

TAÑGING PINTACASI NANG CABATAAN

May lubos na capahintulutan

MANILA

Establecimiento Tipográfico de Modesto Reyes y C.^{a}

Salcedo núm. 190 (Sta Cruz)

1901

¿Quod mimus Reiplublicae majus, meliusve affere possumus, quam si docemus, atque erudimus juventutem? Cic. II, de Div.

SA CALINIS LINISAN AT LUBHANG MAPAGCALIÑGANG PUSO NI MARÍA

O Pusong hindi man nalahirang libag nang sala ni Adang minana nang lahat, magsaganang bucal na di na aampat pagdaloy nang aua sa balang dumulog na napalilin~gap.

Cutang sadyang tibay na nacababacod sa canino pa man palaring pacupcop, mariquit na jarding hindi mapapasoc nang lalong pan~gahas, sucab na caauay at may budhing hayop.

Oh daong ni Noé, na pinagpitagan nang gahasang tubig sa mundo,i, gumunao, tantong maliligtas sa capahamacan ang lumulang tauo, cahima,t, busabos na macasalanan.

Gayon ma,i, ang lalong iyong quinucupcop ang napa aauang malinis na loob, ipinan~gan~ganib ang lubhang marupoc na catauang lupa na sa ati,i, laguing naquiquihamoc.

Caya ang samo co, Pusong lubhang uagas; aco,t, ang babasa,i, tapunan nang lin~gap, na houag itulot cami,i mapahamac habang nabubuhay sa balat nang lupang lipos nang bagabag.

Mapagpalang Ina,i, iyong calin~gain aco nang Puso mong lubhang mahabaguin; houag pabayaang quita ay purihin sa mundo, at saca doon sa cabilang buhay caaua yin.

Cundi ang luhog co,i, yaring pagdiriuang n~gayon sa dan~gal mo, buti,t, cariquitan, lubos na lumagui habang aco,i, buhay at hangang sapitin yaong bayang puspos nang caligayahan.

JOAQUIN TUASON.

Sa mañga dalagang babasa nito.

Cung capanahunan nang pamumucadcad nang balabalaqui na man~ga bulaclac, sa mata at puso,i, nagsisipag gauad nang caligayahang lubhang aliualas.

Di sucat masabi ang pagcacalin~ga nang baua,t, may ari na nag aalaga,t, baca cun malanta ang pananariua tambing na malagas, lumagpac sa lupa.

Sapagca n[)g]a,t, cayo ang nacacatulad nang aquing binanguit na man~ga bulaclac, at capanahunan nang pamumucadcad nang sigla nang iyong catauang marilag.

Sa arao at gabi pauang caaliuan sa iyo ay halos ang pumapatnubay, ang dusang mapait bahag ya na lamang ihandog ang caniyang lilong caban~gisan.

Ang masayang tinig nang man~ga música ay iguinagauad sa inyo touina; sa bayan ó nayon, cayo ang ligaya anopa,t, cauan~gis nang man~ga sampaga.

Alin mang ligaya anaqui ay culang cundi macasama ang cadalagahan, malungcot ang bahay, ualang cahusayan ito,i, hindi sucat ipag alinglan~gan.

Cayo n~ga ang laguing hinahanap hanap nang ibig cumita nang maguiguing palad; baga ma,t, cung minsa,i, napapauacauac ang mapanibulos sa inyo,i, lumiyag.

At cayo rin naman ang guinagauaran nang labis na puri at lampas na galang, sa inyo ay madla ang nag uunahan sumunod nang baua ninyong maibigan.

Bagama,t, marahil ang inadhica,i, ang bun~ga nang inyong pagcapan~ganyaya, cahima,t, di ninyo sinasapantaha,t, malayong malayo uari sa gunita.

At sa inyo naman aquing inihandog yaring duc hang gugol nang isip na capos, marapatin nauang tangapin nang loob ang inadhica co na icalulugod.

Sa oras na tila ibig mamanglao ang dibdib na gaui sa caligayahan: at nang sa pagbasa ay houag manamnam ang saclap na gauad nang capighatian... Continue reading book >>




eBook Downloads
ePUB eBook
• iBooks for iPhone and iPad
• Nook
• Sony Reader
Read eBook
• Load eBook in browser
Text File eBook
• Computers
• Windows
• Mac

Review this book



Popular Genres
More Genres
Languages
Paid Books